Napahawak sa ulo niya si Shaymay dahil sa matinding kirot na kanyang naramdaman. Dahan-dahan siyang nagmulat ng mga mata at nagtaka siya dahil nasa loob na siya ng kweba. Kunot noong nailibot niya ang kanyang paningin, nandon ang ilan nilang kasamahan kasama ang kanilang pinuno. "Gising ka na pala Ening, ano bang naisipan mong bata ka at sumugod ka ng mag-isa ha?! Kung nahuli lamang ako siguradong bangkay kana ngayo o baka mas malala pa ang nangyari. Baka gawin ka nilang katulad nila o gawin kang kauri ng mga zombie na nasa turil!" medyo mataas ang boses ng kanilang pinuno pero mas nangingibabaw ang pag-aalala sa tono nito. "P-Patawad po pinuno, hindi ko lang po talaga maatim na magwalang bahala ako. Kaya lang po hindi ko akalaing kukuha muli sila ng bihag. B-Binaboy nila ang bihag pin