Kabanata 4

1882 Words
"Lyka, bakit ka ba nagkakaganyan? Hindi mo manlang ba ako patutuluyin? Napakahaba ng aking nilakbay para puntahan ka lang pero ito ang isasalubong mo sa akin? Talaga bang ang magaling mong asawa na lamang ang mahalaga sayo?" may himig ng hinanakit na wika niya dito. "Hindi sa ganon Kuya, mahal na mahal ko kayo lalo na si Mama ngunit mas mapapahamak ka lamang kapag nagtagal ka pa sa lugar na ito," lumuluhang pahayag ng kanyang kapatid. "Ano bang mapapahamak Lyka? Kasalanan na bang dalawin ka ng kapatid mo ngayon? Iyan ba ang nais ng magaling mong asawa?" nagtagis na ang kanyang bagang sa isiping pinagbabawalan na ang kanyang kapatid ng asawa nito na makipag-usap o makipagkita sa kanila. Batid niya sa mga mata ng kanyang kapatid na nananabik itong makita siya at ang kanyang Mama. Bakas din ang kasiyahan nito mga mata nito ngunit nandoon din ang takot. Nais niya itong tanungin kung bakit at ano ang dahilan ng pagkatakot nito ngunit hindi niya magawa dahil pilit siya nitong itinutulak palayo habang umiiyak. "Please Kuya, parang awa mo na umalis ka na habang hindi pa huli ang lahat. Isipin mo na lamang na hindi mo ako nakita o mas mainam na isipin ninyo na lamang na patay na ako." wika nitong umiiyak habang itinutulak siya. "K-Kahit nasa bingit ng kamatayan ang Mama, asawa mo pa rin ang pinipili mo. Nabilog na nga niya ang iyong ulo, ngunit hindi ako papayag! Hindi ako aalis dito ng hindi kita kasama!" mariing pahayag niya. Umiyak lamang si Lyka habang patuloy pa rin sa pagpapa-alis sa kanya. Napasuntok na siya sa bakod dahil sa matinding galit para sa asawa ng kanyang kapatid. Alam niyang ito ang may kagagawan kaya ayaw ng umuwi ni Lyka sa kanila. Gusto niyang makausap ang walang hiya nitong asawa kaya kahit pa ipagtabuyan siya ng kanyang kapatid hindi talaga siya aalis. "Oi, aba may bisita ka pala mahal kong asawa," wika ng asawa ni Lyka na noo'y nasa likuran na pala niya. Nilingon niya ito, nakangiti ito sa kanya o mas tamang sabihin na nakangisi. Agad na nilapitan ni Lyka ang asawa nito, kunot noo naman siyang nakamasid sa kanyang kapatid nagtataka siya sa kilos nito. Mapapansin ang pangangatal ng katawan nito, maging ang labi nito ay medyo nangangatal na din at animo takot na takot. "A-Asawa ko, si kuya Jovannie nadalaw lamang s-siya ngunit a-aalis na rin siya ngayon din," kandabulol na sabi nito sa asawa. "Aba, ikaw pala iyan Kuya Jovannie nadalaw ka sa aming payak na lugar? Marahil ay mahalaga ang iyong sadya sa amin," wika nito na pailalim ang tinging ipinupukol sa kanya. Kitang-kita niya iyon dahil sa sulong hawak-hawak ni lyka. Hindi nagugustuhan ang asal nito, bait-baitan ngunit halata ang pagkadisgusto nito ng makita siya. Ipinahalata din niya ang pagkadisgusto niya dito. "Mahalaga nga Jovannie, nais kong isama pabalik ng Manila ang aking kapatid dahil ang aming Ina ay may malubhang karamdaman. Sa totoo lamang may taning ang kaniyang buhay kaya hindi siya magtatagal pa sa mundong ito kaya naman ang nais niya bago manlang siya pumanaw ay muling makita si Lyka at maging ang kaniyang apo," wika niya. Ngunit sa kaniyang pagkagulat marahas nitong hinawakan ang kamay ng kanyang kapatid at pinandilatan ito ng mata. "Aba at may balak ka pa yatang sumama! Ano tatakasan mo ako ha?!" singhal nito. "H-Hindi mahal, a-aalis na nga si kuya ei!" takot na wika nito. "Siguro naman hindi kana magpipilit na isama ang asawa ko dahil ayaw niya!" singhal nito sa kanya kasabay ang maalim nitong titig at paghalakhak. Tila umahon ang lahat ng galit sa puso niya gusto niya itong sugurin ngunit pinigilan niya ang kanyang sarili alang-alang sa kaniyang kapatid. "Tsaka mamamatay na rin naman ang Nanay nyo kaya bakit pa uuwi si Lyka, wala naman siyang magagawa pa doon!" nakangisi nitong pahayag na sumagad na talaga sa kanyang pasensya. "Aba't tarantado kang hayop ka!" sa sobrang galit ni Jovannie nasuntok niya sa mukha ang bayaw. Ngunit laking panghihilakbot niya ng matalupan ang parte ng panga nitong tinamaan ng kanyang kamao. Naglaglagan doon ang mga uod na puti na tila sarap na sarap sa pagkain ng laman sa panga nito. Tila demonyo itong ngumisi sa kanya. Ngunit mas lalo siyang kinilabutan ng unti-unting bumalik sa dati ang mukha nito. Nanlalaki ang matang nakatingin lang siya dito, kahit nais niyang kumaripas ng takbo hindi niya magawa. Tila nawalan ng lakas ang kanyang mga paa ng oras na iyon. "Ngunit kung mahal mo talaga ang iyong Ina, dalhin mo sya dito sa SITIO SINAKULO! Dito mabubuhay siya kahit ilang daang taon pa!" wika nitong muli, sinabayan pa ng halakhak na tila sa isang demonyo na lalo namang nagpatindig ng kanyang balahibo. Halos manlaki ang kanyang ulo sa nasaksihan, hindi niya nagawang magsalita kahit parang wala siya sa sariling nasundan na lamang ito ng tingin ng tuluyan na itong pumasok sa kabahayan. Ang kanyang kapatid naman ay tila nag-iisa't dalawa kung lalapitan siya o susunod na sa asawa. Tila naiiyak na tumingin ito sa kaniya at agad na sumunod sa asawa nito ngunit natauhan siya, mabilis siyang sumunod dito at hiniklas ito sa braso. "Ano ba kuya?! Umalis ka na, mas mainam na madaliin mo ang paglisan sa lugar na ito, marahil sapat na ang iyong nasaksihan para hindi mo na naisin pang bumalik pa dito!" asik ni Lyka sa kanya ngunit mahihimigan ang takot sa boses nito. "Isa ka na rin ba sa kanila?" mahinahon ngunit mariing tanong niya. "Hindi Kuya, normal pa ako ngunit wala na akong magagawa pa sa sitwasyon kong ito, ako rin ang nging dahilan kung bakit siya nagkaganyan. Kaya mas mabuti pang kalimutan mo ng may kapatid ka, kalimutan mo na ako at wag na wag ka ng babalik sa lugar na ito," wika nito. "Hindi, mas kailangan kitang isama sa pagbalik ko sa Manila hindi ka dapat nakikisama sa halimaw mong asawa! Tayo na kapatid ko, itatakas kita dito kasama ang iyong anak." wika niya sabay yakap dito, ramdam niya ang panginginig ng katawan nito. Tuluyan na itong umiyak, ramdam niya ang takot nito. "Kuya, mahal ko kayo ni Mama kaya please lang umalis kana at wag na wag ka ng babalik pa dito, isipin nyo na lang na patay na ako. Ayokong mapahamak ka dahil sakin kaya please lang umalis kana sa lalong madaling panahon dahil batid kong sa mga sandaling ito alam na ni Ezekiel na may dayong napadpad dito. Please lang kuya mangako ka na mabubuhay ka, gawin mo ang lahat para makalabas ka ng buhay sa lugar na ito," umiiyak na pahayag nito ngunit minabuti nitong hinaan ang boses. "Pero pano ka Lyka? Hindi ko maaatim na iwan ka dito pati na ang pamangkin ko kasama ang halimaw mong asawa. Sige na, ngayon din ay aalis tayo kahit ang mga anak mo na lamang ang dalhin mo," pangungumbinsi pa rin niya dito. "Kuya, hindi maaari dahil papatayin niya kami at pati na ikaw kaya please umalis ka na. Makikiusap ako sa kaniya na hayaan ka niyang makaalis," pakiusap nito ngunit alam niyang hindi ganon ang mangyayari, halimaw na ang asawa nito at hindi niya alam kung ano ang kahayupang gagawin nito sa kaniyang kapatid. Kaya naman nakapagpasya siyang kahit anong mangyari hindi siya papayag na hindi ito isama. "Halimaw ang asawa mo Lyka, hindi siya tao! Hindi ko alam ang dahilan o nangyari sa lugar na ito basta ang alam ko lang nasa pamgganib ka at ang pamangkin ko kaya dapat lamang kitang iligtas. "Ligtas kami dito Kuya, ligtas ako hanggat hindi ko siya iniiwan. Dahil sa oras na iwan ko siya papatayin niya kami at pati kayo nina Mama iyan ang banta niya sa akin. Gagawin nila tayong mga bangkay na gumagalaw naayon sa gusto nila, pero kung mananatili ako dito magiging ligtas tayong lahat. Hindi naman siya ganon kasama Kuya ei, mahal pa rin niya kami ng anak niya kaya please lang, dapat ka ng makalayo sa lugar na ito bago mahuli ang lahat." wika nito sabay tulak sa kaniya ng paulit-ulit. "Hindi!Hindi ako aalis dito!" mariing tanggi niya. Maya-maya ay umalulong ang mga asong ligaw, may mga narinig din siyang mga yabag na tila papalapit sa kanila. Maging ang kaninang bahagyang mainit na hangin na dumadapyo sa kaniyang balat ay mas umiinit na rin. Nakakapagtaka kung saan nagmum ula iyon. "Kuya please, sige na umalis ka na! Papaparating na sila! Pleaseeee!" pakiusap nito. Natataranta na ito, pinagtutulakan siya. "Pero Lyka!" "Sa may paanan ka ng bundok dumaan Kuya, doon maiiwasan mo ang mga alagad ni Ezekiel kung sakaling tutugisin ka nila. Gawin mo ang lahat para buhay kang makabalik kay Mama, mas kailangan ka niya kesa sakin, pakisabi na mahal na mahal ko siya," wika nitong umiiyak tsaka mahigpit siyang niyakap. "Babalik ako kapatid ko, ipinapangako kong ililigtas kita!" yon lang at mabilis na siyang naglakad patungo sa deriksyong sinasabi nito, at iyon ay sa paanan ng bundok. Pabilis ng pabilis ang bawat paghakbang niya hanggang sa naging takbo na iyon ng maramdaman niyang marami ang sumusunod sa kaniya. Nasa kasukalan na iyon, papasok sa kakahuyan sa may paanan ng bundok. Maliwanag ang buwan kaya naman di na siya nag-abala pang buksan ang flashlight na nananatili niyang hawak. Matinding kaba ang kanyang nadama ng marinig niyang tila pabilis din ng pabilis ang mga yabag na sumusunod sa kanya. Naririnig na rin niya ang mga nabaling tuyong sanga na marahil natatapakan ng mga ito. Mabilis siyang tumakbo pero sa palagay niya anumang oras ay aabutan siya ng isa sa mga ito. Kaya nag-isip siya kung papanong malalansi niya ang mga ito, hindi siya makakapayag na sa kamay lang ng mga halimaw na ito siya mamamatay. Kailangan siya ng kaniyang Mama, kapatid niyang si Lyka at ng kaniyang mga pamangkin. Mabilis niyang hinubad ang kaniyang jacket, may nakapa siyang bato sa may paanan niya, mabilis niyang ibinalot sa jacket ang bato at ubos lakas na inihagis iyon sa kabilang panig niya. Naisip niya na baka naaamoy ng mga ito ang amoy niya na normal na tao, kaya ginawa iyon para mailigaw ang mga ito. Ganon din ang nilikhang ingay ng batong kaniyang inihagis nagbakasakali lang din siyang mailigaw nito ang mga humahabol sa kanya. Narinig kasi niya na may lumalagaslas na tubig sa kabilang panig at doon niya minabuting magkubli. Laking pasasalamat niya ng makita ang mga anino ng mga ito na tumakbo sa deriksyon kung saan niya inihagis ang bato. Maliwanag ang buwan niyon, kitang-kita niya ng lumagpas ang mga ito sa kanyang pinagkublihan kaya parang nabunutan siya ng tinik ng matiyak na nakalayo na ang mga ito. Tatayo na sana siya ng biglang may dumamba sa kanya, natiyak niya na isa ito sa mga humahabol sa kaniya lalo pa at napakabaho ng katawan nito. Isang malakas na sipa ang pinakawalan niya, natamaan ito sa mukha ngunit gaya ng nangyari sa asawa ni Lyka, napilas lang ang panga nito animo bulok na naglaglagan at maging ang mga uod na nagpipiyesta sa nabubulok na nitong balat. Ngunit dagli lang iyon dahil bumalik lang din agad ito sa normal. Hindi niya lubos maisip kung papano nangyayari ang ganong bagay sa mga ito ngunit isa lamang ang ibigsabihin niyon. Nasa panganib siya, at hindi niya alam kung papano lalabanan ang halimaw sa kaniyang harapan na tila walang kamatayan. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD