"Oh, kasama nyo pala si Mira Ate?" tanong ni Lyka. "Ha? Hindi, baka ibang tao yan!" tila nahihintakutang sagot nito. "Tiyang si Mira po yon! Hindi po sya namatay? Buhay po pala sya?!" maaliwalas ang mukhang wika naman ng kanyang anak. Tangka na niyang bubuksan ang tarangkahan pero agad siyang napigilan ni Minerva. "Wag! Lyka! M-Mapanganib!" pabiglang sabi nito tsaka hinarangan siya para hibdi makalapit sa pinto. "Ate, si Mira ang nasa labas panong delikado?" takang tanong niya. Tumingin ito sa mga anak niya, tila sinasabing paalisin niya ang mga ito. "Lila, Alonzo, doon muna kayo sa kwarto ha. May pag-uusapan lang kami nina Tiyang nyo ha," utos niya sa mga ito. "P-Pero Mama si Mira po ang nasa labas, hindi po ba natin siya papapasukin?" tanong naman ni Lila na animo nagmamaka