17

3120 Words
"Maganda ang gown ko for tomorrow. I'm sure na ako ang mananalo ng Queen of the Night!" malakas na sabi ni Natasha.  Napalingon kami sa kanya habang sinasabi iyon. Lunch namin at nag-uusap ang lahat para sa gaganaping J.S promenade bukas.  "Nakakawalan naman ng gana." sagot ni Chari.  Masyadong tumaas ang confidence ni Natasha matapos niyang manalo bilang Ms. Intramurals. Andami na ring nanliligaw sa kanya lalo na at binalandra niya ang maganda niyang katawan noong pageant.  "Unlike ng iba diyan. Surely, mukha silang yaya tomorrow. Right, girls?" natatawang tanong ni Natasha sa mga barkada niya.  "Eh kung buhusan kaya kita ng mainit na sabaw para manahimik ka?" bulong na sagot ni Chari dito.  Nakita ko namang tinapik siya ni Sebastian at pinipigilan na huwag ng makihalo doon.  "Arte kasi. Akala mo naman...crush na crush ka niyan. Pumunta ka na nga sa kanya." inis na sabi ni Chari.  Nagsalubong naman ang kilay ni Sebastian, "Bakit napunta sa akin? Iniiwasan lang kita na makipagtalo sa mga ganyan ang ugali." sabi ni Seb dito. "Pinagtatanggol mo di ba? Titig na titig ka nga sa katawan niya nung pageant." sagot pa ni Chari dito.  "Bakit nadamay ako diyan? Kung ano-ano na naman naiisip mo, Charlotte." ani ni Sebastian dito.  "Seb! What are you going to wear tomorrow? Mine's black! What about you?" tanong ni Natasha dito.  "Kumakain kami. Kapag hindi kami natunawan. Yari ka sa akin! Umalis ka nga dito." mataas na boses na pagpapaalis ni Chari dito.  Natasha rolled her eyes, "I'm not talking to you, witch. Hindi naman ikaw ang pinunta ko dito."  Nagtaas ako ng kilay sa sagot ni Natasha. Sasagot na rin sana si Olivia ng naunahan kami ni Chari.  "Kaibigan ko ang pinunta mo dito. Kaya kung gusto mong maging maganda yang mukha mo para bukas ay umalis ka rito. Tsupi!" tinulak pa ito bahagya ni Chari.  "Okay! You don't need to touch me!" maarteng sabi ni Natasha bago umalis.  Ramdam namin ang init ng ulo ni Chari mabuti na lang at kinailangan din umalis nila dahil may practice sila ng cotillion. Kakaunti lang natira sa section namin at siguradong walang ipagagawa  ang mag teachers namin dahil iilan lang kami.  Nagsisimula na ang tugtog sa ibaba ng nagdesisyon kami ni Chari na manood sa kanila. Excused din kasi si Sebastian dahil sa tradition na passing of responsibilities. May speech ito na kailangan bigkasin para bukas.  Naupo kami sa hagdan ni Chari habang pinanonood silang sumasayaw. Kasama si Olivia sa cotillion kaya kami lang naiwan.  "Ang gaganda nila di ba?" wala sa sariling tanong ko.  "Maganda sila except sa isa diyan. Akala mo naman talaga na ang ganda-ganda niya." iritableng sabi ni Chari. Bad trip na bad trip kasi talaga ito kay Natasha.  "Hayaan mo na siya. Inggit lang talaga iyon sa iyo," sabi ko sa kanya.  "Ano namang ikaiinggit niya sa akin? Siya itong mayaman at maganda at may siguradong isusuot bukas tapos naiinggit sa akin? Kung hindi naman talaga sadyang eng-eng yan. Ay ewan ko na lang talaga!"  Tinapik ko sa balikat si Chari habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa mga sumasayaw. Nakiki-extra na lang din ako sa pinagtatrabahuhan niyang karinderya. Taga-hugas lang naman. Ayos na rin iyon dahil arawan ang pasahod at may libre pang ulam kapag may natitira sa karinderya.  "Aatin ka naman bukas di ba?" tanong ko sa kanya.  "Oo." tipid na sagot niya.  Tumango ako sa kanya. Ayos na iyon. Ang importante ay makadadalo siya sa JS.  Ang mahalaga naman ay masulit din niya ang mga sandaling mayroon kaming ganito.  "Nga pala. Kumusta kayo ni Kuya Leon?" bigla niyang tanong sa akin.  Naputol ang tingin ko sa mga sumasayaw at kinakabahang nilingon siya. Paano nito nalaman? Ngumisi si Chari sa akin, "Paanong hindi ko mapapansin. Laging nasa stall natin  noong Intrams. Kulang na lang ay tumambay o kaya ubusin ang laman. Imposible namang dahil sa akin iyon. Kaya sigurado ako na ikaw ang dahilan." sabi niya sa akin.  Kinakabahan kong iniwas ang tingin sa kanya at binalik ulit sa mga sumasayaw. Pero hindi ko na halos maintindihan ang ginagawa nila kaya nilingon ko ulit si Chari na nakangisi pa rin sa akin.  Hinampas niya ang braso ko, malakas, dahilan para bumalik ako sa sarili ko. "Ayos lang yan! Bagay kayo! Sa totoo niyan, deserve natin na sumaya talaga. May Sebastian ako na laging nasa tabi ko. Mabuti na lang din na mayroon kang Leon sa tabi mo.  Kaya huwag kang mahiya." dagdag pa niya.  Ganun lang kadali sa kanya iyon? Gusto kong i-open up pero hindi ko alam kung paano. Bago lang naman sa akin ang lahat ng ito kaya hindi ako sanay na sabihin sa iba yung nararamdaman ko.  Pakiramdam ko ay mali na magkagusto sa mas may-kaya sa buhay.  "Kayo na ba?" tanong niya sa akin. Iling ang sinagot ko sa kanya. Mahal ako ni Leon at alam ko iyon, ganun na rin naman ang nararamdaman ko para sa kanya.  Pero nirerespeto niya yung desisyon ko na hindi muna kami maaaring sumabak sa relasyon kaagad. Bata pa ako. Kaka-16 ko lang noong nakaraan at 18 lang naman si Leon.  "Pero gusto mo siya?" tanong sa akin ni Chari.  Nilngon ko ulit si Chari bago tumango sa kanya. Lumaki ang ngiti ni Chari at maya-maya lang ay parang kiti-kiti na kinikilig sa isang tabi.  "Gosh! Akala ko manhid ka! May feelings ka rin, mare!" nakangiting sabi ni Chari bago ako niyakap. "Teka...alam ba niya na gusto mo siya?" Tumango ulit ako bilang sagot sa kanya. Mas lumakas ang impit na tili ni Charlotte habang nakatingin sa akin.  "Bagay kayong dalawa! Basta huwag mo kong kakalimutan kapag kayo na ah. Chika mo sa akin." habol pa niya.  Tipid na tumango na lang ako sa kanya bilang sagot. Hindi naman na nag-usisa si Chari sa akin pero ramdam ko na marami pa siyang gustong itanong sa akin kaya lang nirerespeto niya ako at hindi na gaanong nagtanong.  Si Olivia ay hindi ko na rin naman sinabihan pa dahil alam kong  alam naman niya ang kung anong mayroon sa amin ni Leon. Tanggap naman niya ako kahit wala pa kami sa pormal na relasyon ni Leon.  Nang mag-uwian ay hindi ako dumiretso sa bahay. Nagpunta ako ng San Rafael para bumili ng mga kakailanganin ko bukas. Hindi naman kasi ako matutulungan ni Nanay dahil lagi silang wala ni Tatay sa bahay.  May bagong tayong pamilihan kasi sa San Rafael at dinarayo iyon. Titignan ko lang kung makabibili ako ng mga pang-ayos doon para bukas.  Wala akong ideya sa mga bibilhin ko kaya titignan ko na lang mabuti yung mga label nila.  Natutunan ko naman sa T.L.E namin ang tamang pag-aayos sa sarili. Ayos na sigurong gabay iyon.  May listahan ako ng mga dadamputing gamit tulad ng foundation, eyeshadow, blush on, at lipstick. Iyon lang naman ang alam kong gamit na kailangan para sa make up.  Sigurado rin naman ako na matatambak ko lang iyon sa mga darating na araw pagkatapos ng event.  Umakyat na ako para makapasok sa mall na iyon. Iniwan ko lang ang bag ko sa iwanan ng gamit at pumasok na. Puno ng mga kagamitang pang kusina at iba pang gamit ang bagong tayong mall na iyon. Pwede na siyang school supply shop sa gilid, pwede na rin siyang pamilihan ng mga grocery sa isang bahagi pa.  Nagtungo ako kaagad sa cosmetic section. May ilang mga naroon din at nagtitingin. Nakita ko kaagad ang hinahanap ko kaya lang marami palang brand para doon. Yung pinakamura na lang ang kinuha ko at yung sasakto sa kulay ng balat ko. Hindi ko naman kinakailangang gumastos ng mahal para lang sa make up. "Mas bagay ang red na lipstick sa 'yo, Ma'am." ani ng sales lady na nakita ako.  "Po?" tanong ko sa kanya.  Inumang niya sa akin ang red na lipstick, kinuha pa niya ang kamay ko at nagpahid dito. "Mas kitang-kita sa maputi na katulad ninyo ang pulang lipstick." sabi niya sa akin.  "Para saang event po ba?" dagdag na tanong niya sa akin.  "JS po." tipid na sagot ko.  "Eto po talaga. " alok niya ulit sa lipstick na hawak.  Tinanggap ko na ang alok niya na ganung kulay ng lipstick ang gamitin ko.  Kumuha siya ng bagong stock at inabot sa akin.  Didiretso na sana ako sa cashier ng makakita ako ng isang bracelet na gawa sa tali, para itong hinabi-habi ang disenyo. Kulay itim iyon na may maliit na bilog bilang pendant.  Si Leon kaagad ang naisip ko.  Wala sa sariling dinampot ko iyon. Ireregalo ko sa kanya. Alam kong simple lang iyon at hindi kagandahan. Bibigyan ko na lang siya ng bago at mas maganda kapag nagkaroon na ako ng pera. Bumili na lang din ako ng clip na gagamitin ko para bukas. Sisimplehan ko na lang ang ayos ko dahil hindi naman ako marunong mag-ayos ng bongga sa sarili.  Umuwi na rin ako pagkaraan. Wala naman na akong ibang gagawin pa sa San Rafael.  Ako na lang ang nag-ayos sa sarili ko para sa araw na ito. Katulad ng dati ay wala na naman sina Nanay at Tatay sa bahay. Hindi ko na rin hinahanap dahil sanay na ako. Nagtatago na lang siguro sila sa pinag-utangan nila.  Kahapon ay nagpunta ako sa San Rafael para bumili ng mga gagamitin ko ngayong araw. Wala akong ideya sa gagawin ko basta natatandaan ko naman yung ginawa sa akin noon ng mga taga-ayos ni Senyora Tamara.  Naligo na ako at simpleng button dress muna ang sinuot ko para madali na lang kapag nagpalit ako nung gown.  J.S prom namin ngayon at sa totoo lang ay sobrang hirap na walang gumagabay sa akin. Madalang pa sa madalang ang pag-uwi nina Nanay at Tatay. Nalaman ko lang noong nakaraan na hindi lang kina Ma'am Dianne may utang ang mga magulang ko. May iba pa pala. Iyon ang pinagtataguan nila.  Sa totoo lang nahihirapan talaga ako.  Bumuntong hininga na lang ako. Kahapon nakakita ako sa parlor ng isang babae na nakaayos. Tiyak J.S din nun kasi ang ganda-ganda niya. Iyon na lang sana ang gagayahin kong buhok kaya lang masyadong komplikado.  Maganda naman ang buhok ko, mabuti na nga lang at may kulot ang ibaba nun kaya hindi na kailangan masyadong bonggahan ng ayos.  Sinikop ko ang buhok ko at nilagay sa balikat ko. Naglagay lang ako ng dalawang clip na magkatabi sa gilid, may bato-bato lang na disenyo yung clip kaya nagandahan ako.  Nanginginig man ang kamay ko ay sinimulan ko na rin ang paglalagay ng kolerete sa mukha ko. Wala talaga akong kaalam-alam dito! Nilagay ko muna ang foundation na tawag nila sa mukha ko. Hindi makapal at hindi manipis, saktuhan lang para matakpan yung kinaiinisan kong mga kung ano sa mukha ko.  Nagpahid din ako sa bandang leeg ko.  Dahil maputi na ako ay dumoble pa ang puti nito sa balat ko. Hindi ko alam kung ayos lang ba iyon o ano.  Makapal naman na ang kilay ko kaya hindi ko na iyon ginalaw pa. Naglagay lang ako ng kulay sa talukap ng mata ko. Makapal pa nga ang una kong nilagay kaya nagmukha akong clown.   Kinailangan ko pang alisin iyon para  maayusan ko ulit. Nagpahid lang ako ng light na isang kulay doon. Naglagay na lang din ako ng pampapula sa pisngi at lipstick na hindi masyadong matingkad ang pagkakapula. Sa kabuuan ay ayos na ako sa itsura ko pero siguradong ako ang may pinakasimpleng ayos.  Wala namang kaso sa akin, gusto ko lang maranasan talaga ang event na ito.  Sinuot ko na ulit yung gown na sinuot ko noong final walk ko bilang isang Ms. Intrams. Wala naman sigurong manghuhusga kahit ganito lang ang suot ko.  Mabuti na lang at kasya pa rin sa akin. Nahirapan lang ako sa bandang dibdib  dahil medyo sumikip iyon pero maayos pa naman ang hubog sa katawan ko.  Sinuot ko na lang din ang high heels na kapareha nun at ang kwintas na bigay ni Leon noon. Yung kwintas na bigay daw nila Ma'am Lena sa akin. Kinuha ko na ang purse na kapares nito at nilagay ko doon ang kaunting pera ko at panyo na rin.  Alas-sais ang simula ng program kaya sakto lang ang dating ko. Nag-abang na lang ako ng tricycle na masasakyan papunta sa lugar sa school namin.  Ang hirap pa ngang makahanap dahil may ilang naghahatid din sa ibang eskwelahan.  "Ang ganda naman niyan! Talagang bagay na bagay na Ms. Intrams namin!" puri nila Allen pagpunta ko sa table namin.  Tipid na nginitian ko lang sila. Nag-aya silang kumuha ng larawan na hindi ko naman tinanggihan. Pasado alas-sais na rin ay wala pa si Chari. Narito na si Sebastian pero wala pa si Chari.  "Di ba aatin siya?" pag-kumpirma sa akin ni Seb.  Tumango ako sa kanya pero hindi ko talaga sigurado kung darating si Chari. Nag-aalala siya na wala rin naman siyang isusuot.  Pinahihiram ko nga yung dati kong sinuot kaya lang ayaw niya talaga.  "Baka nalate lang. Hintayin na lang natin." sabi ko sa kanya.  Ilang sandali pa ay dumating na rin si Olivia. Ang ganda niya sa suot na pink na gown. Kasali kasi siya sa cotillion kaya dalawang beses siyang magpapalit ng damit.  Nanghaba naman ang leeg ko para tignan kung kasama niya si Leon pero wala naman. Ang alam ko ay nasa Maynila si Leon dahil may inaasikaso ito para sa OJT nito sa kompanya nila.  Imposible namang magpunta iyon dito ngayon.  Tipid na ngumiti ako at winelcome si Olivia.  "Wow! You look so pretty. Did you do it all by yourself?" tukoy niya sa make up ko.  "Pangit ba?" nag-aalalang tanong ko.  Pinagtitinginan kasi ako ng mga nasa higher level kaya naiilang ako. Sunod-sunod ang iling ni Olivia, "You look great!" nakangiting sabi niya sa akin.  Tinago ko na lang ang kinakabahang ngiti  sa kanya. Mabuti na lang din at wala si Leon ngayong araw. Hindi ako confident na humarap sa kanya.  Nagsimula na ang programa sa school at ramdam ko na ang inis ni Sebastian dahil wala si Chari. Lingon din ako nang lingon sa gate kung sakaling papasok siya. Kung bakit naman kasi wala pa yung isa na iyon dito.  Pinanood ko na lang ang cotillion at kahit sa practice ay nakikita ko sila, humahanga ako. Ngayon pa na nakasuot sila ng magandang kasuotan.  Sumasabay ang bawat ikot ng kababaihan sa pag-indayog ng gown nila.  Pinagkagastusan talaga ara sa espesyal na selebrasyon na ito.  Hindi maawat ang ngiti ko habang pinanood sila pero mas lumaki iyon pagkakita ko sa pagpasok ni Chari. Kulang ang salitang maganda para ilarawan siya sa suot niya.  Animo ay tumigil din ang buong lugar habang pinanonood siya na naglalakad papasok.  Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang gown na suot niya ngayon pero mukha siyang ikakasal at bagay lang naman kasi ang ganda-ganda niya! Naiilang itong umupo kaagad sa pwesto nito. Magkaiba kami ng table dahil alphabetical ang pagkakaayos naming lahat.  Gusto ko sana siyang lapitan pero may pagkakataon pa naman mamaya.  Nagkaroon lang ako ng chance na kausapin siya ng magsimula ang dinner. "Ang ganda-ganda mo," bati ko sa kanya.  "Talaga ba? Salamat naman kung ganun. Nagbunga yung paghihirap ko." sagot niya sa akin habang pumipiksi-piksi dahil sa gown na suot nito.  "Ang bigat nito sa totoo lang. Ang hirap kumilos." reklamo niya pa.  Gusto ko pa sana siyang kausapin kaya lang tinawag na ang section namin para mag picture taking sa stage.  Nakaalalay naman si Sebastian kay Chari. "Ano kayo bagong kasal?" tukso ng mga kaklase  namin sa kanilang dalawa.  "Abay ka di ba?" tanong ni Chari dito habang tumatawa.  Masaya ako at masaya si Chari. Sa dami ng paghihirap na pinagdaanan niya ay hindi naman mali na sumaya siya kahit papaano.  Wala akong planong sumayaw dahil hindi naman ako marunong. Nagkayayaan lang ang buong klase ng group dance kaya hindi na ako nakatanggi. Para kaming mga bata na hawak-hawak ang kamay na bumuo ng malaking bilog sa gitna ng ground at umikot-ikot lang.  Nakatatlong kanta ata kami bago nagdesisyon na magpahinga.  Pangarap ko sana na si Leon ang magsayaw sa akin pero syempre alam kong imposible iyon. Isang pangarap na alam kong napakalabong mangyari.  Pero hindi ko alam ang dahilan at natagpuan ko na lang ang sarili ko na nasa labas ng school.  Umaasa na baka dumating si Leon. Pero walang Leon na dumating kaya bumalik na lang ako sa loob ng school. Sinulit ko na lang yung natitirang oras hanggang sa mag-uwian.  Sina Sebastian at Chari ang nanalo ng major awards for tonight. Masaya ako at nakuha nila iyon.  Sumakay na lang ulit ako ng tricycle para makauwi. Sa daan na lang ako nagpababa at hindi na sa tapat ng bahay mismo. Patay pa rin ang ilaw kaya tiyak na wala pa rin sina Nanay at Tatay sa bahay.  Siguradong hindi na naman sila uuwi ngayong gabi. Kung nasaang bayan sila ay wala akong ideya.  Pagod na rin naman ako ngayong araw at gusto ko na lang ay magpahinga. Masyadong nakakangalay ang high heels na suot ko.   Nakatayo ako sa tapat ng bahay ng may humintong sasakyan na itim sa gilid.  Tumambol kaagad ang dibdib ko dahil pamilyar ang kotse na iyon. Hindi nga ako nagkamali dahil bumaba si Leon sa sasakyan niya. Nakasuot pa ito ng itim na long sleeves na tinupi hanggang siko at naka itim na slacks ito.  Mukha siyang pagod pero hindi pa rin nito maaalis ang kagwapuhan. Nakangiti siyang nakatingin sa akin habang may hawak na bulaklak.  "Flowers to the most beautiful woman I have ever seen." nakangiting sabi niya sabay alok ng bulaklak sa akin.  Hindi ko man aminin ay sobrang saya ko na narito siya sa harapan ko ngayon. Hindi ko ito inaasahan. Akala ko hindi na talaga siya makakarating lalo na at galing pa siyang Maynila.  Inabot niya sa akin ang bulaklak at hinawakan ang kamay ko. "Hindi naman ako pwede sa loob ng campus ninyo. Kaya...Mica, will you allow me to dance you for tonight?" alok niya sa akin.  Walang duda na papayag ako basta't siya.  Nilapag ko ang bulaklak sa ibabaw ng hood ng kotse niya. His hand wrapped around my waist, while the other one's holding my other hand.  We swayed our body to the music that we created for each other.  "Am I your first dance?" tanong niya sa akin.  Umiling ako bilang sagot sa kanya. Naisayaw na kasi ako ng ilang boys kanina at ayoko namang magsinungaling sa kanya.  "Niyaya ako ng mga kaklase ko kanina," mahinang sagot ko sa kanya.  Mukha siguro kaming tanga habang sumasayaw sa gitna ng bakuran namin. Pero wala na talaga akong pakialam. Masaya ako na kasama ko siya ngayon at kasayaw.  He nodded, "Then, allow me to become your last dance." he said before tightening his arms around me. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD