Last day ng intrams at nag-decide kaming hindi na magtinda dahil naubos na yung paninda namin. Ang laki ng naging tubo namin sa stall. Sinugurado muna namin na nailigpit na at naibalik na ang mga kagamitan bago kami nag-ikot. Pinakuha naman iyon ni Senyora Tamara mula sa school.
Mamayang hapon din ang pageant for Mr. and Ms. Intramurals, magpapasa ng korona si Olivia dahil siya ang title holder last year kaya hindi iya pumasok ngayon.
"Marriage booth tayo, Charlotte," yaya ni Sebastian kay Chari.
Lihim naman akong napangiti sa pagyaya sa kanya ni Sebastian. Natigil din si Chari sa pagkain ng ice cream sa sinabi ni Seb.
"M...marriage booth ka diyan. Hndi pa ako handang magpakasal!" sigaw nito.
Napapikit naman si Sebastian sa malakas na boses ni Chari, "Bakit sumisigaw ka? Tinanong ko lang naman," sabi ni Seb dito.
"Bawal bang sumigaw? Ang ingay kaya!" Hinawakan ni Chari ang kamay ko at nagmamadaling lumayo kami kay Sebastian.
Nasa likuran lang namin si Sebastian pero bubulong-bulong pa rin si Chari. Banas na banas kay Sebastian. Hindi ko alam kung bakit ganun si Chari dito.
"Bakit ba ayaw mo siyang pakasalan?" biro ko sa kanya.
Sinamaan ako ng tingin ni Chari, "Eh bakit hindi na lang kayo ang magpakasal?" mataray na tanong sa akin nito.
Napailing na lang ako sa kanya. Ang ganda pa naman ng mood nito na nasira lang ni Sebastian. Tiyak hanggang mamaya ay magtatalo ang dalawang ito.
Naglalakad na kami papunta sa isang stall para maglaro ng may lumpit sa akin na dalawang lalaki, "Micaela Alfonso di ba?" tanong sa akin.
Napahinto rin sina Sebastian at Chari, "Oo." sagot ko sa kanila.
Agad nila akong nilagyan ng posas sa dalawang kamay ko. Sa sobrang gulat ko ay hindi ako agad nakahuma.
"Hoy! Saan niyo dadalhin yan?!" tanong ni Chari sa mga kumuha sa akin.
Pero may ideya na ako dahil isang booth lang naman ang naglalagay ng posas sa mga hinuhuli nila.
Ang Marriage Booth!
Hindi nga ako nagkamali dahil huminto kami sa harapan ng marriage booth. Parang nawala lahat ng kulay sa mukha ko pagkakita doon lalo na sa lalaking nasa harapan ko.
"Cooper." tawag ko sa kanya.
Ngiting-ngiti siya habang nakatingin sa akin. Ang tagal ng huling beses ko siyang nakita. Suot niya ang uniform ng Engineering sa Annex. Akala ko pa naman ay sa Maynila siya nag-aral, dito pa rin pala.
Matandain ako sa mukha at madali kong natatandaan ang pangalan ng tao kaya hindi ko siya nakalimutan.
"Papakasalan na kita." nakangisi niyang sabi sa akin.
Gusto kong kilabutan dahil unang beses ko itong gagawin. ang alam ko ay hindi ko tinanggap ang panliligaw niya sa akin noon kung kaya't hindi ko alam kung bakit siya nangungulit sa akin o kung bakit nandito siya ngayon!
Lumingon ako para tignan kung nakasunod si Chari, saktong paparating na ito kasama si Sebastian.
"Ikakasal ka?" hinihingal na tanong ni Chari sa akin.
Hindi ako agad nakasagot sa kanya kaya tinignan niya ang 'groom' ko. Her eyes squinted while looking at Cooper. "Kilala mo ba yan?" tanong sa akin ni Chari.
Sasagutin ko na sana siya ng pinapasok na kami ng isang estudyante sa loob. Sinabitan agad nila ako ng belo at pinahawak sa akin ang bulaklak na naroon.
Parang gusto ko na lang umiyak dahil sa nangyayari. Tinignan ko naman si Cooper na nakangiti habang nakatingin sa akin. Inabot niya ang kamay niya sa akin kaya wala akong nagawa kung hindi hawakan iyon. May bayad pa naman ang booth na ito kaya sure ako na nagbayad si Cooper.
"Uy! Bagay na bagay, master!" sigaw ng mga kasamahan ni Cooper sa kanya, sa amin.
Siya lang ang nakahawak sa kamay ko pero hindi ko man lang magantihan ang paghawak sa kanya. Naiilang ako.
Humarap kaming dalawa sa makeshift altar. Andaming mga sabit-sabit sa gilid at may dalawang kandila pa na bukas sa gilid.
"Nandito tayo ngayon para ipagdiwang ang pag-iisang dibdib nina Cooper Alastair Ferrer at Micaela Soleil Alfonso. Bago ko simulan ang seremonya ay may tutol ba sa kasalang ito?" tanong ng estudyante na nagkukunwaring pari.
Lumingon ako sa gawi nila Chari na nakasilip sa bintana. Gusto sana nitong sumigaw pero nakatakip ang kamay ni Sebastian dito.
"Walang tutol. Sige na ituloy mo na yung kasal namin." ani ni Cooper sa tumatayong pari.
Mukhang wala naman akong magagawa. Talagang kailangan kong sakyan na lang ito. Humarap na rin ako sa fourth year na pari namin. May binasa ito sa papel na flow daw ng program. Hindi ko naman masyadong inintindi dahil ang gusto ko lang ay matapos na ito.
"Ikaw, Cooper Alastair Ferrer, tinatanggap mo ba si Micaela Soleil Alfonso na maging kabiyak sa hirap at ginhawa?" tanong nito sabay tapat ng microphone kay Cooper.
"I do," sagot ni Cooper dito.
Narinig ko naman ang malakas na palakpakan ng mga barkada nito sa labas.
"Ikaw, Micaela Soleil Alfonso, tinatanggap mo ba si Cooper Alastair Ferrer na maging kabiyak sa hirap at ginhawa?" tanong naman sa akin sabay tapat ng mikropono.
Tango na lang sana ang gusto kong isagot pero kailangan pala magsalita. "Opo." sagot ko.
Mas naghiyawan ang mga kasamahan nito sa labas. Tuwang-tuwa sa nangyayari ngayon. Wala na talaga akong gustong gawin kung hindi ang makalabas dito para matapos na.
"Pakisuot na yung singsing ninyo." Utos sa amin.
Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi nito. Singsing? Wala naman akong dala nun. Pero lahat ng tanong ko ay nasagot dahil naglabas si Cooper ng singsing mula sa bulsa nito. Yung binibiling pekeng singsing sa labas ang hawak nito sa palad.
Kinuha naman kaagad niya ang kamay ko at isinuot yun sa akin. Ganun na lang din ang ginawa ko sa kanya at isinuot sa daliri niya.
"I now pronounced you, husband and wife. Ferrer, you may now kiss your wife." anunsyo sa amin.
Kasama ba iyon? Kailangan pa ba iyon? Tinignan ko si Cooper na napakalaki ng ngisi sa mukha habang nakaharap sa akin.
"Kailangan daw nating sundin." aniya.
Sunod-sunod ang naging pag-iling ko. Wala pa akong nagiging first kiss at hindi ko gugustuhin na siya ang makakuha nun.
Lumapit pa siya sa akin habang patuloy akong umaatras. Nahuli niya ako at hinawakan ang magkabilang pisngi ko at akmang hahalikan na ako ng isang kamay ang humila sa akin at nagligtas sa mga iyon.
"Chari!" tawag sa kanya ng mga fourth year.
Nagulat din ako dahil galit ang mukha ni Chari na humarap sa mga fourth year. "Ayaw nga nung isa, pinipilit niyo! Tsaka...tsaka may boyfriend ito. Isusumbong ko kayo sa boyfriend niya!" sigaw sa kanilang lahat ni Chari.
Hinarap niya ako at pwersahang tinanggal sa ulo ko ang belo at hinatak ang bulaklak at nilapag sa mesa.
"Kinasal na nga gusto niyo pa ng kiss!" singhal pa ni Chari sa mga ito bago ako hinatak palabas.
Walang nagawa ang mga naroon kahit si Cooper dahil kitang-kita ng lahat ang galit ni Chari. Nanlalamig ang kamay nito habang nakahawak sa akin. Gusto ko sana siyang pakalmahin kaya lang bakas pa rin ang galit sa kanya.
Nakasunod lang sa amin si Sebastian kaya umakyat na lang kami sa room namin. Iilang kaklase lang namin ang naroon at mga nagpapahinga.
"O bakit g na g yan?" tanong ni Allen habang nakatingin kay Chari.
Binitawan ako ni Chari tsaka ako hinarap, "Sa susunod magsalita ka kapag ayaw mo. Ang bait mo masyado kaya akala nila okay lang yung ginagawa nila kahit hindi na." sabi ni Chari sa akin .
Natahimik naman ako sa kanya. Naiintindihan ko naman ang galit niya. Alam ko talagang mali na pumayag ako at hinayaan sila na gawin ang hindi naman dapat.
"Sorry." Tipid na sagot ko sa kanya.
"Paano kung wala ako doon? Edi nahalikan ka na nung Cooper na iyon. Cooper ang pangalan pero mukha namang kupal. Ha!" Pinaypayan nito ang sarili sa sobrang inis.
"Enough of that Charlotte. Come, kain na lang tayo ng ice cream. Bili tayo tapos dalhan na lang natin si Mica." ani ni Sebastian dito.
Nilingon pa ako ni Chari, "Huwag kang aalis diyan. Mag-aaway tayo, Mica kapag lumabas ka ng room. Diyan ka lang." anito pa bago sumama kay Sebastian palabas.
Naiwan naman ako sa room kasama yung ibang kaklase namin na mukhang nagets ang nangyari. Hindi na rin naman sila nagtanong at tinuloy na lang ang kwentuhan. May iba naman na natulog sa gilid. Manonood kasi kami ng Mr. and Ms. Intrams mamaya.
Kasali kasi si Natasha dahil siya ang representative ng section namin for this school year. Si Justin naman ang partner nito.
Pagkalipas ng sampung minuto ay bumalik sina Chari at Sebastian, may dalang ice cream na inabot sa akin. Gusto sanang mag-ikot ni Sebastian kaya lang naiinitan at nabubwisit pa rin si Chari sa nangyari kanina.
Ako pa tuloy dahilan kung bakit nabwisit siya. Kaya ang nangyari ay nanatili na lang kami sa loob ng room habang pinapalipas ang oras. Nakaidlip kami kahit papaano dahil malamig sa room at nakakatamad lumabas.
Ginising lang kami ni Sebastian ng sinabihan niya kaming magsisimula na ang program para sa Mr. and Ms. Intrams. Natatandaan ko pa yung kaba ko noong ako yung kasali dito. Hindi ako halos makatulog kaya sigurado ako na ganun din ang nararamdaman nung iba.
Alam ko yung pakiramdam nila ngayon.
Noong pinasa ko ang korona kay Olivia last school year ay pinaghandaan din ni Senyora Tamara iyon. Kahit hindi dapat ay binilhan pa rin niya ako ng long gown at pinaayusan. Ganun kaalaga si Senyora Tamara sa akin.
Ngayon ay si Olivia naman ang gagawa ng lahat ng iyon. Hindi naman siya kinakabahan dahil kilala namin si Olivia kaya siguradong confident na confident na haharap ito sa lahat mamaya.
Naghilamos muna kami ni Chari bago nagpakita sa ibaba. Mabuti na lang at may baon kami laging hygiene kit kaya nagawa rin naming mag tooth brush.
"Ayusin mo hair mo, Mics. Siguradong titignan ka nila mamaya dahil ikaw ang last last year na title holder." ani ni Chari pagkatapos naming maghilamos.
Tinignan ko naman ang sarili ko sa salamin. Simpleng white t-shirt at maong pants lang ang suot naming dalawa today. Ayos na rin ito para hindi na kami maghanap nang maghanap ng damit dahil wala naman kaming closet ng mamahalin na kasuotan.
Sinuklay ko na lang ang buhok ko at nanghingi ng hair tie sa kanya. Lagpas siko na yung haba ng buhok ko at hinahayaan ko na lang iyon. Ang hirap namang pagupitan kasi masyadong maganda at makintab.
Tinali ko lang ang kalahati ng buhok ko. Wala naman kaming mga make-up, make-up ni Chari kaya parehas na lang naming pinisil ang mga pisngi naming dalawa para mamula. Wala naman na kaming magagawa sa labi.
Bumalik kami ng room at naabutan naming naghihintay si Sebastian sa amin.
"Takpan mo nga yang sarili mo, Charlotte." Inabot ni Sebastian ang jacket niya kay Chari.
Napatingin tuloy ako sa suot nito. Kitang-kita ang hubog ng dibdib ni Chari sa suot nitong t-shirt. Alam kong ayaw ni Sebastian na nababastos si Chari.
"Ang init-init, Seb. Ikaw mag-suot niyan kung gusto mo." angal nung isa.
Nilingon naman ako ni Sebastian at nanghihingi ng tulong ang mata nito na nakatingin sa akin. Nagkibit balikat ako sa kanya bago inabot ang jacket.
"Cha, masyadong obvious kasi yung Mt. Apo." bulong ko sa kanya.
Napayuko naman si Chari at napatingin sa sarili. Bumuntong hininga muna ito bago kinuha mula sa akin ang jacket at isinuot iyon.
"Happy na? Satisfied?" tanong nito kay Seb.
"Iniingatan lang kita, Charlotte." masungit na sagot naman nito.
Hindi ko na sila pinansin pa dahil kinailangan na rin naming bumaba para makahanap ng magandang pwesto. Kahit anong inis naman ni Chari kay Natasha ay supportive pa rin naman ito kasi representative ito ng section namin.
Kahit anong pilit kasi sa kanya ng mga kaklase namin na sumali this year ay ayaw niya. Syempre mahirap sa kanya lalo na at wala siyang makakasamang tutulong sa kanya all throughout.
Dahil late na kaming bumaba ay sa bandang likuran na kami nakahanap ng pwesto. Nagsisimula na ang ramp para sa school attire. Kitang-kita namin ang bonggang lakad ni Natasha. Pinasadya pa niyang paiiksian ang palda para lang maging maganda ang datingan niya.
"Akala mo naman talaga..." bulong ni Chari habang ang mata ay naka focus sa naglalakad na si Natasha.
Tahimik lang namin silang pinanood hanggang sa dumating na ang sports attire competition. Napapito ang lahat dahil sports bra ang suot ni Natasha at maikling short lang habang hawak ang surf board.
"Ang mata mo Velasquez." narinig kong sabi ni Chari dito.
"Hindi ako nakatingin." sagot naman ni Seb dito.
Lahat ay napapalakpak habang nakatingin kay Natasha. Aaminin ko na ang ganda-ganda ng katawan niya. Parang siya si Chari pagdating sa hubog ng katawan. Minsan nakaka-insecure na rin. Mayroon din naman ako nung mayroon sila kaya lang hindi ganun kalakihan at hindi ko alam kung may ilalaki pa ba iyon.
Nahagip na rin ng mata namin ang pagdating ni Olivia. Dumaan sila sa isang gilid at sigurado ako na si Ma'am Lena ang kasama niya at si Sir Leo. Batay pa lang sa silhouette ng gown nito tiyak na hindi ito papatalo.
Luminga naman ako sa paligid sa pag-asang naroon din si Leon. Hindi ko alam pero gusto ko siyang makita ngayon.
Hindi nga ako nagkamali dahil nakita ko siyang nakatayo sa may gilid ng gate. Alam kong nakatingin siya sa stage kaya hindi ako sigurado kung nakita ba niya ako.
Nagagandahan din ba siya sa katawan ni Natasha?
Sabagay lalaki lang din naman siya.
Hindi na ako nagpaalam kina Chari dahil tutok na tutok ang mga ito sa kandidata. Umayos naman ng tayo si Leon pagkakita sa akin na papalapit sa kanya.
His gaze never break at me.
Ngumiti ako pagkatayo ko sa harapan niya. "Hi." bati ko sa kanya. "Free ka ba? Usap tayo? May sasabihin sana ako." sabi ko sa kanya.
Tumango siya sa akin bago naunang lumabas. Sumunod ako sa kanya at huminto kaming dalawa sa pamilyar na motorsiklo niya.
"May problema ba?" tanong niya sa akin kaagad.
Umiling ako sa kanya. "Wala naman. Sasabihin ko lang sana na...kinasal na ako." Inangat ko pa ang daliri ko na may suot ng pekeng singsing.
Sumama naman kaagad ang tingin niya doon. Hinawakan niya ang kamay ko at tinignang mabuti ang singsing. "That's fake, baby." sabi niya na parang nakahinga ng maluwag.
Hinila niya sa daliri ko ang singsing at walang pasubaling tinapon.
"Hoy! Ang bad. Bakit mo tinapon?" tanong ko sa kanya, tinignan ko pa yung lugar na pinaghagisan niya ng singsing ko.
"Sinong pinakasalan mo?" tanong niya sa akin.
Lumabi ako bago sumagot sa kanya, "Yung first year college na nanliligaw sa akin noon pa. Si Cooper."
"Who? Copper?" tanong niya na parang hindi naintindihan ang sinabi ko.
"Cooper po." ulit ko.
Napangiti ako habang nakatingin sa kanya, bahagyang nakatingala ako sa kanya pero hindi naman ako napapagod na tignan siya. Nakasimangot ito at alam kong malinaw na naintindihan niya ako.
"Do you like him?" tanong niya sa akin.
"Hindi noh!" tanggi ko kaagad sa kanya. Hindi ko kailanman nagustuhan si Cooper tsaka ayoko sa pagiging mahangin niya.
"Then why did you marry him?"
"Marriage booth kasi yun. Hinatak na lang ako bigla kanina. Wala naman akong option kung hindi sabihin na 'I do' rin para makalabas ako. Mabuti nga at hindi niya ako nahalikan---"
"What?!" medyo mataas na boses na tanong niya sa akin.
Ngumiti ako sa kanya. Tuwang-tuwa sa ekspresyon ng mukha niya. Natutuwa talaga ako na nakikita siyang stress ngayon.
"He kissed you?"
Umiling ako sa kanya. "Sinubukan pero hindi nangyari." sagot ko sa kanya.
Para siyang nakahinga ng maluwag sa sagot ko. "Napigilan ni Chari kaya hindi ako nahalikan tsaka hindi ako papayag na siya yung first kiss ko. Ayokong masayang sa wala yung kiss na iyon."
His jaw were still clenching while looking at me. Humakbang ako papalapit sa kanya para yakapin siya. Nasasanay na rin talaga ako. Ayoko namang itago na gusto ko siya. Alam naman niya na gusto ko siya at baka nga higit na roon yung nararamdaman ko.
Ayoko lang aminin pa sa ngayon.
"Kung makapaghihintay ka hanggang dumating ako sa tamang edad. Gusto ko sanang ikaw ang maging first boyfriend ko?" mahinang sabi ko sa kanya.
Narinig ko ang malakas na pagkabog ng dibdib niya habang nakasandal ako doon. Rinig na rinig ko iyon at natutuwa ako na ako yung dahilan kung bakit ganun kalakas ang t***k ng dibdib niya.
Natuto na lang din ako na mas magpahayag ng nararamdaman ko kapag kasama ko siya. Pakiramdam ko ay walang mali kapag umamin ako sa kanya kung malungkot, galit, o masaya ako. Hindi niya pinaparamdam na mali iyon.
"Did you really mean it?" tanong niya sa akin.
Tumango ako without answering him. Kahit sandali lang siguro ang magiging relasyon namin ay magiging masaya na ako. Ngayon pa nga lang na wala kaming label ay masaya na ako, paano pa kapag nagkaroon.
Hindi naman siguro mamasamain nina Nanay at Tatay kapag nagdesisyon ako na magkaroon ng nobyo. Gusto ko lang din naman maging masaya kahit papaano. Gusto kong maging kagaya ng ibang kaklase ko na sumasabak sa relasyon at nakikita ko naman na masaya sila.
His arms wrapped around me. Sobrang payapa ko habang kasama ko siya.
"Huwag kang papayag na may ibang lalaki na aaligid sa iyo. Baka masaktan ko sila kapag nangyari iyon." aniya sa akin.
Tumango na lang ako sa kanya. Wala na rin naman akong balak na gawin iyon. Tsaka wala naman akong plano na humarap pa sa iba knowing na siya lang ang gusto ko.
His arms tightened around me. I feel so secured inside his arms.
"Hindi ba natin papanoorin si Olivia?" tanong ko sa kanya, nag-angat pa ako ng tingin sa kanya.
He gaze down at me, "Gusto mo ba? She's really beautiful tonight." sabi niya sa akin.
Tumango ako sa kanya. Gusto ko talagang makita si Olivia ngayon. Alam kong magiging maganda ang final walk niya pati na rin ang final speech niya.
"Later. Mamaya pa iyon. They'll text me if she's ready." he said before tightening himself more. Halos hindi na ako makahinga pero ayos lang sa akin.
"Gusto mong ganito lang tayo?" birong tanong ko sa kanya.
"If I could just hug you forever," mahinang sabi niya sa akin.
"Baka may makakita sa ating dalawa. Sabihin PDA tayo." sabi ko pa sa kanya.
"Hindi nila tayo makikita." aniya. In one swift motion ay nabaligtad ang posisyon naming dalawa. Ang likuran na niya ngayon ang nakaharap sa daanan ng tao habang ako ay nakatago na sa mga bisig niya.
"That's better." aniya.
Tumango ako sa kanya habang nakangiti pa rin. Hinawakan niya ang mukha ko at hinarap sa kanya. Para naman akong napwersang huwag huminga habang papalapit ang mukha niya sa akin.
"Hahalikan mo ko?" bulong ko sa kanya.
Our eyes met at kahit madilim ay nakita ko ang pagkislap nito sa tanong ko. Para tuloy may tren sa dibdib ko na nagpakaba dito ng sunod-sunod.
Imbes na sumagot ay napapikit na lang ako sa gagawin niya. Ang sumunod na naramdaman ko na lang ay ang malambot niyang labi sa noo ko.
"I love you, baby. I really do." mahinang sabi niya bago ako hinila ulit sa yakap.