bc

The Sun's Curse

book_age16+
519
FOLLOW
1.5K
READ
billionaire
possessive
fated
goodgirl
others
drama
bxg
city
like
intro-logo
Blurb

SOL e LUA 2: The Sun's Curse.

She's not just pretty, she's also kind.

Those phrases are the best phrase to describe Micaela. She has been the kindest daughter, friend, and classmate to everyone. She is someone's first love.

But, because of being the kindest person, she got broken apart, destroyed by her own parents. Her dreams disappeared and suffered bigtime from somebody.

Will her life go back to normal once she escaped from the hell that she's currently living?

-------------------------------------------------------------------------

ALL RIGHTS RESERVED 2021

chap-preview
Free preview
SIMULA
Mataas na tirik ng araw, matutulis na sanga ng puno, at masakit na balat, yan ang nararanasan ko habang binabaybay ko ang sikretong daan patungo sa dati naming lupain nila Nanay at Tatay.  Ngayon pa lang ay gusto ko ng makalayo, gustong-gusto kong maging malayo sa sakit na mararamdaman ko na naman mula sa kanya. Hindi pa nga naghihilom ang mga pasa at galos na naranasan ko, alam kong makakatanggap na naman ako ng isa. Naalala ko bigla ang mabilis na pagpapaalam ko kay Aling Victoria, sinabi ko sa kanya na kailangan kong pumunta ng palengke mag-isa. Hindi naman niya ako pinigilan, hindi rin siya nagtanong at mukhang naintindihan naman niya kaagad ang dahilan.   Unti-unting bumabagsak ang luha ko habang nakatanaw at pinipilit na binibilisan ang pagkilos. Hindi ko alam kung bakit humantong sa ganito ang buhay ko. Nakinig lang naman ako sa mga magulang ko, sinunod ko sila kaysa ang puso ko.  Matapos matanggal nila Nanay at Tatay sa lupain ng mga Velasquez bilang magsasaka ay lumipat sila sa kalapit bayan, kung saan naghahanap ng mga bagong magsasaka. Sa tubuhan ng mga Mariano sila bumagsak, si Tatay bilang tiga ani ng tubo at si Nanay bilang kasambahay sa napakalaking mansyon nila. Ilang oras na rin akong naglalakad pero mukhang walang hangganan ang lalakarin ko. Matapos naming lumipat sa San Rafael na ilang kilometro ang layo sa Trinidad ay wala na rin akong narinig mula sa mga taong naging malapit sa akin doon.  Ang huling balita ko na lang habang nagsisilbing katulong ng mga Mariano ay ang pagkamatay ni Senyor Santiago Velasquez, at si Chari, na matalik kong kaibigan ang pinagbibintangan sa pagkamatay ng matanda.  Huli na rin ng malaman kong isinangla ng mga magulang ko ang maliit na lupain namin sa Trinidad. Ang lupang iyon ay ipinama ng Lolo at Lola kay Nanay. Dahil sa pagkakasangla na iyon ay nabaon kami sa utang sa mga Mariano. Iyon ang dahilan kung bakit ako nahihirapan at nasasaktan ngayon.  Pisikal Mental Emosyonal Unti-unti akong binaboy ng kaisa-isang anak ng mga Mariano, si David.  Hanggang ngayon na kasal na kaming dalawa ay hindi pa rin niya nakukuha ang p********e ko. Dahil alam kong sa isang tao ko lang pwedeng ibigay iyon.  Sa lalaking mahal ko. Mahal na mahal na mahal ko pa rin siya hanggang sa ngayon at kahit sobrang sakit na nahuli na ang para sa aming dalawa ay ilalaban ko pa rin. Hanggang ngayon ay hinihintay ko siya.  Hinihintay ko ang pagbabalik niya sa buhay ko. Babalik ako sa lugar na madalas naming pagtagpuan na dalawa. Sa lugar na alam kong mararamdaman ko ang paglaya ko.  Patuloy na tumutusok at gumagalos sa akin ang mga sanga at ugat ng puno na nadaraanan ko.  Wala na akong pakialam kung tumutulo ang dugo sa braso ko. Kailangan kong makalayo talaga.  Isipin ko pa lang na hindi na ako babalik sa lugar na iyon ay sobrang gaan na sa pakiramdam ko.  Napakarami ko na agad plano na gustong gawin. Babalik ako sa pag-aaral, tatapusin ko ang kolehiyo, at magtutungo ako sa malayong lugar para hindi na ako masundan pa ni David.  Nasasabik na ako ngayon pa lang. Gusto ko na agad matupad iyon.  Mas binilisan ko ang naging paglalakad ko ng maramdaman ko ang pagpatak ng ulan sa braso ko. Kanina lang ay tirik na tirik ang araw ngayon ay umuulan na kaagad. Basang-basa na ako ng makita ko ang hangganan ng gubat. Paglabas ko roon ay ang arko na agad ng Trinidad ang makikita ko.  Mula doon ay babaybayin ko naman ang gubat ng Trinidad hanggang makarating ako sa dati naming bahay. Kukunin ko lang ang mga importanteng dokumento at pupunta na ako sa kweba na pinagtatagpuan namin noon.  Tinawid ko ang gubat hanggang sa national highway ng Trinidad pagkatapos ay naglakad na ulit ako papasok sa loob ng gubat ng bayan. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay malaya na ako sa ganitong sandali pa lamang.  May mga natatanaw na akong bahay kaagad. Iyon na ang dati namang tahanan. Alam ko pinababantayan iyon ng mga Mariano ngunit parang walang bantay ngayon. Pagkakataon ko na para matakas lang ang lahat ng gamit na kakailanganin ko.  Ayoko ng bumalik dito o kahit sa San Rafael. Gusto kong bumuo ng bagong buhay ko, pinal na ang desisyon ko.  Malalakas na tahol ng aso ang bumungad sa akin at agad kong nakita ang pamilyar na mukha ng aso namin noon, si Puti. Natigil ito sa pagtahol at iyak ang isinunod pagkakita sa akin. Sunod-sunod din na nagbagsakan ang luha sa mga mata ko pagkakita sa kanya.  "Puti." bulong ko pagkatapos ay lumapit sa kanya.  Payat na ito at halos kulay itim na ang kulay ng balat. Iniwan ko ito noon kay Chari pero sabi sa liham niya sa akin ay umuuwi raw sa bahay pa rin. Kaya dinadalhan na lang niya ng pagkain si Puti pero hindi na siguro niya nagawa pa ngayon dahil na rin sa kinasasangkutan niyang gulo. Yakap, dila, at amoy ang ginawa sa akin ng alaga ko. Niyakap ko siya nang mahigpit at kinalag ang lubid na tali nito. Kukunin ko na rin siya. Isasama ko siya sa kung saan ako pupunta ngayon.  Binuhat ko siya para pagkatapos kong makuha ang mga gamit na kailangan ko sa loob ay didiretso ako sa kweba. Titignan ko lang kung nandoon siya, nagbabakasakali lang ako. Mabilis ang kilos ko habang sinisilid sa lumang bag ko ang mga dokumento ko pati na rin ang kung anumang madadampot ko sa dating bahay. Isinuot ko ang bag pack at mabilis na binuhat si Puti palabas ng bahay.  Pero bago pa man ako tuluyang makalabas sa gate na yari sa kahoy ay nakita ko na kaagad siya na nakatayo sa harap ng bahay. Bakas sa mukha niya ang gulat pagkakakita sa akin. "M...Micaela." sabi nito, mahina pero malinaw ang boses. Nangilid naman ang luha ko kaagad at gusto ko na siyang takbuhin para mayakap man lang. Ilang taon na nga ang lumipas ng huli ko siyang nakita? "Leon." tawag ko sa kanya.  Hahakbang na sana ako papalapit sa kanya ng makita ko ang pamilyar na pigura ni David, may hawak na baril at nakatutok sa likuran ni Leon. Papalapit ito sa kanya. Malakas ang naging t***k ng puso ko pero nangibabaw ang isang bagay na alam kong tama at dapat kong gawin. Hinila ko si Leon para mayakap siya at saktong pagputok ng baril ni David ay tumama sa likuran ko ang isang mainit na bagay kasabay ng pagkawala ng aking malay.   

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
179.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
79.5K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
88.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
138.0K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
27.5K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook