"Happy graduation!" Masayang bati ko kay Leon. Finally tapos na siya ng college.
He's now a business graduate.
Sobrang saya ko para sa kanya sa totoo lang. Nauna kaming maka-graduate kumpara sa kanya. Last week ay graduation namin bilang high school student. Si Chari ang valedictorian at si Sebastian naman ang Salutatorian. Nasa top naman din ako pero hindi naman ako naghahabol para doon.
"Thanks, baby." He smiled at me.
Hindi ko alam kung anong susunod niyang plano. Ang pagkakatanda ko ay gustk niyang kumuha pa ng master's degree habang nagtatrabaho sa kompanya nila. Yun nga lang ay kailangan niyang pumunta sa Maynila o Espanya.
Inabot ko sa kanya ang kahon na naglalaman ng regalo ko sa kanya. Inipon ko lahat iyon pati ang mga letters na gusto kong ibigay sa kanya.
"What's this?" tanong niya sa akin.
Magkasama kami ngayong dalawa dahil nagpunta kami sa bahay na pinagawa niya. Napakaganda na nito. At talagang mistulang private property na dahil hindi ito napupuntahan man lang ng ibang dumadayo.
Wala rin akong ideya kung magkano ang naubos na halaga ni leon sa pagpapagawa nitong bahay. Basta lagi na lang niyang sinasabi sa akin na wala lang iyon.
"Buksan mo," yaya ko sa kanya. Our legs were hanging sa barandilya. Nakaupo kaming dalawa sa kahoy na lapag ng bahay.
Sa totoo lang ay sobrang comforting ng lugar na ito. Kapag napapagod ako ay dito ako dinadala ng paa ko kahit wala siya. Tapos after kong manatili dito ay ayos na ulit ako. Okay na iyon sa akin.
Wala naman masyadong gamit ang bahay. Upuan, lamesa, at ilang kagamitan sa kusina pati isang kama. Nagdesisyon kaming dalawa na walang gadgets o kung anumang teknolohiya sa bahay na ito lalo na at hindi naman ito madalas mapuntahan.
Lalo na siya na nanatili sa Maynila noong 3rd year at 4th year niya. Sobrang bibihira niyang magpunta sa Trinidad. Pero sa kabila ng lahat na iyon ay hindi niya ako nakakalimutang dalawin kapag nakakauwi siya dito.
Akala talaga ng iba na boyfriend ko na siya. Hindi naman kasi ako tumatanggi at hindi ko rin naman kinokumpirma . Ayokong bigyan sila ng salita sa kung anumang mayroon kami ni Leon. Masaya kaming dalawa sa kung anong mayroon kaming dalawa.
Apat na taon.
Sobrang tiyaga niya sa akin sa apat na taon. Wala akong narinig na iba sa kanya. Gustong-gusto niya ang ginagawa niya sa akin.
He opened the box at una niyang nakita ang bracelet na binili ko noon para sa kanya. Alam kong hindi iyon katulad ng mga mamahalin na mayroon siya pero siya ang naisip ko noong binili ko iyon.
"Sorry, yan lang kaya ng ipon ko." Nahihiyang sabi ko sa kanya.
Tinignan niya ako na para bang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. "I like it, babe. Than k you so much," hindi matanggal ang ngiti sa labi niya habang nakatingin sa mga nasa loob nun. Gumawa rin ako ng maliit na scrap book na may larawan naming dalawa.
Mahilig kasing kumuha ng larawan si Leon. Tuwing nagpupunta siya sa Trinidad o kaya kapag nagkikita kami ay sinisigurado niya na may larawan kaming dalawa. Tapos sa susunod na pagkikita namin ay binibigyan niya ako ng kopya ng mga iyon.
Mahigpit ang pagkakatago ko nun kina Nanay at Tatay. Ayokong malaman nila. Siya na nga lang ang nagpapasaya sa akin.
Nang akma na niyang bubuksan iyon ay pinigilan ko ang kamay niya. Napatingin naman siya sa akin, "Why?" tanong niya.
"Nakakahiya kasi. Pwedeng mamaya mo na lang tignan yung iba?" tanong ko sa kanya.
Tumanngo siya sa akin at sinara muli ang kahon. Ang tanging nilabas lang niya ay yung bracelet na binigay ko sa kanya.
Tinanggal niya ang bracelet na suot niya ngayon at ipinalit iyon. Kitang-kita sa maputi niyang balat ang kulay ng binigay ko. Nakakahiya, parang hindi bagay sa mamahalin niyang balat. Inangat pa niya iyon at pinagmasdang mabuti bago ako nilingon.
"Thank you, baby. Best gift so far." He said before pulling me for a tight hug.
Paano naging best gift iyon. Eh iyon nga lang ang nakayanan ko. Pero sabagay ito ang isa sa mga bagay na nagustuhan ko sa kanya. Sobrang appreciative niya kahit sa maliit na bagay.
"Ano ng plano mo ngayon?" tanong ko sa kanya habang nakayakap pa rin siya sa akin.
Mahabang katahimikan ang namagitan sa aming dalawa bago siya nagsalita. "I... I actually have to leave for Spain," simula niya bago ako sinilip.
Tinignan ko naman siya. Aalis pala siya. Handa naman ako doon dahil ilang beses na naming itong napag-usapan. Hindi ko naman inaakala nag anito kabilis.
"Gaano katagal?" tanong ko sa kanya.
Kapag nasa Maynila pa nga lang siya ay miss na miss ko an siya. Paano pa na nasa ibang bansa siya. Magkaiba ang oras na naming at hindi ko na siya basta-basta lang makikita.
Ngayon pa lang nangungulila na ako.
Gusto ko tuloy umiyak pero pinigilan ko. Wala pa akong karapatan dahil unang-una ay wala naman kaming lebel sa relasyon naming. Hindi ko pa rin siya sinasagot naman.
"A year?" patanong na sagot niya.
Natahimik ulit kaming dalawa. Ano nga ang tawag nila sa ganitong klaseng sitwasyon? Matagal pala siyang malalayo sa akin.
"I have to train there, babe. Ako ang mamamahala ng business ni Daddy. You know that Liv doesn't want anything related to business. She has her own dream." Aniya sa akin.
Tumango ako. Naiintindihan ko naman. Isa pa ay importante naman talaga iyon. Kung gusto niyang magkaroon ng sariling negosyo sa hinaharap ay kailangan niyang magsimula sa ibaba kung saan binubuo niya ang pangalan pa lang niya.
He wants to show the world na hindi siya basta-basta umaasa lang sa magulang niya.
Matalino naman si Leon. Isa siya sa batch Magna c*m Laude. Nakita ko ang kasipagan niya sa pag-aaral. Lahat iyon ay nasaksihan ko, kahit hindi na kami nagkaroon ng oras na mag-usap man lang dahil sa pagiging abala niya ay ayos lang.
"Babalik din ako kaagad." I know na ayaw niya akong iwanan. Ramdam ko iyon. Kapag nadadalaw nga lang siya dito ay hirap na hirap na akong paalisin siya.
What more pa ang pagpunta niya sa ibang bansa? Napakatagal niya sigurong pinag-isipan iyon.
Bumitaw ako sa pagkakayakap niya at tinignan siya. Ayoko siyang bigyan ng doubt na hindi ako magiging okay kapag umalis siya. Gusto kong isipin niyang mabuti ang trabaho niya. Importante iyon sa kanya. Hindi ako dapat makasagabal.
Pinilit kong ngumiti sa kanya, "Babalik ka naman di ba?"
He nodded immediately. Ayos na iyon sa akin. Pagbalik niya ay okay na lahat. Baka nasa second year na ako ng kolehiyo ko. Nakatanggap ako ng scholarship mula sa mga Mariano, kaya makakapag-aral ako.
"Basta bumalik ka. Okay na ako doon." Nakangiting sabi ko sa kanya.
Kakayanin ko naman kahit wala siya. Alam ko iyon at naniniwala ako sa sarili ko. Mabilis lang din naman lumipas ang mga araw.
"Kailan ang alis mo?" tanong ko sa kanya pagkaraan.
"After your birthday." Tipid na sagot niya sa akin.
Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Ang kulay berdeng mga mata niya ay nakatingin mabuti sa akin. Sandali na lang ang oras na mayroon ako para pagmasdan ang mga matang iyon. Susulitin ko na lang din lahat.
"Next week na iyon," mahinang sabi ko sa kanya.
Marahan siyang tumango sa akin. "Will you be, okay?"
Kinagat ko ang labi ko bago nilayo ang tingin sa kanya tsaka tumango, "Kakayanin ko."
Kinailangan din naming maghiwalay ng gabing iyon ni Leon. Kailangan niya kasing umuwi sa bahay nila. Sinasama nga niya ako para maipakilala na kina Ma'am Lena pero tinanggihan ko siya. Ayos lang naman na hindi muna lalo na at wala naman kaming opisyal na relasyon.
Hindi kami nagkita ng mga sumunod na araw dahil kinailangan niyang bumalik sa Maynila para mag-empake. Kung pwede ko nga lang siyang tulungan ay ginawa ko na.
Naging abala na lang ako sa paghahanap ng pwedeng pag-extrahan habang wala siya. Gusto ko lang malibang talaga.
"Anak, Samahan mo naman ako sa mga Mariano," isang umaga na sabi ni Nanay.
Kinabukasan ay birthday ko na. Huling beses ko ng makikita si Leon bukas. Ganap na dalaga na rin ako bukas. Ang daming pwedeng mangyari at hindi ko pa lahat napoproseso iyon.
Tinigil ko ang pagpunas ng lamesa at nilingon si Nanay. Bakit naman kami pupunta sa mga Mariano? Anong dahilan?
"Para saan po?" tanong ko sa kanya.
Hangga't maaari talaga ay iniiwasan kong magpunta sa San Rafael. Hindi ko talaga gustong makita si David. Naiilang kasi talaga ako sa kanya. Hindi ko gusto yung mga paraan ng pagtingin niyta sa akin. Parang lahat ay may kahulugan at hindi ko gusto iyon.
Oo, nakatanggap ako ng scholarship sa kanila pero alam ko ay bahagi iyon ng pagpapabango ni David sa mga kababayan. Plano niya kasing tumakbo bilang Mayor ng San Rafael.
Gobernador na nga ang ama nito gusto pa nitong makisali sa politika.
Wala naman akong pakialam doon kaya lang masyadong invested sina Nanay at Tatay. Tinanggap nga nila kaagad ang offer na scholarship sa akin dahil masama ang loob nila sa mga Velasquez. Nagkaroon kasi ng peste ang tubuhan at kinailangan magbawas ng mga trabahador. Binibigyan naman sila ng ibang opsyon na trabaho kaya lang hindi tinanggap nina Nanay at Tatay.
"Magpapakain daw kasi sina Ma'am Dianne sa mga scholars nila. Kasali ka roon anak kaya dapat nandoon tayo. Dali na at magbihis ka—"
"Ayoko po," pagputol ko sa ibang sasabihin pa ni Nanay.
Natigilan naman ito. Kaya pala gayak na gayak sila ni Tatay ay dahil doon ang punta namin. "Hindi pwede anak. Kailangan mong sumama. M...magpapamigay din ata kasi ng allowance para sa inyo. Sumama ka na at kailangan mo iyon." Pagpilit pa ni Nanay sa akin.
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Bakit ba pilit sila nang pilit na sumama ako. Hindi naman ako kailangan doon. Kahit naman mga magulang ay pwedeng kunin ang kailangan sa scholarship. Hindi ako sa Annex mag-e-enrol dahil sa ibang eskwelahan ako ipinasok ng mga Mariano.
Midwifery ang kurso na kinuha ko. Ayokong magkaroon ng malaking utang na loob sa kanila kaya hindi gaanong kamahalan na kurso ang kinuha ko. Ayokong pagdating ng panahon ay isusumbat nila sa mga magulang ko ang pinang-aral nila sa akin.
"May trabaho pa po ako, Nay." Sagot ko sa kanya. Kailangan ko kasing pumasok sa pinag-e-extra-han namin ni Chari. Kailangan ko ng pera lalo na at birthday ko bukas. Gusto kong mailibre man lang si Leon bago siya umalis.
"Hindi pa ba nakaayos yang si Micaela?" tanong ni Tatay pagpasok niya. Hawak na naman nito ang paborito nitong manok panabong. Binistahan niya ang suot kong pambahay. "Aba anak, hindi nila tayo hihintayin doon. Magbihis ka na. Guadalupe, ikuha mo ng magandang bestida itong dalaga natin." Utos ni Tatay kay Nanay.
"Ayoko po—"
Pero masamang tingin ang ipinukol ni tatay sa akin kung kay wala akong nagawa kung hindi pumayag sa gusto niya.
Masama ang loob ko na nagbihis. Isang dilaw na bestida ang ipinasuot sa akin ni Nanay. Tinalian pa niya ako ng buhok na hindi naman niya ginagawa kahit kailan—ngayon lang!
Hinati niya sa dalawang bahagi ang buhok ko at tinirintas ang dalawang iyon. Hindi ko rin gusto ang paglagay niya sa akin ng kolerete.
"Bakit kailangan pa po iyan?" iritableng tanong ko pagkatapos niya akong lagyan ng lipstick.
"Para maganda ka anak. Para iyong mat ani Sir David ay nasa iyo." Aniya.
Mas nainis ako sa sinabi niya. Gustong-gusto talaga nila si David para sa akin. Eh ayoko nga doon sa tao. Hindi naman ako manhid para hindi maramdaman ang kagustuhan nila kay David para sa akin.
Sumakay kami sa inarkilahang tricycle ni Tatay papuntang San Rafael. Wala akong imik sa buong biyahe. Hindi ko talaga gusto itong ipapagawa nila sa akin. Ngayon pa lang ay nabubwisit na ako.
Nakarating kamai sa harapan ng village kung saan nakatira ang mag Mariano. Kilala na kami roon kaya pumasok na kami kaagad. Nauunang maglakad sina Nanay at Tatay habang nasa likuran naman nila ako. Kaya pala halos bago ang kasuotan nilang dalawa.
Napapansin ko rin na hindi kami nauubusan ng pera. Maya't maya ay bumibili si Tatay ng manok na panabong niya. Si Nanay naman ay madalas sa pasugalan. Kung saan nila kinukuha ang pera---hindi ko alam. Hindi na rin ako nagtanong at wala akong balak itanong sa kanilang dalawa.
Huminto kami sa tapat ng bahay ng mga Mariano. Nakabukas ang malaking agte nila at may mga naroon ding ibang tao katulad namin. Nilingon ako ni Nanay at tsaka lumapit sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko, "Tara na anak." Hinila pa niya ako papasok sa loob ng bahay.
Kung hindi ko lang talaga sila nirerespto at hindi ko lang sila mahal ay hindi ko gagawin ito. Ayoko ng ganito!
May mga malalaking lamesa na sumalubong sa amin sa malawak na bakuran ng mga Mariano. Agad kong nakita si Ma'am Dianne na katabi si David. Pormal na pormal ang suot ng mga ito. Wala ang ama ni David, baka nasa opisina pa ito.
Nakita kami ni David at agad na tinuro kay Ma'am Dianne. Naramdaman ko naman ang paghigpit ng kamay ni Nanay sa akin at tsaka hinatak ako palapit sa mga iyon.
"Magandang tanghali po, Ma'am Dianne, Sir David." Nakangiting bati ni Nanay sa mga ito.
"Magandang tanghali rin po, Ma'am." Magalang na bati ni David kay Nanay bago bumaling sa akin at nginitian ako. "Magandang tanghali, Micaela."
"Magandang tanghali rin po." Pagbati ko sa kanila.
Sa totoo lang, makita ko palang sila ngayon ay para na akong naduduwal. Hindi ko gusto ang pakiramdam habang nakatingin sa kanila. Marami naman akong kakilalang mayaman pero hindi ganito ang pakiramdam ko habang nakaharap sa kanila...maliban lang talaga sa pamilya na ito.
"Napakaganda naman talaga ni Micaela, Guadalupe. Dalagang-dalaga na talaga ang anak mo. Baka naman may boyfriend na yan ah?" nakangiting tanong ni Ma'am Dianne kay Nanay.
Nakangiting nilingon ako ni Nanay bago humarap sa mga ito. "Wala po. Masyadong mahiyain po ang anak ko para humanap ng lalaki," sagot nito.
Gusto ko na lang mapa-irap sa sinasabi niya. Kaya lang nakatitig sa akin si David at nakakailang na naman ang paraan ng pagtingin niya sa akin.
"Sa ganda niyang iyan? Alam mo bang siya ang pinakamagandang scholar namin." Imporma ni Ma'am Dianne kay Nanay.
Tipid naman na ngumiti si nanay dito. Nahihiya at hindi malaman ang sasabihin.
"Anak, why don't you tour her around? At may pag-uusapan lang kami ni Guadalupe." tanong ni Ma'am Dianne kay David.
Mukhang magkakaroon pa kami ng oras para sa isa't isa. Gusto ko sanang tumanggi pero lumapit na lang sa akin si David at hinawakan ako sa siko. Imbes na matuwa sa gesture niya ay nakaramdam ako ng inis. Kilalang spoiled brat si David. Oo, gwapo siya pero andaming napatalsik na estudyante sa school nito dahil sa ugali nito. Kahit mali niya ay binibintang sa mga kaklase. Alam ko iyon dahil napag-uusapan namin iyon sa klase.
Nakakailang na katahimikan ang namagitan sa aming dalawa. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin basta nakasunod lang ako sa kanya. Nilagpasan na nga naming ang iba pang mga scholars na nanginginain. Anong oras ba ang program? Gusto ko na kasi talagang umalis.
Tumigil kami sa harapan ng isang maliit na pintuan sa likod-bahay nila. Nakikita ko na ito noon pero hindi ko lang binibigyan ng pansin.
"I want to show you something," nakangiting sabi niya sa akin bago binuksan ang pintuan.
Lumikha pa ito ng tunog pagbukas. Parang ngayon na lang nabuksan ulit. Nakatayo lang ako sa labas habang siya ang pumasok at may kinapa sa gilid. Kumalat ang dilaw na ilaw doon.
"Pasok ka." Imbita niya sa akin.
Kung hindi lang nakakabastos ay tumanggi ako. Ayokong makasama siya sa ganitong kaliit na espasyo. Noon naman ay ayos lang ako sa kanya kaya lang ngayon ay naiinis na ako. Hindi ko na siya nagugustuhan na malapit sa akin. Siguro dahil sanay ako na si Leon lang ang lalaki sa paligid ko.
Pumasok na lang ako at ginala ko ang paningin sa loob. Maraming mga canvas ang nakakalat at mga pintura. Art room niya ito siguro. May mga nakakalat din na painting doon pero ang umagaw sa pansin ko ay ang mukha ko sa isang painting doon. Alam kong ako iyon, dahil iyon din ang eksaktong ayos ko noong sumali ako sa Ms. Intrams. Kalahati lang iyon ng katawan ko pero may kulay na. Kitang-kita ang korona na suot ko at ang ngiti ko.
Tinignan din ni David ang tinitignan ko. Lumapit siya at hinawakan iyon tsaka inabot sa akin. "Birthday gift? It's your birthday tomorrow, right?" he asked.
Palipat-lipat ang tingin ko sa canvas at kay David. Andami kong gustong itanong sa kanya pero hindi ko man lang maibuka ang labi ko. Hinayaan ko na lang ang sarili ko na tanggapin iyon. Nakatingin lang ako kay David bago ko nilipat ulit ang tingin sa painting.
"I saw your picture. I tried to paint you. You know, hobby ko lang talaga ito. Ikaw....ikaw lang yung naisipan kong iguhit. Hindi ka kasi mawala sa isipan ko. Sana matanggap mo ito, Micaela." Nakangiting sabi niya sa akin habang nakalabas ang dimple niya sa pisngi.
"S...salamat po." Tanging nasabi ko na lang sa kanya.
"Drop the po. Hindi naman masyadong nagkalalayo ang edad natin. Mukha lang siguro akong matanda dahil gusto kong sumabak sa politika pero paraan ko lang iyon para makatulong sa mga mamamayan ng San Rafael." Paliwanag niya sa akin.
Wala naman akong pakialam sa rason niya. Ang gusto ko lang talagang malaman ay kung bakit ako ang naisipan niyang i-paint. Hindi naman sa masama kaya lang...galing kasi sa kanya. Galing sa taong hindi ko inaasahan.
Dala ko ang ideyang iyon hanggang makabalik kami sa bahay. Tuwang-tuwa sina Nanay at Tatay sa natanggap mula sa mga Mariano. Kami lang kasi ang pamilya na nakakuha ng grocery samantalang yung iba ay pera lang at gamit for scholarship.
Kinailangan pa kaming ihatid dahil sa dami ng dala naming. Agad din nilang sinabit yung painting ko na gawa ni David para sa akin. Hanggang ngayon talaga ay anhihiwagaan pa rin ako kung bakit niya ako binigyan ng ganito. Wala kasi talaga akong maisip na ibang dahilan. Hindi na pwedeng nagandahan lang siya sa akin.
Kinabukasan ay agad akong nagpunta sa Estrella, particular na sa bahay na pinagawa ni Leon. May dala akong pagkain na iniluto ko sa bahay. Sabi ko kay nanay at Tatay na kakain kami ng mga kaibigan ko. Hindi na sila nagtanong kasi hanggang ngayon ay masaya pa rin sila sa natanggap mula sa mga Mariano.
Wala pa si Leon kaya sinamantala ko na ang paghahanda ng pagkain na dala ko. Baka papunta pa lang siya galing Maynila. Wala naman kasi kaming eksaktong oras na pagkikita. Pwedeng mamayang gabi pa siya dumating pero handa naman akong maghintay para sa kanya.
Lumabas na ako ng bahay matapos kong i-setup yung pagkain. Habang hinihintay siya ay isang tuta ang mukhang naliligaw na naglalakad. Agad kong nilapitan iyon. Umiiyak kasi ito.
"Hi." Sabi ko sa kanya.
Tumingin sa akin ang tut ana bakas pa rin ang takot sa mukha. Binuhat ko ito, mabuti na lamang at hindi ito nangangagat.. "Naliligaw ka?" Luminga-linga pa ako sa paligid.
Wala namang ibang establisymento rito maliban sa bahay na pinagawa ni Leon. Hahanapin ko na lang mamaya ang may-ari nito at ibabalik sa kanila. Siguradong hahanapin nila ito. Malinis naman ang tuta, sa katunayan ay may collar pa nga ito. Kulay puti ito kaya tinawag ko muna siyang Puti.
Naglagay ako ng tubig na may asukal sa isang lalagyan at magana naman itong uminom mula roon.
Abala ako sa pagtingin sa tuta ng dumating si Leon. May dala siyang kahon at agad na nakita ang aso.
"Yours?" tanong niya sa akin.
Umiling ako sa kanya, "Nakita ko lang. Baka hanapin ng may-ari kaya ipagtatanong ko na lang mamaya." Sagot ko sa kanya.
He nodded before handing the cake to me, "Happy birthday. My love." Aniya sa akin.
"Level up na rin yung tawag?" Natatawang tanong ko sa kanya.
Ngumiti siya sa akin at tumango. "Siguro?" he chuckled after.
Gustong-gusto ko talagang naririnig yung tawa niya. Sobrang sarap pakinggan nun talaga. Hinding-hindi siguro ako magsasawa na pakinggan iyon.
After a while ay dinampot niya ang plastic na bulaklak na nasa vase at inabot sa akin. "I know how much you hate flowers. But I just want to give you this one. Happy birthday, my love." Aniya at abot sa akin.
Ngumiti ako sa kanya at tinanggap iyon. "Thank you." tipid na sabi ko sa kanya. He then held my hand and again we danced to the music he created.
His hand found its place at the small of my back. Habang nakadikit naman ang aking pisngi sa kanyang dibdib. Ang sarap pakinggan ng t***k ng puso niya.
He has a knock for singing as well. Katulad ni Olivia ay magaling siyang kumanta. Ngayon pa lang ay naiiyak na ako kaya pinigilan ko na ang pagsayaw naming dalawa.
"May pagkain akong dinala para sa ating dalawa." Ayoko sanang matapos ang araw namin na malungkot lang kaming dalawa. Birthday ko ngayon at aalis na siya bukas.
He pulled me to the sofa, siya ang naupo habang hinila naman niya ako para makaupo sa hita niya. Alam kong marami siyang ginagawa kaya hindi ako umaaasa ng kung anuman mula sa kanya. Siya lang ay sobrang sapat na para sa akin. His arms wrapped around my waist before kissing my temple.
Sa gulat ko ay nagsimula na siyang kumanta ng Happy birthday song. Napangiti ako sa ginawa niya pero napalitan ang ngiti ko ng lungkot ng bigla kong maalala na huling beses na ito sa ngayon. Bukas ay aalis na siya.
Upang itago ang luha ay yumakap ako sa kanya na kinagulat niya. Huminto siya sa pagkanta at niyakap akong mabuti. Walang nagsalita sa aminbg dalawa. Naramdaman ko na lang ang masuyo niyang paghaplos sa likuran ko. Pinunasan ko naman kaagad ang luha sa mata ko at hinarap siya.
"Thank you for making my day so special, Leon. Ikaw ang dahilan kung bakit nakaabot ako dito." Sabi ko sa kanya.
He looked at me before wiping my tears using his thumb. "Mahal na mahal kita, Micaela. I know na hindi mo pa naiintindihan ang lahat ng ito pero---"
Hindi ko na pinatapos ang iba niyang sasabihin dahil hinawakan ko ang mukha niya at hinalikan siya sa labi. Nagulat naman siya sa ginawa ko pero ilang sandal lang iyon. Unang beses ko ito at gusto kong siya ang una kong mahalikan.
We both stopped kissing each other after we a while. I pressed my forehead onto his, "Mahal din kita, Leon. Bumalik ka para sa akin, please." I told him.