Hindi ako nakatulog buong gabi at pabiling-biling lang ako sa higaan. Kaya pag gising ko ngayong umaga ay para akong multo na hindi ko maintindihan. Ngayon pa naman ang pageant. Nakapag-practice naman kami ni Sebastian pero hindi ko maintindihan kung bakit ang lakas-lakas ng kabog ng dibdib ko!
"Kumain ka muna, anak. Susubukan namin ng Tatay mo na makapunta mamaya para suportahan ka," sabi ni Nanay sa akin sabay lapag ng agahan sa mesa.
Unang beses na nagluto ng kanin ni Nanay para sa agahan. Laging tinapay at kape lang ako. Ngayon ay kanin, itlog, at hotdog. Pwede na maging tanghalian namin.
"Sige po, Nay. Salamat po." sabi ko sa kanya
Hindi naman ako umaasa na pupunta sila ni Tatay. Pero yung kaalaman na may posibilidad ay nagbibigay sa akin ng kapanatagan. Baka sakaling mabawasan ang takot ko kapag nagpunta silang dalawa.
Naligo na ako at naghanda na sa pag-alis. Sa mansyon ng mga Velasquez ako manggagaling ngayong araw. Sabay kaming pupunta ni Sebastian sa school.
Simpleng puting t-shirt at pantalon ang suot ko. Walang ibang pinadadala si Senyora Tamara sa akin maliban sa sarili ko. Pati kasi ang uniporme na gagamitin ay manggagaling sa kanya kahit ang sapatos. Provided niya lahat. Kaya talagang pinag-igihan ko ang pag-aaral sa mga questions, humaharap pa ako sa salamin para lang sumagot.
Sa bahay ay paulit-ulit kong inaaral yung paglalakad ko. Pinahiram niya kasi ako ng sapatos na pwede kong magamit sa practice. Minaster ko talaga ang paglalakad at pagsasalita. Kahit sa ganitong paraan y magantihan ko man lang si Senyora Tamara.
Malaking halaga rin ang naubos niya para sa amin ni Sebastian.
Noong isang araw naman ay nakita na namin ang mga larawan namin sa harap ng gate. Yung dahon-dahon na may bulaklak ang backdrop namin ni Sebastian ang ipinasa ni Senyora Tamara.
Parehas na close -up ang larawan namin ni Sebastian doon. Pinili ni Senyora Tamara yung parehas naming seryoso na mukha ni Sebastian. Kung yung iba ay nakangiti kami ay hindi.
"Di ba dapat kapag photogenic nakangiti? Bakit hindi kayo nakangiting dalawa?" Iyon ang tanong sa amin ni Chari noong nakita niya yung pictures sa labas ng gate.
"Para hindi ka raw maglaway." sabat ni Roselle dito.
Wala rin akong ideya kung bakit iyon ang pinili ng Senyora Tamara para sa amin.
Pero kahit hindi kami nakangiti doon ay kami ni Sebastian ang may pinakamaraming boto. Kung minsan yung mga taga-Annex ay dumadayo para para lang bumoto rin.
Nahihiya nga ako kapag napapadaan ako doon kasi nagkukumpulan ang mga tao sa harap ng board na iyon. Hindi rin naman nila ako nakikilala dahil ang kapal ng make up ko doon.
Nakarating ako sa tapat ng mansyon nila Sebastian. Kumatok muna ako bago ako pinagbuksan ng pintuan ng guard nila doon.
"Magandang umaga po," bati ko sa kanya.
"Magandang umaga rin naman, Micaela. Pasok ka na. Iniintay ka na nila Senyora Tamara." imporma sa akin ni Kuya Jose, yung security guard sa bahay ng mga Velasquez.
Dumiretso naman ako ng lakad matapos makapag pasalamat. May kasambahay na agad na nag-aabang sa akin sa pintuan pa lang nila. Sinamahan ako nito na magpunta sa silid kung saan kami nagsasanay.
Nanlaki ang mata ko pagkakita ko sa gown na nasa ibabaw ng stage. Iyon ata ang isusuot ko. Unang beses kong makita iyon. Nakasuot ito sa mannequin na walang ulo.
Off shoulder ito katulad noong sinuot ko sa photoshoot namin. Punong-puno ng mga kumikinang na diyamante ito. Ang kulay nito ay naglalaro sa kula ymalalim na asul paangat hanggang maging malinaw na asul.
Katabi naman nun ay ang kakulay na damit ni Sebastian.
"You're here!"
Napalingon ako kay Senyora Tamara na halatang bagong gising dahil suot pa nito ang isang mahabang satin na pantulog. Ang ganda-ganda niya kahit bagong gising lang siya. Nakangiti itong lumapit sa akin at hinawakan ako sa kamay.
"Good morning po, Ma'am," bati ko sa kanya.
She smiled and guide me na makapasok sa loob. "That gown and suit arrived late last night. Look how beautiful they are. Do you like it?" tanong niya sa akin.
Sunod-sunod ang naging pagtango ko. "Napakaganda po, ma'am." sabi ko sa kanya.
She nodded, satisfied from what she heard from me. "Maaga tayong pupunta sa school niyo today. I have ask the school to provide us a room of our own. Ipapadala ko yang mga damit niyo ngayon para wala pang tao. The horses which you were going to use later ay dadalhin din mamaya. Sa school na kayo aayusan ni Seb para kung may makakita man sa inyo, at least you would show them your bare faces." sabi niya sa akin.
Tumango-tango ako sa sinabi niya. Planado lahat ni Senyora Tamara. Siguro natutunan niya iyon noong pageant days niya.
"Anyway, Theo's awake naman na. Why don't you join us for breakfast? Para may energy ka this morning," imbita ni Senyora Tamara sa akin.
"Nag-agahan na po ako bago umalis sa bahay, Ma'am. Salamat po sa imbitasyon." sabi ko sa kanya.
"You sure? My daughters aren't here naman so you don't have to worry at all." sabi niya sa akin.
Magalang na umiling na lang ako sa alok niya. Oras na nila ng pamilya niya iyon at hindi na ako dapat pang makisali pa.
Umalis nga si Senyora Tamara pero nagpadala naman siya ng pagkain para sa akin. Kinain ko na lang iyon sa loob ng silid habang hindi pa rin maalis ang mata ko sa napakagandang damit sa harapan ko.
Isusuot ko ba talaga iyon? Hindi ko alam kung mabibigyang hustisya ko iyon kapag sinuot ko. Masyado itong maganda para sa ordinaryong katulad ko.
Wala pang isang oras ay nakabalik na si Senyora Tamara kasama si Sebastian. Mga nakaligo at nakahanda na ang mga ito sa pag-alis.
Tinanguan ako ni Sebastian pagkakita niya sa akin. Alam kong kinakabahan din siya pero hindi naman ito nagpapahalata.
"Let's go? Isusunod na lang yang mga gowns and suits ninyo sa school. Naka setup na sa school yung room for the two of you. Magkahiwalay kayo ng room since we have to maximize the space of your rooms. Come on. Let's get going!" pumalakpak pa ito sa amin ni Sebastian bago kami umalis.
Kasabay nila ako sa van nila at si Kuya Elmer ang nagmaneho sa amin papunta sa school. Maaga kaming nakarating kung kaya't wala pang tao maliban sa nag-aayos ng stage.
Ang ganda-ganda ng pagkakaayos ng entablado. Wala rin kasing mga games ngayong araw para magbigay daan sa pageant.
"You will both conquer that stage." kampanteng sabi ni Senyora Tamara.
Dinala niya kami sa dalawang bakanteng silid sa itaas. Malayo sa mga classrooms namin. May mga harang din doon na parang bawal masilip ng kung sino. Naroon na nga rin ang make-up artist para sa araw na ito.
"Andyan na si ganda!" pumapalakpak na sabi ni Ate Janella pagkakita sa akin.
"Good morning po." bati ko sa kanila.
"We still have time for practice. Why don't we try walking at the stage?" tanong ni Senyora Tamara sa amin.
Sumang-ayon naman kami ni Sebastian. Huling beses na rin naman ito kaya ayos lang na samantalahin na namin ang oras habang wala pang mga tao.
Umakyat na kami sa stage. Binigyang daan kami ng nag-aayos ng entablado na mag-practice. Nanonood mabuti sina Senyora Tamara at ang mga assistant nito. Kampante naman akong naglalakad at inaalala lahat ng practice namin. Ayokong mapahiya si Senyora Tamara. Ayokong manghinayang sila sa ginastos nila para sa akin.
Pumapalakpak sila kahit yung mga nag-aayos ng stage na napanood kami ni Sebastian ay hindi maiwasang hindi pumalakpak para sa amin.
Habang nagpapractice kami ay dumating na ang gown at suit na isusuot mamayang gabi.
Hindi nawawala ang kaba ko kahit perpekto at maayos na ang paglalakad ko at paraan ng pagpapakilala. Parte naman ata siguro iyon.
Around lunch time ng i-pull out na kami from practice ni Senyora Tamara. May dumating kasing mga pagkain mula sa mansyon. Kumain na kami at naghanda na para sa event mamayang gabi. Kinulayan pa nila ang kuko ko ng kulay puti sa itaas na bahagi. Sinimulan na ring ayusin ang buhok ko. Nilagyan lang ng volume iyon. Mamaya raw ay aayusin pa iyon kapag magsisimula na ang event.
Alas-kwatro kasi ng hapon ang simula ng event sa school. Kaya around 2:30 ay sinimulan na akong lagyan ng make-up. Robe lang ang suot ko dahil mas madali raw iyong alisin kapag magpapalit na ako ng damit para sa mamaya.
Naririnig ko na rin ang malakas na tugtog mula sa ibaba at papasimulang ingay ng crowd. May isang dressing area kasi sa ibaba na para sa babae at para sa lalaki. Siguro dahil sina Senyora Tamara ang may-ari ay nabigyan kami ng espesyal na atensyon at mayroon kaming sarili naming silid.
Mas lalong naging malakas ang kaba ko dahil nakikita ko na ang pagbabago sa mukha ko. Nang matapos akong ayusan ng mukha ay pinasuot na sa akin ang bagong set ng uniform at sapatos. Binili pa talaga ito ni Senyora Tamara para sa akin.
Yung ginagamit ko kasing uniporme ay luma na at medyo madilaw na, hindi katulad nito na puting-puti. Kahit ang sapatos ay matingkad ang pagkakaitim.
Nilagyan lang ako ng head band na may mga bato-batong disenyo para sa unang round. School uniform kasi ang unang attire na kailangan ipakita.
Kinatok lang kami ng isa sa mga staff ng event para mag-ready na sa pagbaba. Naunang lumabas ng room si Sebastian dahil naabutan ko na siya sa labas.
Maayos ang itsura nito at masasabi kong pinaghandaan talaga ni Senyora Tamara ang lahat ng ito.
"Ang ganda naman talaga! You look so lovely, Micaela!" Lumapit pa si Senyora Tamara sa akin at hinawakan ang braso ko papunta sa kamay ko.
"Sure ako na magiging crowd favorite po yang dalawa, Madam!" sabi ni Ate Janella kay Senyora Tamara.
"I actually feel the same way." humagikgik pa ito. "Now. Come on and let's show them what you've got!" sabi ni Senyora Tamara.
Kami ni Sebastian ang unang lalakad dahil first year pa lang naman kami. Dahil medyo maliwanag pa ay nakita namin ang mga kaklase namin. Punong-puno ang ground sa mga bisita. Para akong kinakapusan ng hininga habang nakatingin sa kanila.
Pero pinili kong mag-concentrate at tumingin lang sa mga hurado. Kumilos kami ni Sebastian katulad ng itinuro sa amin. Naunang magpakilala si Sebastian at lahat ay nagsigawan para sa kanya.
Sunod-sunod ang paghugot ng hininga ko ng ako na ang maglakad. Mabuti na lamang at nakapag-ensayo akong mabuti. I walked confidently na parang isang modelo sa gitna at katulad ng pinag-aralan namin ay seryoso ang mukha ko at ngumiti lang pagharap sa mga hurado.
I can hear sighs from everywhere. Gustong-gusto kong lingunin sila pero hindi ko ginawa. Sumunod na rumampa sa entablado ang ibang level at sections. Kitang-kita ko na pinaghandaan nila iyon. May ilang magagaling na talaga sa paglalakad at nakukuha ang puso ng mga manonood.
Kinakabahan ako pero nilabanan ko iyon hanggang sa magpakilala ako sa mga hurado. Nauna akong magpakilala kaysa kay Sebastian.
"Magandang hapon po sa inyong lahat! Ako po si Micaela Soleil Alfonso, mula sa unang taon pangkat isa!" This time ay ngumiti ako at tiyak akong nakalabas sa mukha ko ang mga biloy. Sabagay tuwing magsasaita naman ako ay lumalabas iyon.
Tinuon ko ang atensyon ko sa crowd, pilit na nakangiti habang nakahawak ang isang kamay sa bewang.
"Sebastian Theodore Velasquez, unang taon pangkat isa." pakilala naman ni Sebastian sa sarili niya.
Umalingawngaw ang malakas na palakpakan at pag-cheer kay Sebastian dahil dito. Bago kami bumalik ni Sebastian ay ginawa pa namin ang posing na prinactice namin. Nakatalikod ako kay Sebastian, nakahawak naman siya sa bewang ko, pasimple ko siyang tinignan at hinaplos ang pisngi niya. Malakas ang naging sigawan ng mga tao.
Tumatambol naman ang dibdib ko at hindi makapaniwalang nagawa ko iyon. Matapos iyon ay pumuwesto naman kami para sa isang dance prod. Hindi talaga ako marunong sumayaw pero pinilit ko. Katulad ni Sebastian na kaliwa rin ang paa kaya nasa may bandang likuran kami. Ayos na rin para hindi kami masyadong nakikita ng mga tao.
After ng dance prod ay nagkaroon ng ilang intermission number na nagbigay daan sa amin para makapamalit ng damit namin para sa next attire namin, ang sports attire.
Nagmamadali ang mga stylist at make-up artist na naka-assist sa akin sa pag-aayos. Mabilisang kinulot ang buhok ko at tinali into high ponytail. May isa naman na umaalalay sa akin sa pagsuot ng damit.
"That was a good round! Continue that mysterious style we chose to do for this day. Everyone's kept looking at you guys!" masayang sabi ni Senyora Tamara pagpunta sa room kung saan ako inaayusan.
Black and white ang attire ko for today naman. May maliit na cap din ako na suot na angkop para sa sports namin ni Sebastian. Nagsuot kaagad ako ng boots tsaka kami nagmamadaling tumakbo ni Sebastian palabas ng school. Dumaan kami sa may likuran para hindi makita ng iba.
Paglabas ay nakita na namin ang kabayo sa may mini garden. Pero mas nagulat ako dahil hindi lang kabayo ang naroon kundi pati si Leon.
Napahinto rin ito pagkakita sa akin. Tipid na nginitian at tinanguan ko siya.
"Come one! Ride the horse na!" kalmante pero may pagmamadaling sabi ni Senyora Tamara.
In one swift move ay nakasakay na si Sebastian kay Rush, ang gray Arabian horse nito. Samantalang inalalayan pa ako ni Leon sa bewang ko para lang makasampa naman kay Spade, ang white Arabian horse ng mga Velasquez.
Hinawakan niya ako sa bewang habang ang isang paa ko ay nakasampa na stirrup ng kabayo. He pushed me gently so I can mount the horse. Hindi pa rin nawawala ang kaba ko lalo na at hindi talaga ako marunong sumakay ng kabayo.
"Salamat." sabi ko sa kanya.
He nodded before placing my feet really well sa stirrup. Ganun din ang ginawa niya sa isa. Sinisigurado niyang ligtas ako.
I gently pat Spade's body para maging komportable rin siya sa akin. May nakasunod pa rin sa amin na phototgrapher at kinukunan kami ng larawan.
"Good luck guys!" sigaw ni Ate Janella.
Nagkasalubong naman ang tingin namin ni Sebastian. Tumango lang siya sa akin. Hindi naman niya ako pinapabayaan kahit noon pa man. Nakaalalay siya kung nahihirapan ako o ano man.
Narinig ko na ulit ang boses ng mga emcee at pinapakilala na ang next na round na gagawin. Wala namang ibang nandito sa labas maliban sa amin ni Sebastian kaya sigurado akong kami lang ang may ganito.
The gate opened noong tinawag na kami. I softly tapped Spade's body using my legs to move. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa reign para hindi ako mahulog o anuman. Kahit nanlalamig ang kamay ko ay hindi ko pinahalata iyon sa mga manonood.
Ngumiti ako lalo na noong nakita nila kami. Everyone was so amazed lalo na noong pinaandar namin ni Sebastian ang mga kabayo sa bawat side. Everyone's looking at us and clapping their hands so hard.
Pati ang ibang contestants ay nakasilip mula sa backstage, alam kong nakita nila ang performance namin ni Seb para sa round na ito. Kami rin ang nagmaniobra ni Sebastian palabas ng school sa mga kabayo.
Mabilis na nakababa si Seb sa kabayo na agad niyakap ng ina niya sa sobrang tuwa. Samantalang nakabantay naman si Leon sa pagbaba ko. He offered his hand na agad ko namang hinawakan para magamit bilang alalay. Matangkad si Leon kaya hindi na nito kinailangan pang tumuntong sa maliit na ladder para lang abutin ako.
He held both of my waist at mabilis na tinulungan na makababa sa kabayo. Naamoy ko pa ang mamahalin niyang pabango sa sobrang lapit namin. Agad akong tumingin sa kanya at tipid na nginitian ito.
"S...salamat." sabi ko sa kanya tsaka mabilis na lumayo.
Kailangan kasi namin bumalik sa back stage para sa isang round ng paglakad habang suot ang sports attire. Mag-p-present kasi ng minor awards.
Pagbalik namin sa entablado ay ibinigay na ang ilang awards. Kami ni Sebastian ang nakakuha ng Mr. and Ms. Photogenic award, pati na rin ang Congeniality award, kasama na ang best in school uniform.
So far ang tatlong minor awards na nilahad ngayong round ay kami ang nakakuha.
"Sabi sa inyo e. Kayo makakakuha ng lahat ng awards!" kampanteng sagot ni Ate Jillian naman. Nagmamadali na kaming bumalik sa room para naman isuot ang formal attire for tonight, ang gown.
Tinulungan nila akong magbihis ng gown ko. Ngayon ko narealize na sobrang bigat ng damit ko, pinasuot din sa akin ang high heels na bagong bili ni Senyora Tamara.
Ate Jillian tied my hair na parang isang prinsesa. Inayos naman ni Ate Janella ang make up ko habang yung isang kasama nila ay kulang na lang ipaligo sa akin ang mamahalinv pabango.
The door of the room opened at ang inaasahan kong si Senyora Tamara ay hindi dumating instead ay si Leon ang pumasok. Hindi naman ito pinansin ng mga nag-aayos sa akin pero ang mata ko ay direktang nakatingin sa kanya mula sa salamin.
Nakita ko rin kasi ang pagtingin niyang mabuti sa akin.
Lumapit ito habang may hawak na box. "Pinabibigay ni Mommy sa iyo. Isuot mo raw." he handed the box to Ate Jillian na may kagat pang clip sa ngipin.
"Ha?" nasabi ko na lang sa kanya.
May pinadala pa si Ma'am Lena para dito. "Hindi kasi sila nakapunta ni Liv. They went to Manila for her check up." imporma niya sa akin.
Marahan akong tumango sa kanya. Nakakahiya naman at nag-abala pa si Ma'am Lena. Andami namang gamit na pinapahiram sa akin si Senyora Tamara. Hindi na sana siya nag-abala pa.
"Salamat." nasabi ko na lang sa kanya.
Isang oval shape na Sapphire necklace ang naroon. Napakasimple nito pero tiyak ko na mamahalin ito at hindi basta-basta mura lang.
Nag-angat ako ng tingin kay Leon na nakatingin pa rin sa akin. Tumango lang siya tsaka naupo sa isang bakanteng upuan doon.
"Mas bagay ito bhe sa gown mo. Ito na lang isuot mo." sabi ni Ate Janella sa akin. Walang seremonya na isinuot niya sa akin ang kwintas kaya hindi na ako nakapalag pa.
Pinagmasdan ko naman ang sarili ko sa harap ng salamin at nakitang bagay na bagay nga ito sa suot ko. I took a glimpse to Leon na nakaupo pa rin doon habang nakatingin pa rin sa akin.
"Ang ganda nito. Salamat. Ibabalik ko na lang mamaya pagkatapos ng event," sabi ko sa kanya.
Umiling siya sa akin. "That's a gift for you. Just take it with you." sabi niya.
Gusto ko mang tumanggi agad ay hindi ko na nagawa dahil kinailangan ko ng bumaba para sa last round. Tumayo rin si Leon pagkatayo ko. Para pa nga itong natigilan pagkakitang mabuti sa akin.
Hindi na rin siya nagsalita at inalalayan na lang ako hanggang makababa. Nakapila na rin doon ang ibang kandidata at hindi katulad ng damit ko ay simple lang yung sa iba, mayroon naman na halatang ginastusan din talaga. Alam kong nasa kabilang side na si Sebastian matapos itong tawagin na para sa pag-akyat sa stage.
Dahil madilim na ay nag-dim na rin ang liwanag sa buong paligid. Ang spotlight ay nasa kandidatang naglalakad sa stage which is si Sebastian. Malumanay din ang tunog na parang nanghehele sa mga pagod naming katawan at isipan.
Malakas na palakpakan ulit ang narinig ko hanggang sa ako na ang umakyat sa stage.
"Good luck." sabi ni Leon sa akin na nakabantay pa rin sa gilid ko.
Tinanguan ko siya nginitian bago umakyat sa entablado. Ang spotlight ay tumapat sa akin, wala akong ibang makita dahil sa liwanag. Dahan-dahan akong naglakad. Maging sa marahang paghagod sa suot ko at pag-ikot ay ginawa ko. Iyon kasi ang inaral ko.
Ilang minuto rin akong naglakad doon hanggang sa tinapos ko iyon at bumalik sa back stage.
Ramdam ko pa rin ang malakas na t***k ng puso ko pagbalik ko roon. May mga upuan para makapagpahinga yung ibag kalahok pero mas pinili kong panoorin yung ibang kasali sa maliit na monitor na nasa back stage.
Kulang-kulang tatlumpong minuto bago natapos ang paglalakad ng lahat. Umakyat kami sa stage dahil i-aaward naman ang iba pang minor prizes. At katulad kanina ay apat mula sa limang minor prize ay nakuha namin ni Sebastian.
Nakuha namin ang best in sports attire, best in ramp, darlings of the crowd, best in close-up shot. Hindi lang namin nakuha ang Social Media choice dahil hindi naman kami aktibo ni Seb sa mga ganun tsaka walang pakialam si Senyora Tamara sa ganoong award.
Napakarami na naming suot na sashes bago kami natawag para sa top 5. Napakalakas ng sigaw ng section namin pagkatawag sa pangalan namin ni Sebastian. Samantalang hindi ko naman alam ang gagawin ko dahil sa bigla ko. Hindi ko naman inaasahan na mapapasama kami.
Tinanggal nila Ate Janella ang sashes namin para pagharap ulit namin sa mga hurado ay maayos at walang kung ano-ano na nakasabit sa amin.
Kabadong-kabado ako lalo na noong ako na ang unang tinawag. Tinago ko lang ang kaba ko sa ngiti pero ang totoo ay parang sasabog na ang dibdib ko sa sobrang kaba.
"Para sa iyo, ano ang mahalaga, pag-ibig o pag-aaral?" iyan ang tanong sa akin ng host.
Tinanggap ko naman ang mikropono na inabot niya sa akin, "Maraming salamat po sa katanungan na iyan. Para sa akin, ang pag-aaral ang pinakaimportante sa lahat. Katulad kong lumaki na salat sa maraming bagay ay mas mahalaga na makatapos ako ng aking pag-aaral upang makatulong ako sa aking mga magulang. HIgit pa doon ay alam iyon ang tanging maipapamana ng aking mga magulang na kahit kailan ay hindi mawawala. Ang pag-ibig ay nariyan lamang sa isang tabi at makapaghihintay kung kailan ako handang umibig na. Marami pong salamat."
Hindi ko alam kung may sense pa ang mga pinagsasabi ko pero sana naman ay ayos lang iyon. Para kasing nablangko na rin ako kahit isa iyon sa mga questions na inaral ko. Pero malakas ang palakpakan at pagtanggap naman ng mga nanonood sa sagot ko. Sana lang ay ayos lang din iyon sa mga hurado.
Sumunod namang tinanong si Sebastian, "Ang iyong katanungan, kung bibigyan ka ng pagkakataon na umamin sa taong hinahangaan mo ngunit alam mong may prayoridad pa siya sa buhay. Ano ang gusto mong sabihin?"
Lihim akong napangiti sa tanong na napunta kay Sebastian. Nasa crowd pa naman ang alam kong inspirasyon niya.
"Mahal ko, sa bawat araw na lumilipas ay mas lalo kitang minamahal. Wala akong plano na agawin ang mundo sa iyo dahil ikaw ang mundo ko. Hindi rin ako nandito para nakawin ang pangarap mo, dahil ikaw ang pangarap ko. Kapag handa ka na, tandaan mo na nasa likuran mo lang at naghihintay lagi para sa iyo." sagot niya.
Naging malakas din ang palakpakan ng mga tao sa sagot ni Sebastian.
Dinarasal ko talaga na kami ang manalo sa gabing ito. At mukhang narinig naman ng kalangitan dahil pagkalipas ng isang intermission number ay inanusyo na ang nanalo.
"The Mr. Intramurals 2006 is... candidate number 1! Mr. Sebastian Theodore Velasquez!" malakas din ang naging palakpak ko noong marinig ang tawag sa pangalan ni Sebastian. Deserve na deserve niya ang award na ito dahil pinaghirapan din niya ang lahat.
I'm sure na masayang-masaya si Senyora Tamara sa pagkapanalo ng anak niya.
"For our Ms. Intramurals 2006 is...candidate number 1! Ms. Micaela Soleil Alfonso!"
Para akong nabingi panandalian sa pagbanggit sa pangalan ko. Kung hindi lang lumapit sa akin ang dating mga title holders ay hindi pa ako babalik sa ulirat.
"Congratulations," masayang bati sa akin.
"Thank you po." naiiyak na sabi ko.
Natapos ang event at lahat ay nagsiakyatan sa stage pagkatapos naming kunan ng larawan. Nagkaroon muna kami ng solo shot sa stage bago kami nayakap ng mga kaklase namin.
Binati ako nila Chari pati ng iba. Gayundin si Senyora Tamara ay hindi matago ang kasiyahan sa pagkapanalo namin ni Seb.
"Thank you so much po, Ma'am. Napakalaki po ng utang na loob ko sa inyo." sabi ko sa kanya.
She hugged me so tight bago niya hinawakan ang kamay ko. "No, Mica, deserve mo yan. I'm so happy that everything we did are all worth it. You are really beautiful, Micaela. I'm so happy for you and Theo. You both did well." sabi niya sa akin bago pinuntahan si Sebastian na yakap naman si Chari. Niyaya pa niya ang mga ito na magpakuha ng larawan kasama siya.
Lumapit naman si Leon sa akin pagkaraan akong kausapin ng adviser namin na si Miss Nicolas. "Congratulations, Micaela," matipid na sabi niya sa akin.
Ngumiti ako sa kanya pero sa sobrang tuwa ko ay napayakap na ako. Naramdaman ko ang bigla niyang pagkagulat sa ginawa ko. Aatras na sana ako kaya lang binalot din niya ang kamay niya sa akin.
"Thank you sa paghatid-sundo sa akin, Leon. Maraming, maraming salamat talaga." sabi ko sa kanya.
Malaki rin ang naiulong niya sa akin at hindi ko pwedeng abusuhin ang kabaitan niya. Kahit nagiging abnormal ang t***k ng puso ko ay hinayaan ko na. Ayos na ito, kahit ngayong gabi lang naman.