"Respeto naman guys. Ang hirap kaya maging president. Akala niyo ba madali? Kayo kaya dito para maranasan niyo yung nararanasan ko! Paos na nga ako dito tapos hindi niyo pa ako nirerespeto. Kaunting respect naman guys!"
Napatigil sa pagpasok si Sebastian matapos makita si Chari na nasa harapan ng teachers' table habang sinasabi iyon. Natigil din sa tawanan ang mga kaklase namin pagkakita sa seryosong mukha ni Seb.
Galing kasi kami sa practice at maaga kaming natapos. Hindi pa uwian ay nakabalik na kami sa room.
"Anong ginawa niyo?!" tumataginting ang boses ni Sebastian sa loob ng room.
Kahit ako naguguluhan samantalang napalingon naman si Chari dito. "Uy andyan na pala kayo. Bakit high blood ka na naman, Sebastian? Katatapos lang ng practice nagagalit ka kaagad." umiling pa ito bago humarap ulit sa klase. "Saan na nga ako?" tanong nito sa mga kaklase namin.
Tahimik naman ang mga ito na tinuro ang naguguluhang si Sebastian. Halos lahat ng kaklase namin ay takot kay Seb. Sino ba namang hindi? Magulang niya ang may-ari ng school.
"Ginagaya niya lang yung narinig niyang president ng third year." sagot ni Ivan.
"Akala mo ba nagagalit ako? Hinding-hindi ko sasabihin iyon, Seb!" natatawang sabi ni Chari dito bago umalis sa podium. "Corny mo po." tinapik pa nito sa braso si Sebastian.
Napailing na lang ako at pumunta sa upuan. Syempre nag-aalala lang naman si Sebastian para dito. Last subject na lang at iniintay na namin ang teacher namin.
"Akala ko naman kasi..." ani ni Sebastian.
"Hindi naman kasi! Masyado ka naman maka-react." naiiling na sabi nito.
Hindi ko na silang pinansin dalawa dahil pinupunasan ko pa yung pawis ko. Napagod kami kasi sa practice ngayong araw na ito. Kailangan ko pang sabayan si Sebastian sa pag-uwi ngayon. Ngayon kasi kami kukunan ng portrait na larawan na kailangan ipasa.
Matapos ang klase ay sabay kaming lumabas ni Sebastian ng school. Sinundo kasi siya ng driver nila. Gusto nga sanang isabay ni Seb si Chari kaya lang ayaw nito. Kaya nagtatalo pa sila hanggang ngayon.
"Ibababa ka naman namin sa inyo," nakahawak pa sa braso ni Chari si Sebastian.
"Kagigil ka! Naghihintay na si Micaela. Kaya ko naman kasing maglakad! Tsaka may pupuntahan pa ako." patuloy na pumpiglas na sabi ni Chari dito.
"Charlotte." tawag ni Sebastian dito.
"Sebastian Theodore!" tinampal nito ang kamay ni Seb kaya mabilis itong tumakbo at umalis.
Kaya habang nasa biyahe kami ay inis na inis si Sebastian. Halos hindi maipinta ang mukha nito sa gigil. Nakarating na kami sa bahay nila ay nakasimangot pa rin ito.
"Why are you mad, Theo?" tanong ni Senyora Tamara pagkakita sa anak. Sinalubong pa niya kami tapos galit na mukha lang ni Seb ang nakita niya.
Nilingon ako ni Senyora Tamara, naghahanap ng sagot sa akin. "Napikon po kay Chari." sagot ko na lang sa kanya.
Marahang tumango ito sa akin bago tinapik ang anak sa balikat. "Hindi ka pa nasanay kay Charlotte. You know how hard-headed that woman. I'm sure na magiging okay ka rin. Don't mind her please." sabi pa ng Senyora sa kanyang anak.
Tahimik naman akong nakikinig sa isang tabi. "Anyway, let's go and the artist are waiting for the two of you. Why don't you come inside na." yaya ni Senyora Tamara sa amin.
Pumasok na kami sa loob ng bahay, dumiretso kami sa lugar kung saan kami nagsasanay maglakad ni Sebastian. Napanganga rin ako pagkakita sa setup na naroon. May mga malalaking aparato sa bawat gilid. May mga bulaklak at halaman na nakasabit sa isang bahagi tapos sa isa naman ay purong puti na tela naman ang nakalagay.
"Sila na ba iyon, Madam? Kay gaganda naman ng mga iyan!" puri ng isa sa mga bakla na naroon.
Tumango si Senyora Tamara at inakbayan kami ni Sebastian. "Make everyone awe to their beauty." ani ni Senyora sa mga ito tsaka marahan kaming tinulak ni Sebastian papunta sa mga ito.
"Anong isusuot nila Madam?" tanong ng isa namang babae na naroon.
"Oh! Yang blue na off-shoulder dress kay Micaela and that coat and tie for Theo." turo ni Senyora Tamara sa nakasabit na damit.
Napalunok ako pagkakita sa damit. Napakaganda nito at parang hindi bagay na suotin ng katulad ko.
Hinawakan na ako ng dalawang babae habang si Sebastian naman doon sa mga bakla. Magkaiba kami ng aayusan na pwesto. Pinagpalit kaagad ako ng damit ng mga babae. Isinuot na nila sa akin ang asul na bestida.
Pagkaupo ko sa harapan ng salamin ay nakita ko ang itsura ng bestida sa akin. Lantad ang itaas na bahagi ng dibdib ko, pinagsuot din kasi nila ako ng strapless na undergarment para daw bumagay sa damit. Nakakailang man ay sinunod ko sila.
Floral ang itsura ng damit at hanggang talampakan ko, may mataas na hati iyon sa binti at may may belt na kulay ginto. Napakaganda ng itsura nito na binagayan pa ng kulay puting mataas na high heels.
Hindi ko alam kung ano ang concept namin para sa pagkuha ng larawan ngayong araw pero nasasabik na ako.
Nagpaalam naman ako kina Nanay at Tatay na gagabihin ako dahil may practice kami ni Sebastian. Nahihiya nga sila dahil wala silang naitutulong daw pero ayos lang naman. Mabuti na nga lang din at wala kaming aral ni Olivia ngayon. Magbabawi kasi rin ito ng mga activities.
"Ang ganda-ganda mo naman. May lahi ka ba?" tanong sa akin ng isa sa mga babaeng nag-aayos ng mukha ko.
Umiling ako sa kanya, "Wala po, Ma'am." sagot ko sa kanya.
"Iba kasi yung features mo e. Ang lakas maka-mayaman." dagdag pa nito.
Hindi na ako nakasagot pa dahil sinimulan na nila akong ayusan. Nagtagal sila sa paglalagay ng kung ano-anong kulay sa mukha ko. Nauna pang matapos si Sebastian kaysa sa akin.
Itinali ng mataas na ponytail ang buhok, dahil natural na kulot ang dulo nun ay hinayaan na lang ng mga taga-ayos. Naglagay lang sila ng kaunting buhok sa gilid ng mukha ko at kinulot din iyon.
Ang mukha ko naman ay simple at natural lang ang dating. Mapula ng kaunti ang labi dahil nilagyan ng lipstick. Dahil mahaba na ang pilik-mata ko ay hindi na sila naglagay ng extension na sinasabi nila.
Parang naging iba ang mukha ko pagkatapos akong ayusan. Halos hindi ko nakilala ang sarili ko.
"Pak! Panalo na yan sa round na ito. Ganda ni bakla!" puri ng isa sa mga baklang nakakita sa akin pagtayo ko.
Namula naman ako sa sinabi nila. Tinignan naman ako ni Sebastian tsaka siya tumango sa akin. Ang gwapo niya sa itsura niya. Sigurado kung nandito si Chari ay kikiligin iyon.
Pumasok ulit sa loob ng silid si Senyora Tamara pero hindi lang siya ang pumasok, nandoon din si Leon kasunod nito. Nagtagal ang tingin ni Leon sa akin kung kaya't hindi ko alam kung saan ako dapat tumingin talaga.
"You look wonderful, Micaela! Ang ganda-ganda mo hija!" masayang sabi ni Senyora Tamara.
Napilitan tuloy akong tumingin sa kanya at ngumiti. Nakatingin pa rin si Leon sa akin. "Salamat po, Ma'am." sabi ko sa kanya. Para tuloy ako biglang nailang sa paraan ng pagtitig niya.
"Look how dashing you are my Theo! Siguradong kikiligin si Chari kapag nakita kang ganyan." mapang-asar na baling naman nito sa anak sabay lapit dito.
Hindi naman lumapit si Leon at nanatili lang na nakatingin sa akin. Iniwasan ko naman ang tingin niya sa akin hanggang sa tawagin na kami sa platform ng photographer. Naunang kunan si Sebastian sa may backdrop na dahon-dahon at bulaklak.
Nakaupo naman ako at pinanood siya sa ginagawa niya para alam ko rin ang gagawin ko mamaya.
Kinakabahan ako sa totoo lang. Bago sa akin ang lahat ng ito. Hindi ako sanay sa mga ganitong kararangyang damit, hindi ako pamilyar sa mga kolorete na nasa mukha ko parang ang bigat tuloy ng mukha ko.
Ilang minuto ang tinagal ng pagkuha ng larawan kay Sebastian. Nakikita kaagad iyon sa maliit na monitor na nasa gilid. Napakagaling nga dahil para siyang modelo kung kumilos. Nasusunod niya ang sinasabi ng photographer.
Nanlalamig ang kamay ko lalo na noong tinawag na ako. Tinapik naman ako ni Sebastian sa balikat tsaka nito tinignan ang mga pictures nito. Para naman akong tuod na nakatayo doon sa gitna ng platform.
May lumapit sa akin na mga assistant at pinatayo rin ako sa harapan ng may dahon-dahon at bulaklak na backdrop. Sa bawat paglakad ko ay lumalabas ang isang binti ko dahil sa hiwa na mayroon ang damit na ito. Hindi pa ata kasi tapos, kinailangan ng kuhain. Wala naman akong ideya kung disenyo ito.
"Pasensya na po. Sira po yung damit ko." sabi ko sa mga umaalalay sa akin.
Nagkatinginan silang dalawa kaya tinuro ko ang damit ko. Umiling sa akin tsaka ngumiti, "Design yan bhe. Ganyan talaga yung gown mo." sabi nung isa sa akin na parang pinipigilan na ang pagtawa.
"Design po ito?" sinipat ko pa ulit ang gown na suot ko.
Grabe, hindi ko bibilhin ang ganito kung may ganitong hindi kumpleto pagkakagawa ng tela. Marahang tumango na lang, nahiya tuloy ako.
"Hindi ko po alam. Sorry po." sabi ko sa kanila.
Umiling silang dalawa sa akin. "Ayos lang. May mga ganyan talaga tayong moments. Sige na, pwesto ka na diyan. Kailangan mo lang sundin ang sasabihin ng photographer sa iyo." sabi sa akin.
"Opo." sagot ko sa kanila.
Ilang sandali pa ay pumuwesto na rin ang photographer. Ang lahat ng mata ay nakatuon sa akin. Si Sebastian ay kausap naman si Leon pero parehong nakatingin pa rin sa akin.
"Just feel comfortable, okay? Andyan naman sina Janella at Jillian para tulungan kang mag-posing." sabi ng photographer sa akin.
Iyon nga ang nangyari dahil bawat pagkuha ng larawan sa akin ay kailangan pa nila akong i-guide at alalayan. Tinuturuan din nila ako ng tamang projection sa harap ng camera, hindi madali pero nakayanan ko naman.
Hindi ko na lang pinansin ang mga tingin ni Leon sa akin at ang mga pasimpleng pagbunggo ni Sebastian dito.
Kung minsan ay si Senyora Tamara ang nagtuturo sa akin ng tamang posing. Mayroong nasa silya ako na parang pinasadya pa nila ang dating dahil kulay bronze pa ito. Direktang nakatingin ako sa camera habang nakahilig ako sa isang braso ko na nakapatong sa ibabaw ng upuan.
Mayroon naman na nakangiti ako, kung saan lumabas na ang mga dimples ko sa mukha.
Natutunan ko naman kaagad kaya lang kailangan ko ulit subukang hindi mailang lalo na noong kaming dalawa naman ni Sebastian ang kinunan.
Kailangan din kasing magpasa ng couple picture namin ni Sebastian. I-fa-flash ata sa screen ito dahil lahat kaming kalahok ay hiningian ng ganitong klaseng larawan.
Pinatanggal ang coat ni Sebastian kaya naiwan ang puting polo nito. Nakabukas ang apat na butones sa damit nito at nilagyan ng kung anong pamahid ang buhok nito para magmukhang basa. Tinupi rin hanggang sa siko ang damit nito.
Samantalang ako ay tinanggal ang pagkakatali ng buhok ko kaya lumadlad ang mahaba kong buhok. Kumuha lang ng dalawang kaunting hibla ng buhok ang taga-ayos sa akin at inipit iyon. Nilagyan pa ng bulaklak na disenyo ang buhok ko.
"Here what's you're going to do. Stand here, Theo..." utos ng photographer kay Seb.
Wala naman sa sariling sumunod si Theo. Tumayo ito doon. Bumaling naman sa akin ang photographer at tinawag ako.
"Dito ka naman, hija." Tinuro niya ako at pinatayo sa harapan ni Sebastian. "Turn around." sabi niya sa akin.
"Po?" ulit ko.
Yung mga assistant ang pumihit sa akin patalikod kaya nakaharap ako kay Sebastian. Ang mga ito pa mismo ang nagdala sa kamay ni Sebastian sa likuran ko. Napapitlag naaman kami ni Sebastian sa ginawa nila.
"Ang bagay naman niyong dalawa!" kinikilig na sabi ni Ate Janella.
"May crush po yang iba." ako na ang sumagot.
Alam ko naman kasi na hindi kami pwedeng dalawa. Mahal na mahal nito si Chari para tumingin pa sa ibang babae. Mag-kaibigan lang kaming dalawa.
"Crush lang naman pala. Hindi pa naman kinakasal. Pwede pa yan." sabat naman ni Ate Jillian.
Sumeryoso naman ang aura ni Sebastian at hindi sinagot ang mga ito. Hinayaan na lang nya ang mga ito na gawin ang dapat gawin para matapos na.
"Bhe, hawak ka sa dibdib ni Theo tapos tingin ka lang dito sa camera. Tapos ikaw, Theo, kay ganda ka naman nakatingin. Isipin mo siya yung crush mo." utos ni Ate Janella.
Marahas naman ang paghugot ng hininga ni Sebastian habang sinusunod sila.
Dahil diretso ang tingin ko sa camera ay nakita ko ang masungit na mga mata ni Leon na nakatingin sa gawi namin ni Sebastian. Pinapanood nito ang bawat kilos naming dalawa.
"Seryoso muna tayo ah bago yung may ngiti. Okay! Start na tayo, chill lang kayo." dagdag ng photographer.
May mga ibang pinagawa pa sa aming dalawa ni Sebastian dahil kailangan daw nila ng maraming choices na mapagpipilian sa aming dalawa. Para kaming mga modelo kung kunan ng larawan.
Mabuti na lang at nagawa kong hindi manlaban sa mga inuutos nila kung hindi ay nagtagal na kami. Naiilang kasi ako lalo na yung may pagyakap-yakap na pose na pinagawa nila. Ramdam ko rin yung pagkainis ni Sebastian pero pinigilan nito.
Wala naman kaming choice dalawa.
Nagkaroon ng munting break para sa last shoot. Yung sa white na backdrop naman iyon. Pinagpalit din kami ng damit. Isang itim na damit ang pinasuot sa akin. Spaghetti strap iyon at umabot hanggang hita ko ang taas. Mabuti na lamang at maputi ako at hindi ako nahiya sa tuhod ko o binti ko.
Kumikinang pa ang damit na iyon at sabi ng nagpasuot sa akin ay bumagay daw at lumitaw sa kulay ko na natural na maputi.
Ang buhok ko ay hinayaan ng nakalugay ngayon. Ini-straight din nila iyon at inayos din nila ang make up ko. Mas naging dark dahil sa mga itim na nilagay nilang eyeliner sa mata ko. Mapula na mapula rin ang labi ko, hindi katulad kanina.
Ganun din si Sebastian ay nag bago ang anyo. Itim na long sleeve dress ang suot nito. At itim na pantalon at sapatos.
Hindi pa nagsisimula ulit ang shoot dahil kumakain din ang photographer at mga assistants. Nagpahanda kasi ng pagkain si Senyora Tamara para sa mga ito.
Lumapit naman si Leon sa akin may dalang inumin. Nahuli pa niya akong hinihila pababa ang laylayan ng suot kong bestida.
Naupo siya sa tabi ko habang ang mga mata ay diretsong nakatingin sa platform.
"Salamat." sabi ko sa kanya sabay lingon dito.
Ayaw na niyang tinatawag ko siyang sir o kuya, wala ring po at opo kapag kinakausap ko siya. Naiilang man ay sinunod ko na lang din tutal iyon ang gusto niya.
"Bakit nga pala nandito ka?" tanong ko sa kanya. Wala naman kasing dahilan kung bakit siya nandito ngayon.
He took a glimpse to me before looking back at the stage. "Theo invited me. Hind ko naman alam may ganito. May gusto kasi sana siyang itanong sa akin." simpleng sagot niya sa akin.
"Ah..." sabi ko na lang sabay tango dito.
Namayani ulit ang katahimikan sa aming dalawa. Hindi ko naman kasi alam ang sasabihin ko sa kanya lalo na at hindi rin naman ito palakibo.
Tumikhim na lang ako at nag-isip ng ibang pwede namin na pwedeng pag-usapan lalo na at kaming dalawa lang ang nasa kwarto. Si Sebastian kasi ay pumunta muna sa kwarto nito.
"M...maayos lang ba yung ginawa ko kanina? Hindi kasi talaga ako sanay sa ganun. Mukha lang siguro akong tanga--"
"No. You look great." sabi niya sa akin. Hindi na hinintay na matapos ang iba ko pang sasabihin.
Napatingin ako sa kanya kaya lumingon din siya sa akin. Umayos ito ng upo sa silya at sumandal doon.
"First time?" tanong niya sa akin.
Kumunot sandali ang noo ko sa tanong niya, hindi alam kung ano ang tinutukoy nito. "This thing. Yang ginagawa mo ngayon. First time mo?" tanong niya sa akin na parang nabasa ang gusto kong malaman.
Tumango ako sa kanya. "Oo. Kaya naninibago talaga ako. Hindi ako sanay sa ganito. Hindi ako pamilyar sa mga camera," binuntutan ko pa iyon ng tawa.
Umiling siya sa akin. "You're doing well, Micaela. Ituloy mo lang." sabi niya sa akin habang nakatitig pa rin sa akin.
"Salamat. At least may nakapagsasabi sa akin na tama pa rin ang ginagawa ko." sabi ko sa kanya. Binawi ko rin ang tingin ko sa kanya at humarap na lang ulit sa stage.
"Kapag nalilito ka pa rin, magtanong ka lang sa akin. I will guide you all throughout." sabi niya sa akin.
Sinulyapan ko siya ulit, "Alam mo rin kung paano humarap sa camera?" Mukha rin naman kasing modelo ito. Sanay marahil ito sa harap ng camera.
"Quite there. I have been part of different agencies in Spain. Hindi lang ako nagtuloy dahil mas prayoridad ko ang pag-aaral." sagot nito sa akin.
Nanlaki ang mata ko sa kumpirmasyon niya. Ibig sabihin ay naging modelo nga siya?
"Naging modelo ka rin pala! Ang galing naman! Anong minodelo mo?" tanong ko sa kanya.
The end of his lips rose up katulad ng ginawa nito noong nakaraan. Napailing siya sa akin bago humarap sa stage. "Designer clothes. I have been part of ramp shows kaya lang hindi ko talaga gusto ang mga ganun. I prefer those who gives me adrenaline rush." sagot niya sa akin.
"Katulad ng pagmomotor mo?" tanong ko sa kanya bigla.
He nodded, "Mas masaya ako kapag ginagawa ko ang bagay na gusto ko. I don't want binds to stop me from doing what I love."
Sana ganun lang kasimple ang buhay. Siguro para sa mayaman ay madali lang sabihin ang mga ganoong bagay. Pero para sa katulad ko, kahit ayoko na ay hindi ako pwedeng umayaw. Pangkain sa araw-araw ang nakasalalay kung mag-aasta akong mayaman kahit hindi naman.
Nagsimula na rin ang shoot after ng ilang minuto. Solo shots lang naman namin iyon ni Sebastian. Madali na lang para sa akin dahil natutunan ko na ang tamang emosyon na dapat ipakita sa camera. Mabilis natapos ang shoot namin. Si Senyora Tamara ang mamimili ng ipapasa namin ni Sebastian sa school.
Nagpaalam naman akong magbibihis at maghihilamos. Kailangan ko na rin kasing umuwi medyo late na rin. Baka hinahanap na ako nina Nanay at Tatay.
Matapos tanggalin ang make up at magpalit ng suot kong uniporme ay pakiramdam ko nakabalik na ako sa dating ako. Hindi talaga sanay sa ganoong itsura ko.
"Maraming salamat po ulit, Ma'am. Uuwi na po ako," paalam ko kay Senyora Tamara paglabas ko ng banyo.
Tinignan na muna niya ako bago siya marahang tumango sa akin. "Gusto mo bang ipahatid na kita? Late na," sabi niya sa akin.
Umiling ako. Abala na nga yung ginawa ko dito, magdaragdag pa ako. "Hindi na po. Ayos lang po." sabi ko sa kanya.
"Wait here. I think Leon would want to bring you home. Allow me to do that for you, Mica. That's the least thing I can do for you." sabi niya sa akin bago lumabas saglit.
Sumunod naman ako sa kanya at nakitang kausap nito si Leon sa hallway. Tumango naman ito kaya sabay silang napatingin sa akin.
Ayoko na nga sana talaga. "Ayos lang po talaga, Ma'am. Nakakahiya na rin po kay Leon." pagtutol ko.
Sunod-sunod ang iling ni Senyora Tamara sa akin. "No. Leon will bring you home. Go and take her home, my dear." Tinapik pa nito sa braso si Leon bago nagpaalam sa akin at iniwan kaming dalawa.
Tinignan ko naman si Leon na mukhang iniintay lang ang susunod kong gagawin. Nang hindi ako kumilos ay ito na ang kumuha ng bag na dala ko at sinuot sa balikat nito. Nauna itong maglakad sa akin kaya kinailangan ko pa siyang habulin.
"S...sandali." sabi ko sa kanya.
Pero hindi na niya ako nilingon hanggang sa makalabas kami ng bahay. Ang akala kong motor na sasalubong sa akin ay isang kotse na kulay itim. Pinagbuksan niya ako ng pintuan.
"Get in. Don't worry, this one's safest than the motorcycle." anito sa akin.
Kinurap ko naman ang mata ko bago alanganing pumasok sa loob. Pumasok na rin siya sa loob ng sasakyan at pinaandar ito. Tahimik lang itong nagmaneho habang binabaybay namin ang daan patungo sa bahay namin.
Hindi ko alam na nagmamaneho rin siya ng kotse. Marami pa nga akong hindi alam sa kanya.