9

3666 Words
Nakabalik na kami sa normal matapos ang pageant. Ilang linggo na rin ang lumipas. Hindi naman ako pwedeng magpabaya sa mga aralin ko. Kaya kahit alam kong excuse kami sa bawat subject ay ginawa ko pa rin ang mga seatworks na kailangan kong ipasa.  "Why don't you just leave that? Come on and let's eat na. I'm starving already," imbita ni Olivia sa akin.  Recess na kasi pero hindi pa rin ako tumatayo sa upuan ko. Tinatapos ko yung mahabang seatwork sa Math na ginawa nila noon. Tapos na si Sebastian dito at naipasa na niya pero hindi pa ako. Hindi naman kasi ako ganun karunong sa Mathematics.  Isa pa, nakaka ilang ng pumunta sa canteen. Paano kahit mga Fourth year ay nagsasabi na crush nila ako. Mula lang naman ng manalo ako sa Miss Intrams ay dumami na ang may gusto sa akin. Nakakailang dahil hindi naman ako sanay sa atensyon na binibigay nila sa akin.  "Una ka na," sabi ko kay Olivia habang nakatuon pa rin ang mata ko sa ginagawa. "Mamaya na lang ako kakain. Hindi pa naman din ako nagugutom." sabi ko sa kanya.  Sumimangot si Olivia sa akin. "I'll just buy you a food na lang." anito bago ako iniwan.  Bumaba na yung iba naming kaklase kaya iilan na lang kami doon. Yung iba kasi ay may mga baong pagkain naman kaya hindi na bumababa.  Abala ako sa pagsasagot ng may pumasok na dalawang 3rd year students sa classroom. Ang I.D lace kasi nila ay kulay dilaw na para sa mga 3rd year lang at pati na rin ang stripes sa sleeve ng polo nila ay tatlo.  Hindi ko sila pinansin sa buong pag-aakala na hindi ako ang pakay nila. Pero laking gulat ko na lang ng umupo ang isa sa mga lalaki sa tabi ko. May hawak pa itong dalawang tsokolate at nilapag sa desk ko.  Nag-angat ako ng tingin sa kanila. Naguguluhan sa ginawa nila. "A-ano iyan?" tanong ko sa kanila.  Ngumiti ang lalaki na nasa harap ko. Lumabas ang dimple nito sa isang pisngi. "Cooper nga pala." pakilala nito sa sarili.  Nilingon ko ang mga kaklase ko na natigilan din sa pagkain at nakatingin sa amin. Ang kasama nito ay parang guard sa labas na nakabantay. Tumango ako sa kanya. "Micaela po." sagot ko naman.  Ngumiti ulit ito sa akin na animo ay nagustuhan ang pagsagot ko sa kanya. "I know you. Ikaw ang nanalo sa Miss Intrams. Ang ganda-ganda mo nga eh." puri niya sa akin.  Alanganing ngumiti ako sa kanya. Mula kasi ng manalo rin ako ay hindi na ako tinantanan ng mga nagpapahayag ng taga-hanga ko raw. Hindi naman ako sanay kaya hangga't maaari tuwing natatapos ang klase ay iniintay ko munang maubos ang mga estudyante bago ako lumabas ng room.  "May boyfriend ka ba? Pwede ka bang ligawan?" tanong sa akin agad nung lalaki.  Napalunok naman ako dahil sa pagiging straight forward nito. Hindi ko inaasahan na maririnig ko iyon agad sa kanya. Sabagay lahat naman ng nakikipagkilala sa akin ay walang ibang gusto kung hindi ang ligawan ako.  "Pwede ba?" tanong niya sa akin sabay urong ng tsokolate sa harapan ko.  Napailing ako sa kanya. Wala talaga akong oras para sa manliligaw o relasyon. Pag-aaral ang focus ko. Gusto kong umangat man lang ang ranking ko sa pag-aaral kahit papaano. Kahit hindi ko mapantayan si Chari sa pagiging top 1 kasi alam ko naman na walang makakapalit sa kanya doon. Gusto ko lang na hindi manatili sa dulo ng ranking.  "Sorry pero wala kasi akong oras sa ganyan."  sagot ko sa kanya. Iyon naman kasi talaga ang totoo.  Nawala ang ngiti sa mukha ni Cooper pagkasabi ko nun. Para siyang nagalit na hindi ko maintindihan.  "Why?" iyon ang tanong niya sa akin.  Umiling lang ako bilang sagot. Marahan itong tumango sa akin, "I won't pressure you, Micaela. I really like you even before you joined the pageant. Ngayon lang ako nagkalakas ng loob na umamin sa iyo. I hope we could be friend instead?"  tanong niya sa akin. Marahang tumango ako sa kanya. Iyon lang talaga ang kaya kong ibigay sa ngayon. Hindi na rin naman niya ako kinulit pa dahil umalis na siya pagkatapos kong pumayag. Iniwan lang niya ang tsokolate sa desk ko.  Wala naman akong balak pang kainin iyon sa ngayon dahil kailangan kong gawin ang mga dapat kong gawin. Nakabalik na ang mga kaklase ko sa room, napansin kaagd nila Chari ang tsokolate sa mesa ko. "Uy! May chocolate na naman siya. Bigay ng manliligaw mo ulit?" tanong niya sa akin.  Para bang normal na sa kanya ang ganoong scenario. Sabagay nakikita naman nilang lahat yung malaking pagbabago sa akin lalo na sa mga tao sa paligid ko magmula ng manalo ako.  Tumango ako sa kanya tsaka inalok iyon sa kanila ni Olivia. "Yey! Ayaw mo? Akin na lang ah? Gusto ko talaga ng chocolate ngayong araw kasi." sabi ni Chari  habang sinisimulang tanggalin sa lalagyan ang chocolate.  Inagaw naman iyon ni Sebastian at nilapag sa akin. Gulat na napatingin tuloy kaming tatlo sa kanya. "Bakit?" umaalmang tanong ni Chari dito. "Binigay na sa akin iyon!" reklamo pa niya.  "Ibibili na lang kita mamaya. Para kay Micaela iyon. Hindi naman ikaw ang pinagbigyan pero kinukuha mo," sagot ni Sebastian dito.  "Ayaw nga niya! Di ba ayaw mo na Mica?" nilingon pa ako ni Chari, nagmamakaawa ang mga mata.  Tinignan ko si Sebastian at inilingan ako. Alanganing nginitian ko naman si Chari matapos makuha ang gustong iparating ni Seb. "Kapag may nagbigay na lang sa akin ulit bukas. Bibigay ko na sa iyo. Sorry, Cha-cha." sagot ko sa kanya.  "I'll give you chocolates tomorrow, Chari. We have lots of chocolate in our house." sabat naman ni Olivia.  Pero hindi sumagot si Chari, buong araw ay nakasimangot ito. Hindi naman siya galit sa amin ni Olivia kung hindi kay Sebastian. Nanggigigil daw siya at pakialamero masyado.  "Akala mo naman gwapo. Nanalo lang naging madamot na kaagad." padabog na nilalapag ni Chari ang lunch box niya sa desk.  Magkakatabi kami sa upuan ngayong lunch dahil apatan ang upuan namin. Hindi kayang ipa-ikot. "I'll give you tomorrow. Don't worry." pagpapakalma pa ni Olivia dito.   Pero hindi nakuha doon si Chari. Talagang pinaririnig pa niya kay Sebastian yung mga hinaing niya  Tahimik naman yung isa na inaasikaso siya kahit sinusungitan niya ito.  "Hindi naman iyon sa ganun lang. Ang akin lang, binigay na sa akin tapos ayaw pa nung isa diyan. Hindi naman kanya iyon. Nakakaasar. Makahanap nga ng bagong kaibigan diyan." Tinignan pa nito si Sebastian tsaka inirapan.  Hindi naman ito pinansin ni Sebastian at hinayaan lang na dumaldal nang dumaldal. Sanay na rin kasi ito talaga kay Chari. Kapag hindi siguro siya inaway nito sa isang araw ay maninibago ito.  "So...are you going to our house, Mica?" tanong ni Olivia sa akin.  Nilingon ko naman siya, "Uhm...okay lang ba na bukas na lang, Mica? May tanggap kasi kami na labada ngayong araw. Ako ang maglalaba dahil nasa bukid sina Nanay at Tatay," nahihiyang sabi ko sa kanya.  "Oh! I see. It's okay naman. No worries." sagot naman niya kaagad sa akin.  Ilang linggo na rin ang namiss kong trabaho sa kanya dahil sa pagiging abala sa intrams tapos may mga kinukuha pang labada si Nanay. Ako naman ang magdalas maglaba ng mga iyon.   Pagkatapos din maglaba ay pinagtitinda niya ako ng Binalot. Hindi ko alam pero gipit na gipit ata kami sa pera ngayon. Madalas kasing sardinas ang ulam namin o kaya ay itlog lamang.  Kagabi nga ay nilagang saging at kamote ang hapunan namin.  "Pasensya na talaga." sabi ko sa kanya.  Nakakaunawa namang tumango si Olivia sa akin.  Mabuti na lamang at pagkatapos ng klase ng araw na iyon ay nakasabay ako ng uwi kay Chari at Sebasian. Over time uit si Olivia dahil may sinalihan siya org, yung Glee club sa school. Mahilig kasi siyang kumanta kaya naisipan niyang sumali roon. Para rin daw mahasa yung social skills niya.  Pagdating ko sa bahay ay hindi ko inaasahan na makikita ko kaagad sina Nanay at Tatay doon. Akala ko ay wala pa sila dahil sabi nila ay gagabihin silang dalawa. Babatiin ko sana sila ng nakita kong padabog na hinahagis ni Nanay ang mga damit na nilalabhan.  "Ubos na nga Michael! Wala nga tayong pera. Ano bang hindi mo maintindihan doon? Nangungutang na nga ako ulit kay Senyora Dianne. Sabi niya mamaya ko pa raw makukuha!" mataas na boses na sabi ni Nanay kay Tatay.  Natigilan ako sa narinig. Nangungutang na naman silang dalawa? Laging nauubos ang ipon namin dahil sa kasusugal nilang dalawa. Iyong napanalunan kong pera sa pageant ay binigay ko kaagad sa kanila. Akala ko ay itatago nila yun pala ay hindi, kinabukasan kasi ay may dala ng kung ano-ano si nanay na pinamili raw niya tapos may bagong manok panabong na naman si Tatay.  Kinagabihan nun ay nagpahanda sila ng pagkain para sa mga kaibigan, bumabaha rin ng alak nun. Hindi naman ako makapag reklamo kasi alam kong kasiyahan nila iyon.  "Asaan na yung pera ni Micaela?" tanong ni Tatay kay Nanay.  "Anong pera ni Micaela? Di ba pinambili mo ng manok mo na natalo rin sa sabong?! Lintik ka, Michael, ano may amnesia ka ba para hindi mo maalala yung pinagkagastusan natin?" balik ni Nanay kay Tatay.  "Tarantado ka pala, Guadalupe. Ikaw ang umubos sa pera ng anak natin! Kung hindi ka ba naman isa't kalahating gunggong na inimbita ang buong bayan para sa inuman.  Kung ano-ano rin na walang kapararakan ang mga pinamili mo! Ngayon sabihin mo sa akin kung sino ang umubos ng pera ni Micaela?!" sigaw ni Tatay.  Napaupo naman ako sa labas ng bahay habang nakatanaw sa paligid. Dinig na dinig ko sila mula sa lugar ko.  Nakakasawa na lang din.  Silang dalawa naman ang umubos ng pera ko. Ayoko lang naman i-reklamo iyon sa kanila dahil magulang ko sila.  "Sa susunod ayusin mo yang mga sinasabi mo, Lupe. Pinagbibintangan mo ako samantalang ikaw naman gumawa ng lahat ng iyan! O ano na ngayon? Paano ako sasali sa pasabong ni Carding? Limang libo ang taya doon, Lupe! Naisip mo ba na kapag nanalo ako ay magiging triple ang pera na iyon? Bente mil!  Magiging bente mil!" galit na galit na sigaw ni tatay.  "Wala nga! Saang kamay ng Diyos ako kukuha ng limang libo?  Pambili nga ng bigas wala tayo! Wag ka munang sumali diyan kay Carding. May susunod na sabong pa naman." sagot ni Nanay.  "Eh kung bakit hindi ka pumuntang San Rafael ngayon at kalampagin mo si Senyora Dianne!" pilit pa ni Tatay dito. "Malakas ang pakiramdam ko na mananalo ako ngayong araw kaya sundin mo na. Iwanan mo na muna yang labada mo at sundin mo ako!"  "Bakit hindi ikaw ang pumunta? Sino ba sa ating ang may diperensya sa paglalakad? Di ba ako? Mas mabilis kang makapupunta doon kung nagmamadali kang hayop ka!" sigaw ni Nanay dito.  "Gago ka pala! Tingin mo makakapasok ako doon? Sa itsura kong ito?! Hindi ko pa nga nakikita yang si Senyora Dianne na yan. Bobo ka talaga!" singhal naman ni Tatay dito.  Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko bago ako tumayo at pumasok sa loob ng bahay. Nagkunwari akong kararating ko lang. "Andito na po ako." anunsyo ko tsaka ko ibinaba ang bag ko sa lamesa.  Humina naman bigla ang boses nina Nanay at Tatay tsaka pumasok sa loob ng bahay. "Andyan ka na pala, anak..." sabi ni Nanay.  "Opo. Ang aga niyo po ata ni Tatay ngayon," kunwari'y puna ko sa kanila.  Pasimple namang binunggo ni Tatay si Nanay sa balikat. "Maaga kasi kaming natapos sa bukid..." sagot ni Nanay sa akin. "Siyanga pala, Micaela, anak. Makikisuyo sana kami ng tatay mo. Maaari ka bang pumunta kay Senyora Dianne sa San Rafael? Sabihin mo pinapupunta kita." mahinahon na sabi ni Nanay.  Tinignan ko silang dalawa ni Tatay mabuti bago ako tumango. Mukhang kailangang-kailangan nga nila ng pera talaga. Mas lalala yung  pagtatalo nila kung hindi ko sila susundin.  Tumango naman ako sa kanilang dalawa. "Ngayon na po ba?" tanong ko.  Alam ko naman ang sagot sa tanong ko pero gusto ko lang marinig sa kanila ang kompirmasyon. "Oo anak!" sabay na sabi nung dalawa sa akin.  "Sige po." sagot ko sa kanila.  Hindi ko na sila inintay na magsalita o ano pa man.  Wala naman akong magagawa kung magrereklamo pa ako sa kanila.  Tahimik na sinunod ko na lang sila. Nagdala na lang ako ng payong palabas ng bahay at hindi na sila  nilingon pa.  Hindi man lang nga nila nagawang itanong kung kumusta ang araw ko. Sabagay kung pag-aaway ang inuunan nila talagang hindi nila ako matatanong.  May kalayuan na rin ako sa bahay ng narinig ko ang pamilyar na motor na paparating sa akin. Agad na nakita ng mata ko ang motor ni Leon na papasok sa bayan ng Trinidad. Motor iyon ni Leon at si Leon din ang nakasakay. Itim na itim ang suot nitong damit. Mukhang hindi rin naman niya ako nakita dahil nakalagpas siya sa akin.  Mula noong contest ay ngayon ko lang ulit siya nakita. Balita ko ay abala ito sa eskwela. May tinatapos din na mga gawain sa school nito sa ibang bansa.  Napabuga na lamang ako ng hangin at nagpatuloy na ulit ako sa paglalakad. Mahaba-habang lakaran ang gagawin ko dahil wala namang pamasahe na binigay sina Nanay at Tatay sa akin. Ang ipon ko ay ayokong galawin dahil may mga plano ako para doon. Iilang libo pa lang naman ang pera ko mula sa pinagtrabahuhan ko. Hindi naman ganun kalaki. Patuloy na ako paglalakad ng makita ko ang paghinto ng isang motorsiklo sa harapan ko. Napaatras pa ako dahil ang buong akala ko ay hindi ako nito nakita.  Leon opened his sun visor gamit ang kamay nitong suot ang itim na gloves. Nagtataka itong nakatingin sa akin.  Habang nakatingin siya sa akin ay hindi ko maiwasang kapusan ng hininga. Ngayon ko lang ulit siyang nakita ng ganito kalapitan.  "Where are you going?" tanong niya sa akin sabay pasada ng tingin sa suot kong damit.  Hindi kasi ako nakapagpalit man lang ng uniporme.  Nahiya tuloy ako sa suot ko.  "Sa San Rafael," sagot ko sa kanya.  "Again? For what?"  "Inutusan kasi ako ni Nanay. May pinapakuha lang sa mga Mariano." sagot ko sa kanya ulit.  Nakita ko ang pagtaas ng kilay niya bago tinukod ang motor at bumaba dito. Binuksan nito ang upuan at kinuha ang isang helmet. Yung helmet na ginagamit ko. Napaatras ako bigla dahil mukhang alam ko na ang gagawin niya.  "H-hindi na! Ayos lang. Kaya ko namang maglakad papunta doon." sabi ko sa kanya habang umiiling.  Pero hindi siya sumagot. Hinawakan niya ako sa braso at hinila palapit sa kanya. Ito na mismo ang nagsuot ng helmet sa ulo ko. Kung tutuusin ay wala pa nga ako sa kalagitnaan ng Trinidad papuntang San Rafael.  "Hahatid na kita at hihintayin na kita." Ito pa mismo ang gumiya sa akin papunta sa motor nito.  Katulad ng dati ay hinawakan niya ako sa bewang at iniangat para makaupo sa likuran. Sa sandali pagtatama namin ay naamoy ko kaagad ang mamahalin niyang pabango. Ito rin ang pabango niya noong binuhat niya ako sa kabayo. Hindi masakit sa ilong kaya tiyak na mamahalin iyon.  Patagilid akong nakaupo ngayon dahil sa palda ko. Sumakay naman kaagad sa harapan si Leon kaya awtomatikong pinulupot ko ulit ang braso ko sa kanya. Naramdaman ko ang paghugot niya ng hininga bago inalis sa pagkakatukod ang motor.  Wala pang ilang sandali ay pinaandar na niya iyon. Kumpara dati ay mas nakakayanan ko ng idilat ang mata ko sa biyahe. Sa ganitong paraan ay nakikita ko ang ganda ng bayan ng Trinidad.  Nakadikit pa rin ako kay Leon kaya sigurado akong hindi ako mahuhulog. Isa pa ay magaling at ligtas siyang magmaneho. Wala naman akong dapat ipangamba sa parteng iyon.  Wala pang tatlumpong minuto ay nakarating na kami sa tapat ng subdibisyon ng mga Mariano. Binaba niya ako sa lugar kung saan niya ako sinundo noon.  "Iintayin kita dito." sabi niya sa akin habang tinatanggal ang helmet na suot ko.  "Baka may kailangan ka pang puntahan?" tanong ko sa kanya.  "Kaya ko namang umuwi mag-isa." Umiling siya sa akin pagkatanggal ng helmet, "I'll wait here. Go inside now." utos niya sa akin.  Para hindi na rin magtagal ang paghihintay niya ay nagmamadali akong pumasok sa loob ng subdibisyon. Kulang na lang ay takbuhin ko iyon makapasok lang sa loob ng lugar.  Ang malalaking bahay ay nakaparada sa harapan ko. Kaliwa't kanan ay mga dambuhalang bahay ang narito. Hindi kagaya sa Trinidad, ang San Rafael ay likas na mayayaman ang nakatira. Si Don Enrique Mariano na ama ni David ay ang mayor ng lugar na ito. Kaya hindi na kataka-taka kung bakit ganito kalaki ang bahay nila.  Pagdating ko sa tapat ng bahay nila ay nag-door bell muna ako. Laking gulat ko na si David ang nagbukas ng pintuan sa akin. Ang laki ng ngiti ko pagkakita sa akin.  "I-ikaw pala, Micaela. Pasok ka. Nadalaw ka ngayon." sabi niya sa akin.  Nginitian ko siya bago tumango. "Inutusan po kasi ako ni Nanay. Nariyan po ba si Ma'am Dianne?" tanong ko sa kanya.  Namumula ang mukha ni David ng humarap sa akin. "Oo. Andoon siya. Tara." Nauna pa itong maglakad sa akin pero pasulyap-sulyap naman ito sa akin.  Hindi ko na lang pinansin ang mga pasimple niyang tingin sa akin. Sabi sa akin ni Nanay ay gusto raw ako ni David. Pero wala naman akong nararamdaman para sa kanya.  Pumasok kami sa loob ng bahay nila. Maganda ito pero walang mas gaganda pa sa bahay ng mga Velasquez at bahay nila Olivia. Hindi ko tipo ang modernong mga kagamitan sa buong bahay. Kumikinang ang malaking chandelier pati na rin ang mga babasaging gamit nila. Nakakatakot lapitan dahil baka mabasag.  "Mommy! Micaela's here!" sigaw ni David pagpasok namin sa salas. Nilingon pa niya ako at nginitian.  "Sandali lang ah. Tawagin ko lang si Mommy." nagmamadali pa itong iniwanan ako at umakyat sa mataas na hagdanan nila.  Nilibot ko naman ang tingin ko sa buong bahay habang nananatiling nakatayo. Ayokong upuan ang sofa nila dahil mukahng hindi iyon tumatanggap ng alikabok na katulad ko.  Hinintay ko sila hanggang sa makarating kaya nagulat pa si David na nakatayo pa rin ako.  "Sana naupo ka na," sabi niya sa akin.  Umiling na lang ako, "Hindi na po.  Baka po kasi marumihan." sabi ko sa kanya. Sinipat ko naman si Ma'am Dianne na nasa likuran nito. Hindi nakangiti at nakataas lang ang kilay ngayon.  "Magandang hapon po, Ma'am Dianne. Pasensya na po at narito po ako. Inutusan po kasi ako ni Nanay. Yung sinabi raw po sana niya sa iyo," sabi ko sa kanya.  Umirap muna si Ma'am Dianne bago iabot sa akin ang envelope, "Pakisabi sa Nanay mo na kailangan ko silang makausap ng Tatay mo sa susunod. Ikaw lagi ang pinapapunta nila samantalang kaya naman nilang kumilos. Hindi ba sila naaawa sa iyo?" anito sa akin. Tinaggap ko naman iyong envelope. Bagama't hindi pa binubuksan ay naramdaman kong may kakapalan iyon ng kaunti. "Pasensya na po. Sasabihin ko po kay Nanay at Tatay ang sinabi niyo po sa akin." Kinumpas naman ni Ma'am Dianne ang kamay niya. "O siya sige, ako'y aakyat na ulit. Alam na ng Nanay mo ang tungkol diyan. Medyo masama ang pakiramdam ko kaya hindi na kita makakausap pa." sabi niya sa akin.  Tumango ako sa kanya kaya umakyat na ito kaagad. Nanatili naman si David sa harapan ko, nakatingin sa akin. "Uuwi ka na ba? Gusto mo bang dito na maghapunan?" tanong niya sa akin.  Tipid na umiling ako sa kanya. "Kailangan po kasi ata ito nila Nanay at Tatay. Pasensya na po kung hindi ko kayo mapagbibigyan ngayon."  Marahan siyang tumango sa sinabi ko. Halata ang dissappointment sa mukha. "Siya nga pala, nabalitaan kong nanalo ka sa intrams ninyo. Wala naman duda iyon kasi sobrang ganda mo para matalo," sabi niya sa akin.  "Salamat. Tinulungan din naman kasi ako ng mga Velasquez kaya nagawa kong maipanalo iyon." sagot ko sa kanya.  Alam kong gusto pa niyang mag kwento pero hindi ko na siya binigyan ng pagkakataon. Nagpaalam na akong uuwi dahil may naghihintay pa sa akin sa labas.  Mabuti na lang at pumayag siyang makaalis ako.  Kaya nagmamadali ko ulit na tinakbo ang lugar makalabas lang ng subdivision. Para akong nakahinga ng maluwag pagkakita kay Leon na nakaupo lang sa motor nito. Nakatalikod siya sa akin at nakaharap lang sa parke kung saan siya nakaparada.  Tinawid ko ang pagitan para makabalik sa kanya. Napalingon naman siya sa akin ng maramdaman niya ako.  "Sorry. Natagalan." hinihingal na sabi ko sa kanya.  Tumayo siya at umiling sa akin. "Hindi ka na sana tumakbo. Hindi naman ako aalis. Hihintayin naman kita."  sagot niya sa akin.  Lumapit siya sa akin at inabutan ako ng soft drinks na mukhang binili nito. "Quick break before we go? What do you think?" tanong niya.  Tumango ako sa kanya bago inabot ang inumin. "Salamat."  Binuksan ko naman iyon pagkalapag ng envelope sa upuan ng motor nito.  Dumako ang mga mata niya roon. "Money?" tanong niya.  Napatingin din ako doon pagkatapos kong uminom. "Siguro? Hindi ko binuksan," simpleng sagot ko.  He heaved a sigh before looking back at me. "Hindi ka ba napapagod na sundin ang utos nila?" tanong niya sa akin.  Ganun ba ako ka-transparent? Mukhang nababasa niya ang nasa isipan ko.  Iling ang ibinigay ko sa kanyang sagot.  "Wala akong karapatang mapagod. Hindi naman kami mayaman na katulad ninyo kaya kahit mahirap susundin ko pa rin ang mga magulang ko." sagot ko sa kanya.  His jaw clenched as watched my expression. Pinilit kong ngumiti sa harapan niya. "Salamat ah. Nakahanap ako ng isang taong sasandalan sa iyo. Pwede ba tayong maging magkaibigan?" tanong ko sa kanya pagkatapos ay inilahad ko ang kamay ko sa kanya.  Tinignan niyang mabuti iyon tsaka binalik ang tingin sa mukha ko. "Sorry, Micaela. I can't think of you as a friend. I don't do friends with martyrs." sabi niya sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD