Dumaan ang isa pang taon sa buhay namin. Normal na aral-trabaho-aral-trabaho ang ginagawa ko. Si Olivia naman ang nanalo noong second year kami sa Ms. Intramurals, samantalang napanatili ni Chari ang pagiging top 1 nito.
Si Leon ay mas naging masigasig sa pag dalaw sa bahay. Noong bakasyon ay wala siyang pinalampas na araw sa pagbisita at pagtulong sa akin sa pagtitinda.
Hinahayaan na nga lang nina Nanay at Tatay na dumalaw siya. Kung ang pagdalaw ni Leon sa amin ay normal lang para sa akin, ang pagpunta naman ni David ay hindi. Madalas ding nagagawi si David sa bahay kahit wala namang dahilan.
Ang dahilan ng pagpunta niya ay dahil daw sa utang nina Nanay at Tatay kay Ma'am Dianne. Hindi ko alam kung gaano kalaki ang utang namin pero nakikita ko na lang kung minsan na sobrang nahihirapan na sina Nanay at Tatay.
Kalagitnaan ng taon ay isang masamang balita ang nalaman namin. Pumanaw ang nanay ni Chari dahil sa isang sakit.
Nakakabingi ang katahimikan sa buong room matapos naming malaman iyon mula kay Sebastian. Kaya pala hindi siya pumasok ngayon. Naghiwalay pa naman kami ng maayos kahapon tapos ganito ang nangyari.
Naging gloomy ang aura ng bawat isa sa amin maliban na lang sa mga may ayaw kay Chari.
"What's with the atmosphere? Why are you all sad?" tanong ni Natalia.
Pero walang sumagot sa kanya. Inis na inis pa rin kasi ang mga ito kay Chari dahil sa nakukuha nito ang atensyon ni Sebastian.
Pagkatapos agad ng klase ay nagpunta kami ni Olivia kasama si Seb sa bahay nila Chari. Gusto ko kaagad maiyak pagkakita sa kanya. Bihirang umiyak si Chari kaya masakit para sa akin na makita siyang ganito.
Niyakap ko kaagad siya pero mukhang wala ng plano ang mga mata niya na umiyak. Mugtong-mugto ito habang nakayakap sa amin ni Olivia. Kami na lang ang umiiyak para sa kanya.
"Hindi na sana kayo nagpunta. Nakaabala pa ako," mahina ang boses na sabi ni Chari sabay lingon kay Sebastian. Pilit siyang ngumingiti pero kitang-kita ang sakit sa mukha niya.
Hindi nun matatago ang katotohanan na sobrang sakit ng nararanasan niya ngayon.
Umiling si Olivia bilang sagot, "No. We really decided to go here. What do you need ba? I can send foods for later and for the incoming days." alok ni Olivia.
Umiling si Chari at hinawakan ang kamay ni Olivia. "Salamat sa alok, Liv. Kaya naman namin ni Tatay na maghanda para sa mga bibisita. Huwag na kayong mag-abala pa." nilingon nito kaming dalawa.
Dahil wala rin naman akong maitutulong sa pera ay araw-araw akong nagpupunta sa kanila para tumulong man lang sa pag-aasikaso ng mga bisita. Si Sebastian kulang na lang ay hindi pumasok para hindi maiwanan si Chari. Si Olivia naman ay laging nagpupunta dito kapag natapos ang activities niya sa club.
Kahit sa paraang man lang na iyon ay makatulong ako kay Chari. Kaibigan ko siya. Matalik na kaibigan at alam kong sobra siyang nasasaktan ngayon.
"Magpahinga ka muna. Ako na muna dito." sabi ko kay Chari, ito na ang huling gabi ng lamay para kay Aling Elena.
Umiling si Chari habang nakatuon pa rin ang mata sa pinaglalagakan ni Aling Elena. Si Mang Fred ay matamlay na matamlay din pero alam kong nilalakasan niya ang loob niya para sa anak.
"Huli na ito, Mica. Bukas...hindi ko na siya makikita. Hanggang alaala na lang ang babaunin ko. Yung matatamis na ngiti niya, yung masayahing mukha niya, yung mga haplos niya, at pagmamahal sa akin. Iyon na lang ang babaunin ko sa mga darating na araw," mahinang sabi ni Chari. Napayuko pa ito pagkatapos ay nagpatakan na ang mga luha sa mata nito.
Hindi ko rin maiwasang hindi umiyak. Napakabuting tao ni Aling Elena. Hinding-hindi ko makakalimutan ang kabutihan na pinakikita niya hindi lang sa akin kung hindi sa lahat.
Marahan kong hinaplos ang likuran ni Chari. Sakit sa bato ang kinamatay ni Aling Elena, sobrang biglaan dahil kahit si Chari ay hindi alam na may ganoong kondisyon ang Nanay niya.
"Alam mo yun, Mics. Dinasal ko na sana kapag kinasal ako...silang dalawa ni Tatay ang maghahatid sa akin sa altar. Makikilala nila yung anak ko, pati yung lalaking pipiliin kong makasama habambuhay. Kaya lang...mukhang si Tatay na lang ang makakapaghatid sa akin sa altar. Ang sakit-sakit na hindi na niya ako makikitang maging isang guro. Na lahat ng pinaghihirapan ko ay para sa kanilang dalawa. Lahat iyon ay wala na lang silbi kasi wala na siya." pagpapatuloy ni Chari.
"Nandyan pa si Mang Fred. Hinding-hindi ka niya iiwan, Chari. Andito rin kami at kahit kailan ay hinding-hindi ka iiwanan." sabi ko sa kanya.
Mapait at masakit para kay Chari lahat pero matatag siya at alam kong makakayanan niya ang lahat ng ito.
Hanggang sa libing ni Aling Elena ay hindi namin siya iniwanan. Naroon kami para iparamdam sa kanya na may mga taong handang alalayan siya at hindi iwanan.
Unti-unti ay alam kong makakayanan niya iyon.
"David?" Gulat na tanong ko, isang araw pagkauwi ko ng school.
Nasa labas ng bahay namin si David habang ang sasakyan ng mga ito ay nakahambalang sa gitna ng daanan.
Ngumiti siya kaagad sa akin dahilan ng paglabas ng dimple sa mukha nito. Lumapit siya kaagad sa akin na may hawak ng isang tangkay ng rosas.
"Para sa'yo," bigay niya. Namumula pa ang mukha nito habang nakatingin sa akin.
Nagsalubong naman ang kilay ko habang nakatingin doon. "Para saan?" tanong ko.
"W...wala lang. I just want to give you this."
Nang hindi ko pa kinuha ay siya na mismo ang naglagay sa kamay ko ng bulaklak. Masayang-masaya ito habang hawak ko ang dala niya.
"Bakit ka pala nandito?" tanong ko sa kanya. Maniningil na naman ba siya kina Nanay at Tatay?
"Wala lang. Gusto lang kitang bisitahin."
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Bakit naman niya ako kailangan dalawin? Ilang beses na niya itong ginagawa pero hanggang ngayonn ay hindi ko pa rin maintindihan ang rason niya.
"I just want to see you before leaving for America. I will leave on Sunday." dagdag pa nito.
Marahang tumango ako sa kanya, "Mag-iingat ka sa biyahe at pananatili mo doon." sabi ko na lang.
Hanggang ngayon ay naiilang talaga ako sa presensya niya. Hindi ako sanay na nakikita siya dito sa lugar namin. Siya nga ang isa sa dahilan kung bakit nagtalo kami noon ni Leon. Hindi ko aakalain na pagtatalunan namin siya kahit wala naman kaming relasyon na dalawa.
"Yung tungkol nga pala sa utang nina Nanay at Tatay---"
Agad na nag-angat ng mukha sa akin si David tsaka ngumiti nang mabuti, "Don't mind it. Bayad na sila. Napag-usapan na nila ni Mommy ang mode of p*****t. Don't think about it. It's been settled already." sabi niya sa akin.
Hindi sinasadyang napataas ang kilay ko. Wala kaming isandaang libo para mabayaran ang mga magulang niya. Alam ko ay umabot sa isandaang libong piso ang utang namin sa pamilya nila. Lahat iyon ay dahil sa pagsusugal nina Nanay at Tatay. Naitalo naman nila iyon lahat sa bisyo nila.
"Ha? Paano? Wala naman kaming--"
"Basta. Bayad na sila. Maybe you should ask them instead. Pagkasabi kasi ni Mommy ng options on how they could settle their debt, they both agreed immediately."
Natahimik na lang ako sa sinabi niya habang iniisip ang pwedeng pambayad nila. Baka uutang na naman sila o ibebenta ang maliit na lupain namin na ito. Aalamin ko na lang mamaya.
"Salamat sa pag-inform sa akin tungkol doon. Mag-iingat ka sa biyahe mo, David." sabi ko na lang sa kanya.
Napatalon pa sa saya si David bago lumapit sa akin at hinalikan ulit ako sa pisngi. Namumula ang mukha ulit nito na lumakad papalayo at sumakay sa sasakyan nito.
Para naman akong nabunutan ng tinik pagkaalis nito pero hindi pa man ako nakakapasok sa bakuran namin ay isang kamay na agad ang humila sa akin. Hindi ko na kailangan alamin pa kung sino iyon dahil batay pa lang sa t***k ng puso ko ay mayroon na akong ideya kung sino.
Pagharap ko ay ang mukha ni Leon ang agad na nakita ko. Ang berdeng mga mata niya ay galit na nakatingin sa hawak kong bulaklak pero ang panyong pinamumunas niya sa mukha ko ay masuyon ang pagdampi.
"A...anong?" Hindi ko halos matapos ang sasabihin ko dahil sigurado akong nakita niya ang munting tagpo namin ni David kanina.
Pagtatalunan na naman ba naming dalawa ito?
Inagaw niya mula sa kamay ko ang bulaklak at tinapon lang sa isang tabi.
"Flores baratas" Usal nito. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin nun. "Maligo ka at magpalit ka ng damit. Aalis tayong dalawa," sabi niya sa akin.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya.
"Basta. Iintayin kita." Halos pagtulakan pa niya ako para lang makapasok sa bakuran namin.
Nilingon ko pa siya at nakitang papalapit naman ito sa motor nito. Sanay na sanay na ako sa sasakyan niya na iyon. Kayang-kaya ko ng sumakay ng hindi niya tinutulungan. Nakasanayan ko na lang din talaga.
Kaya mabilis na lang din akong naligo para malaman kung saan kami pupunta. Hilig na lang din niya na yayain akong kumain kung saan-saan. Marami na rin talaga ang nagkakamali na boyfriend ko siya.
Kahit si Olivia ay akala may relasyon kami ng kuya niya. Suportado naman daw niya at gustong-gusto niya ako. Kaya lang, ako yung hindi makatanggap sa sarili ko.
Gusto ko si Leon.
Gustong-gusto.
Napakabuti niyang tao, marami siyang talento na hindi niya mailabas dahil sa mga responsibilidad na nakaatang sa kanya. Misteryoso siya sa mata ng iba pero kilala ko na siya. Alam ko kung kailan siya malungkot, kung kailan siya masaya, kailan siya galit... lahat iyon ay nakabisado ko na.
Parehas na kaming nasa third year, siya ay sa kolehiyo, ako ay sa sekondarya. Wala namang problema sa akin iyon. Kung titignan kasi kaming dalawa ng mga hindi nakakakilala sa amin ay napagkakamalan na magka edad kami.
Tumutulo pa ang buhok ko paglabas ko ng bahay. Isang jogger pants na itim at pink na blusa ang suot ko. Tinignan ko pa siya kung sang-ayon siya sa damit ko. Nagthumbs up naman siya sa akin kaya lumapit na ako sa kanya.
Ayaw kasi nito na masyadong kita ang mga balat ko kapag magkasama kaming dalawa. Ayaw niyang nababastos ako.
Hindi ko alam kung panliligaw ang ginagawa niya sa akin pero ayoko na lang siyang patigilin. Sobrang saya ko sa mga araw na kasama ko siya at nakikita ko siya. Nakakahiya mang aminin sa kanya pero iyon ang nararamdaman ko.
Lumapit ako sa kanya at kinuha niya ang isang towel na lagi niyang baon. Dinala niya iyon sa buhok ko at ang sinusuklay ko na buhok ay nagulo na ulit dahil sa kagagawan niya.
"Ano ba?"reklamo ko sa kanya.
"Huwag ka masyadong magpaganda. Baka mapaaway ako." seryosong sabi niya sa akin.
Kahit ang mga kapitbahay namin na nakakakita sa aming dalawa ay hindi naniniwala na boyfriend ko siya. Kahit si Tatay at Nanay ay hindi rin naniniwala sa relasyon naming dalawa. Ang nasa isipan nila ay kaming dalawa na ni Leon.
Hinahayaan ko na lang dahil magandang pakinggan.
Tsaka hindi ko naman mababago ang isipan nilang lahat.
Tinampal ko ang kamay niya at pumunta na sa likuran ng motor at sumampa roon. Napapito si Leon pagkakita sa ginawa kong pagsakay.
"My baby knows how to ride now, huh?" nakangising sabi niya.
Ang mga pag ngiti o pagngisi niya ay nagdadala sa akin ng kakaibang emosyon. Parang nalulusaw ang lahat ng pangamba ko kapag nakikita ko siyang nakangiti o kaya kahit nasa tabi ko man lang siya.
Masaya ako sa kung anumang mayroon kaming dalawa. Ayoko na lang din matapos iyon o mawala. Baka hindi ko kayanin kung sakali.
Sumakay na rin siya sa unahan ng kanyang motor. He kicked the stand away para mapatayo niya ito, ang mga paa na lang niya ang nakatukod sa lupa. Agad na bumalot ang kamay ko sa katawan niya. Hindi niya ako pinagsuot ng helmet dahil kahit siya ay wala ring suot.
Sa malapit lang kami tiyak na pupunta.
Sanay na ako sa paraan niya ng pagmamaneho. Noong una ay natatakot ako pero ngayon ay hindi na. Alam ko kasi na hindi naman niya ako pababayaan o hahayaan na mahulog. Ganoon ako katiwala sa kanya.
Mabilis lang ang biyahe namin at pamilyar sa akin ang daan. Sa dagat siguro kami magpupuntang dalawa. Hilig ni Leon na dalhin ako doon. Para tuloy amin ang lugar na iyon dahil sa kanya.
Hindi nga ako nagkamali dahil makalipas ang ilang minuto ay nakarating na kami sa destinasyon naming dalawa. Bumungad sa akin ang maliwanag na karagatan. Pinarada naman kaagad ni Leon ang motorsiklo niya sa paradahan. Nauna akong bumaba at hinintay siya.
Wala akong ideya kung bakit kami nagpunta dito.
Pagkaayos niya ng motor ay hinarap niya ako at hinawakan ang kamay ko. "Let's go." yaya niya sa akin.
Sanay na lang din ako sa pagkakahawak namin ng kamay. Ang lambot at init ng kamay niya ay pamilyar na sa akin.
Noong una ay hindi ako sanay pero ngayon ay okay na.
"Bakit nandito tayo?" tanong ko sa kanya.
"I found a private place for us," aniya.
Private place? Wala na nga halos tao sa lugar na ito. Parang kami na nga ang may-ari na dalawa tapos nakahanap pa siya ng sarili naming lugar.
"Private talaga?" tanong ko sa kanya.
Excited na tumango siya sa akin. "Yeah. I found place here. Mukhang hindi talaga napupuntahan kaya para sa atin na iyon ngayon. I even asked people here kung sino ba ang may-ari ng lugar na ito para mabili ko."
"Ano?!" gulat na tanong ko sa kanya.
Nagtatapon lang ba ito ng pera? "Bakit mo bibilhin?" tanong ko sa kanya.
"Wala lang. Gusto ko kasi na sa atin lang ang lugar na iyon. Don't try to stop me baby." aniya sa akin.
Hindi ko talaga alam ang tumatakbo sa isipan ng isang ito. Ganun na lang ba kadali para sa kanya ang gastusin ang pera. Sumunod na lang ako sa kanya hanggang makalagpas kami sa arkong bato. Pagkalagpas doon ay isang lumang bahay ang nakita ko.
Doon kami humintong dalawa.
Mas maputi ang buhangin sa bahaging iyon ng baybayin. Hindi katulad sa kabila na bagama't maputi ay nababahiran ng itim.
Mula sa lugar na ito ay nahaharangan na iyon ng malaking arkong bato. Natatakpang mabuti iyong lugar na pinuntahan namin.
"This one, baby! Ipapaayos ko lang para sa atin tapos ayan magkakaroon na tayo ng sarili nating lugar. What do you think? " tanong niya sa akin.
"Wag mong sabihin na binili mo na ito?" Kinakabahang tanong ko sa kanya.
Baka kasi may mga desisyon ito na masyadong biglaan. Hindi ko inaasahan.
Nakahawak pa rin ang kamay niya sa akin na tumango sa tanong ko. "Ano?!" gulat na gulat na tanong ko sa kanya this time. Pumiksi ako sa pagkakahawak niya dahilan para mapatingin siya sa akin.
"Bakit mo binili?" tanong ko sa kanya.
"Because of you. I want this place to be our private sanctuary where no known could find us. Ayaw mo ba nun? Dito ikaw ang reyna," dagdag pa niya sa akin.
Umiling ako sa kanya. "H...hindi ko naman kailangan ang ganitong lugar. Hindi mo sana binili! Bawiin mo yung perang pinambili mo riyan!" sabi ko sa kanya.
Oo, maganda ang lugar pero hindi naman tama na maglustay siya ng pera para lang sa ganito. Hindi naman ako makakapayag doon.
His jaw clenched while looking at me. Hindi ko siya maintindihan. Wala naman kaming opisyal na relasyon na dalawa. Tapos sasabihin niya binili niya ito para sa akin? Para saan?
"Ayaw mo ba?" tanong niya sa akin.
"Hindi naman sa ayoko...kaya lang. Bakit?... Hindi madaling kumita ng pera, Leon. Alam kong alam mo iyon. Baka nga allowance mo pa ang ipinambili mo---"
"I have a job, Mica. I earn my own money. Hindi ako nanghihingi ng pera sa mga magulang ko." sabi niya sa akin na parang nasasaktan pa.
Nasaktan ko ba siya? Mali naman kasi itong ginagawa niya. Maling-mali! Padalos-dalos ang desisyon niya na hindi man lang ako sinasabihan.
"Wala tayong relasyon, Leon." sabi ko sa mahinang boses.
Alam kong narinig niya iyon dahil mas naging seryoso ang tingin niya sa akin. "I know." aniya.
"Alam mo pala, pero bakit binili mo?"
"Dahil sa'yo," sagot niya sa akin.
"Ha? Dahil sa akin? Hindi naman kita pinilit na--"
"It's not about that, Mica. I bought that house because I want you to have your own place. Gusto kong kapag pupunta ka rito ay may mapupuntahan kang lugar na ganito. Ikaw ang nasa isip ko noong binili ko ito."
"Bakit nga?"
"Kasi mahal kita!" malakas na sagot niya sa akin.
Nabingi ata ako sa sinabi niya dahil wala akong ibang narinig na tunog. Kahit ang alon ay hindi ko na naririnig. Tanging ang malakas na t***k ng puso ko ang tangi kong nararamdaman.
Mahal niya ako?
"I love you, Mica. Kaya kong ipagsigawan sa lahat na mahal kita kaya ko ginagawa itong lahat para sa iyo." dagdag pa niya.
Hindi agad ako nakahuma dahil ang malakas na hangin ang naramdaman ko. Yumakap sa akin ang malamig na samyo ng hangin sa lugar na ito.
Lahat ng pinakikita niya sa akin na kabutihan ay dahil sa mahal niya ako? Kaya ba masaya siya kapag kasama ako? Kaya ba nagagalit siya kapag nagpupunta si David sa amin? Lahat iyon ay dahil sa mahal niya ako.
He breathe out a deep sigh at hindi malaman ang gagawin, "I can wait, Mica. Kaya kong hintayin kung kailan ka magiging handa. You're still young and I know na baka hindi ka sanay sa ganito. I just can't help myself and blurt it all out to you." aniya.
Napalunok ako sa sinabi niya. Pagmamahal din ba ang tawag sa nararamdaman ko para sa kanya?
"The house can wait but I bought it for you. Don't think of anything else. Aayusin ko yung bahay para sa susunod na pagbalik natin ay maayos na ito. Again, hindi kita minamadali, Mica. Handa akong hintayin--"
"Gusto rin kita." Iyon ang mga salitang lumabas sa bibig ko na nagpatigil sa kanya.
Maang na nakatingin siya sa akin at hindi makapaniwala sa sinabi ko. "W...what did you say?" tanong niya sa akin.
Umiling ako sa kanya. "Hindi ko alam kung tama ba ang tawag sa nararamdaman ko para sa iyo. Pero masaya ako kapag nasa tabi kita. Alam ko kasi na hinding-hindi mo ako iiwanan. Hindi ako natatakot kapag nandyan ka. Naguguluhan pa rin ako sa lahat ng ito kasi bago lang sa akin yung nararamdaman ko. Pero isa lang ang sigurado ako, Leon."
Nakita ko ang pagdaan ng kasiyahan sa mukha ni Leon habang nakatingin sa akin. "Gusto kita. Gustong-gusto rin kita." sagot ko sa kanya.