Nanatili akong nakatayo sa harapan ni Leon sa sinabi niya. Hindi ko pa rin lubos maisip kung bakit niya ako inalok ng ganun. Mukha na ata talaga akong desperada sa pera para bayaran niya bilang girlfriend niya.
Pagak ang tawa na kumawala sa akin. "Why are you laughing?" tanong ni Leon sa akin.
Tinignan ko siyang mabuti, sinugurado ko na kitang-kita niya ang mata ko. "Pasensya ka na kung sa tingin mong desperada ako sa pera. Pero hindi ko matatanggap ang alok mo, Leon. Mataas ang tingin ko sa'yo at kaibigan ang turing ko sa iyo. Hanggang doon lang iyon ngayon." sabi ko sa kanya.
Nakita ko ang pagdaan ng sakit sa mata ni Leon habang nakatingin siya sa akin. Masisisi niya ba ako kung ayaw ko?
"I...uh..." Hindi matapos ni Leon ang sasabihin niya kaya tinapik ko siya sa balikat.
"Huwag mo na lang sana banggitin sa susunod. Ayokong masira ang kung anumang mayroon tayo ngayon. Hayaan na lang muna natin sa ngayon ito." dagdag ko pa.
Bagama't nahihiya ay binuksan ko ang pintuan ng sasakyan niya upang makapasok na at makaalis kaming dalawa. Ayoko mang sumakay kaagad ay alam kong hindi pwede, malaking tulong ang ginagawa niya sa akin.
Tahimik na sumunod na lang din si Leon sa akin. Walang salita na naupo siya sa upuan at nagmaneho ng sasakyan.
Hindi na rin naman ako kumibo dahil masyadong awkward para sa amin kung pag-uusapan pa namin yung sinabi niya. Parang hindi ko rin kasi ata kayang banggitin ulit iyon sa kanya. Kaya hanggang makarating kami sa bahay ay tahimik lang si Leon.
Naabutan naman namin si Tatay na nagwawalis ng bakuran. Napatigil ito sa ginagawa pagkakita sa amin. Nauna akong bumaba para makita niya.
"Ikaw pala, anak. " sabi ni Tatay.
Tinignan ko naman siya at tinanguan bago ako lumapit sa may compartment ng sasakyan ni Leon. Bumaba rin si Leon sa sasakyan kaya naging iba ang tingin ni Tatay sa kanya bigla.
"Magandang umaga po." bati ni Leon kay Tatay.
"M...magandang umaga rin naman po, sir," ganting bati ni Tatay dito.
"Leon na lang po. Masyado pong pormal yung sir." sabi ni Leon dito bago nagpunta sa tabi ko si Leon at inunahan akong kunin ang paninda.
"Ako na." sabi ko sa kanya pero parang wala itong narinig at dire-diretso lang ang pasok sa bakuran namin.
Tinanguan lang nito si Tatay tapos ay nilapag na sa ibabaw ng tindahan yung paninda. Sumunod naman kaagad ako sa kanya hawak naman ang isa pang plastic nung paninda. Lumapit ako sa kanya at nilapag din iyon sa ibabaw ng mesa.
Dahil may mga natira pa sa sasakyan ay binalikan iyon ni Leon, sinimulan ko namang ayusin ang mga paninda ng lumabas si Nanay at lumapit si Tatay sa akin.
"Sino yung binata na kasama mo anak? Ang gwapo naman nun. Mayaman ba?" sunod-sunod na tanong ni Tatay.
Napalingon naman si Nanay kay Leon na papalapit, "Manliligaw ata ni Micaela iyan...Ay! Magandang umaga, hijo. Pasensya na at nakaabala pa kami sa iyo." sabi ni Nanay dito. Umiling naman si Leon kay Nanay bilang sagot.
"Hindi naman po. Desisyon ko pong tulungan si Micaela." tipid na sagot ni Leon sa mga ito bago nilapag sa tabi ko ang iba pang plastic.
"Naku! Kumain na ba kayo? Sandali at maghahanda kami," Hindi magkamayaw na sabi ni Tatay sa amin partikular na kay Leon.
"Kumain na po kami sa Oliveros." sabat ko. Tsaka wala naman kaming maihahandang pagkain.
Nagkatinginan sina Nanay at Tatay bago bumaling sa amin ni Leon, "Kape? Baka gusto niyo ng kape." ani ni Tatay.
"Tapos na rin po." sabi ko ulit bago hinarap ang mga gulay. "Kayo na lang po ni Nanay ang kumain at tapos na po kaming dalawa. Maghahanda na rin po ako sa pagtitinda ngayong araw."
Narinig ko pa ang bulungan nila ni Tatay bago binalingan si Leon na alam kong nakatingin sa akin. "Kapag nagutom ka hijo pumasok ka lang sa loob. Maliit man yung bahay namin pero welcome na welcome ka roon," sabi ni Nanay kay Leon.
"Thank you po, Ma'am." sagot naman nung katabi ko.
Inabala ko na lang ang sarili ko sa pag-aayos ng mga gulay hanggang sa makapasok na sa loob sina Nanay at Tatay. "Huwag kang maging mabait sa kanila. Baka nahuhulaan nila na mayroon kang pera kaya ganyan sila kabait sa iyo."
"I can give them money, Micaela." sagot nito sa akin na parang wala lang ang pera sa kanya.
Kalmado kong nilapag ang gulay sa isang tabi, "Hindi iyon basta ganun lang Leon. Hindi mo kilala ang mga magulang ko. Ayoko mang siraan sila sa iyon pero mas kilala ko sila kumpara sa iyo. Kaya, please, huwag na huwag mong sasabihin na kaya mo silang bigyan ng pera dahil alam ko iyon. Hindi ako naghahangad ng pera mula sa iyo." sagot ko sa kanya.
Walang imik na nakikinig lang sa sinabi ko si Leon. Hindi ko alam kung tama pa ba ang mga sinasabi ko sa kanya. Gusto ko lang naman siyang iligtas mula sa pwedeng mangyari. Ayokong maabuso ng mga magulanbg ko ang kaibaitan niya.
Nagpatuloy na lang kami sa pag-aayos ng mga gulay. Maya't maya ay nakikita ko ang pagsilip nina Nanay at Tatay sa amin. Hindi naman sila makalapit dahil may mga bumibili na rin.
"Ay narito na naman pala ang gwapong tindero. Sabi na nga ba at magandang dito ako bumili." nakangiting sabi ni Manang Dolores, may kasama po itong mga babae na kaibigan tiyak nito at ang babaeng anak nito na si Dina.
Namula pa bigla ang mukha ni Dina pagkakita kay Leon. Alam ko ay nasa kolehiyo na rin si Dina at sa annex din ito nag-aaral. Baka nakikita nito si Leon doon.
"Ano pong sa inyo?" tanong ko kay Manang Dolores.
"Gulay para sa pancit bihon. Birthday kasi nitong dalaga ko ngayon tsaka gulay na rin para sa Chopseuy," nakangiting sabi ni Manang Dolores, inakbayan pa nito sa balikat si Dina na nakatingin pa rin kay Leon.
"Tig-iilan po?" tanong ko.
"Tig-tatlo bawat gulay."
Kinuha ko naman ang mga gulay na sinabi niya habang nakatingin pa rin ang mga ito kay Leon.
"Boyfriend mo ba ang lalaking iyan, Micaela? Kay gwapo naman." sabi ni Aling Angelita.
Nagtaas naman ako ng tingin kay Leon na may hawak ng plastic para doon ilagay ang mga kinukuha kong gulay. Seryoso ang mukha nito habang tinutulungan ako sa ginagawa ko.
"Halata naman Angelita. Bakit tinatanong mo pa. Ikaw talaga." sabat ni Aling Marife naman.
Hindi ko na lamng sila pinansin pero patuloy pa rin sila sa pag-uusap. Nililista ko naman kasi yung mga presyo ng binili ni Manang Dolores.
"Hi...nakikita kita sa school lagi. Business Management ang course mo di ba?" lakas-loob na tanong ni Dina dito.
Napatigil naman ako sandali sa ginagawa ko at nag-angat ng tingin kay Leon, nakatingin din sa akin si Leon bago binaling ang atensyon kay Dina. "Yeah." matipid na sagot nito.
Maarteng inipit ni Dina ang buhok sa tenga tsaka ngumiti kay Leon, "Dianna Maureen nga pala, tawagin mo na lang akong Dina, tourism ang course ko."
I rolled my eyes while listening to them. Hindi ko maapuhap yung klase ng pag-uusap nilang dalawa. Sadyang hindi lang ako sanay sa ganitong klaseng usapan. Tinignan ko na lang si Manang Dolores na nakangiti habang nakatingin sa anak at Leon.
"Hanggang mamaya ka ba dito, Leon? Iimbitahan sana kita sa birthday ng dalaga ko. Disi-sais anyos na ito," sabi ni Manang Dolores.
Tipid na tumango si Leon dito. At may balak pang magtagal ang isang ito ngayong araw. Tinignan ko na lang ulit si Manang Dolores at inabot ang binili nito. "250 pesos po lahat." sabi nito.
Inabot sa akin ni Manang Dolores ang bayad habang ang laki pa rin ng ngiti sa mukha "Sa iyo na ang sukli, Micaela. Magdadala ako ng Pancit Bihon at gulay mamaya dito para mapagsaluhan niyo nina Guadalupe at Michael. "
"Salamat po."
"Basta papuntahin mo si gwapo sa amin. Diyan lang naman ang bahay namin sa tapat, hijo. Imbayted ka sa kaarawan ng anak ko. Punta ka ah?" habol pa ni Manang Dolores bago hatakin ang mga kaibigan na hindi naman pala bibili.
Naki-chismis lang.
Sinubukan kong hindi lingunin si Leon, "Pumunta ka raw mamaya. Yanb lang naman bahay nila. Mukhang crush ka pa naman ni Dina." sabi ko sa kanya habang hindi nakatingin dito.
"Hindi ko naman sila kilala." sagot niya sa akin.
"Nagpakilala na nga sa'yo. Mabait naman iyon, gusto ka lang talaga niya."
"Ikaw hindi mo ba ako gusto?" tanong niya sa akin na nagpalingon sa kanya.
Tinuro ko pa ang sarili ko sa kanya. Napatawa na lang ako sa sagot niya kahit ang totoo ay ang lakas ng t***k ng puso ko. Hindi ko kasi alam ang tamang salita para ipaliwana yung nararamdaman ko.
Iniwas ko na lang kaagad ang tingin ko sa kanya at inayos na lang ang mga gulay. Hindi na rin naman siya kumibo dahil maya-maya lang ay lumabas na sina Nanay at Tatay.
"Aalis muna kami ah. Pupunta lang kaming San Rafael ng Tatay mo anak." paalam ni Nanay sa akin. Nakangiti naman itong nakatingin kay Leon.
"Mag-iingat po kayo." sabi ko sa kanila.
Nginitian nila si Leon bago sila umalis dalawa. Gusto ko sanang itanong kung anong gagawin nila sa San Rafael pero parang tama lang din na huwag ko na lang muna sila tanungin.
"Kayo muna ng anak ko dito ah. Babalik kami bago mag tanghalian." paalam ni Tatay naman.
"Ingat po kayo, sir." magalang na sagot naman ni Leon sa mga ito.
Sabay na lumabas ng lugar sina Nanay at Tatay. Isa lang naman ang alam kong pwede nilang puntahan doon at iyon ay sina Ma'am Dianne. Manghihiram na naman siguro sila ng pera.
Malalim ang pinakawalan kong buntong hininga, dahilan para mapalingon sa akin si Leon.
"What's with that deep sigh?" he asked.
Mapait na umiling na lang ako. Hindi ko naman dapat ikwento pa sa kanya iyon. Ayokong bigyan siya ng ideya para tumulong sa amin.
"You can tell me, babe. I'm more than willing to lend my ears to you." pagpipilit pa niya sa akin.
Nilingon ko siya at ang mga mata namin ay nagsalubong. Kitang-kita ko ang kagustuhan niya na tanungin ako.
"Bakit mo ba gustong malaman?" tanong ko sa kanya.
"Because I want to know more about you. Gusto kitang makilala ng higit pa sa akala mo." sagot niya sa akin.
Sana ganun lang kasimple lahat. Sana madali lang sabihin sa iba ang problema ng pamilya namin. Ang hirap sabihin sa kanya lalo na at nakakatakot na baka magbago ang tingin niya sa akin.
Tipid na nginitian ko na lang siya. "Next time."
Nakakaunawang tumango siya sa akin, "I'll wait for that time. Hindi kita minamadali, Micaela. Kung kailan ka handang magsabi ay maghihintay ako."
Hindi ko na siya nilingon pa dahil may dumating na ulit na mamimili. Naging abala na kami dahil maya't maya ay may pumapasok na costumer sa bakuran namin. Dala siguro ng kwento ng mga nauna ng nakapamili na may isang gwapo na nagtitinda sa lugar namin.
Sinanay ko na lang din dahil aamin ko ay malaking tulong ang presensya niya dahilan para kumonti ang paninda pagsapit ng tanghali.
Inalok ko siya ng meryenda pero ayaw niya. Sabi niya ay busog pa siya kahit wala naman kaming kinain maliban sa agahan kanina. Iyon ang huling kain naming dalawa.
"Mamaya pa ulit yung mga mamimili. Anong gusto mong ulam? Bibili ako ng isda diyan sa talipapa para mai-prito. Ayos na ba iyon sa'yo?" tanong ko sa kanya.
"You know how to cook?" tanong niya sa akin.
Tumango ako. "Nasanay na lang din dahil laging ako naman ang naiiwang mag-isa dito. Sina Nanay at Tatay baka gabihin pa silang dalawa,"
"Anything that you can cook." sagot niya sa akin.
Tinanguan ko siya. "Intayin mo lang ako dito. Mabilis lang ako---"
"Micaela! Eto na yung handa ng anak ko!"
Naputol ang iba ko pang sasabihin dahil sa malakas na boses ni Manang Dolores. Napatingin ako sa kanya habang may hawak na dalawang tupperware at palapit sa amin. Kung normal na pagkakataon ay hinding-hindi ito magbibigay sa amin. Hindi naman kami ganun ka-close sa pamilya nila para paglaanan kami ng pansin.
Napatayo ako ng tuwid habang hinihintay ang paglapit ni Manang Dolores. "Eto...mainit pa ito. Kayo ang una kong binigyan." inabot pa nito ang tupperware sa akin.
"Maraming salamat po. Hindi na po sana---"
"Naku! Minsan lang naman iyan. Eh paano yan, hihiramin ko muna itong si Leon sandali. May kaunting salo-salo kasi sa bahay..." tinignan nito si Leon na nasa tabi ko.
"Pogi, pwede mo bang maisayaw ang anak ko? Sixteenth party niya ngayon. May kaunting selebrasyon sa bahay. Ikaw kasi ang hinihingi niyang regalo sa akin." malaking ngiting tanong ni Manang Dolores.
"Parezco un don?" bulong ni Leon sa gilid.
Napatingin naman ako sa sinabi niya. Alam kong hindi nakaabot iyon kay Manang Dolores. Wala rin akong balak alamin ang kahulugan nun pero parang hindi maganda ang kahulugan nito.
"Sige na sumama ka na. Intayin na lang kita dito." Tinapik ko pa ang balikat niya kaya napalingon siya sa akin.
"Will you be okay here?" tanong niya sa akin.
"Oo naman. Sige na!" Ako pa ang nagtulak sa kanya para makalabas na siya ng tindahan.
Maayos pa naman ang hitsura nito at naamoy ko pa rin ang mamahalin niyang pabango kaya sigurado akong hindi siya mapagkakamalang puyat at pagod na.
Nilingon pa niya ako para siguraduhin na tama ang gagawin niya kaya tinanguan ko siya. Gusto man siguro nitong pumalag ay hindi na rin nagawa dahil umabrisete na si Manang Dolores sa braso niya.
Palinga-linga pa siya sa akin hanggang sa makalabas sila sa lugar namin. Habol-habol naman ang tingin ko sa kanila hanggang makalayo sila. Pagkalayo nila ay naupo na ako at binuksan ang dala ni Manang Dolores. Yung pansit na lang ang napagdesisyunan kong kainin dahil ititira ko na lang kina Nanay at Tatay yung gulay. Magdaragdag na lang ako ng isda mamaya para may dagdag pang ulam.
Nasa kalagitnaan na ako ng pagkain ng Pansit ng marinig ko ang malakas na tugtugan kina Manang Dolores. Napatigil ako dahil dinig na dinig ko ang masayang tugtugan nila. Gusto ko rin maranasana na magkaroon ng ganung klaseng kaarawan pero malabo. Hanggang inggit lang ang kaya ko.
Hindi naman ako naghahangad pero kung magkakaroon ng ganun ay laking regalo na nun para sa akin.
Inabala ko na lang ang sarili ko sa pagbibilang ng mga napagbentahan ng makita ko ang humahangos na si Leon.
"Finally!" Nakangiting sabi niya.
"Ang bilis mo naman? Kumain ka ba doon? Di ba may party pa?" sunod-sunod na tanong ko sa kanya.
"I ate and greeted the celebrant a happy birthday, I took a picture with her. I think that's more than enough." sabi niya sa akin bago pumasok sa loob ng tindahan.
"Baka hanapin ka," nag-aalalang sabi ko sa kanya.
Umiling siya at tumabi sa akin, sinandig pa niya ang ulo niya sa balikat ko pagkaupo. "They won't. I properly bid them goodbye. And besides...I don't dance." sagot naman niya.
"Bakit naman? Regalo mo na nga raw kay Dina,"
"She isn't you, babe. Please don't push me to her. I will never be swayed at all." sabi niya sa akin.
Gumapang ulit ang kilabot sa katawan ko pagkasabi niya nun sa akin. Hindi ko namang inaasahan na maririnig iyon mula sa kanya pero ang lakas ng kabog ng dibdib ko talaga. Alam kong naririnig niya iyon pero hindi na lang siya nagkokomento pa.
Ginalaw-galaw ko ang balikat ko para makaalis siya sa pagkakasandal sa akin. Ang tawa niya ang nagdagdag ng kilabot sa buong katawan ko. Parang nadadarang sa apoy ang bawat himaymay ng laman ko.
"I only want you, Mica. Wag mo kong sabihan na magustuhan ang ibang tao."
Parang ang hirap-hirap lumunon sa sinabi niyang iyon. Kinagat ko na lang ang labi ko para mapilitan ko ang sarili ko na kumalma.
Magsasalita pa sana ako ng isang kotse ang huminto sa tapat ng bahay. Laking gulat ko na bumaba roon si David. Maayos ang bihis nito at seryoso ang mukha na nakatingin sa akin.
"You know him?" tanong ni Leon sa akin.
Tumango ako sa kanya. "Anak ni Ma'am Dianne. Yung hinihiraman namin ng pera sa San Rafael." sagot ko sa kanya.
Lumabas naman ako ng tindahan at sinalubong ang pagdating ni David. Wala itong ngiti sa mukha, hindi katulad ng kapag nakikita ko siya sa kanila. Seryosong-seryoso ito ngayon.
"Nadalaw po kayo." sabi ko sa kanya.
Sinilip pa nito si Leon bago humarap sa akin, "I just want to see you. Hindi ka na kasi nagagawi sa bahay," sabi niya sa akin.
"Pasensya na po. Ngayong bakasyon po kasi ay nagtitinda po talaga ako. Extra income po."
"Sana sinabi mo sa akin para natulungan kita. I'm more than willing to help you, Micaela." sabi niya sa akin.
Alam ko naman na kaya niya akong tulungan. Pero hindi naman niya iyon pera hindi katulad ni Leon na alam kong ipon talaga nung isa.
"Nasa San Rafael po ngayon sina Nanay at Tatay, baka po sa inyo pupunta." sagot ko sa kanya.
He nodded. "I hope you're okay here." sinilip pa ulit nito si Leon na nasa likuran ko. "Boyfriend mo?" tanong niya sa akin.
Umiling ako. "Kaibigan ko lang po."
"Good. I'll go ahead now. I'll see you some other time." Nagulat pa ako sa biglang paglapit niya sa akin. Hinalikan niya ako agad sa pisngi na kinagulat ko lalo.
Hindi agad ako nakapagsalita dahil nagmamadali na itong bumalik ng sasakyan. Alam kong nakita iyon lahat ni Leon.
Ang lakas tuloy ng kabog ng dibdib ko paglingon kay Leon. Masama ang tingin niya sa akin.
"H...hindi ko alam kung bakit niya ginawa iyon." sabi ko sa kanya.
Tumango siya pero ramdam ko ang galit niya.
Lumayo naman siya sa akin at hindi na nagsalita pa. Wala pa rin sina Nanay at Tatay hanggang sa matapos kaming magtinda. Tinulungan pa niya akong magligpit. Nakakahiya dahil napakaaga niya dito sa bahay tapos wala man lang akong napakain sa kanya.
"Ayos lang. Hindi ako pumunta dito para kumain." sabi ko sa kanya. "I came here to help you, babe. Bukas ba ulit?" tanong niya sa akin.
Nakita kasi niya na hindi naubos ang paninda at kailangan pang ituloy bukas.
"Ako na lang bahala. Ayos lang." sabi ko sa kanya. Ayoko na kasi siyang abalahin pa.
"No...I will come back here tomorrow." aniya sa akin.
At katulad nga ng sinabi niya ay bumalik siya kinabukasan. Sa mga sumunod na araw ay kasama ko siyang nagtitinda. Tinulungan niya ako sa lahat ng ginagawa ko kahit paglalako ng mga paninda ni Nanay ay hindi siya napagod.
Unti-unti ay nakikilala ko siyang mabuti. Nalalaman na rin niya ang sikreto ko. Hindi naman ako natatakot na makilala niya, natatakot ako na baka masanay na ako na laging nasa tabi ko siya.
Baka hanap-hanapin ko na.