10

3024 Words
Nag-e-echo pa rin sa akin ang sinabi ni Leon noong isang araw. Ayaw daw niya akong maging kaibigan. Wala naman akong maisip na ibang dahilan kung bakit ayaw niya sa akin bilang kaibigan.  I don't do friends with martyrs. Martir ba ako? Iyan tuloy ang naging tanong ko sa sarili ko sa mga nakalipas na araw. Naihatid pa naman niya ako sa bahay pero after nun ay umalis na siya kaagad.  Hindi ko tuloy maintindihan yung sinabi nila Nanay at Tatay sa akin noon.  Masyado kasi silang masaya sa nautang na pera. Sa pagkakaalam ko ay bente mil ang inutang nila kay Ma'am Dianne. Ewan ko na lang kung ano ang ipambabayad namin doon.  Nilingon ko si Olivia na tahimik na kinakabasado ang mga salita sa Filipino. Nagbalik na ulit kasi kami ng aral. Nasa library nila kami at tinuturuan ko siya pero ang isipan ko ay nasa kung saan lang.  Wala yung motorsiklo ni Leon sa garahe nila. Tatlong kotse lang ang naroon kasama yung kotse ni Leon. Ayoko namang ipagtanong dahil baka iba ang isipin ni Olivia sa paghahanap ko sa Kuya niya.  Tsaka parang hindi ata rin ako magiging handa pa sa ngayon na harapin ito. Medyo nasaktan ako sa sinabi niya na hindi niya ako gustong maging kaibigan.  Hindi naman ako mahirap gawing kaibigan.  "I'm tapos na!" masyaang sabi ni Olivia sa akin.  Natigil ako sa pag-iisip at humarap sa kanya. Kinuha ko ang binabasa niyang papel para malaman kung alam na nga niya.  "Paki-recite nga sa akin." sabi ko sa kanya.  She did and she make it.  Wala naman akong masasabi kay Olivia kung hindi ang kagalingan nito. She has perseverance na kinaiinggitan ko rin kung minsan. Talagang nagtitiyaga siyang matutunan ang mga bagay-bagay.  "Tama ako?" she asked me.  Tumango ako sa kanya at ngumiti. "Magaling ka na rin talaga mag-Filipino, Olivia. Baka hindi mo na rin ako kailanganin kasi kaya mo na," I tapped her shoulder afterwards.  "No! I still need you, Mica. How can I practice my Filipino if you're no longer around?" tanong niya sa akin.  "Makakapagsalita ka pa rin. Nagkikita naman tayo sa school tsaka tuturuan pa rin kita kapag may hindi ka maintindihan. Pero dapat tapusin na natin siguro yung pagtuturo ko sa'yo every weekend,"  sabi ko sa kanya.  "Why? Did I do something wrong?" malungkot na tanong niya.  I shook my head, "Wala. Ano lang...kaya mo na kasi. Nakakahiya naman kung pupunta pa ako dito ganyan na marunong ka naman na. Tsaka sayang yung pera na ibabayad ni Ma'am Lena." sabi ko sa kanya. Bakas ang lungkot sa mukha nito pero mukhang naiintindihan naman nito ang sinasabi ko. Oo, mayaman sila at kaya nilang bayaran ang serbisyo ko pero ayoko namang abusuhin lalo na at alam kong marunong naman na si Olivia.  Nakakaunawang tumango naman siya sa akin.  Nagpaalam na rin ako sa kanya para sa araw na ito. Kukuha kasi ako ng labada sa Barangay Estrella, medyo wala na kasing nagpapalaba sa amin sa Tala.  Sabi niya sa Lunes na lang daw niya ibibigay ang bayad sa araw ko dahil nasa Maynila si Ma'am Lena at Sir Leo. Siya lang ang naroon sa bahay. Ayaw pa nga nya akong paalisin kaya lang kailangan ko talagang umalis na.  Matagal na pilitan ang nangyari sa amin bago ako nakaalis ng bahay nila. Dumiretso na agad ako sa Barangay Estrella para kunin yung labada sa kakilala ni Nanay.  Nasa tatlumpong minuto rin ang nilakad ko para makarating sa bahay nila Aling Gloria.  Kumatok muna ako sa bakal na gate nila, nakatira sila sa isang apartment. "Aling Gloria! Aling Gloria!" tawag ko sa kanya.  Wala pa mang ilang sandali ay bumukas na ang pintuan. Lumabas ang may isang katabaang babae na medyo maliit. Nakasuot ito ng duster habang may hawak na bata.  "Nariyan ka na pala, Micaela. Kukunin mo na ba yung labada?" tanong niya sa akin. "Opo sana." sagot ko.  "Teka lang at kukunin ko. Gusto mo bang pumasok muna?" imbita niya sa akin.  Umiling naman ako sa kanya. "Hindi na po.  Iintayin ko na lang po dito yung palalaba niyo po." Tumango naman siya sa akin bago ako iniwan at pumasok sa loob ng bahay. Nanatili naman akong nakatayo sa harap ng bahay nila. Tingin ko ay dalawang palapag ito, sakto lang sa pamilya nila. Magkano kaya ang binabayaran nila sa paupahan na ito? Gusto ko rin na makatira sa ganitong bahay. Gawa lang naman sa tagpi-tagping yero at kahoy ang bahay namin. Ang tanging bato at semento lang ay ang maliit na tindahan namin.  Malalim ang pinakawalan kong buntong hininga. Kaya kailangan kong mag-aral mabuti para balang araw ay hindi na kailangan mag-trabaho nila Nanay at Tatay sa bukid. At para makaalis na kami sa silong na bahay namin.  Pagmamay-ari naman namin ang maliit na lupain na iyon. Talagang hindi lang magawang ipaayos ni Tatay at Nanay dahil sa mga bisyo nilang dalawa.  Ilang minuto pa ay lumabas na si Aling Gloria mayroon siyang bitbut na dalawang malaking plastic na pula. "Kaya mo bang buhatin iyan? Dadalhin mo ba yan hanggang sa inyo?" tanong niya sa akin pagkalapag niya ng mga plastic.  Tinignan kong mabuti iyon, mukhang mabibigat pero kakayanin ko naman siguro. May sampung piso na barya pa naman ako. Sasakay na lang siguro ako ng jeep para mas madali sa akin.  "Wala po. Sasakay na lang po ako ng jeep. Ito na po ba lahat iyon?" tanong ko sa kanya.  "Oo. Yung paunang bayad ay ito. Sinobrahan ko na kasi sinundo mo pa yan dito. Pang-tricycle mo na lang tutal ay mabigat iyan." sabi niya sa akin sabay abot ng pera.  "Maraming salamat po. Lalabhan na lang po namin kaagad ito ni Nanay ngayon para madala ko rin po sa inyo bukas." sabi ko sa kanya tsaka ko binuhat ang dalawang plastic.  Napaigik pa ako ng kaunti dahil sa kabigatan. Halos habol ko ang hininga ko pagdating ko sa sakayan ng tricycle. Iniisip ko pa nga kung isasakay ko pa ito ng tricycle pero baka tanghaliin ako ng masyado kapag naglakad ako. Isa pa ay baka masira ang plastic na pinaglalagyan ng damit.  Nasa sampung minuto lang ang biniyahe ko mula Barangay Estrella hanggang sa amin sa Tala. Trenta pesos ang siningil sa akin. Ayos na rin kaysa sa naglakad ako. Baka hingal na hingal at pagod na pagod na ako pagkarating sa bahay. Wala si Nanay sa bahay, mula ng nakuha nila yung pera kay Ma'am Dianne ay madalas pa na nasa pasugalang-bahay sila ni Tatay. Nanalo minsan pero mas madalas ang pagkatalo nila. Kapag natatalo sila sa sugal nila ay lagi silang nag-aaway. Walang pakialam kung naroon ako o nakikinig sa kanila.  Kung ano-ano rin ang pinambibili ni Nanay. Mga gamit na hindi naman kailangan sa bahay. Ang tindahan namin ay sobrang dalang buksan dahil kakalog-kalog na ito. Yung mga pinagbebentahan naman ay pinambabayad nila sa mga utang nila sa paligid.  Ngayon ay nagdesisyon akong buksan ito. May ilang mga laman pa naman doon. Kung may bibili edi maganda, kung wala ay ayos lang.  Pagkabukas ko ng tindahan ay nagsaing na ako ng dalawang gatang na bigas. Wala namang iniwan na ulam si Nanay kaya hindi ko na naman alam ang kakainin ko.  Habang ginagawa iyon ay sinimulan ko na ring ihiwalay ang puti sa de-kolor na damit nila Aling Gloria.  Pumapasok naman ako sa bahay para tignan kung kumusta ang sinasaing ko. Sa kahoy lang kasi ako nagluluto dahil wala naman kaming kalan. Mas tipid na rin ito dahil maraming kahoy sa paligid.  Abala na ako sa pagsisimula ng labahan ng marinig kong may bumibili sa tindahan. Agad kong iniwan ang labahan ko at pumasok ako sa bahay, papunta sa tindahan. Basa na ang suot kong damit at alam kong magulo ang buhok ko pero ayos lang.  Nabitin ang ngiti sa labi ko ng makita ko ang pamilyar na mukha ni Leon na nakasilip sa tindahan. Katulad noong nakaraan ay may hawak ulit itong sigarilyo na initsa naman nito kaagad tsaka nag-alcohol.  "Ano po iyon?" pormal na tanong ko sa kanya.  Tumikhim muna ito bago sinilip ang laman ng tindahan. Wala namang kung ano doon. Hindi ko alam kung bakit narito pa ito ngayon. "Mint candy." sagot nya sa akin. Sinuot niya sa butas ang bente pesos na papel. Lumapit naman ako doon at kinuha iyon. "Lahat po ito?" tanong ko sa kanya.  Tumango naman siya sa akin. Walang salita na sinunod ko ang utos niya. Kumuha ako ng plastic sa gilid at kumuha ng halagang bente pesos na candy at inilagay iyon sa lalagyan. Binuksan ko ang lusutan ng pera at iniabot sa kanya ang binili niya.  "Salamat po." sabi ko sa kanya tsaka walang salitang tinalikuran ito.  Pagpasok ko sa loob ng bahay ay para akong nakahinga ng mabuti. Bakit kapag malapit ako sa kanya o kapag nakikita ko siya ay hindi pwedeng hindi ako mailang. Kinakabahan pa rin ako kahit nagiging pamilyar naman ako sa kanya.  Kaya lang habang nakatingin ako sa kanya ay hindi ko naiwasang maalala ulit ang sinabi niya sa akin. Hindi kami pwedeng maging mag kaibigan. Sabagay hindi naman maaaring maging mag-kaibigan ang mayaman at mahirap.  Applicable lang iyon sa ibang tao pero hindi para sa akin.  Binalikan ko na ulit ang nilalabhan ko.  Nasa alas-dos na ng hapon ng matapos ko ang mga puting damit. Nakalimutan ko na ring kumain kaya kakain na ako pagkatapos kong isampay ang mga ito.  Wala pa rin naman sina Nanay at Tatay. Magluluto na lang siguro ako ng itlog para sa tanghalian ko. Ayoko naman ng lumabas para lang bumili sa kanto ng lutong ulam. Isa pa ay nagtitipid ako. Ayokong gumastos nang gumastos. Kapag kasi nakita nila Nanay at Tatay na may pagkain sa mesa ay magtataka ang mga iyon sa kung saan ko kinuha ang pambili.  Wala pa naman silang ideya sa ipon ko.  Gagamitin ko ang pera na naiipon ko sa pag-aaral ko sa kolehiyo. Kaya talagang pipilitin ko na makakuha ng scholarship para man lang maging madali para sa akin ang pagbabayad.  Pangarap ko talaga maging doktor. Alam kong mahal ang binabayad doon kaya talagang nagtitiyaga ako na mag-trabaho sa ngayon pa lang.  Pagkatapos kong magsampay ay sa harap ng bahay ako dumaan. Nagulat pa ako dahil nakita kong nakaupo sa harap ng tindahan si Leon.  Natigilan din ito sa paghithit sa sigarilyo nito tsaka tumingin sa akin. Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.  Conscious na tinignan ko naman ang sarili ko. Alam kong basang-basa ako dahil sa paglalaba ko pero mas kinagulat ko ang ideya na narito pa rin siya. Ilang oras na simula ng bumili siya ah. Ibig sabihin mula noon ay hindi pa siya umaalis? "A...andito ka pa?" nauutal na tanong ko sa kanya.  Tumayo naman ito at inalis sa bibig ang sigarilyo. Inapakan nito iyon bago nag-alcohol ulit. Lumapit siya sa akin at huminto sa tapat ko.  "Tapos ka na?" tanong niya sa akin.  Kumunot ang noo ko sa tanong niya. Tapos na saan?  "Your work." sagot niya sa akin na parang nabasa rin ang nasa isipan ko.  "Ah..." tanging nasagot ko sabay iling sa kanya. Ano bang dahilan bakit siya nandito? Akala ko ba ayaw niya akong kaibigan. "Bakit po?"  "Drop the po, Micaela. You know that we don't use that," aniya sa akin.  Pinilit kong iwasan ang tingin niya sa akin. "Bakit nandito ka?"  "To apologize? I just want to say sorry for what I said to you last time."  sabi niya sa akin.  Napataas ang kilay ko sa sinabi niya.  "Ayos lang. Wala naman sa akin iyon. Nakalimutan ko na nga." sabi ko sa kanya.  Tumango siya sa akin. Kaya pala nandito siya. Para lang pala dito. Hindi na sana siya nag-abala na pumunta dito.  "It's just...I don't really want to be friends to martyrs like you," ulit niya.  Pinikit ko nang mariin ang mata ko. Kahit naman hindi na sabihin, inulit pa. Pagdilat ko ng mata ko ay sinalubong ko ang tingin niya sa akin. "Kung ganoon...bakit nandito ka pa? Di ba ayaw mo akong maging kaibigan?" tanong ko sa kanya.  "You are different, Micaela," sagot niya sa akin.  Kakaiba? Paano ako naging kakaiba? Martir din ako kagaya ng sinabi niya.  "Tama ka naman sa sinabi mo, Leon. Martir talaga ako. Hindi naman kasi kami katulad ninyo na may pera. Kaya gagawin ko ang lahat para sa pamilya ko."  Katahimikan ang namagitan sa aming dalawa. Walang nangahas na magsalita pagkatapos kong sabihin iyon. Kung iyon lang ang pinunta at inintay niya dito ay sana hindi na lang siya nag-aksaya ng oras.   "I'm sorry, Micaela." ulit niya.  Nag-angat ako ng tingin sa kanya at mataman pa rin siyang nakatingin sa akin. Tinanguan ko na lang siya bago ako pumasok sa loob ng bahay. Ang sunod na narinig ko na lang ay ang makina ng motorsiklo niya at ang papalayong tunog nito.  Wala naman akong dapat asahan sa kanya di ba? Tinuon ko na lang ang ibang oras ko sa pagtatapos ng gawain. Nakakain na ako ng tanghalian at natapos ko na rin ang labada ay wala pa rin sina Nanay at Tatay. Dala marahil ng sobrang pagod ay nagdesisyon akong matulog na lang muna.  Nagising ako sa malakas na hampas ng hangin. Mabuti na lang din at nagising ako dahil nagbabanta ang malakas na ulan. Dali-dali akong bumangon para samsamin ang mga labada. Mabuti na lamang at iilan na lang ang hindi pa natutuyo doon, karamihan ay tuyo na.  Sinarado ko na ang tindahan pagkalagay ko sa sinampay sa may bubungan na likod namin. At least doon ay hindi gaanong mababasa ang ilang labada.  Hindi nga nagtagal ay bumuhos na ang ulan. Wala naman akong ibang nagawa kung hindi pagmasdan at pakinggan ang malakas na buhos ng ulan na bumabagsak.  Wala pa rin sina Nanay at Tatay kaya nagdesisyon na lang ako na initin ang sinaing ko. Nagtungo rin ako sa kwarto para kumuha ng kaunting ipon ko. Tinago ko iyon sa isang garapon na iningat-ingatan ko.  Alam kong walang ideya sina Nanay at Tatay sa ipon ko na iyon. Wala rin naman akong balak na ipaalam sa kanila iyon. Naupo muna ako sa kama bago ko binuksan ang lalagyanan ko. Pero laking gulat ko dahil ang inaakala kong pera na naroon ay walang laman.  Parang tumigil ang mundo ko sa nakita ko.  "Y...yung ipon ko." nanginginig ang kamay ko na tinignang mabuti ang lalagyanan.  Alam kong may pera ako! Alam kong may naipon ako! Inangat ko pa ang foam ng higaan ko sa pag-aakalang naroon ang pera ko. Pero wala! Wala roon! Isa-isang nagbagsakan ang luha ko. Mula sa pagsisikap ko noong grade 6 pa lang ako, lahat naroon! Humigit-kumulang ay nasa limang libo na ang ipon ko.  Iyak ako nang iyak hanggang sa dumating sina Nanay at Tatay. Naabutan pa nila akong umiiyak. Ang laki ng ngisi nila sa mga mukha nila pagkakita sa akin. Pero agad na naglaho ang ngiti ni Nanay pagkakita sa akin pati na rin sa lalagyanan ng pera ko.  Nagkatinginan sila ni Tatay at hindi malaman kung aaluin ako o hindi. Sa huli ay si Nanay ang lumapit sa akin at pilit akong niyakap. Pumiksi ako sa pagkakayakap ni Nanay.  "Ipon ko po iyon eh." umiiyak na sabi ko.  Hinaplos naman ni Nanay ang likuran ko, "Sorry, anak. Kinailangan kasing ibayad ng Tatay mo sa utang niya kay Mang Carding. Ibabalik na lang namin ng Tatay mo anak. Pasensya na at hindi namin nasabi sa iyo kaagad." sabi ni Nanay.  Nanlalabo ang mata kong tinignan si Tatay. Yumuko ito pagkakita sa akin. Hindi ko lang matanggap na kaya nilang gawin sa akin iyon. Anak nila ako. Pera ko iyon! Ayos lang naman sa akin na manghiram sila pero yung kukunin nila ng walang paalam. Ibang usapan na iyon.  Nang gabing iyon ay puro iyak lang ang ginawa ko. Hindi na ako kumain sa sobrang sama ng loob ko sa kanila.  Kinabukasan ay nagising ako na maga ang mata ko. Hindi ko pinansin sila Nanay at Tatay at kumain lang ako ng tahimik. Wala rin naman silang imik sa akin. Ayoko muna silang kausapin dahil nakakasama ng loob yung ginawa nila sa akin.  Ako na rin ang nagtupi ng mga damit. Dadalhin ko na iyon ngayon sa Estrella dahil ayokong manatili sa bahay ngayon. Iniisip ko kung doon muna tatambay sa dagat dahil buong araw atang nasa bahay sina Nanay at Tatay. Gusto ko lang talagang umiwas muna.  Iniwan ko lang sa ibabaw ng plastic na mesa ang paunang bayad ni Aling Gloria kay Nanay sa labada. Alam kong akin dapat iyon  pero hindi naman ako ganun kasakim para hindi ibigay ang parte ni Nanay doon.  Naglakad na lang ako papuntang Estrella dahil wala naman akong pera. Dalawang malaking plastic na bag ang dala ko. Kaya hingal na hingal at pawis na pawis ako pagkarating sa lugar nila Aling Gloria.  "Eto na po yung damit na pinalaba niyo po. Pasensya na po at medyo tinanghali ako. Nilakad ko lang po kasi mula sa bahay hanggang dito,"  nahihiyang sabi ko sa kanya. "Naku ayos lang, Micaela. Eto na yung kakulangan na bayad. Salamat nga pala." inabot sa akin ni Aling Gloria ang isang envelope ulit. "Sinobrahan ko na ulit para sa iyo. Bumili ka ng pagkain mo." sabi niya sa akin.  "Maraming salamat po, Aling Gloria. Sa uulitin po ulit ah." nagpaalam na ako sa kanya.  Dahil dinig ko na ang tunog ng dagat mula sa lugar ko ay nagdesisyon akong pumunta na roon. Gusto ko lang talagang gumaan ang iniisip ko at mawala ang sama ng loob.  Wala naman masyadong tao dahil hindi nga ito ganung kakilala ng mga dayuhan. Ayos na rin para hindi masira ang ganda ng paligid.  Naupo ako sa may mga bakanteng kubo doon.  Nanatili akong nakatanaw sa karagatan. Tahimik ang alon at tirik na tirik ang araw. Kahit pansamantala ay nawala ang alalahanin ko sa buhay.  Hinayaan ko na lang na lumipas ang araw ko doon sa dagat. Bumili lang ako ng tanghalian sa bukas na carinderia. Hindi doon sa lugar kung saan ako nilibre ni Leon. Ang dami-rami ko ng iniisip na suliranin sa buhay.  Wala pa akong panahon  sa pag-iisip para naman sa nalilito kong puso. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD