Natapos ang buong first year namin ng maayos. Si Chari ay umuwi sa Ilocos, si Olivia ay nanatili naman sa Maynila para sa regular check-ups niya, si Sebastia bagama't nasa Trinidad ay abala naman sa pagtulong sa pagpapatakbo ng negosyo nila.
Kaya't natira akong mag-isa.
Buong bakasyon ay wala akong ibang ginawa kung hindi ang tumanggap ng labada, makitinda sa mga kakilala o kaya maging serbidora sa San Rafael o kaya ay sa Oliveros.
Gusto ko lang kasi talagang makapag-ipon pa.
Kinakausap ko naman sina Nanay at Tatay pero hindi katulad ng dati. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nila naibabalik ang kinuha nilang ipon ko. Hindi naman na ako umaasa na maibabalik pa nila iyon. Kaya lang wala kasi sa kanila yung pagsisisi na hinahanap ko.
Ngayong bakasyon ay mas lalo pa silang nalulong ni Tatay sa sugal. Araw-araw at halos abutin na sila ng hatinggabi sa sugalan. Madalas ay lasing silang dalawa kapag umuuwi o kaya ay mainit ang ulo lalo na kapag natatalo silang dalawa.
Ako ang madalas nilang pagbuntunan ng init ng ulo nila. Hanggang iyak lang ang nagagawa ko dahil wala naman akong magagawa pa doon.
"Sukli niyo po. Maraming salamat po." Inabot ko ang sukli ng bumili ng gulay sa pwesto ni Nanay ngayon.
"Salamat, neng." sabi niya sa akin sabay alis.
Inangat ko ang tingin ko sa nagdidilim na langit. Nagbabanta na naman ang ulan. Iniwan ko muna sandali ang tindahan at sinamsam ang pinalabhan ng kapitbahay namin. Ako na ang kumukuha ng labada dahil wala naman akong maaasahan kay Nanay. Pati na rin ang laman ng pwesto na ito ay hinango ko pa sa San Isidro kaninang madaling-araw.
Hindi na ako nagpapaalam sa kanila dahil hindi na rin naman nila tinatanong. Basta't inaasahan lang nila na may pera akong ibibigay sa kanila kada galaw ko.
Tinupi ko na rin iyon sa habang nasa loob ng tindahan. Dahil wala namang laman ang tindahan ay doon ako nagdesisyon na maglagay ng maliit na gulayan. Ako na rin ang nagtanggal ng harang nito para malayang makapamimili ang mga bumibili ng gusto nila.
Pumapatak na ang ulan ng mapatayo ako sa kinauupuan ko. Nakita kong parating si Leon, kabababa lang nito sa motorsiklo nito. Para akong hindi makahinga sa bawat hakbang niya papalapit sa akin. May hawak siyang paper bag na inilapag niya sa ibabaw ng mga gulay pagpunta sa akin.
Mabuti na lamang at naglagay ako ng lumang tarpauline na nagsisilbing bubong ng lugar. Wala siyang suot na helmet, magulo rin ang buhok nito at mas nahalata ang kulay brown na kulay nito.
Kailan ba ang huling pagkikita naming dalawa?
Ilang buwan na rin ang nakakaraan.
Hindi na rin naman kasi ako nagpupunta kina Olivia dahil nakakaya na niya yung mga Filipino lessons namin.
"Leon," tawag ko sa kanya.
Ang mga mata niya na kulay berde ay parang mahika na tinatawag ako at hindi hinahayaan na tanggalan ko siya ng tingin.
"I brought you foods." maikli at kalmadong sabi nito sa akin. Tinuro nito ang paper bag na nasa ibabaw ng gulayan.
Nagsalubong ang kilay ko habang nakatingin doon. Bakit niya ako binibigyan? Para saan? Binalik ko ang tingin ko sa kanya. Nakatingin pa rin siya sa akin ngayon.
"Bakit?" tanong ko sa kanya.
He shrugged off his shoulder, "Wala lang. I just want to buy something for you," simpleng sagot niya sa akin.
Inilingan ko siya bago yumukod at inabot ang paper bag. Mukhang mamahalin iyon dahil hindi ko pa nakita ang pangalan ng ganung lugar dito sa Trinidad. Baka sa San Rafael niya pa ito binili.
"Salamat na lang pero hindi ako nagugutom." Inabot ko sa kanya ang paper bag ulit.
"Hindi ko tatanggapin iyan, Micaela. Binili ko iyan para sa'yo at hindi para sa akin," sagot niya.
Mas naging malalim ang pagkakunot ng noo ko sa sinabi niya. "Bakit nga? Para saan at ibinili mo ako ng ganito?" Kasi naguguluhan din talaga ako.
"Kailangan bang laging may rason para bigyan kita?" tanong niya sa akin.
May punto naman ang sinabi niya kaya lang hindi ko maintindihan kung bakit niya ako kailangan bigyan. Ayoko namang palakihin yung ganitong bagay kaya tinanggap ko na lang. "Salamat. Sana hindi ka na nag-abala pa." sabi niya sa akin.
Hindi naman siya tumango o umiling man lang sa sinabi ko. Unti-unti na ring lumalakas ang pagbuhos ng ulan kaya wala akong ideya kung makakaalis siya kaagad.
"G-gusto mo bang pumasok dito sa loob? Mababasa ka ng ulan---"
Hindi na niya tinapos ang ilang sasabihin ko dahil binuksan niya ang maliit na pintuan sa gilid ng tindahan at lumusot doon.
Naging mas masikip tuloy ang masikip na lugar ngayon. Sa laki at tangkad niya ay mistulang maliliit na tao ang kakasya lang. Ngayon ay nakatayo siya sa harap ko, agad ko namang niligpit ang mga tiniklop kong damit at inilagay iyon sa lagayan ng damit.
"Upo ka." tinuro ko ang green na mono block na pinagpatungan ko ng damit kanina.
Naupo naman siya doon at tingin ko ay hindi siya bagay sa ganoong klaseng upuan. Sa yaman nito sa tingin ko ay hindi ito angkop sa pagkakaupo sa ganun.
Bumuhos na nga ang malakas na ulan kaya napatingin ako doon. Tutumal na naman ang benta ko ngayong araw. Kailangan ko pa namang maibalik ang puhunan doon.
Umikot naman ang mata ni Leon sa buong tindahan. Kitang-kita rin kasi mula sa pwesto niya ang pawid na bahay namin. Mas malaki pa nga ang tambakan nila ng gamit kumpara sa silong namin. Siguro nandidiri na siya.
"Malinis naman ang bahay namin kahit maliit yan. Hindi ko pinapabayaan na maging marumi ang bahay," sabi ko sa kanya.
Bumaling naman ang tingin niya sa akin. "Wala naman akong sinabi." simpleng sagot niya sa akin.
Alam kong ayaw niya lang maka-offend sa akin. Sanay naman ako sa mga ganoong klaseng tingin ng tao lalo na kung bahay na namin ang pinag-uusapan. Wala namang malisya sa akin iyon tutal lagi ko namang naririnig mula sa iba na hindi kagandahan ang bahay namin.
Lumabi ako sa kanya sabay bukas ng paper bag na dala niya. Nangamoy kaagad ang mabangong amoy mula sa loob. Kahit hindi ako nagugutom ay nakaramdam ako.
"Steak. Do you eat stake?" tanong niya sa akin.
Inangat ko ang tingin ko sa kanya. "Ano iyon?" Wala kasi akong ideya sa pagkain na tinutukoy niya.
He pointed the food na nasa lalagyanan. "That food."
Tumango ako sa kanya bago iniangat ang lalagyan nun. Mas kumalat ang mabangong amoy ng pagkain sa maliit na lugar. Inilapag ko iyon sa maliit na mesa. Pagkabukas ko ay nakita ko kaagad ang karne na tinutukoy niya, kulay brown ito na may mga dahon-dahon pa sa ibabaw. Sa gilid ay hindi ko maintindihan kung patatas o kanin. May inumin din na naroon sa loob ng lalagyanan.
Tinignan ko siya pagkatapos ay tinanguan niya ako. Hindi ko alam kung paano kainin yun basta't hawak ko lang ang kutsilyo na kasama at tinidor. Mukhang nakuha ni Leon na hindi ko alam iyon kaya ito na mismo ang nagharap sa kanya ng pagkain at naghiwa. Pinagmamasdan ko lang siya habang ginagawa iyon.
Sanay na sanay ito hababng naghihiwa. Pamilyar na pamilyar ito sa ganung klaseng pagkain. Kaya buong durasyon na ginagawa niya iton ay nakatingin lang ako sa kanya. Hiniwa niya sa maliliit na bahagi ang karne. Ibinigay niya sa akin iyon.
"Try it." imbita niya sa akin.
Kumuha ako ng maliit na bahagi nun at kinain. Siguro dahil unang beses ko palang makatikim ng ganitong klaseng pagkain ay hindi ko naiwasang hindi humanga. Para itong nalulusaw sa bibig ko.
Nakatingin naman si Leon sa reaksyon ko. Tipid na ngumiti ito sa akin pagkakita ko sa kanya. Sa sarap ng lasa ng pagkain na iyon ay sigurado ako na mahal iyon.
Iniharap ko sa kanya ang pagkain, "Subukan mo rin," imbita ko sa kanya.
Umiling siya sa akin. "I've had enough of it. I bought that for you so no need to give me one." anito sa akin.
Pero umiling ako sa kanya. Tumusok ulit ako sa tinidor at iniumang sa bibig niya ang pagkain. Wala naman itong nagawa kung hindi kainin yung binigay ko sa kanya. "Masarap?" nakangiting tanong ko sa kanya.
Tumango lang siya sa akin habang nginunguya iyon. Kahit ayaw ni Leon ay patuloy ko pa rin siyang binibigyan nung karne. Kahit paulit-ulit niyang sinasabi sa akin na ayaw niya ay hindi ko siya pinakinggan. Kaming dalawa ang nakaubos nung karne na dala niya.
Saksi ang malakas na ulan at hangin sa munting eksena naming dalawa. Masaya naman ako kahit papaano. Nagawang maging payapa ng puso ko kahit sandali lamang.
Matapos naming kumain ay may dumating na mamimili ng gulay. Napatigil pa ito sa paglapit pagkakita kay Leon sa tabi ko.
"Ano po iyon?" tanong ko sa kanya.
Dahan-dahan ang paglapit nito sa amin ni Leon habang hindi pa rin nito inaalis ang tingin sa isa.
"Magkano yung talong, Mica?" tanong nito sa akin pero ang mata ay nakatingin kay Leon.
"Bente pesos po ang isang tali," sagot ko sa kanya.
Tumango siya sa akin. "Bigyan mo ako ng dalawang tali." anito.
Dahil medyo malayo ang gulay na nais niya ay kinailangan ko pang iunat mabuti ang katawan ko. Nahihirapan ako kaya si Leon ang tumayo para abutin ang gulay.
"Ilan?" tanong niya sa akin pagkalingon niya.
Napatayo naman ako ng tuwid sa biglaang ginawa niya. "D...dalawa." sagot ko.
Tumango naman siya sa akin at inabot ang gulay. Kumuha naman ako ng plastic para ilagay doon ang binili ng kapitbahay namin.
"Tsaka sampung pisong kangkong na rin, Mica." dagdag pa.
Tinuro ko naman kay Leon ang gulay na katabi nung talong. "Ilan?" tanong niya sa akin ulit.
Tinaas ko naman ang isang daliri ko sa kanya. Binalik niya ang tingin sa gulay tsaka tumango sa akin. Inabot naman nito ng walang kahirap-hirap yung gulay tsaka ibinigay sa akin.
Nilagay ko lahat sa platic ang binili at binigay iyon kay Manang Dolores. "Singkwenta po lahat," sabi ko sa kanya.
Tumango naman siya at naglabas ng singkwenta pesos na papel sa pitaka at inabot sa akin. Sinulyapan pa nito si Leon bago nagmamadaling umalis. Napalingon naman ako kay Leon na nakatingin na ulit sa akin.
"Salamat." sabi ko sa kanya bago nilagay sa loob ng bag ang perang binayad.
"Lagi mo bang ginagawa ito?" tanong niya sa akin.
"Oo. Eto lang naman ang source ng pera namin. Tsaka bakasyon naman kaya hindi ako nahihirapan," sagot ko sa kanya.
"Paano kapag hindi mo naubos ang mga iyan? Anong gagawin mo?" he suddenlyn asked. Para siyang kuryoso sa lahat ng gagawin ko.
"Ibabalik ko sa Oliveros mamaya. Papatilain ko lang yung ulan para maibalik ko sa Oliveros." sagot ko sa kanya.
Nagsalubong ang kilay niya sa sinabi ko. "How far is that from here?"
"Hmm...mga forty five minutes siguro. Aarkila naman ako ng tricycle mamaya kaya hindi mahirap pumunta doon."
"Sasamahan na kita," sabi niya sa akin.
Agad naman akong napalingon sa kanya, 'Huwag na. Kaya ko naman." binuntutan ko pa iyon ng maikling tawa.
"Tsaka ayokong nakakaabala sa ibang tao. Mas mabuting umuwi ka na lang sa inyo." sabi ko sa kanya.
"You were never a bother for me, Micaela. Don't think that way. I like what I do." sagot niya sa akin.
Muli ay nagtama ang mga mata naming dalawa. Hindi ko alam kung bakit ganito ang paraan ng pagtingin niya sa akin pero lumalakas ang t***k ng puso ko sa ginagawa niya.
Hindi ako sanay.
Bigla kong inilayo ang tingin sa kanya dahil baka naririnig na rin niya ang malakas na t***k ng puso ko. Hindi ako pamilyar sa ganito.
Tumigil din ang malakas na pagbuhos ng ulan nasa alas-sais na rin ng gabi at wala na rin namang bumili matapos ni Manang Dolores.
"Magliligpit na ako." paalam ko sa kanya. Dinampot ko ang plastic na nasa gilid, iyon kasi ang pinaglagyan ng pinamilhan ko kanina.
Hindi ko naman siya inuutusan na tulungan ako pero nagkusa si Leon na tumulong sa akin sa pagliligpit. Tinatanong lang niya ako kung tama yung ginagawa niya. Sa totoo lang ay malaking tulong ang ginagawa niya. Para mapabilis ako ay ito ang kailangan ko.
Nailagay ko na sa plastic ang mga gulay, nakalista na rin naman sa papel ang nabenta ko at ang ibabalik kong halaga para kay Aling Josefa.
"Mag-aarkila na lang ako ng---"
Pero nabitin ang lahat ng salita ko dahil kinuha ni Leon ang dalawang plastic ng gulay at nilagay sa harapan ng motor niya. Nagmamadali pa tuloy akong hinabol siya at nagtataka sa kanyang ginawa.
"Ako na!" agaw ko sa kanya.
"Sumakay ka na lang sa likuran. Mas mabilis kapag hinatid kita. Wag ng matigas ang ulo, Micaela." pinal na sabi niya sabay lagay ng helmet sa ulo ko.
Nakasunod ang tingin ko sa kanya habang inaayos niya ang pagkakalagay ng helmet sa akin. "Ituro mo lang sa akin ang daan." anito sabay buhat sa akin para makasakay sa likuran ng motor.
Naputol ang pagtili ko sa ginawa niya pero hindi ko maikakaila ang lakas ng t***k ng puso ko. Sumakay na rin siya sa harapan ng motor. Ang mga gulay ay nasa parehas na side ng motor nito. May isang nakasabit, may isa na hawak niya.
Iniisip ko kung mangangalay siya dahil malayo rin naman yung lugar na iyon. "Hahawakan ko na lang yung isa," sabi ko sa kanya.
He turned his head to me, "Hahawak ka pa sa akin." aniya.
Tumango ako sa kanya bago pinulupot ang isang braso sa bewang niya, inagaw ko naman ang plastic sa kanya. Mabuti na lang at hindi siya pumalag. Mas maayos na rin iyon para mas makapag-focus siya sa pagmamaneho.
Ang kanang kamay ko ay nakahawak nang mahigpit sa damit niya habang ang kaliwa ko ay nakahawak naman sa plastic.
Tinuturo ko naman sa kanya ang daanan papunta sa Oliveros, kumpara dati ay nakaalalay ang pagmamaneho niya ngayon. Mas safe kumpara sa mabibilis na pagpapatakbo niya noong nakaraan.
Sanay na sanay na akong sumakay sa motor niya. Siguro ay naging pamilyar na lang din talaga ako matapos ng ilang beses kong pagsakay dito. Nadidilat ko na rin ang mata ko sa buong biyahe, bagama't may takot pa rin ako ay naniniwala akong hindi naman niya ako pababayaan.
Nakarating kami sa harap ng bahay ni Aling Josefa pagkalipas ng tatlumpong minuto, mas maiksi ng labinlimang minuto kumpara kung sasakay ng ako ng tricycle.
"Boyfriend mo ba iyon?" usisa ni Aling Josefa sa akin. Inaabot ko kasi ang benta ko sa kanya at ang mga natirang gulay.
Nilingon ko si Leon na nakatayo sa gilid ng motor at iniintay ako. Sunod-sunod ang pag-iling ko sa sinabi niya. "Naku po. Hindi po." pagtanggi ko kaagad.
Hindi ko naman talaga siya boyfriend. Mamaya mayroon pala itong ibang girlfriend tapos nababalitaan ito, nakakahiya!
Dapat pala ay malinaw ko kay Leon iyon. Mamaya may nasasagasaan akong girlfriend niya. Pero kasi masyadong personal na iyon. Baka hindi na dapat pang itanong.
"O siya, bukas na lang ulit ng madaling-araw. Gusto mo bang magtinda ng prutas din? May ibabagsak kasing prutas sa akin," sabi ni Aling Josefa.
"Sige po. Kung ano po yung ibibigay ninyo sa akin. Maraming salamat po ulit, Aling Josefa." sabi ko sa kanya.
"Naku...ikaw napakasipag mo samantalang ang ama at ina mo ay naglulustay lang ng pera. Grabe naman talaga yang mga magulang mo."
Hindi na lang ako sumagot sa kanya at nagpaalam na para makauwi na kami ni Leon. Baka kailangan na rin nitong umuwi. Lumapit naman ako kay Leon na umayos ng tayo pagkakita sa akin.
"Uuwi na tayo?" tanong niya sa akin.
Hindi ko alam kung tama bang tumango sa kanya ngayon dahil nasa isipan ko pa rin ang ideya na baka nga may girlfriend na ito. Masyadong personal iyon kaya hindi ko alam kung tama bang sa kanya ko tanungin iyon. Kapag si Olivia naman ay baka magtaka rin iyon.
Pero sa lahat ng agam-agam ko ay natagpuan ko na lang ang sarili ko na tumatango sa kanya. Tumango ito sa akin at nilagay na sa ulo ko ulit ang helmet. Tinulungan niya ulit akong makasampa sa likuran ng sasakyan nito.
Pagkasakay niya sa harapan ng sasakyan ay humawak na lang ako sa gilid ng bewang niya. Hindi na ako yumakap sa kanya. Baka kasi may makakita sa amin at magtaka kung bakit ganun ang posisyon naming dalawa.
Napagkamalan nga kami ni Aling Josefa, paano pa yung iba?
"What are you doing?" tanong niya sa akin.
"Ha?" tanong ko sa kanya.
Kinuha naman niya ang braso ko at pinulupot sa kanya. "Do it that way. Baka mahulog ka, mahihirapan akong saluhin ka." aniya sa akin.
Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Tatanungin ko pa nga sana siya tungkol sa sinabi niya mabuti na lang at napigilan ko dahil pinaandar na niya ang sasakyan.
Tahimik lang ako sa buong biyahe hanggang makabalik kami sa tapat ng bahay. Bukas na ang ilaw kaya tiyak ako na naroon na sina Nanay at Tatay. Bumaba ako sa motor ng hindi na siya iniintay, nagulat pa siya sa bilis ng ginawa ko.
Ako na rin ang nagkalas ng helmet ko at inabot sa kanya. "Salamat." sabi ko sa kanya.
Tinignan niya ako bago inabot ang helmet, "Anong oras kita susunduin bukas?" tanong niya sa akin.
Tumaas naman ang kilay ko sa sinabi niya. Susunduin para saan? "Bakit?" tanong ko sa kanya.
"Di ba kukuha ka pa ulit ng paninda bukas sa pinuntahan natin. I heard the two of you," anito.
Nagulat ako sa sinabi niya. Wala akong ideya na nakikinig pala siya. "Lahat napakinggan mo?" tanong ko sa kanya.
Tipid na tumango siya sa akin, namula tuloy ang mukha ko sa sinabi niya. Nakakahiya naman at narinig pa niya ang sinabi ni Aling Josefa tungkol sa kanya. "Pasensya ka na kay Aling Josefa...nahihiya nga ako at baka malaman ng girlfriend mo yung ginagawa mo. Baka magalit siya,"
Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa akin na parang hindi maintindihan ang sinasabi ko. "What do you mean?" he asked after crossing his arms over his chest.
"Y...yung girlfriend mo,"
"Wala akong girlfriend, Micaela. And if ever I have... I would be spending my time with her." sabi niya sa akin.
Namula naman ang mukha ko sa sinabi niya. "Ha?"
"I want to stay here with you, Micaela. Don't push me away from you. Hindi mo ako mapapalayo sa iyo." sabi niya sa akin.
Walang lumabas na salita sa lalamunan ko dahil sa sinabi niya. Naging malakas ang t***k ng puso ko sa sinabi niya.
Umuklo siya sa harapan ko at hinawakan ang kamay ko, "Now...anong oras kita susunduin bukas?"
"F...four."
Tumango siya sa akin at ngumiti, "Four a.m. I'll see you at four, babe." sabi niya sa akin.