Huminga ako nang malalim habang iniintay si Basti sa harap ng gate. Nag-usap kasi kami noong nakaraan na magpapanggap kaming mag-boyfriend at girlfriend pag nasa harap ni Chari.
Pinipilit kasi lagi ni Chari na gusto ko raw si Basti pero wala naman talaga. Umiiwas na rin siya sa amin ni Basti after niyang makita yung closeness namin. Ayoko naman nito pero naka-oo na kasi ako kay Seb.
Isa pa, tinulungan niya akong maging tutor ni Olivia. Malaking bagay iyon para sa akin. Dagdag-ipon sa dumaragdag na gastusin.
I tried to smile pagkakita sa akin ni Seb. Mukhang kahit ito rin ay ayaw na ang setup naming dalawa. Hindi na kasi ito talaga kinakausap ni Chari. Mahirap talaga sa kanya iyon dahil nasanay siya na nariyan si Chari sa tabi niya.
Inilahad ni Sebastian ang kamay niya sa harapan ko. Tinignan ko namang mabuti iyon, "Hindi pa ba natin tatapusin ito? Hindi na kayo nagpapansinan ni Chari." nag-aalalang sabi ko sa kanya.
Binaba nito ang kamay at umiling na lang sa akin, "Sandali na lang, Mica. I just want her to realize something." anito sa akin.
Kung anuman iyon ay sana ma-realize na kaagad ni Chari. Ayokong maipit na sa kanilang dalawa.
Sabay kaming naglakad ni Sebastian papasok ng school. Wala pa namang bakas ni Chari doon kaya nakahinga kami nang maluwag at pumasok na sa loob ng room.
Andoon lang ay ang bag ni Chari pero wala ito roon, umiikot tuloy ang tingin ni Sebastian at hinahanap ito.
"Asaan ito?" tanong ni Seb sa mga kaklase namin habang nakaturo sa bag ni Chari.
"C.R daw," sagot naman ni Bea.
Mukhang nakahinga naman ng maluwag si Sebastian. Dumating din naman ito pagkaraan pero hindi kami pinapansin at dumiretso sa upuan nito. Nakipagpalit pa ito kay Allen ng pwesto para lang hindi namin siya makatabi sa upuan.
Alam kong nasaktan si Sebastian doon. Sobrang iba ang turing niya kay Chari, alam ko at ng halos lahat kung gaano kamahal ni Seb si Chari.
Dumaan ang buong araw na ganun lang. Kung lilingunin o kakausapin man kami ni Chari ay para lang sa mga assignments na kailangan ipasa. Masyado kasing mataas ang pride ng dalawang ito. Ako na yung sumusuko para sa kanilang dalawa.
Nagpaalam na ako kay Sebastian pagdating sa gate, pupunta pa kasi ako kay Olivia, tinuturuan ko siyang magsalita ng Tagalog. Nagbabayad kasi kaagad yung mama niya kaya kahit after class ay pinupuntahan ko na.
Nakarating na ako sa tapat ng malaki nilang bahay. Hindi talaga pwedeng hindi ako humanga sa bahay na ito.
Kumatok muna ako bago may nagbukas ng gate. Nahigit ko kaagad ang hininga ko pagkakita kay Kuya Leon na nagbukas ng gate. Nagulat din ito pagkakita sa akin pero binigyang daan ako nito para makapasok.
"Si Olivia po?" tanong ko sa kanya.
Napalingon-lingon pa ito bago tinuro ang itaas, "Upstairs." matipid na sagot nito sa akin.
Tumango ako sa kanya at ngumiti, "Thank you po." sabi ko sa kanya bago pumasok.
He closed the steel gate before walking with me. Kailangan pa namin umakyat sa hagdanan para makapasok sa loob ng bahay. Ako ang nauunang umakyat kaya alam kong nakasunod siya sa akin.
Hindi ko alam halos ang sasabihin ko habang nasa likuran ko siya. Naiilang kasi talaga ako sa kanya. Parang hindi siya approachable, hindi katulad ni Olivia.
Ramdam ko ang tingin niya habang nasa likuran ko siya pero sinubukan kong hindi lingunin. Ang awkward kasing harapin siya lalo na at baka naalala pa nito na bumili siya ng napkin sa amin kahapon.
Pag-apak ng paa ko sa kahoy na sahig ng bahay nila ay naamoy ko kaagad ang isang mabangong amoy na galing sa kusina.
"Mom's cooking a Paella. Wait here, I'll call Liv for you." anito at iniwan ako.
Naiwan akong nakatayo sa may entrada ng bahay nila. Pinagmamasdan ang mga kagamitan sa bahay nila. Gustong-gusto ko talaga yung bahay nila. Makaluma pero ang moderno ng mga gamit. Gusto ko rin ng ganitong bahay o kaya kahit mag-trabaho na lang dito. Hindi naman siguro masama.
May nakasabit na family portrait nila sa dingding ng bahay. Lahat sila ay nakangiti doon maliban kay Leon na hindi masyadong kita ang ngiti sa labi.
Batay sa kwento ni Olivia sa akin ay half-brother niya si Leon. Iisa ang ina nila pero magkaiba ang ama nila. Ang daddy ni Olivia ang kinalakihang ama ni Leon. Iniwan daw kasi si Leon ng biological father nito noong pinagbubuntis pa lang siya ni Ma'am Lena.
Purong Espanyol si Sir Leo na daddy ni Olivia, half-Spanish naman si Ma'am Lena, parehong lumaki sa Pilipinas ang mga ito kaya matatas magsalita ng Filipino. Iyon na rin ang nakasanayan nila na wika sa bahay nila.
"Mica!"
Napangiti ako pagkakita kay Olivia. She's smiling from ear-to-ear habang may kipkip na aklat sa dibdib at palapit sa akin.
"School's done?" tanong niya sa akin.
Tumango ako sa kanya. "One hour tayo today?" tanong ko sa kanya.
"Yes!" she cheerfully replied.
Mas matanda kami ni Chari ng isang taon kay Olivia pero hindi halata dahil sa built ng katawan niya. Parang ngang mas matanda pa siya sa akin pag tumabi ako. Hinawakan niya ang braso ko at hinila papasok sa loob ng bahay.
"Why are you standing there? You should have come inside. Come, Mommy's cooking a special meal for us. It'll be ready any moment," nakangiting sabi niya sa akin.
Dumiretso kaming dalawa sa library nila. Naroon din si Leon na nag-aaral habang nakaharap sa laptop nito. Nag-angat lang ito ng tingin saglit sa amin pagkaraan ay binaba nito ulit ang tingin sa laptop.
"Sí señor..." sagot nito at kinuha ang libro bago magsulat doon.
Pumunta na kami ni Olivia sa table naming dalawa, medyo malayo sa Kuya nito na mukhang abala. Hindi maalis ang tingin ko sa kanya lalo na at nagsasalita ito ng wikang Espanyol. Ang sarap pakinggan sa tenga.
" Señor, dónde pasar mi trabajo?" tanong nito. Nang maramdaman ata nito na nakatingin ako sa kanya ay nag-angat ito ng tingin saglit.
Ako ang nahiya kaya binawi ko ang tingin sa kanya at tinignan si Olivia na sobrang excited na binubuklat ang Filipino workbook nito. Nilingon naman nito ang kapatid na nakatingin pa rin sa amin.
"Qué estás mirando?" tanong nito sa kapatid.
Kumunot naman ang noo ko habang pinapakinggan sila. Hindi ko naman kasi maintindihan ang palitan nila ng salita. Ganun ba talaga kapag mayaman?
"Nada." sagot naman ni Leon dito.
Humarap naman na ulit sa akin si Olivia at ngumiti, "Don't mind him. He's just studying for his finals." sagot nito sa akin.
"Finals? Di ba start na kayo next week sa school?" tanong ko sa kanya.
Tumango naman si Olivia sa akin habang nakapatong ang baba sa dalawang kamay, "He's still a fourth year high school student. Graduating by the end of this month. Luckily, our new school allowed us to enroll for new level this year," paliwanag ni Olivia sa akin.
"Ah..." sunod-sunod ang naging pagtango ko sa kanya. "Start na tayo?" tanong ko sa kanya.
"Yes, please!" Tinuon na nito ang buong atensyon sa akin.
Nakatapos kami noong nakaraan ng basic Filipino greetings and polite words. Ngayon ay yung mga pagtatanong naman sa Filipino ang tinuturo ko sa kanya.
"Ano is what in Filipino, Sino is who, Saan is where, Kailan is when...iyon yung mga kadalasang ginagamit na salita sa Filipino. Katulad nito..." I underlined the words for her. "Kapag ginamit mo iyan sa sentence make sure mo na nagtatanong ka talaga. Example, ano ang pangalan mo?" Nag-angat ako ng tingin sa kanya na nakikinig mabuti naman sa akin.
"That means, what is your name, right?" tinignan niya ako. Tumango naman ako sa kanya. Pumapalakpak pa ito sa tuwa. "Finally! I'm really learning now. Thank you so much, Mica. You are such a big help!" Yumakap pa ito sa akin sa sobrang tuwa.
Mabilis naman matuto si Olivia lalo na at kitang-kita ko ang willingness sa mukha niya habang nag-aaral. Halos kasabay lang din namin natapos si Leon sa pag-aaral. He closed his laptop pakatapos ay hinawakan naman nito ang cellphone nito.
"Bukas ulit?" tanong ko sa kanya.
"Yes, please!" maligayang sagot naman ni Olivia sa akin.
Katok sa pintuan ng library ang nagpalingon sa amin sa pintuan. Si Leon ang tumayo para magbukas nun. Nakatayo doon ay si Ma'am Lena, nakangiti ito habang nakatingin sa amin.
Napatayo naman ako kaagad para batiin siya, "Magandang hapon po, ma'am." bati ko sa kanya.
"Good afternoon din Mica. Tapos na ba kayong mag-aral?" tanong nito sa mga anak.
"Yes, mom!" sagot ni Olivia.
Lumingon naman si Ma'am Lena kay Leon, "Opo." simpleng sagot nito sa ina.
"I made a merienda for all of you. Nasa dining area iyon, inihanda ko talaga para sa inyo," nakangiting sabi ni Ma'am Lena.
Nagligpit naman kami ni Olivia ng gamit. Hindi na lang ako makikikain kasi kailangan ko pang umuwi sa bahay, baka kailangan ko ng maglako ng tinda ni Nanay.
Kasabay kong maglakad si Olivia habang nasa likuran naman namin ang kuya nito. Huminto ako sa entrada ng pintuan nila. Napatigil naman si Olivia at nagtatakang tinignan ako.
"Why?" tanong niya sa akin.
"Uuwi na sana ako. May trabaho pa kasi ako na kailangan gawin sa bahay. Baka iniintay din ako ni Nanay," nakangiting sabi ko sa kanya.
Nagbago naman ang ekspresyon sa mukha ni Olivia at umiling, "Let's eat quickly so you could go home na. Mommy prepared all of this for you," sabi pa nito sa akin.
Natigilan naman ako sa sinabi niya at nakaramdam ng hiya. Nakatingin din kasi si Leon sa akin at halatang iniintay ang sagot ko.
"Sa susunod na lang siguro. Sa Sabado?" tanong ko sa kanya.
Umungol pa si Olivia at umiling ulit, "Can't you eat with us now?" tanong nito.
Bago pa man ako makasagot ay sumungaw na mula sa dining room si Ma'am Lena, "May problem ba?" tanong nito at tinignan ang mga anak.
Si Olivia ang sumagot sa ina at humarap dito, "She wants to go home now," maktol na sagot nito sa ina.
Nahihiyang ngumiti naman ako kay Ma'am Lena, "Naglalako po kasi ako ng nilulutong binalot ni Nanay sa San Rafael. Sumaglit lang po talaga ako para maturuan ko si Olivia. Pasensya na po, Ma'am Lena," sagot ko sa kanya.
Nagtataka man ay tumango na lang si Ma'am Lena sa akin, "I see. Wait. Ipagbabalot na lang kita tapos ipapahatid na kita kay Leon para mas mabilis ang pag-uwi mo..." bumaling naman ito sa anak, "Anak, ihatid mo si Micaela sa kanila para hindi siya matagalan sa paglalakad," anito at pumasok ulit sa loob ng dining area.
Agad naman akong nataranta sa sinabi nito. Hindi na ako kailangan ihatid! Mabilis naman akong maglakad. Humarap ako kay Leon na nakatingin sa akin naman. "Huwag na po. Mabilis naman po akong maglakad. Nakakaabala pa po ako," pagtanggi ko.
"I'm sorry but we follow our mom's words. I'll wait for you downstairs, " anito at may kinuha na susi sa isa sa tokador doon tsaka kami ni iniwan ni Olivia sa loob ng bahay.
Nilingon ko naman si Olivia na malungkot pa rin ang mukha. Naiintindihan ko naman siya. Ako at si Chari pa lang ang una niyang kaibigan sa probinsya na ito. Gusto niya siguro talaga na maglaan ng oras kasama ako bukod sa pag-aaral.
"Promise me that on Saturday you will stay here and eat with us, okay? I'll let you go for now because you said that you have to really go," sabi nito.
Tumango ako sa kanya, "Sorry talaga." sagot ko sa kanya. Hindi naman kasi kami katulad nila na marangya ang pamumuhay.
Nakakaintinding tumango naman si Olivia sa akin. Tahimik tuloy kaming naghintay hanggang sa pagbalik ni Ma'am Lena. May dala na itong paper bag.
"Maraming salamat po, Ma'am Lena. Sana po hindi na kayo nag-abala talaga," nahihiyang sabi ko sa kanya.
Umiling naman siya sa akin. "Dinner na rin naman kasi namin yung inihanda ko. Nasa loob na rin yung bayad ko para sa araw mo kay Olivia ngayon." nakangiting sabi nito sa akin. "Sinobrahan ko na. Nabalitaan ko kasi mula kay Seb na sasali raw kayo sa school pageant ninyo. Para pandagdag sa gastos,"
Nakaramdam naman ako ng pamumula sa sinabi niya. Nasabi pa iyon ni Sebastian? Nakakahiya!
"S...salamat po, ma'am. Huwag niyo na po akong bayaran sa Sabado, ayos na po ito," sabi ko sa kanya.
Umiling ito at hinawakan ang kamay ko, "Ikaw ang unang kaibigan ng Olivia ko dito sa Pilipinas. Deserve mo yan." nakangiting sabi nito sa akin.
"S...salamat po ulit, ma'am." Nahihiya talaga ako!
Umiling siya ulit sa akin, "Come. Baka naghihintay na sa iyo si Leon." sabi ni Ma'am Lena.
Aangal sana ulit ako kaya lang hindi ko na nagawa. Sumama kasi silang mag-ina sa akin para bumaba.
Isang malaking motor na kulay itim ang nakahanda sa labas ng gate nila. Nakasakay doon si Leon na may suot namang helmet.
Nag-alinlangan ako kaagad pagkakita. Sasakay ako doon? Mas gugustuhin ko pang maglakad kaysa sumakay sa ganoong sasakyan.
"Hop in," yaya ni Leon sa akin.
Nilingon ko sina Ma'am Lena at Olivia na nakangiti sa akin. Nakuha pa nilang ngumiti ngayon?
"H...hindi na lang po talaga. Maglalakad na lang po ako," sabi ko sa kanila. Baka mas ligtas pa akong makarating sa bahay kapag naglakad ako kaysa sa sumakay sa motor na ito.
"Leon is one of the fastest but safest driver I know. Don't worry, he'll take care of you." Nakangiting sabi ni Ma'am Lena sa akin.
Nilingon ko naman ito na tinatanguan ako na sumakay na. Binalik ko naman ang tingin ko kay Leon na naghihintay sa akin.
"Hindi po kasi ako marunong sumakay sa ganyan," pag-amin ko sa kanila sabay yuko.
Ang akala kong pagtawa na matatanggap ko ay hindi ko narinig sa kanila. Dahan-dahan kong inangat ang tingin ko sa kanila.
Narinig ko ang malalim na paghugot ng hininga ni Leon bago ito bumaba sa motor nito. Inilahad nito ang kamay sa akin.
Anong gagawin ko doon?
Iyon sana ang gusto kong itanong pero mukhang nabasa naman nito ang iniisip ko. Ito na mismo ang humawak sa kamay ko. Halos mapatili ako dahil ang kamay na akala kong hahawak lang sa kamay ko ay pumunta sa bewang ko. Binuhat niya ako para makasampa sa motor niya!
Abot-abot ang kaba ko habang nakaupo doon. Lumapit pa ito sa akin at isinuot ang isang helmet. Nakatitig ako sa kanya habang ginagawa niya iyon.
Gusto ko siyang sampalin sa ginawa niyang pagbuhat pero paraan niya lang siguro iyon para makaalis na kami.
Kung hindi niya siguro gagawin iyon ay magtatagal kami.
Tama. Tama. Iyon siguro ang dahilan niya.
Inayos niya ang strap ng helmet sa ulo ko bago binalingan ang nakatingin na pamilya sa amin. "Alis na po kami," paalam nito.
Nakatagilid akong nakaupo sa motor niya, sumampa naman ito. Pumunit ulit sa katahimikan ang malakas na tili ko ng tinayo na niya ang motor. Wala ng naaapakan na lupa ang paa ko!
"Wrap your arms around me." Utos nito na agad ko namang ginawa.
Pinaandar na nito ang motor at para kaming ibon na lumipad.
Buong durasyon ng biyahe naming ay nakapikit ako at halos idikit ko ang mukha ko sa likuran niya. Nakakahiya man pero natatakot ako! Ang alam ko lang ay tricycle pero hindi ang ganitong mamahalin at magandang motor.
Kung naglakad ako ay aabutin ng halos dalawampung minuto papunta sa amin pero parang limang minuto lang ay nakarating na kami sa tapat ng bahay namin.
Nang hininto nito ang motor ay doon ko lang nagawang idilat ang mata ko. Ang pamilyar na tanawin sa harapan ng bahay namin ang nakita ko na kaagad.
Parang nalunon ko ang salita at nanlalamig ang kamay kong nayakap pa rin sa kanya.
"Andito na tayo." Anunsyo nito.
Marahan akong tumango sa kanya. Tinukod na nito ang motor, nakahawak pa rin ako sa kanya. Natatakot kasi ako!
"Micaela? Ikaw na ba yan, anak?"
Ang boses ni Nanay ang nagpabalik sa akin sa ulirat. Lumingon ako at nakita siyang nasa harapan ng tindahan at may hawak ng basket.
"O...opo!" sabi ko sa kanya.
Nilingon ko naman si Leon na nakababa na sa motor nito at nakatanggal na rin ang helmet. "Magandang hapon po," magalang na bati nito kay Nanay bago tumingin sa akin.
Hindi ko alam kung paano ko kakalasin ang nakasuot na helmet sa akin.
"P...patanggal po," pakiusap ko sa kanya.
Tumango naman siya sa akin at lumapit. Ang atensyon nito ay nasa suot na helmet ko. Ito na mismo ang nagkalas at inalalayan pa akong makababa sa motor nito.
Kung hindi ako nakahawak sa braso niya ay baka bumagsak na ako. Nanginginig pa kasi ang tuhod ko sa nangyaring pagsakay doon.
Kahit kailan ay hinding-hindi na ako sasakay pa doon.
"Salamat po sa paghatid," pasasalamat ko sa kanya.
Tumango naman ito sa akin habang nakatingin sa nasa likuran ko. Palapit si Nanay na naglalakad. Mas maiksi ang isang binti ni Nanay noong pinanganak siya kung kaya't hindi pantay ang paglalakad niya.
"Napakagwapo naman nito. Manliligaw ka ba ng anak ko?" nakangiting tanong ni Nanay kay Leon.
"Nay!" tawag ko sa kanya saka nilingon si Leon na nakatingin sa amin ni Nanay.
Magalang itong umiling sa tanong ni Nanay, "Hindi po." Sagot nito.
"Naku sayang naman. Bagay na bagay kayo ng anak ko." Nakangiting sabi pa ni Nanay.
"Pasensya na po, sir. Ganyan lang po talaga si Nanay. Salamat po ulit sa paghatid." Sabi ko sa kanya.
Tumango naman siya sa amin ni Nanay at akmang sasakay na sa motor ng mapansin ang hawak na basket ni Nanay. Iyon na yung binalot na ginawa niya. "Ano po iyan?" kuryosong tanong nito.
"Binalot. Nilalako nitong si Micaela diyan sa San Rafael tuwing pagkatapos ng klase. Ngayon ay ipapahatid ko sa kanya sa mga Mariano," nakangiting sabi ni Nanay.
"Kina Don Mariano po?" tanong ko kay Nanay.
"Oo. Eto pamasahe at inaasahan nila iyan bago sila maghapunan," humugot pa si Nanay ng pera sa bulsa nito. Iniabot ko naman sa kanya ang bag ko.
"Hindi ka na ba magpapalit, anak? Nandoon si David ngayon," kinikilig na sabi ni Nanay sa akin.
Umasim naman ang mukha ko sa sinabi niya. Alam kong sobrang pabor na pabor si Nanay sa anak na iyon ni Don Mariano. Kaya lang ayoko talaga doon. Masyadong spoiled si David sa lahat ng bagay.
Umiling na lang ako sa kanya. "Ihahatid ko na po ito," nilingon ko naman si Kuya Leon na naroon pa rin at nakikinig sa amin ni Nanay.
"Salamat po talaga. Naabala ko pa po kayo." Sabi ko sa kanya.
Umiling siya sa akin, "Gusto mo bang ihatid na lang kita doon para mas mapabilis ka? Just tell me the direction." Alok nito.
Sunod-sunod ang naging pag-iling ko sa kanya. "Naku! Hindi na po. Kaya ko naman po ito. Tsaka baka naghihintay na rin po sina Ma'am Lena sa inyo," pagtanggi ko.
Hinding-hindi ko na talaga gugustuhin pa na sumakay sa sasakyan na iyon. Kahit ilang beses niya akong pilitin ay hindi na.
"Are you sure?" paninigurado niya sa akin.
Tumango ako sa kanya. Sakto naman na may dumaan ng tricycle at pinara ko iyon. "Salamat po ulit sa paghatid." Tinignan ko naman si Nanay. "Alis na po ako, Nay." Paalam ko sa kanila.
Hindi ko na sila nilingon pa pagkasakay ko ng tricycle. Isa pa ayokong maging abala sa ibang tao.