4

3154 Words
Nakarating ako sa San Rafael ng mag-a-alas sais ng gabi. Mabuti na lang at mabilis ang sinakyan kong tricycle kaya nakarating kaagad ako doon.  Nagpababa lang ako sa tapat ng subdibisyon ng mga Mariano. Kilala naman na ako ng mga gwardiya doon kaya't pinapasok na ako kaagad.  Mahabang lakaran pa ang ginawa ko bago makarating sa malaking mansyon ng mga Mariano. Kilalang alkalde si Don Manuel Mariano. Sila ang isa sa pinakamayaman at pinakamakapangyarihan sa bayan na ito. Maliit nga lang ng kaunti ang mansyon nila kumpara sa mansyon ng mga Velasquez sa Trinidad.  Kung pagkukumparahin ay naging mayaman lang sila dahil sa pagiging politiko ni Don Mariano samantalang magaling na negosyante naman si Senyor Velasquez.  Pinindot ko ang door bell na naroon. Ilang minuto pa ang hinintay ko bago bumukas iyon. Lumabas ang isang naka-unipormeng kasambahay doon.  "Ikaw pala, Micaela. Kanina pa hinihintay ni Don Manuel yang dala mo." aniya sa akin bago ako pinapasok sa loob.  "Pasensya na po. Marami lang pong tinapos sa eskwelahan." sagot ko sa kanya.  Dumaan kami sa may kusina kung saan doon naman lagi ako pinapadaan. Unti-unti ko na nga rin nakakabisado ang bahay na ito dahil sa palaging nagpapadala ng tinda si Nanay dito.  "Sandali at tatawagin ko si Ma'am Dianne." paalam nito sa akin bago lumabas papunta naman sa salas. Nanatili naman akong nakatayo sa may pintuan lamang bitbit ang basket. Hindi naman kasi ako inutusang maupo kaya hindi ko ginawa. Isa pa sandali lang naman talaga ako dito.  Habang naghihintay ay pumasok sa kusina ang kaisa-isang anak nila Don Manuel at Donya Dianne na si David. Nakasuot ito ng kulay puting damit na hanggang leeg ang butones. May hawak din itong espada habang nasa isang kamay naman ay parang head gear.  Hinihingal ito pero lumaki ang ngiti pagkakita sa akin, "N...nandito ka na pala, Mica." Pinagmasdan nitong mabuti ang suot kong damit, uniporme lang kasi.  Tipid na ngumiti ako sa kanya. Mabait naman ito sa akin at maasikaso, iyon nga lang ay spoiled masyado dahil isang anak lang. "Magandang gabi po," bati ko sa kanya.  Namula ang mukha nito bukod sa pawis na bumabagsak sa ulo nito. SIguro kasing edad lang ito ni Leon na kapatid ni Olivia.  "Y...yan na ba yung binili ni Mommy?" he pointed the basket na hawak ko.  "Opo. Pasensya na po at nahuli ng dating," hinging paumanhin ko sa kanya.  Sunod-sunod ang naging pag-iling niya sa akin. "N...no problem. Why don't you eat here as well?" tanong nito sa akin. Umiling ako sa alok niya. "Hindi na lang po, sir. May mga assignments pa rin po kasi akong gagawin." paalam ko sa kanya. Isa pa ayoko talagang makisali ng kain sa kanila.  Nahihiyang napakamot naman ito sa balikat. Sa pagngiti nito ay lumabas ang dalawang malalim na biloy sa pisngi nito. Ang alam ko ay maraming nagkakagusto dito na taga-San Rafael din pero hindi naman ako nagagwapuhan sa kanya kahit kaunti.  Katulad niya ay mayroon din akong dalawang malalim na biloy sa pisngi at isa sa ilalim ng aking labi. Iyon siguro ang sinasabi ng iba na nakakadagdag sa ganda ko. Sa totoo lang, hindi ako naniniwala na maganda ako.  Pero karamihan at halos lahat ng kakilala namin nila Nanay ay sinasabing maganda ako. Malayo raw ang mukha ko sa mga magulang ko. May iba pa ngang nagsabi na baka ampon lang ako dahil hindi ko katulad ang kulay ng mga magulang ko. Si Nanay at Tatay ay parehong kayumanggi, samantalang hindi man lang lumapit ang kulay ko doon. Sadyang maputi na ako pagkapanganak sa akin. Itim na itim din ang may kasingkitan kong mata, maliit ngunit matangos ang ilong ko at sadyang mapula ito. Maliit din ang mukha ko kumpara sa kanilang dalawa.  Iyon siguro ang batayan ng mga taga-Trinidad na kagandahan.   "Aalis din po kaagad pag naibigay ko na po ito sa inyong mama." sabi ko sa kanya.  Magsasalita pa sana ito ng pumasok naman sa kusina si Donya Dianne na may dalang pulang pitaka. Ngumiti ito sa akin pagkakita, "Nandito ka na pala, Mica." anito. Marahang tumango ako sa kanya, "Pasensya na po at nahuli ng dating. Ito raw po ang order niyo kay Nanay," sabi ko sa kanya.  Lumapit ito at tinignan ang basket na dala ko pagkaraan ay nilingon ang kasamang kasambahay, "Linda, kunin mo na ito at ipamahagi mo sa mga trabahador natin. Magtira ka ng tatlo para sa amin." utos nito.  "Opo, ma'am." Lumapit sa akin yung tinawag na Linda at kinuha ang basket na dala ko.  "Eto ang bayad namin. Sa uulitin ulit pakisabi sa Nanay mo." sabi ni Ma'am Dianne sa akin. Tumango ako sa kanya at tinanggap ang bayad nito. Agad ko naman iyong inilagay sa bulsa ng palda ko. "Maraming salamat po ulit. Mauuna na po ako, Ma'am Dianne." paalam ko sa kanya.  Ngumiti naman si Ma'am Dianne at inakbayan ang anak nitong nasa tabi, "O David, uuwi na raw si Micaela. Magpaalam ka na anak." utos nito sa anak.  Namula naman si David bago kumaway sa akin. Nagpaalam ulit ako bago tuluyang umalis sa bahay nila. Lubog na ang araw at madilim na rin. Mabuti na lang at may liwanag ang mga poste palabas ng subdibisyon nila.  Sasakay na lang siguro ng jeep para mas mura ang pamasahe. Hanggang pang-jeep na lang kasi ang kaya kong ipambayad. Mahal kasi ang tricycle at isa pa ayokong gastusin ang binayad kay Nanay. Hindi ko naman nadala yung binayad ni Ma'am Lena sa akin. Nag-iintay na ako sa tapat ng subdibisyon ng dadaang jeep papuntang Trinidad ng huminto ang pamilyar na motor sa harapan ko. Napaatras pa ako dahil pag-angat ng visor nito ay  mukha ni Leon ang nakita ko.  "S...sir Leon!" gulat na tawag ko sa kanya.  Anong ginagawa nito dito? "Bakit po kayo nandito?" tanong ko sa kanya.  "Pinasundan ka ng Nanay mo," sagot nito sa akin sabay abot ng helmet na ginamit ko kanina. "Sakay na. Ihahatid kita sa inyo." saad pa nito.  Nanlaki ang mata ko sabay iling sa kanya. "Hindi na po! May daraan pong jeep dito--" depensa ko sa kanya.  Isa pa ayoko na talagang sumakay sa motor niya na iyan.  Bumuntong hinga ito bago tinigil ang pagpapaandar sa motor at bumaba. "Mas mabilis kang makakauwi kung ihahatid kita." malumanay na paliwanag nito sa akin.  Ito na mismo ang naglagay ng helmet ulit sa ulo ko. Kumalabog ulit tuloy ang dibdib ko sa kaba. Sasakay na naman ako dito! "Sir, hindi na lang po talaga..." angal ko sa kanya. "Mica may problema ba diyan?!"  Sabay kaming napatingin ni Leon sa nagsalita. Isa iyon sa mga gwardya sa subdivision. Nakatingin ang mga ito sa mga amin.  "Kakilala mo ba yan?" dagdag na tanong pa nito sa akin.  Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa gwardya at kay Leon na nakatingin na sa akin this time.  "O...opo. Kakilala ko po. Kaibigan ko po siya!" ganting sigaw ko.  "Kaibigan," he whispered before holding my hand to guide me na makasampa sa motor.  "Sigurado ka ba?" paninigurado ulit ng guard.  "Do I look like a r****t?" sarkastikong tanong nito sa sarili na narinig ko naman.  "Opo! Salamat po!" sagot ko sa kanya bago kumaway tsaka hinarap si Leon.  Nakataas ang kilay nito na inalalayan akong makasampa patigilid sa motor nito. Sumakay na rin ito sa harapan ng motor nito, awtomatiko ko namang ibinalot ang kamay ko sa katawan niyo. Narinig ko ang mahinang pagtawa niya bago ang pagsara ng visor niya.  He roared the engine of the motorcycle to life. Napapikit na lang ulit ako nang mariin at dinikit ng ulo ko sa malapad na likuran nito. Mamaya pag-uwi ko ay sisitahin ko si Nanay tungkol dito. Nakakahiya yung ginawa niyang ganito.  Kapatid pa rin naman nito ang tinuturuan ko at higit sa lahat ay binabayaran nila ako. Tsaka baka nagtataka na si Ma'am Lena at wala pa ang anak nito.  Malayo ang San Rafael sa Trinidad kaya nagtagal din ang biyahe namin. Pero kumpara sa pagsakay sa tricycle o jeep ay mas naging mabilis ang biyahe namin. Ang isang oras na biyahe ay nakuha lamang ni Leon ng tatlumpo't limang minuto.  Sa buong biyahe ay hindi ko nagawang dumilat man lang lalo na at nararamdaman ko sa katawan ko ang hampas ng hangin.  Ang paghinto ng motor ang naging hudyat ko para idilat ang mata ko. Nasa tapat na ulit ako ng bahay namin. Tinukod ni Leon ang motor nito bago naunang bumaba. Hindi ko alam kung tatalon ako o ano. Ramdam ko kasi ang panginginig ko.  "Andito na tayo," bulong niya.  Tumango ako sa kanya kahit para pa rin akong tulala. Hindi pa rin ako makapaniwala na nakasakay na naman ako sa motor niya na ito.  Hinawakan niya ulit ang bewang ko dahilan para tumalon ako. Hindi naman sinasadyang napahawak ako sa braso niya habang tinatanggal niya ang helmet na suot ko.  Nang matanggal iyon ay naramdaman ko ang pagkakasabit-sabit ng buhok ko.  "S...salamat po ulit," sabi ko sa kanya.  Tumango naman siya sa akin bago muling sumakay sa motor nito. Hindi na ito nagsalita at tinignan lang ako ulit bago umalis.                  Tinanaw ko muna siya hanggang makalayo bago pumasok sa bahay. Naabutan kong naghahain na si Nanay, napatingin siya pagkakita sa akin. "Andyan ka na pala, anak. Ang bilis mo ah." aniya sa akin.  Nagmano naman ako sa kanya at kay Tatay na hinihilot ang braso nito. Malamang ang marami na naman itong binuhat sa tubuhan ngayon.  "Eto po pala ang bayad ni Ma'am Dianne, " tsaka ko inabot sa kanya ang naka-envelope na pera. "Nay, hindi niyo na rin po sana sinabihan si Sir Leon na sunduin ako. Nakakahiya po." sabi ko sa kanya.  Malaki ang ngiti ni Nanay habang binibilang ang pera sa loob ng envelope, mukhang nadagdagan na naman ang bayad sa kanya. "Naku, yung binata ang may gusto. Tsaka isang beses lang naman lalo na at malaki ang halaga na dala mo ngayon," pambabalewala ni Nanay sa sinabi ko. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Malaki? Alam ko ay isang libo lang iyon dahil iyon naman lagi ang halaga na binabayad ni Ma'am Dianne sa amin kapag bumibili ito.  "Meron na ba, Lupe ?" tanong ni Tatay kay Nanay.  Sunod-sunod naman ang tango ni Nanay. "Napakabuti talaga ng mga Mariano." niyakap pa ni Nanay ang envelope na hawak tapos ay tinapik ako. "Magpalit ka na ng damit mo, anak. Kakain na tayo ng tatay mo." utos ni Nanay sa akin. Ngiting-ngiti pa rin ito.  Puno man ng pagtataka ay sinunod ko ang utos ni Nanay. Buong hapunan namin ay masayang-masaya itong nagkukwento tungkol  sa nangyari sa bukid. Mukhang naging maganda ang mood nila ni Tatay.  Tumulong na lang ako sa paghuhugas bago pumasok sa silid ko. Maliit lang ang kwarto ko na inilaan sa akin nila Nanay at Tatay. Sila kasing dalawa ang natutulog sa salas. Alas-dose na ako nakatulog dahil nag-aral pa ako at ginawa ko pa ang mga assignments na kailangan ipasa.  Tilaok ng mga alagang panabong ni Tatay ang nagpagising sa akin. Parang pinikit ko lang ang mata ko tapos ay papasok na ulit ako ngayong araw.  Nagmamadali akong kumilos, mabilis akong naligo at nagsuot na rin ng damit sa loob ng banyo. Si Nanay naman ay naghahanda na ng agahan at tutulak pa sila ni Tatay sa tubuhan.  Tumatagaktak pa ang tubig mula sa buhok ko pagkaupo ko sa silya. Nakahanda na roon ang kape at mainit na pandesal. "Anak, hindi ka na muna maglalako ngayon ah." imporma ni Nanay sa akin.  Humigop muna ako ng kape bago siya sinagot, "Po? Bakit po?" Umiling siya sa akin, "Wala lang. Para naman makapagpahinga ka at alam kong marami kang inaaral," sabi niya sa akin.  Tumango na lang ako sa kanya at hindi na nag-usisa pa. Pumasok naman si Tatay galing sa labas bitbit ang manok panabong nito. Hinihimas pa niya ito. "Sana naman ay manalo ako sa araw na ito."                                    Napailing na lang ako habang nakikinig sa sinabi ni Tatay. Bisyo niya ang pagsasabong. Kung minsan ay sumasama ito  sa mga kapwa magsasaka para makipag-inuman. Walang araw sa bawat linggo na hindi siya natatalo sa sabong o kaya ay hindi umuuwi ng sobrang lasing.  Si Nanay naman ay mahilig din makipag-laro ng Bingo. Minsan nanalo siya, mas madalas naman ay natatalo siya.  Kapag talo sila ay alam ko kaagad dahil hindi maipinta ang mukha nilang dalawa sa galit.  "Pasok na po ako!" paalam ko sa kanilang dalawa.  Kinawayan lang ako ni Nanay samantalang patuloy pa rin sa paghimas sa alagang manok si Tatay. Hindi na ako sumasakay ng tricycle upang makatipid. Isa pa ay ayokong galawin ang ipon ko mula sa iba't ibang trabaho na pinapasok ko.  Kung minsan ay taga-hugas sa mga kantina lalo na kung peak season, tutor sa mga nais matutong magbasa, o kaya ay kapag inaabutan ako ni Nanay mula sa paglalako ng binalot o pagbabantay ng tindahan.  Lahat iyon ay hindi ko ginalaw ni minsan.  Hindi naman ako makasali sa mga quiz bee na nagaganap sa school dahil una sa lahat ay nakalaan na iyon kay Chari. Walang kasing talino ni Chari sa eskwelahan. Kung inaakala ng iba na wala itong pakialam sa inaaral, nagkakamali sila. Subsob sa pag-aaral si Chari.  Hanggang pagandahan lang ang kaya ko talagang salihan.  Nakasabay ko pa ang ilang mga kaklase ko papasok sa Velasquez School, ito ay pagmamay-ari ng pamilya nila Sebastian. Isa ako sa mga pinagpalang scholar sa paaralan na ito.  Malaki ang Velasquez School, ito rin ang kadalasang pinapasukan ng mga estudyante mula sa kalapit naming bayan kagaya ng San Rafael, Oliveros, at San Isidro.  Ang malawak na paradahan ng mga sasakyan ang unang bubungad sa aming mag-aaral kapag pumasok sa main gate. Dahil mayayaman ang nag-aaral o may ilang may-kaya sa buhay ay maraming sasakyan ang narito at nakaparada.  Sa kaliwang bahagi naman ay ang berdeng-berde at punong-puno na makukulay na bulaklak na hardin. Malawak ito at kung minsan ay tinatambayan ng ilang estudyante lalo na at may ilang mga mesa at upuan doon.  Malilim din sa bahaging iyon kung kaya't gusto-gusto ng mga mag-aaral na katulad ko.  Ang hugis letrang 'U' na building ang bubungad pagpasok sa gate ng main campus. Ang stage na may pangalang 'VELASQUEZ ACADEMY INC.,' ang makikita. Sa gilid nito ay ang rebulto ng nagtatag ng Velasquez Academy, si Don Theodore Velasquez, ang lolo ni Sebastian.  Dalawang palapag lamang ang gusali pero napakarami nitong silid dahil sa malawak ang sakop nito. Sa unang palapag ng gusali ay ang mga lower levels katulad ng elementary habang sa ikalawang palapag ay kaming mga high school. Ang annex naman ay para sa mga college students.  Limitado lamang ang kurso na mayroon sa annex ng Velasquez Academy ngunit sigurado naman ang pagkatuto dito.  Mula Elementarya ay dito na ako nag-aaral dahil sa scholarship na mayroon ako. Kami ni Chari ang magkaklase mula noon pa man. At mula pa rin noon ay walang nakakakuha ng pagiging top 1 ni Chari, may mga nagtangka pero hindi nakayanan.  "Good morning, Mica!" masayang bati sa akin ni Roselle.  Napalingon naman ako sa kanya at ngumiti, "Good morning din, Roselle." sabi ko sa kanya.  "Buti na lang at Friday na. Bukas ay weekend na! Hindi na natin kailangan pang gumising nang maaga." sabi nito.  Sang-ayon ako sa sinabi niya pero sanay na ang katawan ko na gumising nang maaga. Tumatanggap kasi si Nanay ng labada tuwing Sabado at Linggo. Tumutulong naman ako sa kanya kaya lang baka saglit ko lang iyon magawa bukas. Kailangan ko pa kasing magpunta kina Olivia para turuan ito.  Pagdating sa classroom ay nakita ko kaagad si Chari, nginitian ko sya pero hindi naman niya ginantihan ang ngiti ko. Galit talaga siya. Nakokonsensya na talaga ako sa ginagawa namin sa kanya ni Sebastian.  Tahimik na naupo ako sa upuan ko habang ito ay patuloy na nakikipag kulitan sa mga kaklase namin.  "Andito ka na pala," nag-angat ang tingin ko kay Sebastian, nakatingin ito kay Chari. "Kararating ko lang din. Sorry hindi na kita naintay." sabi ko sa kanya.  Nagbaba siya ng tingin sa akin at tumango. Inabot niya sa akin ang agahan na para naman kay Chari talaga. Hindi pa rin ito nakakalimot na bilhan si Chari ng agahan. Alam ko naman na mahal niya talaga yung kaibigan ko, sadyang torpe lang siya.  Ayaw nito kasing i-risk ang pagkakaibigan nilang dalawa.  Naiintindihan ko naman iyon.  Sayang naman kung mawawala ang pagkakaibigan nila na napakatagal na nilang mayroon.  "Para sa akin ba ito o sa kanya?" tanong ko dito at inabot ang pagkain.  "Yours." matipid na sagot ni Sebastian bago naupo sa tabi ko.  "Sana all may breakfast!" sigaw ni Chari sa loob ng room.  Napatingin ako sa kanya at nakitang hindi naman ito nakatingin sa amin kung hindi kina Ivan at Cielo.  "Gutom ka na ba. Cha-cha?" tanong ni Nick.  Hinimas naman ni Chari ang tiyan nito bago tumango. "Nagmamadali kasi ako kanina." tipid na sagot nito bago pasimpleng tumingin sa gawi  namin ni Sebastian.  Napatingin naman ako sa pagkain na hawak ko. Akmang tatayo na ako para ibigay iyon kay Chari ng pigilan ako ni Sebastian. Nagtatanong ang mga mata ko habang nakatingin dito. "Gutom na siya." mahinang sabi ko.  Umiling ito sa akin, "Sa'yo yan, Mica. Hayaan mo siyang magutom ngayon." seryoso ang tono ng boses nito.  Wala naman akong nagawa kung hindi bumalik sa upuan ko tsaka ko tinignan ulit si Chari na nakatingin sa nakahawak na kamay sa akin ni Sebastian. Nilapag ko naman ang pagkain sa desk ko. Parang hindi ko kayang kainin iyon knowing na hindi naman ito para sa akin talaga.  Nagsimula ang klase namin hanggang sa umabot ng P.E. Dodge ball ang laro namin ngayon. Kagrupo ko si Sebastian na alam kong mas kinagalit ni Chari.  Kami pa naman ang natira ni Sebastian sa grupo namin.  Agad akong nagtago sa likuran nito. "Stay behind my back." narinig kong sabi ni Sebastian.  Tumango naman ako sa kanya habang pinapakinggan ang pag-cheer ng mga kaklase namin kay Chari. Alam naman nila ang totoong sitwasyon namin ni Sebastian. Sadyang natutuwa lang ang mga ito na asarin si Chari.  Dahil magaling sa sports si Chari ay nahagip pa rin niya ako ng bato dahilan para matanggal ako sa game.  "Okay ka lang?" tanong sa akin ni Sebastian.  Tumawa naman ako sa kanya bago tumango. Agad akong nagpunta sa mga kagrupo namin sa opposite side nila Chari. Inasar pa ng mga kaklase namin si Chari dahil one-on-one sila ni Sebastian sa game. Gigil na ito habang binabato si Sebastian pero nasasalo naman lagi ni Seb ang mga bato nito sa kanya.  Sa huli ay kami ang nanalo sa game na ito.  Sports naman si Chari sa mga laro pero ngayon ko lang talaga siya nakitang napikon ng ganito. Hindi ko alam kung dala pa rin ba iyon ng game o iba na.  Gusto kong matuwa kapag nakikitang nagkakaroon ng improvement ang nararamdaman nito para kay Sebastian.  Sana lang ay matapos na ito para mabalik na ulit ang dating turingan namin ni Chari. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD