Masaya ako na nagkaayos na ulit sina Chari at Sebastian. Mas naging malapit pa nga sila sa isa't isa kumpara noong nakaraan. Pumasok na rin ngayong araw si Olivia at lahat ay pingkakaguluhan siya.
Tahimik ko lang siyang tinitignan habang aktibo itong nakikipag-usap sa mga kaklase namin. Pagkatapos ng recess ay ipinaalam kami ni Sebastian ng committee para sa pageant.
"Ganda talaga ng ship ko," nang-aasar ang ngiti ni Chari na sabi sa amin.
Inilingan ko naman siya samantalang si Sebastian ang sumagot dito, "Tigilan mo nga yan, Charlotte. Hindi nakakatuwa." anito bago naunang lumabas sa room.
"Sungit," bulong naman ni Chari bago bumaling sa akin. "Galingan niyo. Para sa section 1! Itaguyod niyo ang bandila ng section natin!" sigaw pa nito.
Nginitian ko lang siya bago lumabas ng classroom. Sumunod naman ako kay Sebastian na nauuna na sa pagbaba sa hagdanan. Kahapon ay nag-practice rin kami sa kanila. Nagsanay din akong sumakay ng kabayo, madali ko namang natutunan iyon.
"Okay! Now, kailangan niyong mag-submit sa akin ng 5R photos niyo para sa pagpipilian for Mr. and Ms. Photogenic. Ang mga students ng school natin ang isa sa bubuo ng percentage sa pagboto kung sino ang dapat na Mr. and Ms. Photogenic natin. " anunsyo sa amin.
Nagkatinginan kami ni Sebastian, tumango na lang siya sa akin. Alam kong sasabihin naman niya iyon kaagad sa mommy niya.
Nagsimula na kaming maglakad at katulad ng itinuro sa amin ni Ma'am Maricar ay hindi namin inayos ni Sebastian ang paglalakad. Natatawa na nga lang yung mga higher level habang pinanonood kaming maglakad ni Seb. Ang gagaling kasi nilang maglakad at talagang humahampas pa ang mga balakang nila habang naglalakad.
"Velasquez at Alfonso, mag-practice pa kayong dalawa sa paglalakad. Dapat maging maayos na iyan sa susunod na practice natin." sabi sa amin ni Ms. Evangelista, ang adviser ng event na ito.
Tumango na lang kami ni Sebastian dahil nagpatuloy pa ulit ang practice para naman sa dance prod. Hindi ako sumasayaw pero dahil kailangan ay wala akong nagawa. Pati si Sebastian na alam kong asar na asar sa pagsasayaw ay walang nagawa.
Mas lalo pa itong na bad trip dahil nag-vacant time ang section namin kaya nanood sa may hagdanan sina Chari. Palakpak ito nang palakpak habang pinanonood si Sebastian na magsayaw.
"Nice one, Seb!" na sinusundan nito nang malakas na halakhak.
Naaasar tuloy yung isa sa pagkilos. Napakagaling kasing mang-asar ni Chari. Nakagalaw lang ito nang maayos matapos ang vacant time ng section namin at bumalik sila sa room.
Nagpahinga naman kami mga kalahok sa contest, pinupunasan ni Sebastian ang pawis niya. Mahina itong umuusal ng mura dahil sa asar kay Chari.
"Hayaan mo na. Kaligayahan nun na naaasar ka," sabi ko sa kanya sabay abot ng tubig nito na nasa gilid ko.
Marahas na pinunasan ni Seb ang pawis niya bago kinuha mula sa akin ang bote nito. "Hindi naman ako sasali dito kung hindi lang dahil sa kanya." asar na asar na sabi nito.
Napailing na lang ako sa kanya. Ibang klase talaga ang nararamdaman nito para kay Chari. Sana makahanap din ako ng ganun kahit hindi pa naman agad. Gusto ko lang maranasan na magmahal kahit papaano.
"Sabihan na lang kita kung kailan tayo i-s-schedule ni Mommy ng shoot. You know how my mom works. She don't settle for less." anito sa akin maya-maya.
Tumango ako sa kanya. Sinasabihan naman kami ni Senyora Tamara na mag-focus sa pageant. Gusto kasi niya na manalo kami ni Sebastian.
Natapos ang practice namin kasabay ng uwian ng lahat. Bumalik kami ni Sebastian sa room at naabutan na lang ang mga cleaners doon. Nakita kaagad kami ni Chari at inasar kaagad si Sebastian.
"Paano nga yung kembot, Seb? Ganito ba?" kumembot pa ito habang tumatawa.
Napapailing naman si Sebastian dito. Hinubad lang nito ang polo at hinayaan na yung white t-shirt ang maiwan. "Umuwi na nga tayo. Puro ka kalokohan." sabi nito kay Chari.
"Kasi naman! Kayo lang ni Mica ang hindi maayos ang pagsayaw. Para kayong kahoy na hindi ko maintindihan. Lambutan niyo naman guys." Pagkaraan ay bumunghalit ito ng tawa. Pati tuloy yung mga kaklase namin na naroon ay tawa nang tawa.
Lumapit na lang dito si Sebastian tapos ay hinawakan sa siko para makaalis na. Hindi naman ako sasabay sa kanila dahil kailangan ko pang pumunta kina Olivia. Maglalako rin ako ng paninda ngayon dahil walang gawa si Nanay sa mga Mariano.
"Sige i-kembot, sige i-kembot. I-kembot mo all around!" kanta ni Chari habang nakasunod kay Sebastian. Dala na nito yung bag nung isa.
"Ingay mo, Charlotte." Kunwari'y naaasar na saway nito kay Chari.
Nang makalayo na sila ay tsaka namang dating ni Olivia. Kumaway siya sa akin pagkakita niya. "Hi! I saw your walk kanina. I hope it's not like that on the real competition." sabi nito sa akin.
Umiling naman ako sa kanya. Hindi lang talaga namin pinapakita pa ni Sebastian ang dapat naming kilos.
"Do we have a session for today?" tanong niya sa akin.
Napatigil ako dahil ito ang unang beses na nagtanong siya sa akin kung mayroon. Ayaw ba niya? "Gusto mo ba?" tanong ko sa kanya.
Lumabi ito sa akin, "I'm actually overwhelmed of what happened today. Can we just slack off for today and we'll continue tomorrow? I'll tell mom about it." sabi niya sa akin. "And besides you have to rest as well. Your worked really hard today." dagdag pa nito.
Marahang tumango na lang ako sa kanya. Hindi ko naman siya pwedeng pilitin lalo na at wala naman ito sa mood na mag-aral. Sabagay, masyadong bago sa kanya ang lahat ng ito. Homeschool siya sa napakaraming panahon tapos biglang ang daming ganap sa kanya.
Sabay naman kaming lumabas ng school. Isang kotse ang sumundo sa kanya, driver nila. Mayroon pala silang ganun. Gusto niya nga sana ako isabay kaya lang umayaw ako. Mas gusto kong maglakad na lang muna. Isa pa ay sanay din naman akong maglakad.
Maganda ang Trinidad, isang paborito kong lugar dito ay ang dagat na matatagpuan sa dulo ng Barangay Estrella na may kalayuan ng kaunti sa Barangay Tala, kung saan ako nakatira. Ang Trinidad ang pinakamalaki sa magkakalapit na bayan.
Dito rin sa Trinidad makikita ang pinakamalinaw na dagat. Hindi ito masyadong dinadayo dahil tago pero kapag napuntahan ay tiyak na hahanga ang lahat. Madalang lang akong makapunta sa Barangay Estrella dahil hindi naman masyadong mabenta doon ang tinda ni Nanay.
Tuwing Abril at Mayo ay dumadayo ako doon lalo na sa may dagat para tumulong naman ng benta ng mga salbabida lalo na sa mga dayuhan. Binibigyan lang ako ng bayad ng kakilala ni Nanay na tindera doon.
May mga bundok din sa lugar namin pero kadalasan ay nasa Bayan iyon ng San Isidro ngunit tanaw naman sa Trinidad. Sadyang maganda ang lugar na ito ngunit karamihan sa mga nakatira ay salat sa buhay katulad namin.
Nakarating na ako sa bahay at naabutan kong nasa labas na si Nanay at hawak ang basket ulit. Noong umuwi sila ni Tatay noong nakaraan ay galit sila dahil natalo raw sila sa pinuntahan nilang sugalan.
Hindi na lang ako umimik dahil wala rin naman mangyayari. Ayoko naman na umabot pa sa pagsisisihan nilang dalawa ang pagsusugal.
"Ilako mo na lang, anak. Kailangan natin maubos yan dahil wala tayong ulam. Hindi naman nagpa-bale si Mayor ngayon," ang tinutukoy nito ay yung pinuno nila sa sakahan na si Mayor Pedring.
Tumango ako sa kanya. "Magbibihis lang po ako nay para maibabad po yung damit ko. Lalabhan ko na lang po pag-uwi ko." sabi ko sa kanya.
Tumango siya sa akin. "Ako na ang maglalaba. Eto trenta kung saan ka abutin ng hapunan ay doon ka na lang kumain basta't maubos yan. Magdidildil na lang kami ng asin ng Tatay mo ngayon." anito sa akin.
Nakaramdam ako ng awa sa kanila. Hindi ko naman gusto na maranasan nila ito. Kaya talagang nagsisikap ako sa pag-aaral para naman guminhawa ang buhay namin.
Mabilis akong nagbihis para makaalis na. Tinali ko na lang ang buhok ko. Ang buhok ko ay may natural na kulot sa ibabang bahagi nito. Hanggang siko ko ang haba nito at itim na itim ang kulay, may ilang parte lang na kulay light brown. Hindi ko naman kinulayan ito pero kitang-kita ang kulay nito.
Suot ang lumang t-shirt na puti at isang jogging pants na itim ay lumabas na ako dala ang basket. Nagpaalam lang ako kay Nanay sandali bago tuluyang lumakad.
Hindi ko alam kung anong oras ko ito mauubos pero mabuti na lang at wala kaming session ni Olivia ngayon.
Nagsimula na akong maglakad sa buong barangay ng Tala. May ilang bumibili pero mas marami naman na hindi. Nasa apatnapung pirasong binalot ang ginawa ni Nanay ngayon, lalabing-lima pa lang ang nabibili.
Iniwasan ko talagang dumaan sa bahay nila Olivia para hindi ako makita. Hindi naman ako nahihiya sa ginagawa ko pero pakiramdam ko ay manliliit ako ng sobra kapag nakita nila ako.
"Binalot! Binalot po kayo diyan!" sigaw ko.
Napadaan ako sa palengke kung saan naroon ang ilang suki ko. Huminto ako sa tapat ng simbahan dahil mayroong misa, nagbabakasakali na kapag natapos iyon ay mabilhan ako.
Naghintay ako sa may gate kung saan ang katapat ko ay ang palengke ng Barangay Tala. Hindi naman nagtagal ang paghihintay ko at natapos ang misa. May ilang bumili sa paninda ko pero hindi pa ako nakakaubos. Kailangan kong maibenta ang natitirang labinlimang piraso.
Kailangan ko talagang magpunta sa Estrella para mailako ito. Sana ay makaubos ako. Kailangan sumakay ng tricycle kapag papunta doon pero hindi na ako sumakay at naglakad na lang ako. Sayang naman ang pamasahe. Palubog na rin naman ang araw.
"Binalot po kayo diyan. Bili na po kayo! Masarap na Binalot po!" alok ko pagdaan sa mga bahay doon.
Katulad kanina ay iilan lang din ang bumili. Gusto ko ng manghina lalo na at lilimang piraso na lang din naman ang natitira. Kailangan kasing mabawi ni Nanay ang puhunan niya para sa araw na ito.
Mula sa lugar ko ay naririnig ko na ang hampas ng alon ng dagat. Dahil malapit na rin naman ako ay sinilip ko na ito.
Ang mahangin at puti at pinong-pinong buhangin ang bumungad sa akin. Inalis ko ang tsinelas ko at binitbit na lang iyon habang direktang nakatingin sa papalubog na araw sa dagat. Humahalik ang kulay ng araw sa asul na asul na dagat. Sobrang payapa.
Naupo muna ako doon habang kinokolekta lahat ng pwede kong isipin.
Hindi naman ako nagsisisi kung ipinanganak ako na mahirap. Sa katunayan ay mahal ko ang mga magulang ko at kaya ko silang ipaglaban sa lahat. Nahihirapan lang ako kung minsan lalo na kapag masyado silang nalululong sa bisyo nilang sugal o pag-inom ng alak.
Naiinggit ako kay Chari kung minsan lalo na at mahal na mahal siya ng mga magulang niya. Bukod pa doon ay talagang gumaganti si Chari sa mga ito lalo na at ang talino niya. Ang kaya ko lang naman ilaban ay ganda. Iyon lang naman ang alam kong mayroon ako.
"Fan of sunset?"
Napalingon ako sa baritonong boses na nasa likuran ko. Nanlaki ang mata ko dahil nakatayo roon ay si Leon. Suot pa nito ang college uniform nito. Bukas nga lang ang tatlong butones ng uniform na suot nito habang nakatanaw din sa papalubog na araw.
Sinulyapan niya ako saglit, "Why are you here?" tanong niya bago walang paalam na naupo sa tabi ko.
Napalunok ako habang nakatingin sa kanya. Ako nga dapat magtanong ng ganun sa kanya. Ano ang ginagawa niya dito?
He turned to the sunset again bago nagsalita, "My classmates talked about this place. Sabi nila may secret sanctuary daw ang bayan na ito. They say it is the most beautiful place in this town..." Lumingon siya sa akin bago tumango. "Tama nga sila, napakaganda dito." Bumuntong-hininga ito bago humarap ulit sa sunset.
"Ang Trinidad po kasi talaga ang pinakamagandang lugar. Dito na po ako pinanganak kaya alam ko ang ganda na mayroon ang lugar na ito. Malayo lang po ng kaunti itong Barangay Estrella sa Tala kaya hindi gaanong napupuntahan ang dagat dito. Bihira lang din po kasing may magpuntang mga dayuhan lalo na at hindi naman kilala ang bayan na ito." sabi ko sa kanya.
"Do you like this town?" tanong niya sa akin. Ramdam ko ang tingin niya sa akin pero hindi na ako nag-abalang lingunin pa siya.
Tumango ako sa kanya, "Kung yung iba ang nakikita sa lugar na ito ay kahirapan, sa akin naman po ay hindi. Dito ko natutunang kilalanin ang sarili ko. Dito sa lugar na ito ko rin nabuo ang pangarap ko pag lumaki ako." sagot ko sa kanya bago nilingon.
He's still looking at me kaya nginitian ko siya. "Siguro po sa Espanya maraming magagandang lugar," sabi ko sa kanya.
"There is. Pero wala ng mas gaganda pa dito." tipid na sagot niya sa akin.
Bumuntong-hininga ako at humarap ulit sa dagat. "Tama po kayo diyan. Ang ganda-ganda ng lugar na ito. Kapag nag-asawa rin po ako hihilingin ko sa kanya na dito na lang kami tumira. Ang dami-rami ko po kasing alaala dito."
Hindi siya sumagot kaya nilingon ko siya ulit. Nakatingin pa rin siyang mabuti sa akin. Nag-aagaw na ang liwanag at dilim, ang mukha ni Leon ay nadadapuan ng anino ng papalubog na araw. Napakamisteryoso.
Kinagat ko ang labi ko bago tumanaw ulit sa dagat. Unti-unti nang nawawala ang liwanag ng araw. Nagiging malalim na asul na ang kalangitan tanda na padilim na. Lumalamig na rin ang ihip ng hangin lalo na at nasa harap ako ng dagat.
Napakapayapa.
Walang nagsalita sa aming hanggang sa ito na ulit ang bumasag ng katahimikan naming dalawa. "Gusto mo na bang umuwi?" tanong niya sa akin.
Nilingon ko siya and this time ay nakatingin na siya sa akin. Gustuhin ko mang umuwi ay hindi pa pwede. Kailangan ko pang ubusin ang paninda ko. Iniharap ko sa kanya ang basket na dala ko, "Kailangan ko pa po itong maubos kasi."
Sinilip niya ang basket na hawak ko, "Bibilhin ko na. Magkano na lang ba yan?" tanong niya sa akin.
"Po?" gulat na tanong ko.
Hindi naman niya kailangang bilhin pa ito. Ayos lang naman. "I'll pay for that para makauwi ka na." sabi niya sa akin.
"Sigurado po kayo? Kumakain po ba kayo nito?" tanong ko sa kanya.
The side of his lips rose up. "Hindi ako maarte sa pagkain. I can even eat sardines and egg." aniya sa akin sabay hugot ng pitaka sa back pocket niya. "How much?"
"Fifty pesos po isa. Lima pa po ito. Sigurado po kayong bibilhin niyo lahat?" paninigurado ko pa sa kanya.
Tumango siya sa akin bago humugot ng tatlong isandaan sa pitaka niya. "Keep the change." aniya sa akin.
Nagtataka man ay binalot ko pa rin ang pagkain sa plastic tsaka inabot sa kanya. "Did you make this?" tanong niya sa akin.
Umiling ako sa kanya. "Si Nanay po ang nagluluto niyan. Marunong din po akong gumawa ng ganyan pero mas mainam na po kasing si Nanay na lang ang gumawa."
Marahan siyang tumango sa sinabi ko. Tumayo naman ako para maghanda na rin sa pag-alis.
"Salamat po, sir. Makakauwi na rin po ako dahil sa pagbili niyo ng tinda ko." sabi ko sa kanya.
Malaking bagay talaga yung ginawa niya. Gusto ko na rin naman kasing umuwi lalo na at may mga gagawin pa akong assignments.
"Uh...Micaela," tawag niya sa akin.
Tinignan ko naman at hindi nagsalita. "May alam ka bang sikat na barbecue place dito. My classmates told me na may masarap na ihawan daw dito sa Estrella. I just want to try."
Barbecue-han?
Isa lang naman yung alam ko at malapit lang naman ng kaunti iyon dito. Sa totoo lang ay madadaanan iyon kung manggagaling kasa main road.
"Malapit lang po dito. Bibili po ba kayo? Ihatid ko na po kayo." suhestiyon ko sa kanya.
"I'd like to dine in." anito.
"Ah...ganoon po ba? Malapit lang po dito. Kaya naman pong lakarin. Dala niyo po ba ang motorsiklo niyo?" tanong ko sa kanya.
Tumango siya sa akin. "Would you like to eat with me?" tanong niya.
Napatigil ako sa sinabi niya. Hindi inaasahan. Niyayaya niya akong saluhan siya ng kain? Namula ang mukha ko sa sinabi niya. Mabuti na lamang at madilim na kahit papaano kaya hindi na niya nakikita ang ekspresyon ng mukha ko.
"S...sige po, sir," sagot ko sa kanya. Pasasalamat na lang din dahil tinulungan niya akong maubos ang tinda ko.
"Drop the formality, Micaela. Just call me Leon." sabi nito sa akin.
Hindi ko alam kung tama bang sundin ko siya sa sinabi niya sa akin. Parang hindi lang ako sanay.
"Susubukan ko po." sabi ko sa kanya.
Hindi ko masyadong naaninag ang reaksyon niya sa pagpayag ko. Umalis na lang kaming dalawa. Hindi na kami sumakay sa motor niya dahil ilang lakaran lang naman ang layo ng kainan sa dagat.
Nakaalalay lang siya sa motor niya habang naglalakad kami papunta doon.
Wala pang limang minuto ay nakarating na kami. Wala masyadong tao dahil hindi naman peak season ngayon. Mainam na rin naman para wala hindi magtagal ang serving.
Nakahanap kami ng bakanteng pwesto sa loob. May lumapit na serbidora sa akin at tinanong kami kung ano ang oorderin namin.
"Anong specialty ninyo?" tanong nito sa serbidora.
"Inihaw na pusit po tsaka bangus, sir." sagot nito.
"One order of those and rice for each of us tsaka softdrinks na rin." sabi nito.
"Sige po." nilista muna nito ang order ni Leon bago umalis.
Makikihati na lang ako ng bayad. Kaya lang trenta pesos lang ang dala ko. Nahihiyang hinugot ko iyon sa bulsa ko at iniabot sa kanya. "Bukas ko na lang ibibigay yung kulang ko," sabi ko sa kanya.
Kumunot naman ang noo nito habang nakatingin sa pera na nasa lamesa. "That's for what?" nagtatakang tanong nito sa akin.
"Share ko po sa pagkain?" patanong pa ang pagkakasabi ko.
Bumaling ito sa iba at halos pigilan nito ang pagtawa bago ako tignan ulit. "Keep that. Libre ko ito ngayon. Treat me next time." sagot niya sa akin.
Para naman akong napahiya sa sinabi niya. Makikikain lang ako ngayon? Walang ambag? Parang hindi naman ata tama iyon.
"Seriously, Micaela, that's fine. Ako ang nagyaya sa iyo dito kaya dapat lang na ako ang gumastos para sa ating dalawa." dagdag niya. Hinawakan pa nito ang trenta pesos na nasa lamesa at inurong pabalik sa akin. "Next time."
Napatingin naman ako sa pera na naroon at marahang tumango na lang sa kanya. Makikita ko pa naman siya kaya sigurado akong maililibre ko siya. Ngayon ay pagbibigyan ko na muna siya sa gusto niya.
Ilang sandali pa ay dumating na ang pagkain na inorder nito. Nilapag niya sa tapat ko ang isang plato ng kanin at isang bote ng softdrink at baso na rin.
"Which do you prefer?" tanong niya sa mga putahe na nasa harapan namin.
Parehong nakakatakam ang mga naroon. "Kahit alin na lang po. Hindi naman po ako maarte sa pagkain." sabi ko sa kanya.
He nodded bago naglagay ng hiwa ng pusit sa plato ko. Pinaghimay din niya ako ng bangus at nilagay din iyon sa plato ko. Pinagsilbihan muna niya ako bago niya asikasuhin ang sarili.
Sa lahat ng iyon ay nakamasid lang ako sa kanya. Parang sa ganitong sitwasyon ay napakalapit niya, yung tipong maamo siya at hindi misteryoso.
"Salamat." sabi ko sa kanya habang nagsisimula kaming kumain.
Napatingin naman siya sa akin na kanina pa rin naman niya ginagawa. "For what?" tanong niya sa akin.
"Dahil dito. Hindi naman tayo ganung magkakilala pero nilibre mo pa rin ako. Salamat." sabi ko sa kanya.
Binalingan nito ang pagkain at hindi na muling nagsalita. At least ngayong gabi kahit hindi siya masyadong nagsasalita ay ramdam ko na may nagbago sa pakikitungo niya sa akin. At ngayong gabi ay mas natuklasan ko na kakaiba nga ang t***k ng dibdib ko lalo na kapag nandyan sa tabi.