Sabado at inanyayahan ako ni Sebastian na magpunta sa bahay nila. Gusto raw kasi ako makausap ni Senyora Tamara. Tungkol ata sa pageant ang dahilan.
Sinundo niya ako dahil galing ata siya kina Chari.
Katatapos ko lang tumulong sa labada ni Nanay. Mabilisan din akong kumain para naman pagkatapos ko kina Sebastian ay pupunta naman ako kina Olivia. Medyo atrasado na nga yung oras pero hahabulin ko na lang yung dapat kong ituro sa kanya.
"Nag-usap na kayo?" tanong ko kay Sebastian habang papasok kami sa marangya nilang bahay.
Tahimik siyang tumango sa akin at hindi na nagbanggit pa ng ibang detalye tungkol sa nangyaring pag-uusap. Hindi na rin naman ako nag-usisa dahil sa kanila na iyon ni Chari. Hihingi na lang din ako ng tawad dito sa Lunes.
Malaki ang paghanga ko sa bahay nila Sebastian. Bihira lang kaming makapasok dito lalo na ako, tuwing may okasyon na imbitado kaming mga scholars, doon lang kami nakakapasok. Kung si Chari ay kabisado na ang buong bahay, siya ay hindi.
May mga pinasukan kaming pasilyo bago kami kumatok sa isang kwarto. Bumukas iyon at tumambad sa akin ang napakagandang si Senyora Tamara. Ang glamorosa nito sa suot na itim na bestida. Agad siyang ngumiti pagkakita sa akin.
"Hello! Come in." imbita niya sa amin.
Ako ang naunang pinapasok ni Sebastian bago siya sumunod. May dalawa pang babae sa loob at isang lalaki na tingin ko ay may pusong babae rin. "Ang ganda-ganda naman nito, Madam!" masayang sabi nito.
Ngumiti si Senyora Tamara habang nakangiti sa akin. "What's your name nga anak?" malambing na tanong nito sa akin.
"Micaela po," sagot ko.
Tumango-tango si Senyora Tamara sa akin, "Ikaw ba yung sinasabi ni Chari na girlfriend ni Theo?" she pointed her son.
"Mom--" Seb called her.
"Hindi po, Ma'am." agap na sagot ko.
"Ay jowa? Naku bagay na bagay nga naman! Ang ganda-ganda po nila tignan, Madam!" sabi nung isa sa dalawang babae.
"You think so?" Nakangiting tanong ni Senyora Tamara sa mga ito. Nagsitanguan naman ang mga kausap nito. "Wait until you saw him with Chari. The undeniable chemistry is really there." ngumiti ito at hinarap ako.
Lihim akong napangiti at tinignan si Sebastian. Mukhang kahit ang magulang nito ay pabor kay Chari.
"Anyway, I called you para sa gown na isusuot mo sa pageant. I will pay for everything. I want this competition na maging memorable sa inyo ni Theo." anunsyo ni Senyora Tamara sa amin.
"P...po?" tanong ko sa kanya.
Naupo naman si Sebastian sa isa sa mga upuan doon habang nakayuko pa rin. Mukhang alam na niya ito at ayaw na niyang makialam pa sa magiging desisyon ko.
"Para rin same yung style ng damit niyo ni Theo. I have an idea already and I want you both to listen, okay?" she said.
"Nakakahiya po, ma'am." sabi ko sa kanya. Isa pa ay ayokong iba ang isipin niya sa akin, ito pa lang naman ang unang beses na nakausap ko siya ng personal.
Sunod-sunod na umiling si Senyora Tamara at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko, "No. Ayos lang iyon, Micaela. Para rin naman sa anak ko ito. And don't think of anything, okay? Ako na ang bahala sa lahat. Mag-focus lang kayo ni Theo sa ramp walk ninyo. I even hired a professional coach para sa walk ninyo ni Theo."
Sinulyapan ko si Sebastian na tinanguan naman ako. Marahang tumango naman ako kay Senyora Tamara. Malaki ang ngiti nito dahil sa pagpayag ko. Sinabi nito ang detalye ng mga gagawin namin ni Sebastian. May mga pinasukat din itong sapatos sa akin na unang beses ko pa lang masusuot sa tanang buhay ko.
"Are you in a rush or something?" tanong ni Senyora Tamara sa akin after namin mag merienda. Napansin niya siguro na tingin ako nang tingin sa orasan. Alas-tres na kasi ng hapon at kailangan ko pang magpunta kina Olivia para turuan ito.
Alanganing ngumiti ako sa kanya, "May tutor po kasi ako, Ma'am. Pero ayos lang po. Ipapaliwanag ko na lang po sa kanya kung bakit ako late po." Nakakahiya na nga dito kasi ako pa yung dagdag gastos tapos aalisan ko kaagad.
Nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Senyora Tamara at mukhang nabahala sa sinabi ko. "Oh! I'm sorry, dear. Wait...sino bang tutor mo? I will talk to them para hindi ka pagalitan," sabi nito.
"Si Olivia po. Yung pinsan po ni Sebastian." sagot ko.
Her mouth formed an 'O' sa sinabi ko. "I'm sorry! I should have ask you first kung may gagawin ka today. That's so insensitive of me. Wait, I'll call Lena and talk to her. Wait here." she tapped my shoulder before leaving.
Inabot ko naman ang juice na nasa tabi ko at ininom iyon. Sinukatan kami ni Sebastian ng susuotin naming damit pati na rin sa sports attire. Bukas daw ay tuturuan nila akong sumakay sa kabayo dahil iyon equestrianne ang sports na i-pe-present namin. Sagot na nila ang lahat ng kakailanganin ko ultimo sa make-up at buhok.
Nakakahiya man ay alam kong malaking bagay na iyon. Hindi na rin iisipin masyado nila Nanay at Tatay ang gagastusin ko para sa pageant. Kailangan ko na lang magsanay mabuti para hindi mapunta sa wala ang pinaghihirapan naming dalawa ni Sebastian.
Pinanood ko siyang pabalik-balik ng paglalakad. Nagsasanay na kasi itong lumakad na parang modelo. Busangot man ang mukha nito ay wala na itong magagawa dahil nakasali na kaming dalawa.
Marahan kong pinisil ang binti ko dahil mukhang nangalay sa paglalakad gamit ang high heels. Masyadong mataas pa naman ang heels na suot ko ngayon.
Ilang sandali pa ay bumalik na si Senyora Tamara at nakangiting nakatingin sa akin. "Leon will pick you up. He will go up here kapag nandyan na siya. For now, let's see your ramp again." sabi niya sa akin.
Para naman akong binuhusan nang malamig na tubig sa sinabi niya. Si Leon na naman? Nakakahiya na doon sa tao.
Wala naman akong nagawa kung hindi tumango at magpasalamat sa kanya. Sinunod ko ang utos ni Senyora Tamara.
Nanonood itong mabuti sa paraan ng paglakad ko lalo na at may karanasan ito sa mga pageant. May make shift stage pa itong pinagawa sa loob ng malaking bulwagan kaya doon kami nagsasanay maglakad ni Sebastian.
"Good! Now, all you have to do is smile when you stop in front of the judges." utos ni Miss Maricar, ang instructor namin ni Sebastian sa paglalakad.
Katabi nito si Senyora Tamara na nanonood sa paglakad namin ni Sebastian. Naunang lumakad si Sebastian bago ako. Madali lang naman akong turuan kaya nakuha ko kaagad ang mga pinupunto nila sa paglalakad bilang isang modelo.
"Wonderful! Give me that seductive smile!" malakas na sabi ni Ma'am Maricar.
Bago ako pumihit patalikod ay ngumiti ako gaya ng sinabi niya. Sabay na nagpalakpakan ang dalawa bago ako dumiretso ng lakad sa tabi ni Sebastian. Humawak ako sa balikat nito gamit ang kanang kamay ko habang ang kamay niya ay hindi naman dumaiti sa likuran ko.
"Ang galing-galing naman ng dalawang yan!" sabi ni Ma'am Maricar.
Pero naglaho ang ngiti ko pagkakita sa isang tao na nakatayo sa tabi ng pintuan. Si Leon. Bigla naman ay kumalabog ang dibdib ko pagkakita sa kanya. Kapag nakikita ko siya ngayon ang tanging naiisip ko ay ang pagsakay sa motor nito.
"I really love your smile, Micaela." masayang sabi ni Senyora Tamara.
"Her dimples are so beautiful, Madam!" pagpuri ni Ma'am Maricar.
"Indeed." sagot naman ni Senyor Tamara dito.
Parehas naman kaming bumitaw ni Sebastian sa posisyon namin at umayos ng tayo.
"Kuya Leon." tawag ni Sebastian kay Leon na nasa likuran.
Sabay naman na napalingon ang dalawang babae dito. "Ay pogi. Sino yan, madam?" tanong ni Ma'am Maricar kay Senyora.
Lumapit naman si Leon at humalik sa pisngi ni Senyora Tamara. "Good afternoon po, Auntie." bati nito kay Senyora Tamara bago tipid na tinanguan si Ma'am Maricar.
"Pamangkin ng asawa ko." tinapik naman ni Senyora si Leon. "Susunduin mo na ba si Mica?" tanong nito dito.
Tumango naman ito tsaka tumingin sa akin. Iniwas ko naman kaagad ang tingin ko dito. Hindi ko kaya kasing salubungin ang tingin nito sa akin, hindi ko talaga alam kung bakit.
"Okay. Pero, can I ask for one more round of ramp before I let her go?" tanong ni Senyora Tamara dito.
Tumango naman si Leon habang nananatiling nakatayo doon. " Sure po. I can wait."
Gusto kong magreklamo at umayaw sa sinabi ni Senyora Tamara pero alam kong wala rin naman akong magagawa. Malalim na lang ang buntong hininga ko bago ako pumuwesto sa paglalakad.
Nauna si Sebastian na maglakad at nagpakilala bago pumunta sa pwesto nito. Sumunod akong naglakad, inisip ko na lang na walang ibang nanonood maliban kay Senyora Tamara at Ma'am Maricar. Hindi ko alam kung bakit naiilang ako ngayong nandito si Leon. Wala naman akong dapat na ikailang.
Sinunod ko ang paalala ng mga ito sa paglalakad bago ako humarap sa gawa-gawang mikropono at nagpakilala.
"Micaela Solei Alfonso, First year section 1." pilit kong pinasaya ang boses ko bago ako umikot ulit para naman ngumiti at bumalik sa pwesto ko.
Palakpakan ulit ang narinig ko hindi lang mula kina Senyora Tamara at Ma'am Maricar kung hindi kasama na rin kay Leon. Pinamulahan ako ng mukha sa kanila. Gusto ko tuloy magtago na lang.
"Make sure na bukas pupunta ka a. Pupunta rin kasi yung nagturo sa mga anak ko para sumakay ng kabayo bukas." bilin ni Senyora Tamara sa akin habang hinahatid kami palabas ng bahay ni Leon.
Tumango ako sa kanya at ngumiti, "Maraming salamat po ulit, Senyora Tamara. Pasensya na po sa abala." sabi ko sa kanya.
Umilling siya sa akin, "No worries, Micaela. Sige na at baka naghihintay na si Olivia sa inyo."
"We'll go ahead, Auntie." paalam naman ni Leon dito.
Ang sasakyan na motor ulit ni Leon ang bumungad sa akin. Napalunok ako pagkakita dito. Hindi pa man ako nakakasakay ay bumabalik na kaagad ang kaba ko.
Inabot sa akin ni Leon ang helmet at ito na rin ang nagsuot dahil hindi ko pa rin naman alam kung papaano. Katulad ng dati ay hinawakan niya ang bewang ko para makasampa sa motor niya.
"Are you comfortable sitting astride?" tanong niya sa akin.
Nagsalubong ang kilay ko sa tanong niya. "Yung nakaupo na katulad ko." anito na parang nabasa ang isipan ko.
"Ah..." napatango naman ako bago ginawa yung sinabi niya. Nakasuot naman ako ng jogging pants ngayon kaya mas komportable hindi katulad noon na palda ang suot ko.
Pinagmamasdan niya ako habang ginagawa iyon. Napatango naman siya nang maayos na akong nakaupo. "There. I think its much comfortable for you." he said bago sumakay din sa motor.
Sinuot nito ng mabilisan ang helmet bago pinaandar ang motor. Awtomatiko ulit na bumalit ang braso ko sa kanya. Hinding-hindi na siguro talaga ako masasanay na sumakay sa ganito. Sa susunod ay maglalakad na lang talaga ako kahit anong mangyari.
Kumpara sa mga nakaraang pagsakay ko dito na hindi ko man lang naidilat ang mata ko, ngayon ay nagawa ko na. Nakadikit pa rin ang ulo ko sa likuran niya pero mas nakayanan kong tignan ang paligid. Dahil siguro alam kong hindi ako mahuhulog. Maingat naman siyang magmaneho ng sasakyan niya.
Napakabilis dumaan sa mga mata ko ang paligid. Ang mga berdeng puno ay dumaraan lang sa mata ko sa isang iglap. Mabilis nagbabago ang paligid kasabay ng pag-andar ng motor niya.
Wala pang ilang minuto ay huminto na kami sa tapat ng bahay nila. Ang pinipigilan kong paghinga ay bumalik na ulit sa normal dahil nakarating na kami. Noong pinatay niya ang makina ng sasakyan ay doon ko lang nagawang bumitaw sa kanya.
Napatingin ako sa kanya noong bumaba siya, nakalahad ang kamay niya at iniintay ako na bumaba. Humawak naman ako doon para magkaroon ng alalay sa pagbaba.
"Kaya mo?" he asked.
Tumango ako sa kanya at humawak na lang sa kamay niya para makababa. Tumalon ako para makababa. Mabuti na lang din at nakahawak ako sa kanya kung hindi ay sumubsob ako sa lupa. Mataas naman kasi ang motor niya at hindi ko alam kung bakit ko naisipan na talunin iyon.
Bumagsak ako sa dibdib niya habang suot pa rin ang helmet sa ulo. Napahawak naman ang isang kamay niya sa bewang ko.
Narinig ko ang pagtama ng helmet sa dibdib nito. Agad akong nag-angat ng tingin dito. Nakapikit ito at mukhang nasaktan. Agad akong lumayo sa kanya, "S...sorry po, Sir. Sorry po." ani ko sa kanya.
Hindi ko alam kung tamang hawakan ko rin ang dibdib niya na marahan nitong hinihimas. Bida-bida kasi masyado ako! Nakakaasar!
Idinilat nito ang mata bago tumango sa akin. "Hindi naman masakit. Don't worry." anito at lumapit sa akin bago kinalas ang helmet na suot ko. "Ayos ka lang ba? Hindi ka ba nasaktan?" tanong niya sa akin.
Umiling ako sa kanya. Ako nga ang nakasakit pero ako pa rin ang tinatanong niya.
"Go upstairs iniintay ka na ni Olivia." sabi niya sa akin.
Marahan naman akong tumango habang nag-aalala pa rin dito. Kung bakit naman kasi may nalalalaman pa akong pagtalon-talon.
Iyon ang laman ng isipan ko habang umaakyat . Nakita ko kaagad ang pagdating ni Olivia mukhang narinig nito ang pagdating namin ni Leon kanina. Nakangiti itong nakatingin sa akin.
"Hi!" bati niya sa akin.
Pinilit ko namang ngumiti sa kanya "Sorry late ako."
Umiling siya sa akin. "No worries. Auntie Tamara called us and she informed us about your practice for the school pageant. How was it?" excited na tanong nito sa akin.
"Ayos naman. Nakakapagod lang pero ayos naman." sagot ko sa kanya.
"I hope I could join that pageant as well." anito habang nakangiti.
Sigurado ako na makakasali ito. Maganda ito para hindi makasali sa ganoon klaseng mga contest. Isa pa ay alam kong kakayanin niya ang ganun.
Pumunta na kami sa library ng hindi ko man lang nakikita ulit si Leon. Hindi na ako nagtanong pa kay Olivia dahil focus ito sa pag-aaral ng Filipino ngayon. Tumagal din kami ng halos dalawang oras at ayos lang iyon para masulit naman namin yung oras. Ang dami pa niyang gustong matutunan.
Natapos kami ng mga 5:30 na rin ng hapon. "I feel so blessed. It's really nice to study." nakangiting sabi nito habang inaayos ang gamit.
"Have some dinner here. You promised last time that you were going to eat here," ani ni Olivia sa akin.
Oo nga pala nangako ako. Pero hindi ko naman kasi alam na aabutin ako ng dapit-hapon. Hindi pa ako nakapagpapaalam kina Nanay at Tatay. Pero sabi naman ni Nanay, wala akong gagawin na pagtitinda ngayon.
"Ayos lang ba?" nahihiyang tanong ko.
Nanlaki ang mata ni Olivia habang nakatingin sa akin, "Of course! You silly. Mommy prepared a lot for this day." sagot niya sa akin.
Tipid na ngumiti na lang ako sa kanya at tumango. Magpapaliwanag na lang ako kina Nanay at Tatay mamaya kung sakaling gabihin ako.
Bigla ko na lang din naalala yung kapatid nito na bumili ng sanitary pad sa amin. "Ah...Olivia, may tanong sana ako sa'yo," simula ko sa kanya.
Nilingon naman niya ako at tumango sa akin. "Sure. What is it?" tanong nito sa akin.
"Bumili kasi si Sir Leon ng sanitary pad sa amin. Hindi niya kasi alam yung brand na ginagamit mo kaya kung ano lang yung nadampot ko. Ayos lang ba yung nagamit mo na iyon?" tanong ko sa kanya.
Nag-aalala kasi talaga ako. Baka nasayang lang yung pera na pinambili niya nun at hindi naman nagamit ni Olivia.
Olivia frowned before answering me, "I never use napkin." sagot nito sa akin.
"Ha?" nagtatakang tanong ko sa kanya. "Sabi niya pinabibili mo raw," sabi ko sa kanya.
"TMI but I actually don't use napkin. My mom is an ob-gyne, she wants me to use menstrual cups instead of napkin. So I never use it at all." sagot niya sa akin.
Tahimik na lang ako na tumango sa kanya. Baka hindi naman talaga si Olivia ang gumamit nun at may pinagbigyan itong iba at nahiya lang sabihin.
"Sorry natanong ko pa." sabi ko na lang sa kanya.
Umiling lang siya sa akin at ngumiti. Mukhang iniisip din nito yung sinabi ko kaya't iniba ko na lang ang usapan hanggang sa ipatawag na kami sa kasambahay nila para sa hapunan.
Alas-sais na rin kasi ng gabi. Mukhang maaga silang kakain ng hapunan dahil sa akin.
Ang maliwanag na dining area ang bumungad sa akin. Naroon din ang Daddy ni Olivia na si sir Leo. Agad akong bumati dito at ngumiti naman ito sa akin.
Napakaraming pagkain sa hapag nila na ako na yung nahiya kung makikisalo pa ako doon sa pagkain nila.
"No! Seat here. Naghanda talaga ako para ngayong araw. Anniversary din kasi namin ni Leo kaya I want you to seat here and join us." nakangiting sabi ni Ma'am Lena sa akin.
"Happy aniversary po sa inyo, Ma'am and Sir." sabi ko sa kanila.
"Drop the formality, Micaela. Just call us Tito and Tita." sabi naman ni Sir Leo sa akin,
Para namang naumid ang dila ko sa sinabi niya. Hindi ata ako sanay sa ganun, isa pa pinapasahod nila ako kaya kailangan ko pa rin silang galangin.
Marahang tumango na lang ako sa kanila bago naupo sa tabi ni Micaela. Katapat ko tuloy si Leon na nakatingin naman sa akin.
"I want to propose a toast for my wife and I's, thirteenth year of marriage." sabi ni sir Leo habang nakahawak sa wine glass nito. Inangat nito ang baso na hawak at tumayo. Napatayo tuloy ako dahil tumayo rin ang mga kasama ko sa mesa.
Si Ma'am Lena at sir Leon ay wine glass ang hawak habang kami ni Micaela ay baso na may orange juice namin.
"Salud!" ani ni Sir Leo.
Pinag-click naman nila ang mga baso nila, "Salud!" sabay-sabay na sabi ng mga kasama ko sa mesa.
Hindi ko naman alam ang ibig sabihin nun kaya ngumiti na lang ako ng tinama nila ang baso nila sa akin. "Congratulations po ulit, Ma'am and Sir!' bati ko sa kanila.
"Tito and Tita, okay? Thank you, Micaela." nakangiting sabi naman ni Ma'am Lena sa akin.
Naupo kaming lahat at nagsalo-salo sa pagkain. Hindi ko alam ang uunahin ko sa dami ng pagkain na nasa hapag. Unang beses kong makisalo sa hapag ng mayayaman. Ganito pala ang pakiramdam.
Siguro araw-araw ay hindi nila iniisip ang problema sa kung saan kukunin ang pambili ng pagkain nila. Sana maranasan ko rin ang ganito. Yung mabubuhay kami nila Nanay at Tatay ng walang takot sa pagkain na gustong kainin sa bawat araw. Gusto kong maranasan din nila ito.
Nagkwentuhan sila habang kumakain. Nakikinig lang ako at hindi na nakikisalo sa kwentuhan nila. Ang saya-saya tignan ng pamilya nila Olivia.
Tipid din ang pagkain ko pati na rin ang pag nguya dahil nakatingin si sir Leon sa bawat kilos ko. Isa pa ay hindi rin naman ako matakaw para kumain basta-basta.
"Anyway, Micaela," tawag ni Ma'am Lena sa akin.
Nag-angat ako ng tingin sa kanya at lahat sila ay nakatingin na sa akin. Gusto ko tuloy manliit sa atensyon na binibigay nila sa akin. Hindi ako sanay. "Po?" tanong ko sa kanya.
"I heard na kasali ka raw sa school pageant ninyo. How's your practice?" tanong niya sa akin.
Iginala ko naman ang tingin ko sa kanila bago ako sumagot. "Ayos naman po pero kinakabahan pa rin po dahil unang beses ko pong sumali sa ganoong mga pageant po." sagot ko sa kanya.
"I'm sure na mananalo ka na roon, Micaela. You are beautiful inside and out. Right, kids?" nakangiting sabi naman ni Sir Leo.
"Yes, Dad!" masayang sagot naman ni Olivia sa mga ito.
Tumango naman si Leon bago nagpatuloy sa pagkain ulit.
"Salamat po." sabi ko sa kanila.
Hindi pa rin naman ako confident na mananalo ako pero susubukan ko. Ayokong masayang ang ginastos at pagod namin ni Sebastian dito.
Nang matapos kaming kumain ay pinabaunan pa ako ni Ma'am Lena para daw makatikim ang mga magulang ko. Binigyan pa rin niya ako ng bayad para sa ginawa namin ni Olivia kahit tinatanggihan ko na.
"No. Kunin mo na ito. Isipin mo na lang na dagdag na rin ito para sa iba pang gastusin mo." nakangiting sabi sa akin ni Ma'am Lena.
Nahihiya man ay hindi na rin ako nakapalag ng pinahawak niya sa akin ang paper bag na may pagkain at pera.
"Ihatid na kita ulit," pag-prisenta ni Leon sa akin.
Sunod-sunod naman ang iling ko sa alok niya. "Hindi na po. Ayos lang po. Maglalakad na lang po ako ngayong araw na ito." sabi ko sa kanya.
Nasaktan ko na nga siya kanina, aabalahin ko pa. Isa pa, pinakain na nila ako sa bahay at dapat ay magpahinga na lang siya.
"I insist. Mas safe kapag hinatid kita." Hindi na nito inintay na sumagot ko at kinuha na lang ang susi ulit bago bumaba.
Nilingon ko naman sina Ma'am Lena at Olivia na tinanguan ako. "Sige na para mapabilis din ang pag-uwi mo." sabi ni Ma'am Lena sa akin.
Wala na rin naman akong nagawa kung hindi sundin ang sinabi nila. Katulad kanina ay isinuot ni Leon ang helmet sa akin at inalalayan akong sumakay bago ito sumakay sa motor nito.
Abot-abot langit na naman ang kaba ko habang pinapaandar niya ang sasakyan. Mabilis lang din ang naging biyahe namin at nakarating na kami sa tapat ng bahay.
Hindi pa bukas ang ilaw ng bahay kaya baka wala pa sila Nanay at Tatay. Kapag ganitong wala pa sila ay tiyak na nasa sugalang bahay na naman silang dalawa.
"Salamat po sa paghatid." sabi ko sa kanya pagtanggal niya ng helmet na suot ko. Inalalayan din niya akong bumaba ng motor kaya wala ng aksidente na nangyari.
Tumango siya sa akin at inabot ang paper bag. Tatalikod na sana ako ng tawagin niya akong muli.
"Micaela," anito.
Unang beses kong narinig ang pangalan niya sa labi nito. Hindi ko alam kung bakit ang ganda pakinggan ng pagtawag niya sa akin. Nababaliw na ata ako para mag-isip ng kung ano-ano.
"Po?" tanong ko sa kanya.
Mariin ang tingin niya sa akin, "You'll win that pageant." anito sa akin bago sumakay ulit sa motor nito at umalis.
Naiwan naman akong tulala sa sinabi niya. Ngayon ay mas naging malinaw ang napakabilis na t***k ng puso ko sa sinabi niya. Hindi pamilyar sa akin pero ang sarap sa pakiramdam.