12

3086 Words
Kagaya nga ng inaasahan ko ay wala pang alas-kuatro ng umaga ay nasa tapat na siya ng bahay. Kotse ang dala niya ngayon at simpleng t-shirt na puti at maong na pantalon ang suot niya. Halos maibuga ko pa nga ang kape ko habang nakatingin sa kanya. Fresh na fresh ang itsura niya samantalang para akong paulit-ulit na binugbog sa itsura ko.  "Good morning," bati niya. Ang pang-umagang boses niya ay medyo paos pa pero hindi iyon nakaalis sa aura na mayroon siya bagkus ay naka-gwapo pa iyon sa kanya.  Naramdaman ko ang init ng kape na dumaloy sa lalamunan ko. Hindi ko tuloy alam kung paano siya haharapin ngayon.  Ang sinabi niya sa akin kagabi ang naging dahilan kung bakit pabiling-biling ako sa higaan buong magdamag. Iniisip ko yung tawag niya sa akin, iniisip ko yung sinabi niya sa akin. Lahat kasi ay bago sa akin maliban na lang sa abnormal na t***k ng puso ko na dahil sa kanya. Hindi ko naman mapangalanan kung ano iyon. Basta't mas kinakabahan ako kapag nasa harapan ko siya.  "G...good morning," ganting bati ko sa kanya. "Ang aga mo ata." puna ko pa sa kanya.  He looked at his watch before glancing back up at me, "Sakto lang. Baka kasi mainip ka kapag wala pa ako." anito sa akin.  Alanganing ngumiti ako sa kanya. Paano ko ba sasabihin na plano ko talagang hindi siya intayin ngayon? Nakakahiya kasi. Mamaya kung ano na naman ang isipin ng ibang tao tungkol sa aming dalawa.  "Nag-agahan ka na ba?" tanong ko bigla sa kanya.  Tumango siya sa akin, "Nag-coffee na ako sa bahay." simpleng sagot niya.  "Ah..."  tanging nasagot ko lang. Nilingon ko naman ang loob ng bahay. Tulog pa rin sina Nanay at Tatay. "LIlibre na lang kita ng agahan. May masarap na kainan sa Oliveros. Doon ako kumakain kapag nagpupunta ako. Tulog pa kasi sina Nanay at Tatay." I pointed my parents na mahimbing pa rin ang tulog sa sahig.  Gabing-gabi na kasi sila umuwi ni Nanay galing pasugalan. Hindi ko alam kung nanalo ba sila o ano. Hindi na rin naman ako nakikibalita pa.  "Alright," sagot ni Leon sa akin.  "Sandali lang ah. Maliligo lang ako mukha na kasi akong dugyot sa harapan mo." pasimple ko pang hinaplos ang buhok ko  Matagal ang pagkakatitig ni Leon sa akin bago siya nagsalita, "You still look beautiful." Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilin ang paglabas ng ngiti. Magaling talaga siyang mambola. Ang daming matatamis na salita ang lumalabas sa bibig niya.  Alam kong hindi ako dapat magpa uto o madala nun. Hindi na ako umimik sa kanya at tahimik na pumasok na lang sa loob ng bahay, nagmamadali kong kinuha ang nakahanda ko ng damit.  Mabilisan ang ginawa kong pagligo pati na rin ang pagsipilyo. Alam kong tumutulo pa ang tubig mula sa buhok ko ng lumabas ako. Nakasandal si Leon sa kotse niya, tumayo lang ito nang maayos pagkakita sa akin.  "Okay ka na?" tanong niya sa akin.  Ngumiti ako sa kanya. Napansin ata nito na tumutulo pa ang buhok ko kaya binuksan nito ang kotse at may nilabas na jacket at towel. Lumapit siya sa akin, "Wrap it around your body and dry your hair as well."  Tinignan ko naman ang hawak niya bago ako tumango at pinunas ang towel sa buhok ko. Nang masigurado kong kaunti na lang ang tubig na pumapatak ay sumakay na ako sa kotse niya. Nakaabang kasi ito sa akin habang ginagawa ko lahat iyon.  Una kong naramdaman ang lamig na bumalot sa katawan ko.  Sinuot ko kaagad ang jacket na ipinahiram niya sa akin bago ako umayos nang pagkakaupo.  Sinarado niya ang pintuan pagkatapos niyang makita na ayos na ako. Nakasakay na ako sa kotse niya na ito noon pero parang laging bago para sa akin ang pakiramdam. Sabagay bihira lang naman itong mangyari. Sumakay na rin siya sa driver's seat, alam kong nakatingin siya sa akin habang kinakabit nito ang sariling seatbelt.  "Doon ba ulit?" tanong niya sa akin. "Oo." matipid na sagot ko sa kanya.  Pinaandar na nito ang sasakyan pagkaraan. Tahimik ang buong paligid habang bumibiyahe kami. Hindi rin naman ako nagsasalita.  "You can play a music," sabi niya sa akin.  Nilingon ko siya at inilingan "Hindi na. Ayos lang naman na tahimik. Mas gusto ko iyon." sabi ko sa kanya. Tumango naman siya sa akin tsaka binaling ulit ang tingin sa daan, "Liv likes to play classical music. She actually has a knock for playing instruments."  "Kaya pala sumali siya sa Glee club ng school. Iyon pala ang talent niya," sabi ko sa kanya.  "Her dad taught her how to play music." maikling sabi niya.  Napatingin ako sa kanya. Naririnig ko naman na tinatawag niyang 'daddy' o kaya ay 'dad' ang ama ni Olivia pero hindi ko lang sgurado kung iyon talaga ang turing niya doon. Kahit sabihin naman kasi na si sir Leo ang nagpalaki sa kanya ay iba pa rin ang tunay na ama niya.  "Magaling ka rin ba sa music?" tanong ko sa kanya.  Tinignan niya ako bago umiling tsaka binalik ang tingin sa kalye, "I tried playing guitar but I gave up. I think hindi ako gusto ng mga musical instruments na iyon." sagot niya sa akin. "How about you? Have you ever try playing musical instruments?" Maikling tawa ang pinakawalan ko, "Pang-mayaman lang ang mga ganun. Tsaka hindi ako magaling sa mga instrument-instrument na iyon." sagot ko sa kanya.  Kumunot ang noo nito habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa daanan. "Don't ever underestimate yourself, Micaela. Baka marami ka pang kaya na hindi mo alam."  Alam ko naman iyon pero sa buhay na mayroon kami ngayon. Wala akong panahon sa mga talent-talent na iyan.  Ang kailangan ko ay pera na tutulong sa pamilya ko upang malagpasan ang bawat araw.  Hindi na ako muling nagsalita pa hanggang sa makarating kami sa bahay ni Aling Josefa. Hindi na rin naman nagsalita rin si Leon. Hinayaan niya akong manahimik lang sa isang tabi. Nahihiya nga ako dahil tanging pagdaldal na lang ang kaya kong itulong sa kanya para hindi siya antukin pero hindi ko pa nagawa. Kung sana ay mayroon lang ako ng kakayahan ni Chari na hindi napapagod magkwento nang magkwento.  Nasa harap na ng bahay si Aling Josefa at may ilan na rin siyang costumers na humahango ng paninda sa kanya. Bubuksan ko na sana ang pintuan kaya lang hindi ko alam kung paano. Nilingon ko pa si Leon na nakatingin sa akin.  "H...hindi ko alam kung paano magbukas." sabi ko sa kanya.  Wala naman siyang ibang sinabi maliban sa pagtanggal niya ng seatbelt na suot niya. Mabilis ang naging kilos niya, inilagay niya ang kanang kamay sa likuran ng upuan ko bago siya mag-move forward sa pintuan. Hinawakan ang isang bahagi nun bago tinulak nang marahan ang pintuan para magbukas.  Sa sandaling segundo na iyon ay halos pigilan ko ang paghinga dahil sa sobrang lapit namin sa isa't isa.  Amoy na amoy ko ang mabango niyang amoy dahil halos isang dangkal ang layo namin sa isa't isa.  He turned to me, pakiramdam ko ay naduling ako habang nakatingin sa berde niyang mga mata. Ibang-iba ang mukha niya talaga kay Olivia. Siguro ay maraming babae ang humahanga sa kanya.  The end of his lips rose before pulling away from me. "Iintayin kita." sabi niya sa akin.  Sunod-sunod ang naging pagtango ko habang nagmamadaling kinakalas ang seatbelt na suot. Bumaba rin ako kaagad sa sasakyan dahil napakalakas ng t***k ng puso ko. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko habang papalapit sa kumpulan nila Aling Josefa. Agad namang dumako ang tingin ni Aling Josefa sa akin. "Ayan ka na pala, Micaela. Ayun yung sa iyo. Ipabuhat mo na lang sa boypren mo. May kotse naman ata kayong dala." malakas na sabi nito, dahilan para mapalingon lahat ng mga kumukuha rin ng paninda sa akin.  May ilang nagbulungan sabay tingin sa likuran at mariin ang tingin sa kotse bago binalik ang tingin sa akin.  "H...hindi ko po siya boyfriend." sagot ko sa kanila.  Nilingon naman ako ni Aling Josefa sabay abot ng isang papel sa akin. "Wag mo na itago. Aba'y napakagwapo at napakaganda niyo naman. Malay mo yung binata na pala na iyon ang mag-aahon sa hirap niyo." Tumawa pa ito at tinapik ang balikat ko.  "Mukha ngang mayaman dahil kakaiba ang sasakyan. Saan mo naman nadampot ang binata na iyon, Neng? Ihanap mo naman ang panganay kong si Karen, aba'y bente ayos na at wala pa atang planong mag-asawa." sabat naman ng isang katandaang babae sa gilid.  "Naku Esmeng, kapag nakita mo ang boypren niya baka malaglag ang panty mo. Malamang siya ang nagmamaneho ng magandang tsikot na iyon." sabi ni Aling Josefa dito.  "Ay talaga ba? Naku! Sana'y bumaba para maikwento ko kay Karen!" sagot naman nung tinawag na Esmeng ni Aling Josefa.  Para tuloy akong nahihirapang lumunok habang nakikinig sa kanila. Grabe ganun na ba talaga ang isipan ng mga tao ngayon? Akala ba nila ay madaling mag-asawa? Tsaka makita lang na may kasamang iba ay pinaghihinalaan na nila agad na boyfriend.  "Ibabalik ko na lang po ang benta mamayang gabi, Aling Josefa." sabi ko kay Aling Josefa para hindi na ako ulanin ng tanong ng mga naroong kababaihan. "Hindi naman ako nagmamadali, Micaela. Kahit sa susunod na araw mo na ibalik. Mga sariwa naman ang mga gulay na iyan. Ibalot mo lang maigi at ilagay mo sa lagayan ng yelo at punuin mo ng yelo para hindi agad masira. Yung prutas ay ilang piraso lang naman ang inilagay ko, kapag nag-hit sa inyo ay tsaka ko na daragdagan ha?" mahabang paliwanag ni Aling Josefa sa akin.  Tahimik na tumango na lang ako sa kanya bago lumapit sa mga nakalagay sa plastic na gulay. Hindi ko na sana tatawagin pa si Leon pero ang sunod ko na lang na narinig ay ang mga kinikilig na tilian ng mga matatanda at ang papalapit na yabag ni Leon.  Dumiretso kaagad sa ilong ko ang pabango niya pagbuhat niya sa mga plastic ng walang kahirap-hirap. "Ako na..." sabi ko sa kanya.  Pero parang hindi niya ako narinig at walang ano-ano na binuhat ang mga iyon.  "Kay gwapong binata naman niyan. Ilang taon ka na hijo? Ang ganda niyo tignan ng gerlpren mo!" sabi ng isang matandang babae.  Nilingon naman ako ni Leon at tinaasan ng kilay. Nakaramdam naman ako ng kaba at hiya dahil baka iba ang isipin niya. Tinutulungan na lang nga niya ako tapos may sinasabi pa ang mga tao tungkol sa kanya. Hindi naman totoo ang mga iyon.  "Sorry. Ako na." sabi ko sa kanya sabay harap sa mga usiserong naroon.  "Hindi ko po siya boyfriend. Ah...pinsan ko lang po siya! Oo, pinsan ko lang po siya." sai ko sa kanila.  Nakatingin naman ang mga ito na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko. Tinignan ko naman si Leon na magkasalubong ang kilay habang nakatingin sa akin. Parang hindi rin ito makapaniwala sa narinig mula sa akin.  "Aalis na po kami, Aling Josefa. Baka po inaantay na ni Tita si pinsan mo. Sige po!" Halos hatakin ko si Leon para lang makalayo doon.  Kinuha ko pa ang ilang plastic mula sa kanya dahil mabagal nitong binubuksan ang compartment ng kotse. Kung marunong lang ako ay ako na ang nagbukas nun. Hindi ko alam kung sinasadya niya ang pagiging mabagal o hindi.  Marahan din nitong nilagay sa compartment ang mga plastic kaya tinulungan ko na siya para mapabilis. Kahit hindi ko masyadong abot ay tumingkayad ako upang abutin ang compartment door at isara ito.  "Tara na." mariin kong sabi sa kanya habang nakatingin pa rin sa akin. Tinapik ko pa siya sa braso at tinulak papunta sa pintuan ng driver's seat.  "Salamat po!' Kumaway pa ako sa mga taga-subaybay namin ni Leon bago pumasok sa kotse.  Sinuot ko kaagad ang seatbelt ko tsaka siya nilingon. Hindi pa kasi nito binubuhay yung makina ng sasakyan at nakatingin lang sa akin.  "Sa karinderya sa kanto tayo. Dali." Tinapik ko ulit ang braso niya para kumilos kami.   Pinaandar na rin naman nito ang kotse pero mabagal pa rin at animo'y may iniisip na malalim.  Baka iniisip nito na assuming ako sa sinabi ng mga tao roon.  "Pasensya ka na sa sinabi nila. Huwag mo na lang intindihin iyon."  nahihiyang sabi ko sa kanya.  Nilingon niya ako saglit bago binalik ang tingin sa daanan, "I actually don't care about those gossips. But...really, cousins?" sarkastikong tumawa siya sa akin bago nagsalita ulit.  "M...mali ba yung sinabi ko?" tanong ko sa kanya.  "Yeah," sagot niya sa akin.  Sabi ko na nga ba. Dapat talaga hindi na lang ako nagsalita. "Sorry." tanging nasabi ko sa kanya.  "No. I mean, you should have leave them with that idea," Mabilisan niya akong tinignan bago binalik ulit ang tingin sa daanan habang hindi ko naman maialis ang mata ko sa kanya. Naguguluhan sa sinasabi.  "Na alin?" takang tanong ko sa kanya.  "That...I'm your boyfriend. Cousins? Lol. I would have not even believe you if I were them. You heard them, right? We look good together, babe."  Sa sobrang tahimik ng lugar ay narinig ko ang malakas na t***k ng puso ko dahil sa sinabi niya. "B...bakit naman natin hahayaan na ganun ang isipin nila? Di ba pangit naman kung sasabihin kong b...boyfriend kita kahit hindi naman?"  "I got your point, babe. Pero sana hinayaan na lang natin. Wala namang mali doon. At isa pa ay hindi natin hawak ang isipan ng ibang tao." paliwanag niya.  Nanahimik na lang ako at hindi na siya sinagot. Ang petty naman kung pagtatalunan namin ang ganoong bagay. Wala naman kaming relasyon para magtalo ng ganun.  Binaling ko na lang ang tingin ko sa daanan dahil malapit na ang karinderya na kakainan namin. Tinuro ko sa kanya iyon para doon siya huminto. Ipinarada naman nito sa gilid ang kotse bago pinatay ang sasakyan.  Sinilip ko naman ang karinderya mula sa loob ng kotse. Wala pa masyadong tao. Kilala pa naman itong dayuhin ng mga taga-Oliveros. Mura na pero masarap ang mga panindang pagkain lalo na ang Lomi nila.  Kinalas ko ang seat belt bago ko binuksan ang pintuan ng kotse. Hindi ko na siya hinintay at naunang bumaba.  Narinig ko naman ang pagsarado ng pintuan at ang paglapit ni Leon sa akin.  Sumunod siya sa akin pagpasok sa loob.  Maliit lang ang kariderya na ito pero laging dinadayo ng mga tao. Naswertehan lang at maaga kaming dalawa ni Leon ngayon. Nagtungo ako sa isang lamesa na para sa dalawang tao. Naupo si Leon sa harapan ko habang ang mga mata ay nakatuon sa malaking menu board.  "What do you want?" tanong niya sa akin sabay balik ng tingin sa akin.  "Ako ang manlilibre sa'yo.  Pili ka lang ng gusto mo." sabi ko sa kanya.  Sumandal ito sa upuan habang nakasiklop ang kamay sa dibdib. "Your treat?" Tumango ako sa kanya. "Sinabi ko sa'yo kanina di ba? Kaya umorder ka na." "House specialty will do." sabi niya sa akin.  Nilingon ko ulit ang menu, tatlo ang nakalistang house specialty mula doon. Hindi ko naman alam kung alin sa mga iyon ang gusto niya. "Alin diyan?" tanong ko sa kanya.  "Tapsilog, babe." sagot niya.  Para na namang may kuryenteng umakyat sa batok ko pagkarinig ko sa tawag niya sa akin. Marahang tumango na lang ako sa kanya pagkatapos.  "K...kuya, dalawang tapsilog tsaka barakong kape na rin po." sabi ko.  Tumango naman ang tindero sa akin bago hinanda ang pagkain naming dalawa.  "Regular ka ba rito?" tanong niya sa akin.  "Minsan lang kapag nagpupunta ako dito." sagot ko.  "I see, my dearest cousin." sabi niya sa akin.  Hindi pa rin ata ito maka move on sa sinabi ko na pinsan ko lang siya. "Hindi ko naman kasi alam ang dapat itawag sa iyo."  "None of that matter anyway, Micaela. But next time hayaan mo silang tawagin akong boyfriend mo ko." aniya sa akin.  Napalunok ako habang nakatingin sa mga mata niya. "Tama ba iyon? Baka isipin talaga nilang boyfriend kita. T...tsaka, nakakahiya kay Olivia kapag sinabi ko iyon." He shrugged off his shoulder, "I don't care, babe. Mas maganda nga na isipin nilang boyfriend mo ako." sabi niya sa akin.  "Bakit naman? Mali iyon di ba?"  Bumuntong hininga siya bago ako sinagot. Kung iisipin ay Kuya nga dapat ang itawag ko sa kanya. Sa pagkakatanda ko ay sixteen siya tapos ako ay thirteen pa lang. Hindi naman ata magandang tignan na boyfriend ko ang mas matanda sa akin. Tsaka wala naman akong ideya sa mga rela-relasyon na iyan.  "I actually have an offer for you, babe." sabi niya sa akin.  Itatanong ko sana kung ano iyon kaya lang dumating na yung order namin. "Eto na po. Enjoy your meal po." Nilapag nito ang pagkain sa harapan naming dalawa bago bumalik sa pwesto nito.  "Kain muna tayo." sabi ko sa kanya.  Tinikman naman nito ang pagkain at tahimik na tumango habang ngumunguya. "Masarap. Now I know why you are always here." sabi niya sa akin.  Nagsimula na rin akong kumain habang nakatingin sa kanya. Sarap na sarap ito sa kinakain na pagkain. Kaya ng matapos kaming dalawa ay doon na lang ulit ako nangahas na magtanong sa kanya kung ano yung ino-offer niya.  "Ano nga ulit yung sinasabi mo?" pasimple kong tanong sa kanya pagkatayo ko para magbayad na sana.  Pero hindi siya agad nagsalita dahil kinuha nito ang pitaka at naglabas ng limandaang pisong papel.  Naunahan ako nitong makalapit sa counter para magbayad. "Para sa dalawang tapsilog at kape." sabay abot nito sa bayad. Nilingon ako nito at kinindatan.  "Ako dapat yung..." "Next time, babe." sabi niya sa akin tsaka tinignan ulit ang lalaki sa counter.  "Thank you po. Balik po kayo ulit." sabi nito.  Hinawakan naman ako sa siko ni Leon sa siko at giniya ako papalabas. Gusto ko sanang pumiksi kaya lang parang ang pangit naman tignan nun.  Nasa tapat na kami ng kotse niya ng sabihin niya sa akin ang alok. "I want you to accept my offer. Would you like to be my girlfriend?" tanong niya sa akin.  "Ha?" gulat na tanong ko sa kanya.  "I'll pay you, Mica. Name your price. I just want to save you from doing all of these. It'll benefit us both...so do you want to accept my offer?" tanong niya.  Para namang tumigil sandali ang mundo ko sa sinabi niya. Iniintindi kong mabuti ang sinabi niya pero parang hindi ko pa rin maproseso ng tama ang lahat ng narinig sa kanya.  "Bakit?" tanong ko sa kanya.  "Because I want to have you as my girlfriend." simpleng sagot niya sa akin. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD