19

3368 Words
Wala na si Leon.  Ilang linggo na ang nakakalipas at hindi pa rin ako sanay. Tuwing gabi ay nakadungaw ako sa bintana at umaasa na darating siya. Pero ilang gabi ko na iyon an ginagawa at hanggang ngayon ay wala pa rin.  Alam ko naman na nasa ibang bansa siya. Milya-milya ang layo namin sa isa't isa. Wala naman akong alam na paraan para makausap siya.  Hindi ako marunong gumamit ng cellphone at isa pa ay wala ako ng gamit na iyon.  Umaasa na lang ako sa mga balita ni Olivia tungkol kay Leon. Hindi ko man aminin ay nasasabik akong malaman ang mga kaganapan niya doon.  Pero nahinto lahat iyon ng magkagulo sa Trinidad. Isang balita ang nagpayanig sa akin isang gabi. Namatay si Mang Fred na ama ni Chari at si Senyora Tamara.  Hindi pa doon natatapos lahat dahil pinagbintangan na may relasyon si Senyora Tamara at Mang Fred.  Iyak ni Chari ang bumalot sa buong kabahayan. Walang dumadalaw masyado dahil galit ang mga mamamayan sa nangyari. Ilang taga-silbi lang mula sa mansyon ng mga Velaquez ang dumadalaw.  Hindi rin nagpapakita si Sebastian sa kanya.  Nakakaawa si Chari. Wala na pareho ang mga magulang niya.  Parang bumalik lang sa akin yung nangyari noong nawala si Aling Elena. Ganito kawasak  si Chari.  Niyakap ko siya habang patuloy na nakatanaw sa pinaglalagakan ni Mang Fred. Kulang ang salitang sakit para sa kanya. Ramdam na ramdam ko iyon.  "Masama ba akong anak? Bakit laging ganito? Bakit kailangan parehas silang mawala?" umiiyak na tanong ni Chari.  "Makakayanan mo rin ito, Cha. Kakayanin mo rin," pang-aalo ko sa kanya "Hindi naman totoo yung sinasabi nila kay tatay. Wala naman kasi silang relasyon ni Senyora Tamara. Bakit ba pinipilit nila yung hindi naman totoo?" patuloy na palahaw niya.  Si Olivia naman ay salitan ang punta. Kung minsan ay kay Sebastian, kung minsan ay kay Chari. Ako ang nanghihina para sa sitwasyon ni Chari.  Wala na siyang tulog dahil noong isang gabi ay may dumayo sa lamay pero pinagbabato lang siya ng itlog. Kung ano-anong masasakit na salita ang sinabi ng mga ito kay Chari.  Hanggang sa libing ni Mang Fred ay nakaalalay lang ako kay Chari. Hindi ko siya makayang iwanan ngayon.  Umuwi na lang ako pagkatapos ng libing ni Mang Fred, tumulong ako sa paglilinis sa bahay nila Chari. Ilang araw din akong hindi umuwi sa amin para may kasama yung isa. Sa panahong ito ay hinahanap ko ang presensya ni Leon. Gusto kong tumakas sa lungkot na nababalot sa bayan ng Trinidad.  Ang kahol ni Puti ang nagpabalik sa akin sa ulirat. Kumakawag ang buntot nito pagkasalubong sa akin.  Nilapitan ko siya kaagad at niyakap. Kahit papaano ay nakakuha ako ng lakas sa kanya.  "Andyan ka na pala, Micaela." ani ni Nanay pagkakita sa akin.  Madalas na sila ni Tatay sa San Rafael ngayon. Binigyan kasi sila ng trabaho ng mga Mariano. Si Tatay bilang taga-ani sa tubuhan at si nanay bilang kasambahay ng mag ito.  Bihira na silang umuwi dito lalo na at binigyan sila ng tutuluyan doon sa San Rafael. Gusto sana nila akong isama kaya lang ayoko.  Kapag napunta ako doon ay mas madalas kong makikita si David at iyon ang ayokong mangyari. Hindi ko siya gustong makita sa ngayon.  "Umuwi po pala kayo." sabi ko sa kanya.  "Nabalitaan namin kasi yung nangyari kay Fred. Hindi nga kami nakadalaw ng tatay mo. Kumusta naman si Cha-cha? Totoo ba ang balita na kabit ni Senyora Tamara si Fred--" Napapikit ako sa tanong ni Nanay. Pati ba naman siya? "Pwede po ba, Nay?"  Napatigil siya at napatingin sa akin. "Hindi po totoo iyon. Okay? Walang katotohanan ang chismis na kumakalat." pagpigil ko sa kanya.  "O kung hindi naman totoo bakit ganyan ang reaskyon mo?" tanong pa ni Nanay sa akin.  "Kasi naniniwala po kayo sa mga walang katotohanan na balita. Sino na lang maniniwala kay Chari kung pati kayo ay ganyan po?" galit na tugon ko sa kanya. Binuhat ko si Puti para makapasok sa loob ng bahay.  "Pagod na po ako. Magpapahinga na ako." Hindi ko na inintay pa ang ibang sasabihin ni nanay. Pumasok na lang ako sa loob ng bahay.  Hindi ko na rin tinapunan ng tingin si Tatay at dumiretso na sa kwarto. Hindi na ako nag-abalang magpalit pa ng damit at nahiga na lang sa papag. Pinilit kong  pinikit ang mata ko para makatulog man lang.  Nagsimula na rin ang pasukan pagdating ng sumunod na buwan. Sobrang excited ako na mag-aral. Para bang unti-unti ay maaabot ko na ang pangarap ko.  Bagong uniporme na rin ang suot ko. Kasama ito sa binigay ng mga Mariano. Fitted na puting uniform at palda ang suot ko. Hindi na ito katulad ng high school uniform namin.  Dala ko rin ang bag na niregalo sa akin ni Olivia. Inilagay ko roon ang bagong bili kong notebook at ballpen. Ang sapatos ay provided  na rin naman ng scholarship.  Tinali ko ang buhok ko sa isang mataas na ponytail.  Malayo ang school ko mula sa Velasquez School na pinag-aralan ko. Sa San Rafael ako papasok ngayon. Kaya kinakailangan kong gumising ng maaga.  Nalulungkot ako para kay Chari dahil hindi siya mag-aaral this year. Palagi na lang siyang nakakulong sa bahay nila o di kaya ay naghahanap ng trabaho sa kung saan-saan.  Umalis na rin si Sebastian patungong Espanya para doon mag-aral.  Si Olivia naman ay nasa Maynila na para doon din mag-aral.  "Para po!" tawag ko sa sinakyan kong jeep papunta sa isang pribadong eskwelahan na pagmamay-ari rin ng mga Mariano.  Malawak ang Grace of the Youth College Incorporated. Sinunod ang pangalan ng paaralan na ito kay Ma'am Dianne.  Dianne Grace Mariano.  May mga kalalakihan na estudyante ang napapalingon din sa akin. Iniwas ko na lang ang tingin ko sa kanila at hinanap na lang ang classroom ko.  Hawak ang reg. form ay nagsimula na akong hanapin ang silid ko. Madali ko lang din naman na nakita dahil may mga tumutulong na dating estudyante.  Pagpasok ko sa subject na Anatomy and Physiology na subject ay may iilan na rin na nakaupo doon.  "Good morning po." bati ko sa mga naroon.  Kanya-kanya na agad silang grupo. Siguro ay magkakakilala na ang mga ito.  May ilang tinapunan ako ng tingin, may ilan naman na nakangiti lang.  Naupo ako sa pinakaunahan na upuan dahil tiyak na kapag inasikaso ng alphabetical order ay ako rin ang unang tatawagin. Mabuti na itong nandito na ako kaagad.  Ilang minuto pa ay nagdatingan na rin ang mga kaklase namin. Halata sa itsura ng mga ito na mayayaman sila. Kitang-kita naman kasi sa pormahan nila.  Dumating na rin ang isang babae na sa tingin ko ay professor namin. Kinakabahan ako na nasasabik. Hindi na kasi ito katulad noong high school kami. Hindi ako kinakabahan noon dahil alam kong nandyan ang mga taong nakasanayan ko sa paligid ko.  Pero hindi na iyon katulad ngayon. Malaki na ang kaibahan.  "Good morning, class. I'm Dr. Angelita Bautista and I'll be your professor on this subject, the Anatomy and Physiology. Now before begin our lesson, may I ask each of you to introduce yourselves. Let's start with the young and beautiful lady in front. " Our professor pointed me dahilan kung bakit namula ako pagtayo ko.  Lahat tuloy ng mata ay nakatuon sa akin.  "Good morning po. I'm Micaela Soleil Alfonson, 18 years old. You can call me Mica po. I graduated from the Velasquez School sa Trinidad po."  maikling pakilala ko sa sarili ko.  Nagpalakpakan naman ang mga kaklase ko. Mas lalo akong namula sa ginawa nila.  "Ang ganda-ganda mo hija. May boyfriend ka na ba?" tanong ni Ma'am sa akin.  Napayuko ako sa sinabi niya. Marahang tumango na lang ako sa tanong niya. Ang nasa isip ko ay si Leon dahil siya lang naman ang gusto ko.  Nag-angalan naman ang mga kaklase kong lalaki sa tanong ni Ma'am sa akin.  "Sorry boys. She's taken already." nakangising sabi naman ni Ma'am Angelita sa lahat.  Nagpakilala rin ang ibang kaklase ko. Alam ko ay sila na talaga ang classmates ko hanggang maka-graduate unless may nadagdag or nawala.  Mukhang okay naman ang lahat lalo na at masaya naman silang kausap .  Natapos ang araw ko na puro introduction lang sa subjects at pagpapakilala sa sarili ang nangyari. Alas-singko na ng hapon ako nakauwi dahil isang oras ang biyahe mula sa San Rafael patungong Trinidad.  Hindi ko naman alintana ang biyahe. Ayos na nga iyon sa akin para nakakapag-isip ako.  Pagdating sa bahay ay sinalubong ako ni Puti. Sobrang saya niya na makita ako.  Agad ko siyang pinakawalan sa tali niya. Ikot naman ito nang ikot sa akin.  "Helo, bebe." masayang bati ko sa kanya.  Niyakap ko pa siya bago ko hinandaan ng pagkain.  Alam ko namang hindi uuwi sina Nanay at Tatay ngayon lalo na at weekdays. Tuwing weekends na lang naman sila umuuwi.  Nag-iiwan lang sila ng pera pambili ng pagkain ko o kaya nagdadala ng supplies tuwing nagpupunta sila dito.  Mas nakakagalaw ako ngayong wala sila. Hindi ko kinakailangan bantayan ang kilos ko kapag nasa paligid sila.  Iyon ang madalas na sitwasyon ko hanggang  sa lumipas ang ikaapat na buwan na nag-aaral ako.  Isang balita ang nagpayanig sa pagkatao ko.  "Pakiulit nga po?" nanghihinang tanong ko kay Nanay.  Nagkatinginan sina Nanay at Tatay, bakas ang pagkataranta sa mukha nila habang nakatingin sa akin.  "Tulungan mo kami ng Tatay mo, anak. Ikaw na lang ang pag-asa namin,"  naiiyak na sabi naman ni Nanay.  Nagsalubong ang kilay ko habang pinagmamasdan silang dalawa.  "Pag-asa? Sa anong paraan? Bilang pambayad utang sa mga Mariano?!" sigaw ko.  Umiiyak si Nanay habang nakatingin sa akin, halos nakaluhod na siya habang hawak ang kamay ko.  "Lubog na lubog na kami sa utang. Naisangla na rin ang lupa na ito sa kanila. Wala kaming ibabayad sa mga Mariano anak. Papatayin nila kami ng Tatay mo kapag hindi kami nagbayad!" palahaw ni Nanay.  Gusto kong maawa sa kanila pero nanaig yung galit ko, hindi lang sa mga magulang ko kung hindi pati sa mga Mariano. Ang sama-sama nila. "N...naisip niyo po ba lahat iyan bago kayo nangutang nang nangutang sa kanila? Bago  niyo inubos ang pera na inutang ninyo?!" galit na sabi ko sa kanila.  Mas lumakas ang iyak ni Nanay ngayon.  Palingon-lingon siya kay Tatay na nakatulala naman.  Kaya pala umuwi sila ngayong araw. Nagulat pa ako na narito sila samantalang hindi naman weekend. "Tatlong daang libo ang utang namin sa kanila. Wala na kaming maisip ng Tatay mo, anak. Ikaw ang hinihingi nilang bayad! Parang awa mo na, Micaela. Tulungan mo kami ng Tatay mo, anak!" Pinagdikit pa ni Nanay ang mga palad niya habang hindi matapos-tapos ang pag-iyak niya.  Tatlong daang libo? Saan napunta ang pera na iyon? "Hindi ko nakita ang halaga na iyon, Nay! Kayo ni Tatay ang umubos nun! Bakit ako ang magbabayad sa ginawa niyong mali?!" sunod-sunod ang pagtaas at pagbaba ng dibdib ko.  Galit na galit talaga ako ngayon.  Galit ako sa kanila dahil magulang ko sila at naiisip nila na ako ang ipambayad sa pagkakamali nila.  Lahat ng pera na iyon ay napunta lang sa sugal! Sa bisyo nila! Galit ako sa mga Mariano na pinagbabantaan sila at pinipilit silang magbayad.  "Anak--- parang awa mo na. Mamamatay ako kapag hindi natin sila nabayaran!" pagmamakaawa pa ni Nanay.  Napapikit ako sa sinabi niya. Naririnig ba talaga niya ang sarili niya?  "Nay...anak niyo ako!  Hindi ako isang bagay na pwedeng ipambayad niyo lamang ni Tatay. Kasalanan po ninyong dalawa kung bakit tayo umabot sa ganito!"   "Tama na yan, Guadalupe. Hindi natin mapipilit si Micaela sa gusto niya. Hayaan na lang niya tayong mamatay dahil mukhang ganun na ang hahantungan nating dalawa." turan ni Tatay.  Napatingin ako sa kanya samantalang mas lalong lumakas ang iyak ni Nanay.  Tama ba yung naririnig ko? Bakit parang lumalabas na kasalanan ko pa ang pag-tanggi sa sinasabi nila.  Sa puntong iyon ay napaluha na ako. Hindi sa lungkot kundi sa galit.  Sa sobrang galit.  "Buhay ko ang hinihingi ninyong kapalit." mahina pero malinaw kong sabi sa kanila.  Tumingin si Nanay at Tatay sa akin.  "Gusto ninyong ako ang magbayad sa pagkakamali ninyong dalawa... Sa kasalanan na kayo ang gumawa. Gusto ninyong ikasal ako kay David na kailangan kong pakisamahan buong buhay ko. Alam niyo po ba kung gaano kabigat iyon?" tanong ko sa kanilang dalawa.  Nagkatinginan sina Nanay at Tatay sa sinabi ko.  "Kaya nga hindi ka na namin pipilitin! Hayaan mo na lang kaming mamatay ng nanay mo!" Malakas na sigaw ni Tatay sa akin.  "Tingin niyo kakayanin ko iyon ha?! Nagsasabi kayo ng isang bagay na alam ninyong sobra akong masasaktan?!  Sa tingin niyo po ba hindi ako makokonsensya?!" ganting sigaw ko sa kanila. Hindi ko mapigilan ang pag-iyak. Mali ba na hindi ko sila sundin ngayon? Kahit ngayon lang? "Huwag mo kaming pagtaasan ng boses, Micaela! Anak ka lang namin!" galit na galit na sabi ni tatay.  "Tama na. Parang-awa niyo na, huwag kayong mag-away." Pigil ni nanay tsaka humarap sa akin.  "Anak...parang awa mo na. Tulong mo na lang sa amin ito ng tatay mo. Pinalaki ka naman namin na mabuting tao, anak. Ganti na lang ito doon." pagpipilit pa ni Nanay sa akin.  Hindi makapaniwalang tinignan ko siya. Kasalanan ko bang ipinanganak nila ako? Ako ba ang namili ng magulang ko?  "Ikakasal ako sa kanya--- iyon ang bayad na gusto niyang mangyari.  Ikukulong ninyo ako sa isang kasal na hinding-hindi ako magiging masaya.  Iyon ang gusto ninyong mangyari." sagot ko sa kanya.  Nakatinging mabuti sina Nanay at Tatay sa akin.  "Matututunan mo rin siyang mahalin, anak." sabi ni nanay.  Parang ganun lang kadali iyon ah. Ganun lang ba kadali magmahal? "May iba po akong mahal." mahina pero malinaw na sabi ko sa kanilang dalawa.  Natigil naman ang pagluha ni Nanay at parang tinakasan naman ng salita si Tatay. "Ngayon lang po ako nagmahal ng ganito. Hindi ako humihiling ng ibang bagay sa inyo pero parang-awa niyo na po...ayoko. Ayokong maikasal kay David."  "Hahayaan mo kaming mamatay ng nanay mo? Ayaw mong maikasal sa isang Mariano dahil may iba kang gusto. Iyon ba ang sinasabi mo, Micaela?!" sigaw ni Tatay.  Nakakapagod naman ang paulit-ulit na pagpapaliwanag ko sa kanila.  Hindi ba nila maintindihan na ayoko. Hindi ko gusto! "Tay..." pagod na tawag ko sa kanya.  "Napakaramot mo, Micaela. Bakit hindi mo gayahin si Salvador na anak ni Aling Nita! Hindi rin sila makabayad ng utang kaya pumayag siyang magpakasal doon sa inutangan nila. Hindi mo ba magawa iyon sa amin ng Nanay mo? Ganun ka ba katigas, Micaela?! Hahayaan mo bang mamatay kami ng Nanay mo?" sumbat ni tatay sa akin.  Sarkastikong tumawa ako sa sinabi niya sa akin. Ako pa talaga ang naging maramot ah? Lahat na nga ginawa ko para sa kanila.  "Kung kailangan kong pumasok na katulong sa kanila at hindi nila pasuhurin gagawin ko. Basta ayokong maikasal kay David. Hindi ko siya gusto. Ayoko!" matigas na sabi ko bago ako nagmamadaling lumabas.  Binuhat ko si Puti para maisama ko siya. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng paa ko.  Gusto ko lang talagang makalayo sa kanila. Kung pwede lang na lumayas na ako gagawin ko. Kaya lang hindi ko naman sila kayang abandonahin.  Natagpuan ko na lang ang sarili ko sa harapan ng bahay na pinagawa ni Leon sa akin.  Sana nandito siya.  Kung sana ay nandito lang siya.  Iyak ang ginawa ko buong magdamag sa bahay na iyon. Ang sakit-sakit na narinig ko pa mismo mula sa mga magulang  ko.  Hindi ba nila naiintindihan na nahihirapan din ako. Ayoko silang pabayaan pero ayoko namang makulong sa isang masalimuot na pagsasama.  Si Leon ang gusto kong makasama ngayon.  Hindi naman ako masamang anak kaya lang ayoko talaga.  Hindi ako isang pang bayad utang lang. Ang dami nilang kinuhaan ng pera, ang dami nilang kinuhang pera tapos ako ang magbabayad? Sarili ko! Mabuti sana kung pera lang din ang ibabayad ko pero yung buhay ko ang nakataya doon.  Nakatulog ako na puro iyak ang nangyari. Ilang araw akong nanatili sa bahay na iyon. Ang tanging dala ko lamang ay si Puti, ang libro, at pera ko. Maliban doon ay wala na.  Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isipan ko ang pinagtalunan namin nila Nanay at Tatay. Hindi siya masamang panaginip na pwedeng mawala na lang. Hindi ito ganun lang. Iba ito sa mga iyon.  Lumipas ang isang linggo ay nagdesisyon akong bumalik sa amin. Nagbabakasakali na wala na sina Nanay at Tatay doon. Baka bumalik na sila sa San Rafael.  Pero laking gulat ko na lang na may mga grupo ng kalalakihan na sinisira ang bahay habang iyak nang iyak si Nanay. Nakita ko pa si David na nakasandal sa kotse nito habang pinanonood lang ang nangyayari.  Umahon ang galit sa akin pagkakita doon.  "Anong ginagawa niyo?!" sigaw ko sa kanila at humahangos na lumapit sa nangyayaring kaguluhan.  Napatayo naman ng tuwid si David at tumingin sa akin. Nakangiti ito pagkakita sa akin. Pinaswitan lang nito ang mga lalaking naninira ng bahay at tumigil na ang mga ito.  "Nay..." paglapit ko kay Nanay. "Micaela, anak." umiiyak si Nanay na yumakap sa akin. "Tulungan mo kami, anak. Parang-awa mo na."  Nilingon ko si David ng maramdaman ko ang presensya niya na palapit sa akin.  Matapang ko siyang hinarap at tumayo sa harapan niya.  Wala silang karapatan na gawin ito. Hindi porket hindi siya nanalo sa eleksyon ay ganito na ang gagawin niya. Kami ang pinagbubuntunan niya ng galit niya.  "Anong ginagawa niyo? Itigil niyo ito!" sabi ko sa kanya.  He smiled, pero nairita ako sa ngiti niya. Hindi ko nagugustuhan ang ngiting iyon.  Halatang may planong masama o binabalak na hindi maganda.  "Nasabi ba ng Nanay mo na isa lang ang solusyon para matigil ko itong ginagawa ko?" He forcely made me look up at him.  Nagsalubong ang kilay ko. Alam ko na kaagad ang tinutukoy niya. Grabe! Ganun sila kasama? Ganun siya kasama? Lahat ba ng pinapakita niya noon ay pakitang-tao lang? "Hindi namin sisirain ang bahay ninyo, hindi namin kukunin ang lupa ninyo at hindi na kami maniningil sa inyo--- isa lang ang solusyon ng lahat ng iyon, Micaela." He pulled me closer to him.  "Marry me. Titigilan namin ang ginagawang panggigipit sa inyo basta't pakasalan mo ako. Tsaka eto naman talaga ang napag-usapan noon ng mga magulang natin. Ikaw ang ginawa nilang kolateral, Micaela. Sa daming beses mong pumunta sa amin para kunin ang inuutang ng magulang mo...ikaw ang nagiging kapalit nun." mahina pero buong-buo na sabi niya sa akin.  Para akong tinakasan ng kulay sa sinabi niya. Ngayong narinig ko sa kanya ito ay mas lalo akong nakaramdaman ng takot.  "Sabihin mo lang ang salitang 'oo', Micaela. Ikaw na ang kikilalaning reyna ng San Rafael. Hinding-hindi na kayo magiging mahirap ng mga magulang mo. Hihiga na lang kayo sa pera namin. Iyon lang, Micaela. Iyon lang."  sabi niya sa akin.  Buong tapang ko siya tinulak at tinignan, "Napakasama ninyo. Napakasama mo!" malakas na sabi ko sa kanya.  He shook his head. "I'm being a reasonable here, Micaela. Kinukuha ko lang ang kabayaran sa inutang ng magulang mo. Kung pagsasamahin lahat pati na ang interes ay kukulangin pa ang maliit na lupa na ito bilang kabayaran. Kaya kung ayaw mong makitang umiiyak ang mga magulang mo, pakasalan mo ako." seryoso niyang sabi sa akin.  Nakaramdam ako ng masidhing galit sa kanya habang sinasabi iyon. Hindi ako isang bagay na pwedeng ipambayad lamang, pero, magulang ko na ang napapahamak dito. Sila na ang nadadamay sa pagmamatigas ko.  Kung patuloy akong magmamatigas ay mas malala pa ang pwedeng mangyari at ayokong maganap pa iyon.  "Titigilan mo ba sila kapag pinakasalan kita?" tanong ko sa kanya.  I saw how his face lit up, "Yes, Micaela. Yes. Ititigil namin lahat ito. Mabibigyan pa kayo ng pera kapag tinanggap mo ang alok ko. Hindi na mahihinto ang pagsusugal ng mga magulang mo. Ikaw lang ang hinihingi ko sa lahat ng ito."  sabi niya sa akin.  I balled my fist para mapigilan ko ang pagsigaw. Hindi ito ang solusyon sa ngayon. Isasantabi ko muna ang nararamdaman ko para sa lalaking mahal ko.  Ang mga magulang ko muna ngayon.  Sila na muna. "Kailan? Kailan tayo ikakasal?" tanong ko sa kanya kasabay ng pagbagsak ng luha sa mga mata ko.  Talo na ako ngayon. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD