Pinilit kong ngumiti habang nakatanaw sa papalapit na si Leon. Isang taon na ba ang lumipas na iyon sa pagitan naming dalawa?
Sabagay.
He's still the most beautiful person I've ever met. Understatement ang salitang gwapo para sa kanya. He's beyond those words.
I tried to stop myself from crying while watching him walking towards me.
He's wearing this white polo shirt and a pair of pants. Ang buhok niya ay malayang nililipad ng hangin. Napakatagal ng isang taon para sa aming dalawa.
Hindi nga lang isang taon.
Isa't kalahating taon.
Kinailangan niyang i-extend ang training niya sa Espanya para hindi na niya kailanganin pang bumalik doon.
Mabuti na nga lang at nasabi ni Olivia iyon sa akin kung hindi ay panghihinaan ako ng loob.
Baka nangyari na ang hindi pa dapat mangyari.
My yellow dress flowing freely habang tumatakbo ako papalapit sa kanya. Hindi ko na kayang hintayin lang siya. I jump at him so I can hugged him tight.
After more than year ay nayakap ko na ulit siya. His arms wrapped around me habang halos nakaangat ako sa ere para lamang mayakap siya.
I buried my face on his neck. "I missed you." I cried.
Totoo, sobrang miss na miss ko siya. Sa panahon na lubog na lubog ako ay siya ang hinahanap ko.
Ngayong araw ay pipilitin kong maging masaya para hindi ako magsisi.
Babaunin ko ang alala ng araw na ito sa mga darating na araw ko pa.
Naramdaman ko ang paghalik niya sa ulo ko "God knows how much I missed you, baby." he whispered.
Pinikit ko ang mata ko habang patuloy pa rin na nakayakap sa kanya. Bumitaw lang ako ng siya na ang naglayo sa akin sa kanya.
"That's how much you missed me, my love?" Tanong niya dahil napansin niya ang luha sa mata ko. Agad niya iyong pinunasan.
Tumawa naman ako tsaka hinawakan ang kamay niya. Ang laki ng pinagbago ng pangangatawan niya. Mas naging matipuno siya at bumagay pa lalo sa kanya.
He cupped my face and planted a kiss on my lips. Napapikit ako sa pagkakadikit ng labi naming dalawa. Ang tagal kong hinintay ito. Ngayon ay hindi ko na pipigilan ang sarili ko.
I wrapped my arms around his neck as I returned his kiss. Mas naging mapaghanap iyon.
He pushed his tongue inside my mouth that made me step back. Pero pinigilan kong itulak siya. I did the same thing. Hindi man ako marunong ay ginawa ko pa rin.
Naghiwalay lang kaming dalawa matapos kaming kapusin ng hininga.
He smiled before pulling me for a tight hug. "After you graduate, let's get married." he said.
Pinikit ko ang mata ko para hindi ako makaiyak. Napakatamis ng pangako niyang iyon. Spending the rest of my life with him, isa na siguro iyon sa pinakamagandang pwedeng mangyari sa buhay ko.
Hindi ako sumagot sa kanya at hinarap na lang siya. "Nagluto ako para sa'yo. Tara?" nakangiting sabi ko sa kanya.
Hinila ko siya papasok sa loob ng bahay na pinagawa niya. Naroon sa loob si Puti. Tinahulan nito siya pero hindi naman ito nagtagal sa pagtahol.
"Is that our dog already?" tanong ni Leon sa akin.
Tumango ako sa kanya, "Ang laki na niya di ba?" sabi ko sa kanya bago hinarap ang paghahanda ng kakainin niya.
Sabay kaming dumulog sa lamesa at kumain. Ito na lang naman ang pwede kong magawa para sa kanya.
Pagkaraan naming kumain ay nagdesisyon kaming maglakad sa dalampasigan. Sa tagal kong pabalik-balik dito ay nananatiling tanong sa akin kung bakit wala masyadong nagagawi dito.
Magkahawak ang kamay naming dalawa habang naglalakad, "Pwede mo na bang sabihin sa akin kung magkano ang ginastos mo dito?" tanong ko sa kanya.
"Why? Babayaran mo ba ako?" natatawang tanong niya sa akin.
Lumabi ako sa kanya bilang sagot. "Ako na lang bayad. Pwede ba yun?" birong tanong ko sa kanya tsaka siya tiningala.
He's looking at me bago ako hinalikan sa noo. "I don't need you to pay me. Binili ko ito para sa'yo,"
"Dahil?"
"Dahil mahal kita. May iba pa bang dahilan dapat?" sagot niya sa akin.
Pasimple siyang ngumiti sa akin pero kung alam lang niya ay nawawasak na ako sa sandaling ito. Gusto kong sabihin sa kanya pero ayokong sirain ang sandaling ito.
"K...kailan mo pa nalaman na mahal mo ako?" tanong ko sa kanya.
Napahinto siya at napaisip sandali. Tinanaw niya ang payapang paghampas ng dagat sa dalampasigan bago siya tumingin sa akin.
"I can't remember, babe. Love at first sight siguro?" natawa pa siya sa sagot niya sa akin. "All I know now is that I love you so much and I will do anything for you."
Ngumiti ako sa kanya bago yumakap ulit. Ayos na ako sa ganito. Sa simpleng interaksyon naming dalawa. Babaunin ko na lang lahat ito.
"Ang sweet mo ata ngayon," puna niya sa akin.
Pinilit ko namang lumayo sa pagkakayakap sa kanya dahil sa sinabi niya pero tumawa lang siya sa akin.
"Hindi na. Hindi na. Sorry na. Ayos na ito. Lo siento, mi amor. Te amo. " he said bago niya mas hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.
Nagpatuloy kami sa paglalakad pagkalipas. Sa bawat minutong dumaraan ay hinihiling ko na huwag na sana itong gumalaw pa. Gusto ko siyang makasama pa ng mas mahaba...mas matagal.
Bumalik kami sa loob ng bahay pagsapit ng tanghalian. Kalat na ang init sa baybayin at pagod pa siya.
"Tulog ka muna? Tabi tayo gusto mo?" tanong ko sa kanya.
He tried not to yawn pero hindi niya napigilan. "Hindi ka ba hahanapin sa inyo? I bought gifts for your parents anyway." sabi niya sa akin.
Nilingon ko ang mga paper bags na nasa sofa pa rin. "Hindi ka na sana nag-abala pa." sabi ko sa kanya.
Umiling siya sa akin, "I'm earning my own money, love. Kaya kong gumastos para sa inyo. Did I also tell you na kumukuha na ako ng Master's degree?"
Ngumiti ako sa kanya at tumango, "Kaya kakailanganin mo ring bumalik ng Spain. Siguro marami kang kaklase na magaganda doon noh?" biro ko sa kanya.
Sumimangot naman ito bago hinubad ang suot na pang-itaas. Agad akong napaiwas ng tingin sa ginawa niya. Nagulat naman ako sa kinilos niya. Hindi ko tuloy magawang lingunin siya. Isang mahinang tawa niya lang ang narinig ko mula sa kanya.
"You can turn around now, love. Nagdamit na ako," he said.
"S...sigurado ka?" tanong ko sa kanya.
Hinawakan niya pa ang kamay ko para makaharap lang ako sa kanya. True to his words ay napalitan na ng sando ang suot niyang damit. Kinabahan talaga ako doon. Hindi naman s ahindi ako sanay makakita ng mga naka topless na lalaki.
Noong high school ako ay nakakakita ako ng mga ganito lalo na tuwing P.E, kaya lang iba talaga pagdating sa kanya.
"Tulog muna tayo? Tapos dinner na lang tayo sa may kinainan nating ihawan noon?" he asked to me.
Ngumiti ako sa kanya at tumango. "Pagod ka na ba? Gusto mo massage kita?"
Umiling siya sa akin, "Next time, love. Pag kinasal na lang tayo. Kahit anong klaseng massage ay gawin mo sa akin." he winked after niyang sabihin iyon.
Namula tuloy ang mukha ko. Kung ano-ano ang pumapasok sa isipan ko kahit alam kong hindi naman na pwede mangyari yung bagay na sinasabi niya.
Ayoko naman siyang pilitin kahit gusto kong pagsilbihan siya. Baka kasi makahalata siya. Ngayon pa nga lang ay nasasaktan na ako, paano pa kapag sinabi ko na sa kanya?
Pumasok kaming dalawa sa loob ng kwarto. We both lay down at the bed, nasa labas ng kwarto si Puti at doon naman natutulog. Kumain na rin kasi ito kasabay namin kanina.
He pull the blanket to cover us. Nasa kanan ko siya samantalang nasa kaliwa naman niya ako. Dumiretso kaagad ako ng higa sa dibdib niya.
This is so peaceful.
Gustong-gusto ko ang ganitong pakiramdam na kasama siya. Sana hindi na lang matapos kaagad.
He's caressing my hair softly. Ngayon pa lang ay naiiyak na ako. Hindi na mangyayari ulit ito. Kahit kailan ay hindi na mauulit ito. Isang matamis na alaala na lang ito na dadalhin ko hanggang sa pagtanda ko.
Ang lalaking mahal at patuloy kong mamahalin ay maaaring makakilala ng ibang babae sa hinaharap. Bumuo ng sarili niyang pamilya.
Walang label ang relasyon naming dalawa.
Hindi ko rin alam kung ano ang tawag dito.
Naghahalikan kami at nagsasabihan kami ng mahal namin ang isa't isa pero hanggang doon lang iyon.
Walang tawag sa kung anumang mayroon kami.
Mas mabuti na nga lang din dahil masasaktan lang kaming pareho kung binigyan pa namin ng ngalan ang kung anong mayroon kaming dalawa. Sapat na ito. Hindi na kailanganan pang bigyan ng pangalan o tawag.
"Where do you want to live kapag kinasal tayo? Gusto mo pa rin ba dito sa Trinidad o sa ibang lugar na?" he asked.
Napapikit ako sa tanong niya. Kung pwede lang na sagutin ko iyon ng buong puso ay ginawa ko na.
Kahit saan ay sasama ako basta't naroon siya. Wala akong ibang hinangad sa buong buhay ko kung hindi ang lumigaya na lamang.
Ang makatakas sa bangungot na kinasasadlakan ko sa kasalukuyan.
Ang hirap...sobrang hirap.
Tumikhim ako para mawala ang bara sa lalamunan ko na dala ng pagpipigil kong umiyak. "Kahit saan basta kasama ka," sabi ko sa kanya.
"Hmm. Let's live in Spain after we get married. I want to show you the world, Micaela. I have bought a house recently there. Plano ko sanang sabihin sa iyo kapag kinasal na tayo. Pero planuhin na rin natin ngayon," he held my hand na nakapatong sa dibdib niya at inangat iyon.
Ang gandang tignan ng kamay naming dalawa.
Ang ganda sana kung mananatiling ganito hanggang sa wakas.
"B...bumili ka?" tanong ko sa kanya habang hindi pa rin hinihiwalay ang tingin sa mga kamay naming dalawa.
"Yes. It's actually in Valencia, Spain. I bought the house while thinking of you. Two storey house, under renovation as we speak right now. Nakaharap sa malaking lake. You have your own big garden at the front yard where our children can play. At the same time kapag nagkaroon ng gathering, we can do it there as well." kwento niya. Bakas ang saya at excitement sa boses niya ngayon.
Kinagat ko nang maigi ang labi ko para hindi ako tuluyang umiyak. Ang bigat-bigat sa pakiramdam.
"And then we'll get married here in the Philippines dahil dito tayo nagkakilala pero maninirahan tayo sa Espanya. Doon natin palalakihin ang mga anak natin. What do you think?" he asked.
A tear fell from my eyes at agad kong pinunasan iyon bago ako para hindi niya makita. Bahagya akong bumangon para mapantayan siya. His eyes were sparkling from joy. Kitang-kita ko iyon sa mata niya.
"Mahal mo talaga ako noh?" sabi ko sa kanya.
He caressed my face using his hand, "As much as I love myself. I love you so much, Micaela." he gently said.
Ngumiti ako at umuklo para dampian siya ng halik sa labi, "Mahal na mahal na mahal din kita, Leon." sabi ko sa kanya.
He nodded before kissing me again.
Ayos na sa akin ito. Babaunin ko na lang ang lahat ng ito. Baka sa susunod na buhay naming dalawa ay puwede na kaming maging malaya.
Malaya mula sa mga sakit na mayroon ang buhay na ito.
We woke up around 4 in the afternoon. Wala naman kaming ibang ginawa kung hindi ang tumanaw sa dagat. Medyo malilim na at gusto ko rin sanang maligo.
"Swimming tayo?" imbita ko sa kanya.
Nilingon niya ako, "Do you have spare clothes?" tanong niya sa akin.
Umiling ako tsaka ngumiti sa kanya. "Ikaw lang naman makakakita. Okay na siguro yung panloob ko na lang?"
His jaw clenched, "No. Next time. Baka mamaya may mga bangkero na makakita sa iyo." anito tsaka binaling ulit ang tingin sa dagat.
Lumabi ako at humawak sa braso niya. "Ayaw mo?"
"No." He answered firmly.
Mariin akong nangunyapit sa braso niya. "Sige na please. Saglit lang tayo. Wala lang kasi talaga akong dalang extra na damit. Pero gusto ko talagang mag-swimming. Ang tagal na natin dito pero hindi man lang natin nasubukang lumangoy diyan." Tinuro ko pa ang dagat sa kanya.
Umiling pa ulit siya bilang sagot sa akin. Siya na mismo ang kumalas sa pagkakahawak ko sa kanya. Sigurado ako na pigil na pigil niya ang sarili niya na pumayag sa hiling ko.
"Bukas, babe. Balik na lang tayo bukas. Magdala ka ng damit mo para makapaghanda rin ako ng makakain natin. That's better than impromptu swimming." He said.
Pero hindi na ako pwede bukas.
Wala ng bukas na darating sa akin.
Tumango na lang ako kay Leon tsaka tumayo na rin. "Early dinner na lang tayo?" tanong ko sa kanya.
"Gutom ka na ba?" he asked softly.
"Medyo." sagot ko sa kanya, kahit ang totoo ay hindi pa.
Kailangan ko na rin kasing bumalik sa San Rafael. Mula noong pumayag ako sa alok ni David na kasal ay kinailangan kong lumipat sa San Rafael. Sinama ko na lang si Puti para may makakasama siya. Hindi ko kasi siya kayang iwanan.
Nagpunta na kami kaagad sa ihawan. Ang akala ni Leon ay babalik pa kami sa bahay pero huli na ito. Hindi ko na kakayanin pang bumalik sa bahay, kukunin ko lang si Puti tapos magpapaalam na ako sa kanya.
Kung ano-ano ang baon niyang kwento habang nag-uusap kaming dalawa. Sobrang saya niya habang sinasabi yung mga nangyari sa kanya sa Espanya. Kung ano yung natutunan niya sa pamamahala ng wine industry nila at ilang hotels and restaurants na hawak ng pamilya nila.
Sobrang proud ako sa kanya dahil kahit sobrang dami ng trabaho ay nagagawa pa rin niyang makapag-aral.
Tinanong niya rin ako sa kung kumusta na ang pag-aral ko. HIndi ko siya masagot kasi hindi ko naman talaga alam ang dapat kong isagot sa kanya.
Kung ano-anong kasinungalingan na lang lumabas sa bibig ko habang sinasagot siya. Hindi ako sanay magsinungaling pero mukhang mula ngayon ay dapat ko ng gawin iyon.
We decided to go back to the house after. Naglalakad na kami at malapit na kami sa bahay ng pumito ako at dumating ang tumatakbong si Puti palapit sa akin.
Nagtatakang nakatingin naman si Leon sa akin. Humarap ako sa kanya at this time ay hindi ko na napigilan ang pagluha ko.
Kasabay ng paghalik ng kulay kahel na kalangitan sa asul na karagatan ay matatapos na ang kung anumang ugnayan na mayroon kami ni Leon.
"Why are you crying?" tanong niya sa akin. Hindi tuloy nito malaman ang gagawin habang nakatingin sa akin. "Did I do something wrong?"
Umiling ako sa kanya at mahigpit na hinawakan ang kamay niya.
"Hanggang dito na lang tayo, Leon," simula ko.
Sinisimulan ko pa lang ay para na akong sinasakal. Ang hirap-hirap naman nito.
Kumunot ang noo niya sa sinabi ko, "What do you mean?" naguguluhan niyang tanong.
Yumuko ako para humugot ng lakas. Ang hirap...sobrang hirap. Nag-angat ako ng tingin sa kanya at ang nalilito niyang mukha ang sumalubong sa akin.
"I...ikakasal na ako... sa susunod na linggo." pagbanggit ko sa kanya.
"Qué?" bulong niya.
Iyon ang sinabi niya pero litong-lito ang mukha niya na nakatingin sa akin. Kanina lang kasi pinag-uusapan na namin ang future naming dalawa tapos ngayon ay ganito ang sinasabi ko sa kanya.
Napalunok ako habang sinasalubong ang tingin niya. Halo-halo ang emosyon na nasa mukha niya--sakit, lito, pagtataka.
"Isang...isang mayaman mula sa San Rafael ang ipapakasal sa akin. Ako ang kabayaran sa lahat ng ginawa ng mga magulang ko, Leon. Kaya...patawarin mo ako kung tatangayin na lang ng alon ang lahat ng pangarap nating dalawa. Hindi ko na siya matutupad pa." sunod-sunod na nagbagsakan ang luha sa mata ko.
"Anong kabayaran?" nalilitong tanong niya. "Explain everything to me, Micaela. Handa akong tulungan ka," desperadong sabi niya sa akin.
Umiling ako sa kanya, "Hindi iyon ganun kadali, Leon. Buhay ang kapalit sa ginawa ng mga magulang ko. Ako ang hinihingi nilang kapalit. Mahal ko kayo pareho ng mga magulang ko kaya sobrang bigat sa akin nito. Nilaban kita, Leon. Nilaban ko yung kung anong mayroon tayo pero hindi ako nanalo." umiiyak na sabi ko sa kanya.
Hinawakan ni Leon ang dalawang braso ko at pilit akong pinapakalma. "Calm down, baby. Sosolusyunan natin ito. Tell me everything. Anong ginawa ng mga magulang mo? Bakit ikaw ang bayad? What the hell was that?" naguguluhang tanong niya pa rin sa akin.
Mapait na ngumiti ako sa kanya at pumiksi sa pagkakahawak niya para mahaplos ko ang pisngi niya, "Sobra-sobra kitang pinahahalagahan. Masaya ako sa bawat sandali na magkasama tayong dalawa. Pero hanggang doon na lang lahat iyon, Leon. Hindi na tayo pwedeng umusad. Kahit gustuhin ko mang makasama ka pa...hindi na pwede. Hindi na mangyayari iyon."
"Damn it! Tell me, Micaela. Huwag kang magsalita ng ganyan dahil alam mong hindi kita kayang pakawalan. No...hinding-hindi kita iiwanan." He pulled me para mayakap niya.
Iyak ang ginawa ko habang nasa bisig niya. Ito ang kailangan ko noong mga panahong iyon. Siya ang hinihiling ko na nasa tabi ko noong nangyayari lahat iyon. Baka sakaling nailaban ko pa yung kung anong mayroon kami kung nandito siya noon.
Pero hindi ko siya sinisisisi. Wala siyang kinalaman sa mga iyon. Hindi niya pagkakamali na inuna niya ang pagpunta sa ibang bansa para sa akin.
Hindi niya ako responsibilidad.
Umiling ako sa kanya at piniit siyang nilayo. "Hanggang dito na lang tayo, Leon. Ipagdadasal ko na makakilala ka ng ibang babae. Yung babae na alam kong mamahalin ka habang buhay. Yung babae na hinding-hindi ka iiwanan." Humakbang ako paatras sa kanya.
Ito na iyon.
Dapat lakasan ko ang loob ko na makalayo na sa kanya.
"Micaela," tawag ni Leon sa akin at pilit akong inaabot. Naguguluhan pa rin siya sa akin.
"Don't leave me hanging like this. Tell me everything para matulungan kita. Hindi ko kaya kapag nawala ka." rinig na rinig ko ang sakit sa boses niya.
Umiling ako sa kanya. Hindi ko na kaya pang magpaliwanag. Hindi ko na rin kakayanin pang humakbang palapit sa kanya. Baka tumakas na lang ako kasama siya.
Tumalikod ako para hawakan ang tali ni Puti at nagsimulang humakbang papalayo sa kanya pero hindi pa man ako tuluyang nakakalayo ay ang mga bisig na niya ang yumakap sa akin, pumipigil na umalis ako.
"Please don't leave me, Mica. Handa akong tulungan ka. Sabihin mo lang sa akin ang problema." aniya. Umiiyak siya. Ramdam na ramdam ko ang pag-angat at baba ng dibdib niya pati na rin ang malalalim niyang paghugot ng hininga.
Pinilit kong kumawala sa pagkakahawak niya. Ayaw man niya ay wala rin siyang nagawa kung hindi pakawalan ako. Pumihit ako paharap sa kanya.
"Huwag mo na akong sundan. Nahihirapan din ako, Leon. Hindi ko gusto ang ginagawa ko pero kailangan kong gawin."
"Then tell me the f*****g problem! Hindi yung sinasarili mo. Magkasama nating haharapin ito--"
"Huwag na tayong magkita pa. Hindi na ito mauulit pa. Ikakasal na ako sa susunod na linggo, Leon. HIndi sa iyo---ibang lalaki ang kasama kong maglalakad sa--"
Hinila niya ako para yakapin lang ulit. "No. Don't do this to me, love. Sabihin mong biro lang ito. Bawiin mo lahat. Ayoko nito. "
Tinulak ko na lang siya ulit , isang malakasang tulak para makalayo na ako sa kanya. Hindi ko na kaya pa. Nasasaktan na akong nakikita siyang nasasaktan.
Hindi ito ang inaasahan kong mangyari. Hindi ganito. Napasalampak siya sa buhangin. Gusto ko mang puntahan siya at tulungan na tumayo ay hindi ko ginawa. Tumalikod ako at tumakbo papalayo doon, kasunod ko si Puti na tumatakbo rin.
"Micaela! Come back here!" sigaw ni Leon.
Hindi.
Hindi ko siya lilingunin pa ulit.
Sumakay ako sa tricycle na nakaabang doon at nagpa diretso sa San Rafael.
Wala akong ideya kung kasunod ko si Leon pero sobrang hirap nito. Sobrang sakit para sa akin na bitawan siya. Mahal na mahal ko siya pero nasaktan ko lang din siya.
Nang masigurado kong nakalayo na ako ay lumingon ako at tanging ang papalayong dagat na lang ang nakita ko. Wala akong nakitang sumusunod sa akin.
Wala.