Chapter 11: Strange Happening
ZERO…
NASA ROOFTOP ako ng ospital kung saan naka-confine si Dean. Nakamasid sa mga pwedeng mangyari, naghihintay sa mga aatake sa lugar na ito. Hindi malabong bumalik sila dito, at muli na naman nilang atakihin si Dean.
Huminga ako ng malalim, I can smell them all. They’re just near, waiting for a right time to attack. Gaya ng ginawa nila kagabi sa loob ng University. Umatake sila sa mga oras na walang kasama si Dean, pero para mangyari iyon someone in their pack controlled Deans mind. Inutusan nila si Dean na pumunta sa University na mag-isa sa alanganing oras.
Ginawa nila iyon dahil sa akin, they want me to come out from my hiding. And they saw the opportunity to pull me out by using Dean. They’re thinking that Dean is my weakness, which they confirm from the last night incident.
“His alive,” ani ng boses sa likuran ko.
Dumating siya na walang nakakapansin kung isa ka lang na normal na nilalang. Ngunit sa mga katulad namin, hindi niya maitatago ang pagdating niya. Hindi sa katulad ko na doble ang lakas ng pakiramdam kumpara sa kanila. I can see, smell and hear them all even I’ll burry myself under the ground.
“Yes he is,” sagot ko na lang.
How can I explain it, kagabi sa nangyari kay Dean nag-panic ako. For the first time in so many century the moment I opened my eyes and become like this, hindi ko alam kung anong gagawin ko. I called Cassius, a vampire I meet that I lost track when we first met. Unlike the other kind of him, hindi niya ako pinagtangkaan na patayin. His a free vampire as he called to himself, no one can order him what he will do.
At kagabi habang magkasama kami at pinapanood ang unti-unting pagkamatay ni Dean, nakita niya kung ano ang iniisip lang ng mga kalaban ko. Dean is really my weakness. I lost my mind when Dean heart’s stop beating, his dead. I lost my composure that I mastered over the hundreds of years being in this world.
“There was something strange about him,” anito.
Naramdaman ko na lang na nasa tabi ko na siya, nakatayo sa mismong tabi ko. Kahit hindi ko siya tignan alam kong nakatingin siya sa akin. Nakatitig nang mabuti sa mukha ko.
Alam ko kung anong gusto niyang sabihin. I saw it too, kitang-kita ng mga mata ko kung papanong nagbago ang lahat kay Dean. Na hanggang ngayon hindi ko mapaniwalaan, na mangyayari sa kanya.
No one touch him, even I didn’t touch him to make him feel good. To ease the pain his bearing from the attack, I never did what I should do to him to survive. Nagawa niya iyon sa sarili niya lang na kakayahan, and from the very beginning alam kong isa siyang mortal. Isang ordinaryong tao lamang na makakasalamuha ko sa mundong ito at lilipas ang panahon iiwanan niya rin ako.
Pero sa nangyari kagabi, hindi ko alam kung papaano ko ito iisipin, papaano ko ito dapat tanggapin.
Dean is really something, which I can’t understand and explain.
At mas nakakapagpalito sa isip ko ngayon ay ang katototohanang alam kong may nagbago sa kanya pero alam ko rin na isa lang siyang mortal.
“I can’t read your mind Zero, you know that. But I can see the future,” anito.
I didn’t answer, ayokong sumagot dahil ayokong marinig ang anomang nakikita niya sa hinaharap. Cassius can see the future, that was a gift for him but for like him it was a curse. Dahil sa kakayahan niya hinahabol siya ng ibang mga ka-uri niya, hindi para maging kasapi ng samahan ng mga ito. Kung hindi para patayin, dahil nakikita nilang isang malaking hadlang ang bampira na may kakaibang kakayahan.
“Zero,” tawag niya sa akin makalipas ang ilang sandaling pananahimik.
“I don’t want to talk about it,” iyon na lang ang sagot ko.
“That man, he has a big role in your life−“
“I said I don’t want to talk about it, Let him be. His not going to be involve in this mess,” inis na sagot ko sa kanya.
I inhaled again, and again, and again. Kailangan kong pakalmahin ang sarili ko kahit na hindi naman talaga kailangan ng Sistema ng katawan ko ang hangin. It was also a thing I should do to see if the group of vampires near us is still here.
Nang masiguro ko na wala na ang banta ng kalaban sa paligid, nagpasya na akong umalis. Pero hindi pa man ako nakakabwelo na makaalis nahawakan na ako ni Cassius.
“You can’t just keep running, Zero.” Anito nang mapigilan niya ako.
I looked him in the eyes, but he immediately close his eyes as soon I looked at him. Alam niya ang kaya kong gawin, I have all the ability that vampires like him needs to feared.
Natawa ako, “natatakot kang ipakita ko sa ‘yo kung ano ang kaya kong gawin.” Sabi ko sa kanya.
Naiisip ko lang naman na pahintuin ang lahat sa kanya, ang gawin yelo ang buo niyang katawan para hindi siya makakilos.
Hindi pa rin nito iminulat ang mga mata nito pero nagsimula na itong magsalita. “You can’t change the fact that you can’t keep running,” anito. “The force that Strigoi build over the century is getting bigger and bigger,” dagdag pa nito.
Strigoi an old clan of vampire I met thru out the years of my existence. The clan of vampires that always chases me wherever I go. I don’t know what their reason, but I know their goal. And that is to take me down at any cost.
I still don’t know what is the reason of my existence, ilang daang taon na ba ang dumaan. Ilang tao na ang dumaan sa buhay ko, ilang lugar na ang pinagtaguan ko. Ilang libong libro na ba ang nabasa ko, ilang paaralan na baa ng napasukan ko para aralin ang kalagayan ko. Pero hanggang ngayon hindi ko pa alam kung ano baa ng totoong dahilan bakit ako nabubuhay sa mundong ibaba.
Kung buhay bang matatawag ang ginagawa ko ngayon. I’m existing in this world but I don’t feel like I’m living one of them. I’m always in the dark, in the shadow where people doesn’t know I’m existing together with them.
“They’re planning something, and I can’t see what it is. And if you keep running maybe someday−“
“I. don’t. care.” Madiin kong sagot.
Doon lang siya nagmulat ng mata, na mali na ginawa niya dahil hindi ko pa naman inaalis ang pagkakatitig ko sa kanya. I froze him, but that is just for a seconds. Enough for me to be out in his sight and radar.
I left him, I left the place without a trace. Pero alam ko naman sa sarili ko na hindi ko kayang lumayo nang tuluyan at iwanan na lang basta si Dean.
I don’t know how explain this, but as I know him deeper he become part of me.
Heather!
Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ko ang boses na ‘yon. It was Dean’s voice and his calling Heather.
Heather don’t go. Please come back. Sabi pa niya na alam kong sinusubukan niyang makausap si Heather. Please come back to me.
mariin akong napapikit, ano bang gusto mong mangyari Dean? And who are you really?
…………………………