Twelve: The Others

2011 Words
Chapter 12: The Others HEATHER… NAGBUKAS NA ang University, at nagsimula na naman ang pasok namin. Habang naglalakad ako, parang may kakaiba sa paligid ko. Lahat kasi ng mga estudyante nakatingin sa akin na parang nandidiri sila sa akin. Pero hindi na bago sa akin ang lahat, pero dahil sa ilang buwan rin na nasa likod si Prof Dean nakaiwas ako sa kanila. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad papasok sa loob ng University namin na hindi sila pinapansin. Pero nang nasa may entrance na ako ng building namin bigla na lang may bumuhos sa akin. Napapikit ako ng mariin habang tinanggap ang tubig na ibinuhos nila sa akin/ “Manananggal!” sigaw pa ng mga kabataan sa paligid ko. Pagmulat ng mga mata ko, nakita ko silang galit na galit na nakatitig sa akin. May mga sinasabi sila, ang ilan doon sinasabi na mamatay tao ako. Manananggal, bampira, halimaw. Nang tignan ko ang sarili ko, naliligo ako sa dugo, sa amoy nito alam ko dugo ng baboy ang nasa katawan ko. Hindi maganda ito, unti-unting pumapasok sa himaymay ng kalamnan ko ang amoy ng dugo na nasa katawan ko. Napatingin ako sa paligid ko, alam ko kung hindi pa ako aalis sa lugar na ito hindi ko na mako-kontrol ang sarili ko. Kilala ko ang sarili ko, alam ko kung ano ang magagawa ko kung mawawala ako sa matinong pag-iisip. Pero bago pa man ako magkagawa ng kakaiba sa harapan ng mga spoiled brat na mga ito. Isang pares ng malalakas na kamay ang humawak sa balikat ko. May ibinalabal rin siyang jacket sa katawan ko, I know that smell. “Hey! This is foul, kawawa naman ang dalagang ito.” Sabi pa ng lalaki na may hawak sa akin. Nang tignan ko siya, nakangiti ito sa mga tao sa paligid namin. But I knew better, alam kong hindi simpleng ngiti ang ginagawa niya sa mga taong nakatingin sa kanya. “Can everyone in here say sorry to this poor girl?” sabi pa niya at mas pinalawak ang pagkakangiti sa mga taong nakapaligid sa amin. Narinig ko ang iba’t ibang reaction ng mga tao sa paligid namin, karamihan mga babae na alam kong agad na nagkagusto kay Athan. Ang lalaking may hawak sa akin ngayon na nagpapakita ng kakaibang kakayahan niya sa mga taong nasa paligid niya. “Sorry Heather,” sabi ng iba sa paligid namin. Kayang-kaya ni Athan na pasunurin ang mga tao sa paligid niya sa pamamagitan lang ng sampling pagngiti niya sa mga ito. Parang nahi-hipnotismo ang mga ito kaya napapasunod nang walang kahirap-hirap sa ano mang sasabihin ni Athan. Athan is a vampire. But unlike the other vampire I know, hindi siya takot na makita ng mga tao ang totoong pagkatao niya. He can control his appearance, hindi nakikita ng mga pangkaraniwang mga tao ang totoong balat niya. That he’ll shine like a crystal when he’s exposed with sunlight. “Athan, stop smiling.” Bulong ko sa kanya na kami lang ang nakakarinig. He didn’t speak, but I know his looking at me. And he had this mischievous smile on his face while looking at me. “Ang aga-aga may mga ganitong eksena na dito, akala ko ba peaceful ang school na ito? Pero bakit may mga bully rin pala dito?” ani ng isang babae mula sa likuran namin. And there I saw two more vampire approaching, matatawa ba ako? Bakit biglang nagsi-sulputan ang mga ito sa tahimik kong mundo. Kung tahimik nga bang matatawag ang mundo ko ngayon. Victoria and Cassius. The brother and sister vampire. Iyon ang pakilala nila sa lahat, maging sa akin iyon ang sinasabi nila at iyon ang ipinapakita nila kahit daang taon ko na silang kakilala. “Long time no see Heather,” bati pa sa akin ni Victoria. Aakbayan niya sa ako pero agad siyang umiwas, nakatingin siya sa akin na parang nandidiri. “Ew! Yuck,” anito na inilapit ang mukha sa akin. In split of a millisecond she lick my face, pero walang nakapansin ng ginawa niya kung hindi kaming dalawa lang. “You stink Heather, ganito baa ng ginagawa nila sa ‘yo dito? Cousin!” anito na nilakasan pa talaga ang boses. Hindi ako nagsalita at nakatingin lang sa kanila na kung pwede lang sana ay ibalibag ko na sila palayo sa akin. But in the other hand, it is nice that they come here. Napigilan ang mga naiisip kong gagawin ko sa mga spoiled brat na mga ito. “What is this commotion?” nanigas ako sa kinatatayuan ko. I heard Victoria and Athan chuckle, while Cassius took a deep sight. Biglang dumating si Prof Dean, ngayon nga ay nakatayo na siya sa tabi ko at nakatingin sa mga estudyanteng kanina lang ay kung ano-ano ang mga pinagtatawag sa akin. Maging sa nagbuhos sa akin na nasa second floor pa ng building at nakatungong nakatingin sa amin. “Everyone in here will go to the student council office, and write a full length explanation about this incident!” matapang na utos ni Prof Dean sa mga nandito. Biglang nagsipulasan ang mga estudyante na kanina lang ay nakakalat sa paligid namin. “Are you okay Heather?” nag-aalalang tanong sa akin ni Prof. Tatango na sana ako ng unahan naman ako ni Athan na sumagot. “She’ll going to be good prof, from now on I’ll going to take care of her,” ani Athan. And to my surprise bigla na lang akong hinila ni Athan na nakaakbay pa talaga sa akin habang hatak-hatak niya ako palayo sa lugar na ito. Nakasunod naman sa amin sina Cassius at Victoria. Nilingon ko si Prof na nakatayo lang doon sa pinag-iwanan namin sa kanya. Nakatanaw siya sa amin at sa pagkakatitig nito sa amin halatang-halata na ayaw nito ang mga nangyayari. Kung makatitig kasi si Prof parang kakatayin na niya ang mga kasama ko, lalo na si Athan na prenteng naka-akbay pa talaga sa akin. …………………….. ISANG MALAKAS NA siko ang ginawa ko sa sikmura ni Athan nang makalayo na kami sa lahat ng mga tao na pwedeng makakita sa amin. “Aw!” sabi lang ni Athan but his emotion is blank. Hindi naman talaga siya nasaktan sa ginawa ko, we’re all numb. Wala kaming pakiramdam, wala kaming nararamdamang sakit. “Seriously! Hinahayaan mo silang gawin ito sa ‘yo?” tanong sa akin ni Victoria. Hindi ko siya sinagot, basta naglakad ako palayo sa kanila, at nang masiguro kong wala nang nakatingin sa amin I jump over the highest building in here. Then jump to another and another hanggang sa makarating ako sa tinutuluyan ko. “Nang-iiwan ka pa,” sabi ni Victoria. Napailing na lang ako hanggang sa makapasok na ako sa loob, I immediately went inside my bathroom. I took a shower, kailangan kong alisin na ang nakadikit na dugo ng baboy sa katawan ko. I’m starting to be thirsty, kahit na kakainom ko lang naman ng dugo kailan lang. “Zero, ano ba namang klaseng bahay ito!” narinig ko na naman na reklamo ni Victoria. I didn’t bother to answer them, mamaya ko sila kakausapin. Kapag kumalma na ako, dahil sa mga oras na ito baka hindi ko sila matantya at maging sila maging biktima ko pa. I took shower for three house, nagbabad ako sa tubig para mabura lahat ng amoy sa katawan ko. Para na rin kumalma ang buong kalamnan ko. Of all the prank they throw with me, bakit kailangan na dugo pa ang ipangpaligo nila sa akin ngayong araw. Bakit kailangan nilang mag-end up sa ganitong ideya, na sasabihin nilang mamatay tao ako, mananaggal at bampira. Hindi ko masyadong napagtuunan ng pansin ang mga sinabi nila kanina sa akin. Dala na rin nang nagsisimula na akong mawala sa sarili ko kanina. Kaya ngayon ko lang naisip ang mga paratang nila sa akin, may kailangan akong malaman. Mabilis kong tinapos ang papalit ko ng damit at inabutan ko ang tatlo na nakaupo lang at nagtititigan sa may sala ng apartment ko. Mabilis akong nakalapit kay Cassius at hinawakan siya sa ulo. Sa ginawa ko mabilis din ang pag-atake sa akin ni Victoria para pigilan ako sa kung ano mang gagawin ko. Na sa tingin yata ni Victoria at papatayin ko ang kapatid niya. “Stop!” ani Cassius kay Victoria. Nakahanda na ako para mag-counter attack kay Victoria nang magsalita si Cassius at pigilan ang pag-atake ni Victoria sa akin. “You’ll get killed,” sabi pa ni Cassius sa kapatid nito. Wala akong pakialam sa kanila, kahit pa sabihin na ilang daang taon ko na silang nakakasama na paikot-ikot sa mundong ito. I close my eyes and try to see what I wanted to see. Cassius can see the future, pero hindi ang hinaharap ang kailangan ko. By holding Cassius head I can penetrate in his mind, and see what ever I wanted to see. Information that I needed, just like the things that I’m seeing right now. May ilang mga estudyante ang nagkakalat na isa akong bampira, that they have seen me at the crime scene where six of the student died at the event held in our university that happened days ago. They even showing some photos and video of what happened. Nakita ko na ipinakita rin ng mga estudyante sa mga pulis ang litrato na mayroon sila pero hindi ang video. Hindi ko makita sa isip ni Cassius ang video na sinasabi ng mga estudyante. Pero alam kong Malabo ang mga kuha noon at hindi nakita kung sino ang mga umatake sa mga estudyante ng gabing iyon. “Nonsense,” sabi ko na lang nang matapos kong makuha ang mga kailangan kong malaman mula kay Cassius. “Nonsense but those mortal knew about you,” sabi Athan. “Hindi nila mapapatunayan na ako nga talaga ang babaeng iyon. It was Zero who they saw, not Heather.” Sagot ko sa kaniya. They can understand tagalog, sa tagal ba naman naming nabubuhay sa mundong ito hindi pa naming mabibihasa ang iba’t ibang lengwahe sa mundo. “Pero hindi na ligtas si Heather sa mundong ito. Strigoi is coming to get you, lalo pa ngayon na alam na nila kung ano ang gamit mong katauhan ngayon,” ani Cassius sa akin. Hinarap ko silang tatlo, “kaya ba nandito kayo ngayon?” “Hindi sa nag-aalala kami sa ‘yo, it was because of Cassius vision. And that was you,” ani Victoria. Tumingin ako kay Cassius, kailan lang naman kami nagka-usap na dalawa. Bakit wala siyang sinabi sa akin? Pero agad ko din namang binawe, ayoko nga pa lang malaman kung ano ang gusto niyang sabihin noon. “Kaya ba nagsama ka ng reinforcement mo?” sabi ko na lang kay Cassius. “Nope, I will not tell you what my vision is. Hindi ka rin namin pipigilan sa ano mang gusto mong gawin. Pero hindi kami aalis sa tabi mo,” ani Cassius. Nanahimik kaming lahat, walang kumikilos sa amin ni ang huminga man lang hindi namin ginagawa. “Your Professor is really something,” biglang pagsasalita ni Athan. “His looks like a dagger, sharper than the sharpest sword in the world. I think I hit the target,” dagdag pa nito. “He’s just a mortal, a human. Let him slide with this, hindi siya pwedeng madamay sa gulong ito.” Sagot ko naman. “Okay, then I’ll be your boyfriend from now on.” Sagot ni Athan na ikinagulat ko. “In this, mailalayo mo siya sa ‘yo at sa sinasabi mong gulo.” Hindi na ako nagsalita pa kahit na gusto kong tumutol sa mga pinagsasabi niya sa akin. Iniwanan ko na sila, kailangan ko nang bumalik sa University para humabol sa klase ko. ………………………………………  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD