Chapter 10: Curious Dean
DEAN…
IF CURIOSITY can kill, baka bumulagta na ako ngayon dito. I don’t know why I’m doing this silly thing in my life. Pwede namang maging isang normal na nilalang na lang ako sa mundo na nagta-trabaho ngayon sa loob ng ospital. Pero heto nga ako ngayon sa loob ng University namin, sa dis-oras nang gabi habang wala ng katao-tao sa paligid.
Our university is still closed, still under investigation of the police. May mga yellow tape pa rin sa paligid, saying that no one should be here at this moment. Pero ako nasa loob at mag-isang nag-iikot-ikot.
Papaano ko nasabi nab aka mamatay ako sa curiosity ko? Iyon ay nagpunta akong mag-isa sa lugar na ito, at walang kahit na anong dala para proteksyunan ang sarili ko. Tapos papaano kung bumalik nga ang mga gumawa o pumatay sa mga estudyante namin ng mga oras na ito. Mamamatay ako na walang kalaban-laban sa mga iyon, dahil lang sa curious ako sa mga nangyari.
“Baliw ka na Dean,” kausap ko sa sarili ko.
Wala man lang akong gamit na flash light man lang para makakita ng maayos sa madilim na lugar na ito. But it’s fine with me, naisip ko rin naman na hindi ko kailangan ng ilaw. Mas magandang ganitong walang makakapansin sa akin na nandito ako sa loob ng University ng ganitong oras.
Naglagi ako sa mismong crime scene, pero kahit yata mag-stay ako ng ilang oras sa lugar na ito walang kahit na sinong pupunta dito.
“Tanga ka na rin,” sabi ko pa sa sarili ko.
Sino nga namang siraulo ang gumawa ng krimen ang babalik sa pinangyarihan ng krimen. Ako lang yata ang tanga na nag-iisip ng gano’n.
Pero may rason ako, iyon ay ang alamin ang mga nangyari sa lugar na ito. Ang sinabi sa akin ng isang professor na tungkol sa bampira. At ang mga lalaking nakita ko sa labas ng University, na may pulang mga mata.
Are they related in this crime? Alam ko parang daig ko na ang imbestigador nito.
Napabuntong hininga ako ng wala sa oras, inilibot ko ang paningin ko sa buong paligid. Walang kahit na anong nangyayari. Ni hangin nga wala akong maramdaman sa paligid ko. Nag-aksaya ako ng oras sa totoo lang, na dapat busy ako sa loob ng ospital ng mga sandaling ito.
Hating gabi na, pero wala naman akong nakitang kakaiba sa lugar na ito. Kaya nagpasya na akong umalis na lang, wala rin naman akong mapapala.
Pero sa paglalakad ko may nakabangga ako na isang taong nagmamadali ring makaalis sa lugar na ito.
“Prof?!”
“Heather?”
Sabay naming naibulalas sa bawat isa. Even without a light alam kong si Heather ang nakabanggaan ko na nagmamadaling makalabas ng University.
“Anong ginagawa mo dito ng ganitong oras?” takang tanong ko sa kanya.
Ngayon ko lang naalala, ito ang unang pagkakataon na nagkita kami matapos ang insidente ng gabi na iyon. Iyong event sa University na naging dahilan ng pagkamatay ng mga estudyante namin.
“Ano Prof, sa gabi lang walang bantay. Ayaw nila akong papasukin sa loob kasi bawal daw po. Kailangan ko ang ibang mga gamit ko na hindi ko nakuha noong may nangyaring ‘di maganda dito.” Sagot niya sa akin.
Ako naman patangu-tango na lang, wala nang maisip na sabihin sa kanya. Honestly parang may kakaiba sa mga oras na ito, hindi ko alam bakit o ano? Basta may kakaiba akong nararamdaman ngayon at hindi ko maipaliwanag.
Something is building up inside me, mainit na hindi ko maintindihan.
“s**t!” narinig kong bulalas ni Heather.
Hindi ko na masyadong naintindihan ang mga sumunod na nangyari, para kasing nanlabo ang paningin ko. Tapos nanghina ang mga tuhod ko, sobrang init ang nararamdaman ko sa loob ng katawan ko.
Huling naalala ko na lang ay nakaakbay na ako ng Heather at naglalakad na kami palabas ng University.
………………………………………..
NAGISING ako na parang tuyong-tuyo ang lalamunan ko, na parang natuyuan ako ng lahat ng tubig sa katawan ko. Not only that, pati dugo ko yata nawala sa buong katawan ko.
Ang pakiramdam ko masakit pa rin ang buong katawan ko, mainit ang loob na parang kumukulo ang dugo ko. Literal.
Imumulat ko sana ang mga mata ko pero hindi ko magawa, parang nakadikit ang mga talukap ng mga mata ko.
“Tubig!” sabi ko sa namamaos kong boses.
Buti nga may boses pa akong lumabas sa lalamunan ko, o baka naman guni-guni ko lang ang pagsasalita ko. Hindi ko na rin kasi alam kung totoong nagsalita ba ako o sa panaginip ko na lang ako nakakapagsalita.
Hindi ko man maimulat ang mga mata ko alam ko na may kasama ako sa paligid ko. Nararamdaman ko ang mga taong kumikilos sa paligid ko. Nasa ospital kaya ako? Pero hindi ko naaamoy ang karaniwang amoy sa ospital− antiseptics.
“Dean,” tawag sa akin ng isang boses na ngayon ko lang yata narinig.
Pero parang pamilyar sa akin ang boses na iyon. Parang hindi nga ito ang unang beses na narinig ko ang boses na iyon. Ang gulo ng takbo ng isip ko, hindi ko na alam kung papunta na ba saan ang utak ko.
Then all of a sudden, I felt numb. As in wala akong maramdaman, alam kong gising ang diwa ko pero hindi ko na maramdaman ang katawan ko.
“His dead,” narinig ko na naman ang boses na tumawag sa akin.
Sinong patay? Ako ba? papaanong namatay ako? Wala naman akong matandaan na dahilan para ikamatay ko, bukod sa pakiramdam ko kanina na parang ang init ng buong katawan ko.
“No, his not!”
Teka kilala ko ang boses na iyon, kilalang-kilala ko kahit na minsan ko lang narinig ang boses na iyon. Hinding-hindi ko makakalimutan ang boses na iyon kahit na anong mangyari.
The girl with a glowing skin and a red eyes.
Siya iyon, hindi ako maaaring makamali ng hinala. Siya ang kasama ko sa mga oras na ito, pero sino ang kasama namin na isa pa? si Heather? Nasaan si Heather.
Nang maalala ko si Heather I felt my heart throbbing. It was erotically beating fast while remembering Heather. Na sa sobrang bilis ng t***k ng puso ko pakiramdam ko na talagang sasabog ang puso ko.
Bumalik ang pakiramdam ko sa buong katawan ko. Kaya naramdaman ko ang pag-angat ng katawan ko mula sa kinahihigaan ko. The movement at the surrounding is so surreal, para akong nakalutang sa ere.
Then I opened my eyes, nakakasilaw na liwanag ng ilaw ang bumungad sa akin pagmulat na pagmulat ko pa lang ng mga mata ko. Hinahabol ko rin ang hininga ko na parang tumakbo ako ng milya-milya at sobrang pagod na pagod ako.
“Heather!” nagawa ko pang isigaw ang pangalan ni Heather sa pagmulat ng mga mata ko.
My eye sight, I can’t focus it in one direction. Hindi ko maipaliwanag bakit ganito ang mga nakikita ko. I can see clearly, na sa sobrang linaw ng mga mata ko parang nagiging microscope na sa sobrang linaw.
“Prof!” boses na iyon ni Heather.
Nang lumingon ako sa kaliwa ko, nakita ko siyang naka-upo sa isang tabi at nag-aalalang nakatingin sa akin. Then all of a sudden, naamoy ko na ang alcohol sa paligid ko. Naririnig ko ang mga taong nagkakagulo sa paligid ko. Ang ingay ng iba’t ibang aparato sa paligid ko.
I’m in a hospital right now.
“Anong nangyari?” tanong ko kay Heather.
“You passed out Prof, tapos sabi nila nagka-heart attack ka raw.” Paliwanag ni Heather.
Hindi ko pa rin magawang i-focus ang mga paningin ko. Naka-ilang pikit at tangkang pagkuskus sa mga mata na ang ginawa ko pero hindi pa rin nababago ang paningin ko.
“Nasaan tayo?” tanong ko na naman kay Heather.
“Sa ospital prof,” simpleng sagot niya.
Sinubukan kong tumayo, nakita kong tatayo pa lang si Heather mula sa kinauupuan nito pero ako nakaupo na agad. Wala na ang pakiramdam na masakit sa katawan ko, ang mainit na parang kumukulo ang dugo ko. Biglang naging maayos ang pakiramdam ko ng hindi ko maipaliwanag kung papaano.
Napalingon ako, I can hear footsteps approaching, kilala ko na agad ang mga yabang at ang amoy na humalo sa hangin.
“Tinawagan mo ang mga magulang ko?” tanong ko kay Heather.
Umiling ito, “siguro iyong mga staff dito sa ospital Prof.” aniya.
Sa pagbukas ng kurtina, pumasok ang mga magulang ko na nag-aalalang nakatingin sa akin.
“Ano na naman ang pinasok mo Dean?” sermon agad ni Mommy sa akin.
Nagkagulo na sa cubicle sa emergency room kung nasaan ako. My mother didn’t stop nagging, kung ano-ano na ang sinesermon niya sa akin. Natatawa na lang ako, hindi ko alam papaano nila nalaman na nanggaling ako sa University sa dis-oras na gabi.
Napalingon ako sa paligid ko hindi ko na nakita si Heather. Bigla na namang bumilis ang t***k ng puso ko nang hindi ko siya nakita.
“Umalis na ang nagdala sa ‘yo dito, esduyante mo pa yata iyon. Anong ginagawa ninyo sa University ng madaling araw?” sermon na naman ni Mommy sa akin.
Hindi ko pinansin si Mommy, I can’t think good right now. Hinahanap ng Sistema ko si Heather. I need to see her, kailangan na nandito siya sa tabi, hindi ako mapakali.
When I inhaled, I smell her scent.
Natigilan ako bigla, ano bang nangyayari sa akin? Bakit ganito ang pakiramdam ko? I can see clearly, I hear even a faint sound around me, then now I can smell her. Only Heather scent. Na hindi ko alam bakit iyong amoy niya lang ang tanging naaamoy ko. Na alam na alam kong siya lang ang may amoy na iyon. Oo nga’t naaamoy ko ang ibang bagay sa paligid ko, but her scent is different from the other.
What did really happened to me in that place?
“Iyang pagiging curious mo sa maraming bagay ang papatay sa ‘yo,” sermon na naman ni Mommy sa akin.
Napatingin ako sa tatay ko na tahimik lang na nasa tabi ni Mommy, nakatitig lang siya sa akin.
Something happened in you, I know that.
Gusto kong panlakihan ng mata ang Daddy ko. But I didn’t do that, baka may mapansin na naman siya sa akin.
But I’m starting to freak out right now, sa narinig ko alam ko boses iyon ng Tatay ko. Pero hindi ko nakitang nagbukas o bumuka man lang ang bibig niya.
Really, something happened to me at hindi ko alam kung ano ang nangyari sa akin. At hindi ko alam kung papaano koi to ipapaliwanag.
My curiosity really be the death of me.