Chapter 8: The Rumor
HEATHER…
ANG INGAY sa cafeteria, iba’t ibang mga grupo ng mga kabataan ang nagkukumpulan. Pero ang lahat biglang natahimik nang pumasok ako sa loob. Lahat sila napatingin sa akin na para bang isa akong palaka at ano mang oras balak na nila akong i-dissect. Kinakabahan ako, ilang araw na akong natahimik na hindi nila akong binu-bully. Baka ngayon sila babawi sa akin ng bonggang-bongga nab aka ikalagot ko na nang hininga ang gagawin nila sa akin.
Pero hanggang sa makaupo ako sa pinkadulong lamesa at upuan na palagi kong inuukupa sa tuwing makakakain ako sa loob ng cafeteria tahimik sila. Wala silang ginagawa sa akin, o ni kausapin ako hindi nila ginawa. Tahimik lang sila na nakatingin sa ‘kin na talagang nag-usap-usap pa yata silang lahat.
Sobrang tahimik talaga, tapos mga nakatingin sila sa akin. Kaya itinaas ko ang isang kamay ko at dahan-dahang ikinaway sa kanilang lahat.
“Ump, hi!” bati ko sa kanilang lahat.
Sa ginawa ko bigla silang nagkanya-kanya ulit ng buhay, parang kanina na maingay silang lahat. Wala na namang pumansin sa akin at nagpatuloy na sila sa pagkain at pagku-kwentuhan.
Humugot na lang ako ng malalim na hininga, tinignan ang pagkain na nasa tray ko at sinimulang laruin. Wala akong gana, pero kailangan kong kumain dahil may buong maghapon pa akong klase ngayon at napakarami kong subject na kailangang gawan ng project.
Kung bakit ba naman kasi walang gustong maging partner ko o ‘di kaya naman ay maging ka-group mate ko. Pero hindi na ito bago, palagi naman akong mag-isa. Kung magkakaroon man ako ng group mate sigurado ako na ako lang din ang kikilos mag-isa. Kaya palaging solo ko ang lahat ng project, solo sa gastos, solo pa sa trabaho.
“Hindi mo ba alam na masamang pinaglalaruan ang pagkain,” ani ng isang boses ng lalaki na bigla na lang sumulpot sa harapan ko.
Pag-angat ng tingin ko nagulat ako na makita si Bob, ang ace player ng basketball team ng university namin. Nakangiti siya at nasa tapat ng lamesa ko, dala niya ang tray ng pagkain niya.
“Mind if I join you? Walang bakante,” sabi pa niya.
Napakunot ang noo ko, tinignan ang buong paligid naming dalawa. Wala mang bakante, pero iyong circle of friends’ niya may bakante ang lamesa. Pwede naman itong makiupo doon, tulad ng palagi nitong ginagawa. Pero bakit siya makikiupo sa lamesa kung nasaan ako? Isang malaking katanungan at palaisipan sa akin.
“Sorry, I don’t want to be rude. But your friends’ are over there, may bakante pa sa lamesa nila. Why choosing joining my companion than them?” deretsa kong tanong sa kanya.
He smile, tapos naupo na siya sa bakanteng upuan sa kaharap kong banguan. Inilapag ang mga gamit niya sa side at ang tray ng pagkain sa lamesa.
“It’s because I like to join you,” anito at nakangiting nagsimulang kumain. Bago siya sumubo kumindat pa siya sa akin.
Siguro kung ibang pagkakataon lang ‘to baka kinilig pa ako sa kindat niyang ‘yan. Ang kaso lang naalala ko ang mga tawa niya sa tuwing nabu-bully ako ng mga ka-university namin. Hindi nga siya nagsisimula sa pambu-bully sa akin, pero isa siya sa mga malalakas ang tawa. Isa siya sa mga walang pakialam sa akin sa tuwing napagti-trip-an ako ng mga kapwa namin mga estudyante.
Hinayaan ko na lang siya, sigurado ako may gustong mangyari ang lalaking ito. Hindi man niya ako i-bully, baka hihingan niya ako ng favor.
“Nabalitaan ko student assistant ka raw ni Prof Dean,” pagsisimula niya ng usapan.
Mas lalo akong nawalan ng ganang kumain. Sinasabi ko na ng aba, may kailangan ito sa akin kaya siya lumapit.
“Ano baa ng kailangan mo talaga? Sabihin mo na baka matulungan kita, hindi mo na kailangan na maging friendly sa akin. At magpanggap na masaya kang kumakain na kasabay ako,” sabi ko sa kanya.
Huminto ito sa pagkain, pero makapal nga yata ang balat nito sa mukha. Ngumiti na naman ito at kumindat sa akin. May problema ba siya sa mata at kindat siya nang kindat sa akin.
“Wala naman, na-realize ko lang na, hindi naman masamang makipagkaibigan sa ‘yo. Wala ka kasing kaibigan dito, napansin ko lang.” sabi pa niya habang titig na titig sa akin.
Umiling ako, “hindi ko naman kasi kailangan ng kaibigan. Lalo na kung plastic lang din naman na pakikipagkaibigan ang habol. Kung gusto mong ipakiusap kita kay Prof Dean sorry hindi ko magagawa. Hindi ko naman pwedeng sabihin kay Prof kung ano ang magiging desisyon niya sa ‘yo.”
Nawala ang ngiti ni Bob, napalitan ng parang galit na expression ang mukha niya bago nagdadabog na tumayo.
“Ang yabang mong magsalita, porke’t matalino ka at close mo si Prof Dean. Ikaw na nga ang nilalapitan ikaw pa ang mapili, kakaiba ka ring pangit ka.” Sabi niya bago niya ako iwanan.
Naiwanan naman akong nakanganga, gulat sa naging reaksiyon ni Bob sa sinabi ko. Pero agad ko rin na hinayaan na lang ang lahat. Hindi ko siya kailangan na intindihin, sanay naman akong walang kaibigan sa lugar na ito.
Tuluyan na akong nawalan ng gana, tumayo na ako at dinala na ang tray na hawak ko para ibalik ang mga ginamit ko. Sakto namang nadaanan ko ang grupo ni Bob, masama akong tinignan ni Bob.
“Dadaan na ang babaeng mababa ang lipad, siguro tama nga ang tsismis. Hindi siya matalino, ginagamit niya ang katawan niya para makapasa.” Sabi ni Bob sa mga kasama nito.
Napailing ako, they can throw any rumors about me. They can call me names, wala akong pakialam sa kanila.
“Oo nga, balita ko binabahay ni Prof Dean ang babae na ‘yan. Kadiri, hindi man lang naghanap ng maganda si Prof, pumatol pa talaga sa isang substandard.” Ani naman ng isa sa mga kasama ni Bob.
Nagpantig ang tenga ko, hindi ko gusto ang naririnig ko. Pero hindi na lang ako nagpahalata at umiwas na lang ako. Alam ko naman kasi ang totoo sa pagitan namin ni Prof Dean.
Nalulungkot lang ako na marinig ang ganitong klase ng issue tungkol sa kanya. Mabait pa naman sa akin si Prof Dean at palagi pa niya akong ipinagtatanggol.
Deretso na lang ako sa labas ng cafeteria nang mailagay ko na ang mga pinagkainan ko sa kitchen counter kung saan inilalagay ang mga pinagkainan.
“Heather,” tawag sa akin ni Prof.
Hindi ko napansin na nakasalubong ko na pala siya, nagulat pa ako na pinigilan niya ako sa paglalakad.
“Is there something wrong? May nam-bully na naman ba sa ‘yo?” nag-aalala siya sa akin habang nagsasalita.
Tumingin ako sa mga tao sa paligid namin, malisyoso nila kami kung tignan.
“Wala naman sir, nagmamadali lang po at marami akong gagawin na project ngayon. Malapit na rin po ang end of semester.” Pagdadahilan ko. Which is half is true, pero ang main reason ko ayokong malaman niya ang mga pinagsasabi ng mga tao tungkol sa amin.
Wala naman kaming ginagawang masama, pero bakit sila ganito sa amin. Idinamay pa nila talaga si Prof na wala namang masamang ginagawa sa kanila.
“Oh, really. You can take the whole week to make all your projects. Ako na muna ang bahala sa research,” anito at pinakawalan na ang kamay Kong kanina pa niya hawak.
“Thank you Prof,” sabi ko na lang.
Tatalikod na sana ako nang pigilan na naman niya ako. Nakita ko siyang dumukot sa bulsa niya. He take out his wallet and get some paper bills from it.
Iniabot niya sa akin ang ilang libong piso. Napatingin ako sa iniaabot niya sa akin tapos sa mukha niya.
“This is your salary for a two weeks work as my student assistant,” sabi niya habang pilit na iniaabot sa akin ang pera.
Napatingin na naman ako sa perang iniaabot niya saka sa mga estudyanteng nasa paligid namin. Iba ang tingin nila sa amin, at nakita ko Pa silang nagbulungan.
“Prof, pwede naman po sa susunod na lang. May pera Pa po ako, sige po aalis na ako.” Hindi ko na siya hinintay na magsalita.
Tumakbo na ako palayo, nakakahiya. Sabi ko na madadamay at madadamay si Prof Dean sa kamalasan ko aa buhay.
Bakit ba ang malas Kong tao. Kahit ano Pa ang gawin ko palagi na lang akong humahantong sa ganito.
Lahat na lang ng tao na mai-involve sa Akin nadadamay sa kamalasan ko sa buhay.
Pero sa lahat ng mga tao na dumaan sa buhay ko. Bakit kay Prof Dean ako mas sobrang nahihirapan? Nahihirapan akong tanggapin na nadadamay siya sa kamalasan ko. At mas nahihirapan akong layuan siya kasi ayoko siyang madamay sa Akin.
Ayoko siyang layuan.
Hindi ko siya kayang layuan.
Nasa labas na ako ng gate ng University. Naglalakad na ako pauwi sa tinutuluyan ko nang parang may kung ano akong naramdaman.
May nakasunod sa Akin. Pero hindi ko na lang pinansin, hindi ako nagpahalata na nararamdaman ko sila.
Anim silang lahat, anim na nilalang na hindi ko ibibilang sa uri ng mga tao.
Ano na naman ang kailangan nila sa Akin?
Kung ano man ang kailangan nila sa Akin. Wala akong pakialam, at wala akong balak na alamin.
Sa pagliko ko sa kanto na alam Kong walang ibang taong dumadaan agad akong naglaho.
……………