Seven: Lihim sa loob ng bag

1633 Words
Chapter 7: Lihim sa loob ng bag DEAN… HINDI ako nakatulog, ni ang pumikit hindi ko nagawa. Iniisip ko ang lahat nang nangyari kaninang madaling araw. Iniisip ko ang babaeng nagpakita sa Akin na may pulang mata. Her face is like a crystal, it’s shines like the most expensive gem in the world. Pero iyong mga mata niya talaga ang nakaagaw ng buong atensyon ko. She’s beautiful, no doubt in that area. Pero ang kislap ng mga mata niya iba, ibang-iba sa lahat ng mga taong kilala ko o mga nakakasalamuha ko. Alam ko rin na hindi contact lens ang mga mata niya. It was a natural red color, a bloody red shade of eyes. Tapos naalala ko ang sinabi niya bago siya nawala sa paningin ko. “Iubit, beloved.” Paulit-ulit kong sinasabi ang mga salitang iyon. Tinandaan ko talaga ang sinabi ng babaeng iyon kagabi, hinanap ko ang ibig sabihin. It is a Romanian word, iubit means beloved. Ako kaya ang sinasabihan niya ng beloved. Wala naman kasing ‘my’ o ‘your my’ ang sinabi niya basta iubit lang ang sinabi niya. Hindi ko tuloy alam kung para na sa akin ang sinabi niya. “Prof, lumulutang ka na naman sa imaginary world mo?” tanong sa akin ni Heather. Magkasama kami dito sa library ng university para kumuha ng mga libro. Pumasok na ako kahit ang sabi ng dean namin sa college na kahit tatlo o isang linggo akong hindi pumasok. Pero wala na akong magawa sa condo ko. Ayoko namang umuwi sa bahay ng mga magulang ko. Isa Pa, magaling na ako. Wala na nga ang sugat ko. Mabilis talagang maghilom ang mga sugat ko mula Pa noong bata ako. Lalo na kapag mga small cuta lang o gasgas mamaya lang wala na ang mga sugat ko. Vacant time naming dalawa, pero mas mahaba ang time na vacant ni Heather. Nauna na ito sa library at nakuha na nito ang halos lahat ng nasa listahan ko. Mga libro na kakailanganin namin sa research na ginagawa namin. Alam ko maraming kulang na mga information sa mga libro na ito. Baka nga nagsasayang lang kami ng oras at lakas dito. Tapos wala naman kaming mapapala sa mga ito. “Nope, inaantok lang ako. Wala pa akong tulog,” pag-amin ko sa kanya. She look at me, nagkatitigan kaming dalawa. Ngayon kulay itim ang mata niya. Hindi na kulay chocolate brown, na nauna Kong nakita. Napansin ko na rin naman na ang kulay ng mata ni Heather na ganito. Kulay itim na itim. Pero parang may kakaiba na naman sa mga Mata niya. “Nagsusuot ka ba ng contact lens? Your eye color changes, most of the time it was brown but there is a time just like today that your eye color is black.” Hindi ko na pinigilan ang sarili ko at sinabi ko na ang nasa isip ko. Mas mahirap naman na mamatay ako sa curiousity dito. Nag-iwas siya nang tingin at inabala ang sarili sa pag-aayos ng mga libro na dadalhin namin. “Heather,” tawag ko sa kanya. “Prof kasi…” anito na nag-aalangan na sumagot. “Never mind, napansin ko lang kasi. Tapos iyan bang salamin mo may grado ba iyan? Napaka-kapal naman kasi ng salamin ang laki pa, halos sinasakop na ang buong mukha mo.” Sabi ko na lang. Ngumiti siya pero iyong ngiti na parang ngiwi naman talaga. “Wala pong grado, pero nakasanayan ko na Prof. Kasi madalas na lumuha ang Mata ko kapag expose sa hangin,” paliwanag nito. That explain why she’s wearing a eyeglasses like that. Baka nga may eye problem si Heather kaya ganito ang mga mata niya pabago-bago ng kulay. Nakakatawa, para akong hindi doctor sa mga pinag-iisip ko. Walamg mga basis ang mga naiisip ko kung medically speaking ang pag-uusapan. Napansin ko na inilalagay na naman niya sa bag niya ang ibang libro na dala niya. “Hihiram na lang ako ng lalagyan sa librarian, Heather. Huwag mo nang ilagay sa bag mo, mabibigatan ka lang.” saway ko sa kanya. Pero hindi ito nakinig at naglagay Pa rin sa bag nito. Hinayaan ko na lang siya, baka sanay na rin na mabigat ang naging dala-dala. Hindi ko na kinuha ang bag niya at may dala rin akong karton ng mga libro. “Prof, isa Pa po akong klase. Susunod na lang po ako sa inyo,” paalam nito sa Akin. I look at her, and her bag. Ako talaga ang nahihirapan sa kanya sa bigat ng bag niya. “Ilagay mo na ang bag mo sa sasakyan. Kunin mo na lang ang kailangan mo d’yan. It really looks too heavy for you,” sabi ko naman. Tinignan nito ang bag na nasa likod nito, “ayos lang po talaga. Hindi naman po mabigat Prof, sanay na ako.” Sa huli hindi ko rin talaga siya napilit na ilagay ang bag niya sa sasakyan ko. Wala na akong klase kaya Malaya na akong umuwi at makapagpahinga. Kahit sandali lang bago dumating si Heather at magsimula kami ulit na magtrabaho. Pero ewan at pinili kong maghintay sa parking lot. “Prof,” ani Heather. Kumakatok ito sa bintana ng sasakyan ko nang makalapit ito sa Akin. I opened the door for her, and she slid down and sit at the passengers side. “Hinintay niyo ako prof?” anito na nakangiti at nakatingin sa Akin. Napakunot noo ako, may iba na naman akong nakikita sa kanya pero inilingan ko na lang ang naiisip ko. Kung ano-ano talaga ang naiisio ko ngayon. Kulang lang ako sa tulog, dapat nga yata umuwi na ako kanina at natulog. Wala Pa naman akong pasok sa ospital kaya pwedeng mamaya na lang ako matulog. “Yes, nag-aalala ako sa ‘yo. Ang bigat-bigat ng bag mo. Malayo ang condo ko at ilang sakay Pa ang gagawin mo nakarating ka Lang doon. Alam Kong binabayaran ko ang serbisyo mo as my student assistant. Pero alam ko rin na ang mga student assistant ay sa loob lang ng school ground.” Bakit ba nagpapaliwanag ako sa kanya. Mas lalong lumawak ang ngiti niya sa Akin. Ito na naman ang mabilis na t***k ng puso ko. Na parang lalabas na sa rib cage ang puso ko sa sobrang lakas ng kabog. “Thank you Prof, sa susunod ilalagay ko na ang bag ko sa likod ng sasakyan ninyo or iwanan ko ba lang sa bahay. Hindi naman na ako masyadong nabu-bully ngayon. Kadalasan naman po kasi mga damit lang po ang laman ng bag ko.” Hindi na ako sumagot sa kanya at nag-drive na lang ako paalis ng university. ………………. WE’RE TOO busy, nakalimutan na namin ang oras. Gabi na pero ang dami Pa namin ginagawa ni Heather. Inutusan ko siya na bumaba at bumili ng makakain namin. Habang hinihintay ko si Heather na bumalik itinuloy ko ang pagbabasa ko. Then I remember may mga libro Pa na hindi ko nakikita. Iyong mga libro sa bag ni Heather na nasa tabi ko lang halos. Hindi naman siguro magagalit si Heather kung bubuksan ko ang bag niya at kukunin ang mga libro doon. At iyon nga ang ginawa ko, I took the books inside her bag. At nang makuha ko na ang mga kailangan ko may napansin ako sa loob ng bag ni Heather. “What is it? A blood bag?” takang tanong ko sa sarili ko. Akmang kukunin ko na ang hinihinala Kong blood bag nang may bigla na lang humawak sa braso ko. And when I look at my side I saw Heather standing too close to me. Siya ang nakahawak sa braso ko at titig na titig sa kamay Kong nasa loob naman ng bag niya. “I think I need to go home now Prof, bukas na lang po ulit. Good night prof,” paalam nitong bigla. Hinablot niya ang bag niya at mabilis na umalis. Ni hindi na ito lumingon sa Akin. Nakatitig ako sa pintuan, kung saan labas si Heather. What just had happened? Bakit hindi ko naramdaman ang pagdating ni Heather. This is not the first time it happens. Pangalawa na ito na hindi ko narinig ang pagdating niya o ang pagbukas at Sara na lang ng Pinto. And what was that? Nagalit ko ba siya dahil pinakialamanan ko ang bag niya. Napatingin ako kamay ko, I feel there’s something in my hand. At nang tignan ko, malapot na kulay pulang likido ang nasa kamay ko. Blood. Walang duda, it was a blood bag. Iyong nakita ko sa loob ng bag ni Heather ay isang bag ng dugo. Ano naman ang dahilan ni Heather at may dugo itong dala? Sumakit bigla ang ulo ko, kaya nagpasya na akong kumain na lang. Nang makita ko ang binjli ni Heather na pagkain naalala ko ang dalaga. Hindi pala ito kumain bago umalis. Masyadong mabilis ang pangyayari, ni hindi nga ako hinayaan ni Heather na magsalita kanina. Basta na lang iyong umalis. Habang kumakain na ako may napansin akong kakaiba sa braso kung saan ako hinawakan kanina ni Heather. And when I look at it, nagulat ako. I have a bruises, bakat ng kamay ang nakikita Kong pasa sa braso ko. “She’s that strong?” takang tanong ko sa sarili ko. “Sino ka bang talaga Heather?” kausap ko sa braso ko na may pasa na parang si Heather mismo ang kinakausap ko. Now I have two women in my mind. First the lady with a red eyes, and second is Heather. Parehas na may kakaibang personality. And that makes me more curious about them. ………………..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD