Chapter 9: The University Night
DEAN…
FOR THE first time hindi ako pumasok sa ospital kahit na may duty ako ngayon. Ang rason ko may University activity ngayon at gusto kong pumunta sa hindi ko malaman na dahilan. Basta gusto kong pumunta at makita kung ano ang gagawin ng mga estudyante namin.
Kung katulad ba ito ng UST na may paskuhan. Pero hindi pa naman pasko, malayo pa nga at February pa lang naman ngayon. This kind of event is new to me, parang pa-Valentines party or something ang ginagawa ng mga ito. Pero hindi naman Valentine day ngayon, tapos na nga kung tutuusin ang Valentine day.
Everyone is busy, may kanya-kanya silang mga booth na ginawa ng mga freshmen para sa lahat. Mukha naman masaya, kahit na ang mga prof at instructor na katulad nakikigulo sa mga estudyante. But not me, nandito lang ako para magmasid, panoorin ang mga kabataan na nagpapagod pero kita ang ligaya sa mukha.
Noong malaman ko na may ganitong event ang University, feeling ko nagsasayang lang oras, pagod at pera ang mga tao dito. Pero sa nakikita ko maganda rin na may ganitong event, pantagal ng stress ng mga estudyante at mga professor na rin.
“Prof Dean, baka gusto niyo po ng pancakes namin. Masarap po, promise!” tawag sa akin ng isang estudyante ko.
Lumapit ako sa kanila, I look at what she’s offering me. Natawa ako, “let’s say bibigyan kita ng minus points sa overall grades mo sa end of semester kapag kinain ko ‘yan papayag ka?”
The food that she’s offering me, for me is kind a disturbing. Totoo namang pancake naman ang inaalok niya sa akin. But the way the packaging is not appealing to me, parang boobs ng babae.
“Si Prof ang KJ, minsan lang naman po.” Sabi pa ng babaeng estudyante ko.
Ngumiti ako bago naglabas ng pera mula sa wallet ko. Binayaran ko ang isang box pero hindi ko kinuha. Hindi ko yata kayang kumain na may gano’n style na appearance, hindi ako santo pero hindi naman ako mahalay na nilalang. I respect women, may nanay ako na dapat kong irespeto na kalahi ni Eba.
Naglakad-lakad ako sa paligid ko, nagtingin-tingin ng mga booth sa paligid. Everything is good to look at, may mga kakaiba talagang idea’s ang mga kabataan ngayon.
Huminto lang ako sa paglilibot nang mapagod na ako, dapat kapag ganito uuwi na lang ako o ‘di kaya nama’y pupunta na lang ako sa ospital. Pero hindi ko magawang umalis sa lugar na ito, hindi ko kayang basta na lang umuwi. Parang may hinahanap pa ako, kahit nga nakaupo na ako hindi tumitigil ang mga mata ko sa paglilibot.
“May hinahanap ka, Prof?” tanong sa akin ng isang estudyante.
If I’m not mistaken, Valentina ang pangalan niya ang cheerleader ng university na ito. She’s not alone, para siyang typical na University girls, the mean girls in this university na maraming alipores na nakasunod.
“Wala naman, I just want to look around and enjoy the view.”
Napataas ang mga kilay ko nang makita kong umupo siya sa kaharap kong upuan.
“Prof, kung hinahanap niyo si Pangit. Nasa pinakadulong booth siya sat ago, kasi palagi namang manghuhula ang peg ng babaeng ‘yon Prof.” anito sabay tayo na. “Good luck Prof, sana makarami kayo,” sabi pa nito at tumawa ng malakas.
Hindi ko gusto ang sinabi niya, hindi naman ako pinanganak kanina para hindi ko maintindihan ang gusto niyang sabihin. Napailing na lang ako, siguro palihim nilang binu-bully si Heather−na naman.
Tumayo na ako, hindi ko gusto ang tabas ng dila ni Valentina pero wala naman akong magagawa. Hindi oras ng klase para pagsabihan ko siya. Pero hindi rin ibig sabihin nito na palalagpasin ko na ang lahat sa kanya. Makatapos lang sa activity na ito ipapatawag ko siya para pagsabihan.
Hindi ko alam bakit ako dinala sa maliit na kubol na sinabi ni Valentina. Pero nandito nga ako sa pinakadulong booth, na mukhang maliit na kubol ng manghuhula tulad ng mga napapanood ko sa pelikula. Tumingin ako sa pinanggalingan ko, wala man lang naliligaw dito sa side na ito. Dulong-dulo nga talaga ang booth na ito at malayo pa sa ibang mga tao.
“Wala namang mawawala sa akin,” sabi ko sa sarili ko bago ako nagpasaya na pumasok na sa loob.
Para lang magulat sa mga nakikita ko, it was astonishing para akong pumasok sa ibang mundo sa nakikita ko.
“Prof?” gulat na tawag sa akin ni Heather.
I didn’t answer her that instance, manghang-mangha akong lumapit sa kanya at naupo sa tabi niya. Hindi ito isang kubol na para sa isang manghuhula tulad ng sinabi ni Valentina. It was like a star gazing stuff, basta parang nasa kalawakan ka habang nasa loob ng kubol ni Heather.
“This was beautiful,” bulalas ko nang makabawi ako ng pagkagulat at pagkamangha sa nakikita ko.
“Welcome to my world, Prof.” ani Heather.
Doon ko lang siya tinignan, nagulat na naman ako na makitang kahit papaano maayos ang get-up niya ngayon. Hindi masakit sa mata ang damit na suot niya, it was a combination of white and black this time. Pero baggie clothes pa rin ang suot niya, nakasuot pa rin siya ng malaking salamin at magulo pa rin ang buhok niya.
“This is awesome Heather, sayang at hindi ka pinupuntahan ng mga schoolmates’ mo dito. This is so natural, pakiramdam ko pa nga ngayon nasa kalawakan ako.” Sabi ko sa kanya.
Napapatingala ako habang nagsasalita, parang gusto ko pa nga na iunat ang mga kamay ko para hawakan ang mga ilaw na nakikita ko. Parang pakiramdam ko bumalik ako sa pagkabata sa mga nakikita ko ngayon.
“Thank you Prof, hindi sa rude ako. Pero pwede po bang lumabas na kayo, hindi ko kayo sisingilin promise. Pero tapos na ang oras ninyo,” ani Heather makalipas ang ilang minutong pananahimik.
Hindi naman ako makapaniwala na tinignan siya, “is this about the rumor?” hindi ko na naiwasan na itanong sa kanya.
Nag-iwas siya ng tingin, madaling malaman ang sagot sa tanong ko sa paraan ng pag-iwas niya ng tingin sa akin.
“Alam mo sa sarili mo na wala tayong ginagawang masama. Kaya ba hindi ka na nagpupunta sa condo para gawin ang trabaho mo?”
Halos isang linggo na nang huling nagpakita sa condo ko si Heather para gawin ang trabaho niya na kasama kong ginagawang research. Narinig ko ang mga tsismis tungkol sa akin na pumapatol raw ako sa isang estudyante. At sa isang pangit pa nga raw na estudyante ako pumatol.
Pinatawag na rin ako ng dean ng college namin para magpaliwanag sa mga kumakalat na balita. Hindi ko lang alam kung maging si Heather ay pinatawag na rin ng dean.
“Hindi naman sa gano’n prof, tama naman po kayo. Alam ko na wala tayong ginagawang masama pero, alam ko rin at aware ako kung bakit may ganitong issue. Sabi ko naman sa inyo noon, madadamay lang kayo sa kapalaran ko. Sanay na akong palaging nabu-bully, na ako na lang palagi ang nakikita ng mga estudyante dito. Pero ang idamay ka,” hindi nito tinuloy ang sasabihin nito.
Naiintindihan ko siya, ang hindi ko makuha-kuha talaga ay kung bakit kaya siya na lang palagi ang nakikita ng mga tao sa paligid niya.
“Makinig ka−“
Napatanga na lang ako ng mabilis na tumayo si Heather, nakatingala ko siyang tinignan. Naguguluhan ako sa kanya, bigla siyang naging seryoso na para pa ngang balisa siya.
“Prof, umuwi na lang po kayo ngayon. Magpahinga kayo,” sabi ni Heather na hindi ako tinitignan.
Tumayo na rin ako, hindi ko kailangan na magpadala sa mga tsismis na kumakalat tungkol sa aming dalawa. Naipaliwanag kong mabuti sa dean ang totoong nangyayari sa pagitan namin ni Heather. And I know naniniwala sa akin ang dean, kaya wala akong dapat na ikatakot sa kung anong sasabihin ng iba sa amin ni Heather.
“Look Heather, hindi mo−“
Natigilan ako ng may malakas na sigawan mula sa labas ng kubol ni Heather. Sabay kaming lumabas ni Heather para tignan ang nangyayari. Ang kanina lang na masayang event ng school nauwi na sa isang magulo at nagsisigawang mga estudyante.
“Anong nangyayari?” gulat na tanong ko.
Tatakbohin ko na sana ang talaksa ng mga taong nagpupulasan ng pigilan ako ni Heather sa braso ko.
Hindi ko alam pero nang magkatitigan kami parang may humihila sa paa ko na tumakbo na rin palayo sa lugar. Parang may nagsasabi sa akin na umalis na ako ng University ng mga oras na ito pero pinanglalabanan ko.
“Uuwi ka na,” narinig kong sinabi ni Heather.
Natagpuan ko na lang ang sarili ko na tumakbo papunta sa parking lot ng University, nakasakay na sa sasakyan ko palayo sa lugar na iyon na may nagkakagulong mga tao.
KINAUMAGAHAN balitang-balita ang nangyari sa University namin, na may mga namatay na estudyante sa loob ng campus. Natagpuan ang mga kabataan sa likod ng building ng medical college. Wakwak ang lalamunan, labas ang lamang loob ng mga ito.
Anim na estudyante ang nakita sa likod ng building na wala nang buhay.
Hanggang ngayon wala pang lead kung ano o sino ang gumawa ng bagay na iyon.
Pansamantalang isasara ang University namin para sa magaganap na imbestigasyon. Naungkat pa ang nangyari sa ibang estudyante ng University noong nakaraan. Inihahalintulad kasi ng mga imbestigador ang nangyari sa mga kabataan noon na namatay sa mga bagong biktima ngayon. Parehas ng paraan ng pagpatay sa mga kabataan na natagpuan sa loob ng University at sa mga kabataan na dinala sa ospital kung saan ako nagta-trabaho.
Sa pagsasara ng University naman mas lalong magiging malalim ang pag-iimbestiga na gagawin. Lahat ng anggulo ay titignan para malaman kung ano ba talaga ang dahilan ng pagpatay.
Wala rin namang mga estudyanteng papasok dala ng takot sa nangyari. Pero may mangilan-ngilan pa rin na estudyante ang nakikita sa loob ng University. Siguro mga estudyante na naka-dorm sa loob ng University o may mga babalikan lang sa loob ng University ang makikita dito.
Pero ako nasa loob ako ngayon ng University, para kunin ang mga kailangan kong gamit at ilang mga libro na kakailanganin ko sa research na ginagawa ko. Pauwi na ako ng mapadaan ako sa mga pulis na nag-iimbestiga sa pangyayari kagabi.
May kausap silang ilang estudyante nang madaanan ko sila.
“May nakita kaming isang babae na naka-white and black na damit na mabilis na tumatakbo.” Ani ng isang estudyante.
“Para siyang halimaw,” sabi pa ng isa.
“Ang mga mata po pula,” ani rin ng isa pa.
Napahinto ako sa sinabi nilang kulay pula ang kulay ng mata ng babaeng nakita nila kagabi.
“May litrato po ako,” sabi ng lalaking estudyante sa Pulis.
Doon mas lalo akong lumapit para tignan kung ano ang sinasabi ng bata. Pero bigo ako nang itago ng pulis ang cellphone na iniabot ng estudyante dito.
“Sumama na lang kayo sa presinto para magbigay ng statement. Huwag kayong mag-alala pauuwiin din naming kayo kapag natapos na kayong magbigay ng statements,” sabi ng pulis.
Hanggang sa makaalis ang mga ito at hindi ko na matanaw, nakatayo lang ako dito. Nag-iisip kung ano ba talaga ang mga nangyayari.
“Umatake ang mga bampira kagabi,” ani ng isang professor na nasa likod ko na pala, hindi ko man lang namalayan.
“Umatake sila dahil sa kanya,” dagdag pa niya.
Kakausapin ko pa sana siya kaso tinalikuran na niya ako at mabilis siyang umalis.
Hindi ko kilala ang professor na iyon, pero alam kong professor siya dala ng uniform na suot niya.
Anong pinagsasabi niyang bampira, sa panahon ngayon may bampira pa ba? oo nga ang research ko ay ang pagpapatunay ng eternal life pero hindi ko yata kayang paniwalaan ang sinabi niya. Pero sa mga nangyayari sa ngayon hindi ko rin isasarado ang posibilidad na maaring tama siya.
Papalabas na ako ng university ng may mapansin akong grupo ng mga kalalakihan ang balot na balot na nakatambay sa labas ng gate. Sa panahon ngayon na papainit na ang panahon hindi yata swak na magdamit sila na parang ginaw na ginaw sila. Wala naman akong pakialam sa kanila kung gano’n ang gusto nilang isuot. Ang kaso lang natawag ang atensyon ko ng madaanan ko sila at magkatitigan ko ang isa sa kanila.
Pula ang mga mata nito. Kasing pula ng mata ng misteryosang babae na humarang sa akin mga ilang gabi na ang nakakaraan. Alam kong tinted ang sasakyan ko, pero sa paraan ng pagkakatitig sa akin ng lalaki, para pakiramdam ko nakikita niya ako at alam niyang nakatitig rin ako sa kanya.
Binilisan ko na lang ang pagpapatakbo nang makalayo na ako sa lugar ito.