Chapter 3: Heather Albescu
DEAN…
“DOC!”
Napahinto ako sa hallway ng ospital ng marinig ko ang boses na tumatawag sa akin. Nang lingunin ko kung saan nanggaling ang boses nakita ko si Freddie, isang nurse namin dito. Tumatakbo ito palapit sa akin na parang may maihahabol pa na gagawin ko.
Tinignan ko ang wrist watch ko, male-late ako kung may pasyente akong kailangan tignan.
“Naiwan niyo po ang bag ninyo,” sabi nito na hinihingal pa.
Napatingin ako sa dala niya at sa likod ko. Parang gusto kong tuktukan ang sarili ko. Sa lahat pa talaga ng makakalimutan ko iyong bag ko pa talaga kung saan nakalagay ang lahat ng kailangan ko para sa klase ko.
“Salamat,” nahihiya kong sagot kay Freddie.
“Wala po ‘yon doc,” anito bago tumalikod at bumalik na sa nurse station.
Ako naman nagpatuloy na sa paglabas ng hospital. After my whole night duty at the Emergency room, kailangan ko naman pumasok bilang college professor. Hindi ko naman kailangan na magturo. It’s just that one of my dear professor ask me if I can be a professor in their college. Ang hirap tanggihan kaya ito ako ngayon nagkukumahog nang pumasok sa bago Kong tanggap na trabaho.
As I set foot at the college for my second day. Sinalubong ako ng kakaibang tawanan ng mga estudyante. Tawanan na masasabi Kong tawa na parang they’re mocking with someone.
And there I saw the girl from yesterday’s incident. Iyong estudyante na nasalubong ko nababalutan ng itim na tubig na mabaho. This time, she look like someone throw a white powder to her. Pinapagpagan na nga nito ang damit nitong namumuti na nang dahil sa putting pulbos.
“Hey! What is happening in here?” tanong ko sa mga kabataan.
Pero walang sumagot at nagsimulasan ang lahat. Naiwan lang ang babaeng, sadly to say— na-bully ng mga kaaalis lang na mga estudyante.
Nilapitan ko siya, “bakit pumapayag kang i-bully ng mga ito?”
Nalayuko lang siya at patuloy sa pag-aalis ng pulbos sa damit, at buhok nito.
“Naririnig mo ba ako?” tanong ko sa kanya nang hindi niya yata ako narinig.
Noon lang nag-angat ng tingin ang dalaga. Nalasuot siya ng salamin na may makapal at malaking frame. Her hair is a bit, no let me rephrase it, her hair is like a birds nest not because of the powder poured into her. Pero magulo ang buhok niha mukhang isang taong nang hindi nasuklay.
The clothes she’s wearing, parang nahukay Pa niya sa baul ng matanda. Baggie clothes with not so good in the eyes color combinations. Masakit sa mata ang orange at neon color na color combinations.
But besides of that, she had this pair of eyes that can capture your soul. Maganda ang Mata niya na hindi mo makikita kung ang salamin niya ang una mong makikita.
She have a chocolate shade of eyes. Na bumagay sa hugis ng mata nito na katamtaman lang bukas hindi singkit at hindi naman malaki ang mata.
“Good morning prof,” bati nito sa Akin.
Napailing ako nang magsimula na itong maglakad at lagpasan ako. Balak ko siyang sundan at kausapin, pero naalala ko nandito nga pala ako para magturo. At late na ako sa unang klase ko para sa umagang ito.
So instead of following that girl I headed to my class.
………
PANAY ang hikab ko habang maglalakad ako papunta ng cafeteria. May isa Pa akong klase for this day. Then after one o’clock in the afternoon I’m free to go and take my rest. Mamayang eight nang gabi naman ang start ng duty ko sa hospital.
I have a hectic schedule for my every-day living. Ni hindi ko na nakikita ang mga kapamilya ko sa sobrang busy ko sa trabaho.
“Ano po ang sa inyo prof?” Tanong ng in-charge sa cafeteria.
I look at the ready to served food at the pantry. Wala akong gustong kainin. “Just a coffee,” sabi ko na lang.
When was the last time I had a good meal. A decent meal kung tawagin. Hindi ko na maalala sa totoo lang. I always skip meals, kung kakain naman ako kaunti lang at palagi akong on call.
Naupo na ako sa sulok ng cafeteria. I still have one hour to start my last class for today. I think I’ll just the books that the school gave to me for me to teach some aspiring student.
Kaso lang hindi ako makapag-concentrate. Magulo at maingay sa cafeteria. Ang daming kumpulan ng mga estudyante sa iba’t ibang course. Kung magkwentuhan ang mga ito akala mo mga isang taon na hindi nagkita-kita.
Pero iba ang ingay nila makalipas ang isang minuto. Lalo nang makarinig ako nang parang may nahulog na tray at nabasag na pinggan.
When I look around I saw her again. Ngayon naman nakadapa siya sa sahig, at nagsisimula nanh bumangon.
“Anong ginagawa mo d’yan? Nanghuhuli ka ba ng palaka?” malakas na bulalas ng isang babaeng estudyante.
The girl that they always bullying is now on her knees and picking up the tray and the stuff that is all scattered at the floor.
“Sorry, hindj ko nakita.” Narinig ko na bulong niya.
Napailing ako, ano ba ang nagawa ng babaeng ito at kinakawawa talaga siya ng buong school na ito.
Nagpasya akong tumayo at lapitan sila. Lumuhod ako at tinulungan itong pulutin ang mga nakakalat na pinggan at pagkain sa sahig.
“Naku Prof, huwag na po,” awat niya sa Akin.
Para siyang takot na takot habang nagsasalita. Tumayo naman ako at hinarap ang mga estudyante sa paligid namin na hindi makapaniwala sa ginagawa ko.
“All of you, minsan ko pang makitang i-bully ninyo ang babaeng ito malalagot kayong lahat sa akin. Act in your age people, hindi na kayo mga toddler. Para umasta na parang bata.” Babala ko sa kanila.
Noong una mga natahimik silang lahat. Pero sandali lang ang katahimikan. Balik din agad sa maingay at magulong lugar ang cafeteria. Parang walang nangyari na nagpatuloy ang buhay ng mga tao sa paligid.
Napailing ako, wala nang pag-asa ang mga ito. Mga spoild brat sa tingin ko ang mga ito.
“Mga kabataan nga naman,” bulong ko.
Niyuko ko ang babaeng hanggang ngayon ay namumulot Pa rin ng nakakalat sa sahig na mga pagkain sana nito.
“Hayaan mo na ‘yan. Someone will clean it for you,” saway ko sa kanya.
Tiningala naman niya ako ngayon. Napakunot ang noo ko, as soon our eyes met.
Parang may iba sa kanya. Not to mention that she look dirtier now than this morning. May iba talaga sa kanya ngayon.
Then I look into her deep set eyes that is also looking at me.
The color of her eyes, it was dark. As in black as the color of the sky at night without moon and the star.
Siya ang naunang nagbaba ng tingin at ipinagpatuloy ang ginagawa. Mabilis nitong tinapos ang pinupulot na mga bagay sa sahig bago mabilis din na umalis ng cafeteria.
I was taken back, I am already mesmerized by her chocolate brown eyes this morning. Pero iba ang naging dating ng mga mata niya ngayon na nakita kong kulay itim ang mga iyon.
Kung kanina parang nang hinihigop ang kaluluwa mo habang nakatingin ka sa mga mata niya. Ngayon parang nadala na niya sa ibang dimensyon ang buong pagkatao ko.
Natauhan lang ako nang may makabangga sa Akin na isang estudyante na nakikilagharutan sa kapwa nito estudyante.
“Sorry prof,” sabi ng nakabangga sa Akin.
“It’s okay,” sagot ko na lang.
Napalingon ako sa paligid ko. Hindi ko na nakita ang babaeng iyon.
“Pambihira, ilang beses ko na siyang nakita pero hindi ko man lang nalaman ang pangalan niya,” kausap ko sa sarili ko.
Nagpasya na akong pumunta na lang sa classroom kung saan ang huling klase ko ngayon araw.
…………………
NAGSISIMULA na akong magtawag para sa attendance ng mga estudyante ko. Nang may humahangos na pumasok sa loob ng classroom ko.
“Heather Albescu?” tawag ko sa pangalan ng isa sa mga estudyante.
“Present sir,” sigaw ng bagong dating.
Paglingon ko sa pintuan nagulat Pa ako sa nakita ko. The girl from the cafeteria, hingal na hingal itong pumasok sa loob ng classroom.
Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Iba na ang suot niya, pero masakig Pa rin. Sa mata ang combination. Red and yellow naman ngayon. Ang buhok mas lalong maging magulo na may kung ano-anong bagay ang nakalagay.
“Miss Albescu?” tawag ko sa kanya.
Tinignan ko ulit ang class record na hawak ko. Heather Albescu. Basa ko sa pangalan niya.
Maybe she’s not a pure Filipina, baka American ang Tatay nito o ibanh lahi.
“Yes, Prof? Sorry po kung late ako,” anito na hindi tumitingin sa Akin.
Nakatalikod ito sa Akin at mukhang naghahanap ng bakanteng mauupuan. Na sa tingin ko wala nang bakante.
“I don’t like my students coming late for this class. Because it is our first day meeting I’ll let it pass. Don’t be late the next time we will have our class. Now go take my seat and we will start our class,” utos ko sa kanya.
I don’t need a chair after all, kaya ibinigay ko na lang sa kanya ang upuan ko. Wala na talagang bakante para sa kanya.
Doon lang siya humarap sa Akin at para Pa talaga itong nagulat nang makita ako.
Pero kung nagulat si Heather, nagulat rin ako. Balik na sa kulay brown ang mga mata niya.
Gustong itanong kung nagsusuot ba ito ng contact lens. But I opt not to ask her and let it slide. Even though my curiosity is killing me, I stop myself in asking a stupid question.
Nakasunod lang ang mga tingin ko kay Heather mula sa lumapit ito sa Akin at kunin ang upuan ko. Hanggang sa dalhin niya ang bangko sa pinakasulok at maupo na ito doon.
I started the class while I’m still looking at Heather occasionally. I’m to curious about her. Lalo na sa anong dahilan at palagi itong nabu-bully sa paaralang ito.