Chapter 4: Professor
HEATHER…
PALINGON-LINGON AKO sa paligid ko, kanina pa ako nakapasok sa loob ng campus pero wala pang lumalapit sa akin? Nakakapanibago yata. Isang malaking himala na papasok na ako sa main building pero maayos pa naman ako hanggang ngayon.
Walang lumilipad na itlog, umuulan na harina o polbo ngayong araw.
Hanggang sa makapasok na ako sa loob ng classroom walang nangyari sa akin.
Pero kaysa matuwa ako, parang kinabahan ako. Baka kasi may mas malalang mangyari sa akin ngayong araw na ito. Iyong naiisip ko, morbid na kung morbid, pero ang naiisip ko baka ma-ospital ako ngayong araw.
“Hoy, pangit tumabi ka nga. Doon ka sa may likod.” Ani Valentina.
Huminga na lang ako ng malalim bago tumayo sa kinauupuan ko, simula na baa ng kalbaryo ko ngayon. Napansin na ako ng numero uno kong taga-bully, hindi yata mabubuo ang araw niya na hindi ako ma-bully.
Naupo na ako sa pinakadulo, nang makaupo ako agad kong inilabas ang libro ko. I’m taking up Bachelor of Science in Biology. Third year college na kami, pero itong mga kasama ko matatanda na ang iba. Ive been accelerated many time. I’m just eighteen, samantalang ang mga classmate ko naman ay nasa age bracket na twenty-one to twenty-five.
Kaya siguro ako madalas na nabu-bully, dahil sa mas bata ako sa kanila? Kung ano man ang dahilan nila sige lang, sanay na ako sa kanilang lahat. Wala naman akong magagawa, hindi ako pwedeng umalis sa school na ito. Scholar lang kasi ako, wala akong pera para sa pag-aaral ko na ito, gusto ko talagang makatapos ng pag-aaral kahit na puro pasakit ang inaabot ko sa school na ito.
“Miss Albescu,” tawag sa akin mula sa labas ng class room namin.
Pagtingin ko nagulat ako na makita si Prof Dean, mamaya pa ang klase namin sa kanya. Pero bakit nandito siya at tinatawag ako.
Tinignan ko ang mga kasama ko sa classroom, tahimik silang lahat at nakatingin kay Prof Dean tapos tumingin din sila sa akin.
Kinakabahan ako, pero kailangan kong tumayo at sagutin si Prof Dean.
“Bakit po?”
“Follow me,” utos niya sa akin.
Mabilis kong sinamsam ang mga gamit ko at tumakbo palabas ng classroom. Ang bilis naman maglakad ni Prof, hindi ko na siya halos matanaw pero sinundan ko pa rin siya. Naabutan ko siya sa faculty room, nakaupo na siya sa table niya at abala na siya sa mga nakapatong na mga folder doon.
“Prof,” tawag ko sa pansin niya.
“Have a sit,” utos na naman niya sa akin.
Naupo naman ako sa bakanteng upuan sa tabi halos ng kinauupuan ni Prof, hindi sa harapan ng lamesa niya. Naiilang ako, lalo pa at nakatingin ang mga instructor at Prof sa aming dalawa.
Ganito sa school na ito, parang mga takot ang mga prof sa mga estudyante. Kaya parang mga bulag sila sa pangbu-bully sa akin ng mga kapwa ko estudyante.
Kanina pa ako nakaupo dito at pinapanood ko lang naman si Prof Dean sa ginagawa nito. Hindi niya ako pinapansin at kinakausap, ano naman kaya ang dahilan niya at tinawag niya ako dito. Malabong pang-display ang itsura ko, para akong maruming trapo na pwede nang itapon. Malayo ring tinawag niya ako rito para sa moral support.
Busy kasi si Prof sa mga papel na nasa lamesa niya, hindi ko tuloy alam kung tatayo na ba ako. Baka kasi nakalimutan na ako ni Prof na nasa tabi niya lang ako. May klase pa naman ako ngayon, hindi pa naman ako late at maaga akong pumasok, tapos wala namang nangyaring kababalaghan kanina sa pagpasok ko.
Napalinga-linga ako sa paligid ko. Nakakailang talaga at nakatingin pa rin sila sa amin.
“So, how is your day today?” bigla na lang nagsalita si Prof kaya nagulat ako.
Pagtingin ko sa kanya nakatingin na pala siya sa akin, nakangiti siya na parang tuwang-tuwa na nakikita niya ako. Sabagay isa nga pala akong walking clown dito, malamang kaya siya tuwang-tuwa ay dahil sa itsura ko.
“Okay naman po Prof,” sagot ko at nagbaba na ako ng tingin.
Inayos ko ang salamin ko kasi parang mahuhulog na nang yumuko ako. Na-consious ako bigla nang makita kong lukot pala ang damit ko. Wala kasi akong plantsa sa tinutuluyan ko, marami naman akong wala sa tinutuluyan ko. Higaan lang ang meron ako sa totoo lang, ang mga damit ko nasa isang kahon lang lahat.
“Good, wala nang nang-bully sa ‘yo?” tanong na naman niya sa akin.
Tinignan ko siya ulit, nakangiti talaga siya sa akin habang nakatitig at nagsasalita. “Wala po, Prof.” siya baa ng dahilan bakit walang nangyaring pag-ulan ng polbos o lumipad na mga itlog sa akin kaninang papasok ako.
“I announce it yesterday, nanghingi ako ng tulong sa dean at president ng campus to use the school radio.” Anito na ikinagulat ko talaga.
Maaga akong umuwi kahapon, mula kasi sa canteen na biglang nabuhos sa akin ang tubig mula sa timba na pang-map. Halos buong maghapon rin akong tinamaan ng kamalasan, naubos ko tuloy ang baon kong damit.
“I told them to stop bullying you, or else I’ll do everything I can to expel them all in this university. Pero hindi iyon ang dahilan ng pagtawag ko sa ‘yo dito ngayon,” patuloy nito.
Humarap na ito sa lamesa nito at may kung anong hinalungkat ito doon, nang makita ang hinahanap iniabot niya ito sa akin.
“I heard that you’re working on your thesis already kahit na hindi ka pa naman graduating. And I heard that you’re good in your academic. And you’re planning to be a Biochemist as soon you graduate in this university,” anito at may inabot sa akin na papel.
Nakita ko ang school record ko ang iniabot niya sa ‘kin, “ano po ang kailangan ninyo, Prof?” tanong na.
“I’m interested on your work, so I’m here to hire you as my student assistant. I’m also into biochemistry aside of being a physician. I’m working now to get my degree on becoming a scientists.” Dere-deretsong sagot niya.
Hindi naman nakakagulat na may mag-offer sa Akin na maging student assistant. Pero sa tatlong taon Kong nag-aaral dito walang nangahas na kunin akong assistant. Si Prof Dean Pa lang talaga.
“Prof, your offer is tempting. Kaso po baka malasin lang po kayo sa Akin. As you —”
“Is settled then, you can start as my student assistant tomorrow. About your salary, maybe I’ll give you one thousand pesos per hour rate. You can work in your free time, even weekend’s.”
Nanlaki ang mga Mata ko, hindi lang ako nakapagsalita kasi bukod sa nagulat ako. Nag-compute ng kusa ang utak ko kung magkano ang kikitain ko.
“Ano pong gagawin ko? Pwede na po ba akong magsimula ngayon?” excited Kong tanong sa kanya.
Tumawa siya ng malakas, tapos sa pagtawa niya parang nabugahan niya ako ng hininga niya. Ang bango, sobrang bango na parang lumaklak yata ng pabango si Prof.
Noong unang beses na makita ko siya. Ang plain niya lang sa paningin pangkaraniwang lalaki, mga gano’n. Pero ngayon habang tumatagal parang gumagwapo siya sa paningin ko.
“Hindi ka dito sa campus magta-trabaho. I have my own laboratory at my unit,” anito habang tumatawa Pa rin.
Natigilan ako sa pagtitig sa kanya, anong sabi niya? May sarili itong laboratory sa unit nito? Ano ang unit na sinasabi niya? Bahay? Condominium? Apartment?
Pero hindi na mahalaga kung saan man ang unit na sinasabi ni Prof. Ang malaman ko na may sarili siyang laboratory ay sapat na para kuminang ang mga Mata ko sa tuwa.
“Sige na prof, ngayon na po ako magsisimula.” Sabi ko Pa.
Nakalimutan ko na, na may klase Pa nga pala ako ngayon. Wala na kasing tunatakbo sa utak ko kung Hindi ang laboratoryo na sinasabi ni Prof Dean.
…………………….
Kung pwede lang na dito na ako tumira hiniling ko na sana. Ang buong unit na sinasabi ni Prof ay condominium. Malaki, at napakalinis. Pero bukod doon, ang buong unit ay talagang laboratory ang dating. Kompleto ng mga gamit, na kailangan sa mga experiment. Mga bagay na ginagamit sa pagtuklas-tuklas ng mga makabagong tuklas sa siyensya.
“Welcome to my humble home. Pasok ka Heather, this will be your office.” Sabi ni Prof sa Akin.
Nakatulala na pala ako sa labas ng pintuan. ‘di Pa man ako nakakapasok ganito na ang reaction ko. Bungad pa lang ang nakikita ko, manghang-mangha na ako. Papaano Pa kaya kapag nalibot ko na ang buong laboratory ni Prof.
“Sigurado po kayo Prof na condo po itong napasok ko? Talagang parang laboratory na po eh,” bulalas ko pagkapasok ko pa lang.
“Yes, gan’yan din ang tanong sa akin ng parents ko kapag binibisita nila ako dito. But yeah, this is a condominium unit converted into a laboratory. Mukha tuloy akong mad scientist nito,” sagot ni Prof sa Akin.
Modern-day mad scientist. Bagay naman sa kanya, minus the looks na parang nakuryenteng palaka. Kasi ang gwapo ni Prof Dean.
Mas mapagkakamalan Pa nga na ako ang mad scientist sa aming dalawa.
“Prof ano po ba ang ginagawa niyo na tutulungan ko kayo?” Pag-iiba ko na ng usapan.
Start na akong magtrabaho, kailangan ko rin na kumita para sa research na ginagawa ko ngayon.
“I want you to continue what you have started. Discovering the nature of human, how our body works. And specially the evolution of the DNA coding, which is your thesis is heading,” anito sa magiging trabaho ko.
Tatangu-tango naman ako, hindi naman pala mahirap. Mukhang madadalian Pa ako nito, tapos kung papayag si Prof pwede akong maging co-author ng discovery niya. Solve na agad ako sa thesis ko kung nagkataon.
“But there is this major discovery that I want you to work with me,” dagdag niya sa naunang paliwanag. “I want you to help me discover the DNA of immortals,” pagtatapos nito sa naunang paliwanag nito
Ano daw? Immortals ba talaga ang narinig ko?
Aatras na ba ako sa trabaho?
‘Di yata’t may saltik na sa utak itong professor ko. Nasobrahan sa talino, nabaliw na yata.
Immortals daw eh.