Chapter 2: The new life
HEATHER…
MAINGAY at magulo ang buong klase, wala pa rin ang kanilang professor. May kanya-kanyang buhay at kanya-kanyang mundo ang mga kaklase ko. Na tulad ko, may sarili akong mundo.
“Hey Heather, ikuha mo nga ako ng tubig sa canteen. Bilis nauuhaw ako!” utos sa akin ni Valentina.
Ang pinaka-famous sa batch naman na ito, kung sikat nga bang matatawag. Ni hindi nga siya nananalong campus queen. Sikat lang siya dahil sa isa siyang cheer leader, may varcity na boyfriend, mayaman at mukhang pasosyal kung pumorma.
“Sandali lang Valentina,” sagot ko.
Sa pagtayo ko agad akong bumagsak kasama ang akin inuupuan na ngayon ay nakadagan na sa akin. Tawanan ang lahat ng mga nakakita sa paligid ko, na para bang nakakita sila ng nakakatawang palabas sa telebisyon.
Great!
Isa na naman entertainment ang nangyari sa loob ng classroom namin. At ako na naman ang bida sa nakakatawang palabas na napapanood ng mga kaklase ko.
Hirap akong tumayo, walang tumulong sa akin ni isa sa kanila dahil alam ko naman na kung sino ang tutulong sa akin siya ang susunod na mabu-bully ng mga ito.
Napansin ko na ang dahilan ng pagbagsak ko, nakadikit ang pang-upo ko, pati na ang likod ko sa mismong upuan ko. Samantalang nakatali ang mga sintas ng sapatos ko sa paanan ng kinauupuan ko.
Ang galing hindi ko man lang napansin ang mga galawang nilang nakakamatay.
“Ang tanga talaga,” narinig ko pang sinabi ni Valentina.
“Lampa,” sabi ni Hearty na ka-tropa ni Valentina.
“Lampa na, tanga na, pangit pa!” ani naman ni Kris na isa na namang kampon ni Valentina.
Hindi ko sila pinansin at sinubukan ko na lang na alisin ang pagkakadikit ko sa kinauupuan ko para makatayo na ako. At nang makaalis na rin sa lugar na ito, para matigil na sila sa kakatawa.
Nang sa wakas naalis ko na ang bangkuan mabilis na aalis na lang ako sa classroom namin. Mukhang wala naman balak pumasok ang Prof namin. Pero nasa pintuan pa lang ako ibang kaganapan naman ang nangyari.
May bumuhos na kulay itim na tubig sa akin. Malapot na may kung ano-anong bagay ang nasa loob. Bukod doon kakaiba ang amoy.
Iyong tawanan kanina mas lalong lumakas dahil sa nangyari sa Akin.
Bumilang ako ng sampo, mariin kong pinikit ang mga mata ko. Kailangan kalma lang, wala akong mapapala kung hindi sakit nang katawan at mas malalang pagkapahiya kung magagalit ako ngayon.
Ngumiti na lang ako, bago ko nilingon ang mga kaklase ‘kong panay pa rin ang tawa sa sinapit ko. Ang saya-saya talaga nila kapag nagmumukha na akong kawawa sa paningin nila. Para kaming mga high school student samantalang third year college na kaming lahat.
Akala ko dati sa TV ko lang makikita ang ganitong klase ng pagpapahirap sa isang estudyante. Pero heto nga’t nararanasan ko na ngayon. Araw-araw na lang kalbaryo ko ang pagpasok sa college na ito. Porke ba’t kakaiba ako? Na may makapal akong salamin at out of fashion ang mga suot ko, ang buhok ko na hindi ko na maayos sa sobrang pagmamadali para lang makaabot sa klase. Na hindi ako sexy, maganda at famous kaya ako ang nabu-bully nila.
“Valentina, kailangan mo pa rin ba ng tubig?” tanong niya dito.
Natigilan sa pagtawa ang grupo nila, pero sandali lang parang nandidiri na itong nakatingin sa kanya.
“Ew! Ikaw na lang lumaklak ng tubig, kadiri ka.” Maarteng sagot ni Valentina sa akin
Naiiyak na tumalikod na ako at umalis na lang sa classroom namin. Kung pumasok man ang prof namin absent na lang ako. Mukhang hindi na rin naman ako makakaabot kung sakali, kasi wala na akong dalang damit na pamalit. Kasi kaninang umaga pa lang panay na kamalasan ang inaabot ko.
Malay ko bang uulan ng itlog kaninang umaga, tapos maliligo ako ng kulay itim na tubig na ito na may kakaibang amoy.
“Miss, anong nangyari sa ‘yo?” tanong ng isang baritonong boses na ngayon ko lang narinig mula pa ng pumasok ako sa college na ito.
Kilala ako sa buong college, kahit na hindi ko kaklase, o ka-college maski freshmen kilala ako. Kasi ako lang naman ang nag-iisang Heather ‘the Betty la Fea’ Albescu, ang number one na nabu-bully sa bong campus.
Parang may nakasulat sa noo ko na sinasabing i-bully ninyo ako, na kahit mga bagong salta malakas ang loob na ipahiya o i-bully ako.
Pero sino ang lalaking ito na mukhang hindi ako kilala, tinawag akong Miss eh!
“Ayos ka lang ba?” tanong na naman ng lalaki sa akin.
Doon na ako ng angat ng tingin para makilala ko ang lalaking ito. Nang magtama ang mga mata namin agad akong yumuko, “Ahm okay lang ako, kung takot ka na ma-bully layuan mo na lang ako. Baka kasi madamay ka pa sa akin,” aniko.
Bagong salta, bagong mukha, kaya pala hindi ako kilala. Kailangan ko siyang layuan, mukha pa naman siyang mabait baka madamay lang siya sa kapalaran ko.
“Tsk! Kids now a days,” ani ng lalaki na muli ko siyang tinignan.
Ngayon hindi na ako nagbaba ng tingin, tinignan ko na ang kabuuan niya. Gwapo naman siya, kaso parang ordinary lang siya sa mga hanay ng mga lalaki. Maputi, matangos ang ilong, neat kung manamit. Mukha siyang matured na compare sa mga college students sa paaralang ito.
“Do you have a spare clothes with you?” tanong nito sa akin na hindi alintana ang binigay kong babala.
“Sabi ko kung takot kang ma-bully layuan mo na lang ako, madadamay ka lang. Salamat sa concern mo,” malayong sagot ko sa tanong niya.
Narinig ko na naman siyang nag-tsk, bago hubarin ang jacket niya.
“Don’t worry, subukan lang nila akong i-bully lagot sila sa akin. Cinco ang katapat ng pambu-bully nila sa akin kung magkataon. I’m Professor Dean Nicholas Arevallo by the way,” pakilala nito na ikinalaki ng mata ko.
Halla, lagot ako! Baka ako naman ang ma-cinco nito sa katabilan ng bibig ko.
“Naku Sir, I’m sorry. Hindi ko po alam na Prof po pala kayo,” napayuko pa ako habang nagsasalita.
Paulit-ulit na nag-vow ako, epekto ng kakapanood ko ng korean drama.
………………………….
DEAN…
ANG MGA kabataan talaga ngayon, palala na nang palala.
I just came across with this girl student, na mukhang na-bully ng mga kaklase. She smells stinks, I don’t know what is covering her whole body. Basta mabaho ang amoy niya, pero parang okay lang sa babae ang lahat.
I want to offer her a help, tulad ng ihahatid ko sana siya kung saan siya nakatira dahil alam kong walang magsasakay dito na kahit na anong means of transportation. Ang problema lang ngayon ang unang araw ko bilang Professor sa college na ito. Late na nga ako dahil dumaan pa ako ng ospital.
I’m a Physician at night and now a college professor for aspiring doctors in the future.
I’m just twenty seven, pero licence Physician na ako at the age of twenty-five. I’ve been accelerated several times when I was in my secondary level and even in my tertiary. Genes na siguro, I came from a family of doctors with a genius level of brains. Iyon ang biruan sa pamilya namin, pero hindi ko naman ipinagmamalaki.
So balik tayo sa babae kanina na nakasalubong ko. Hindi ko nakuha kung ano ang pangalan niya at kung saan block siya nabibilang. Maybe some other time makikilala ko rin ang babaeng iyon.
Gusto ko siyang tulungan, mukha pa naman siyang mahina at kailangan ng magpo-protekta. Maybe i can be that man, kahit man lang sa isang buhay ng isang estudyante ay maging significant ang buhay ko.