Chapter 6: The Lady with Red eyes
DEAN…
HINDI NAMAN ako natakot, pero aaminin ko na nagulat ako sa nakita ko. Parang hanggang ngayon nakatatak pa rin sa isip ko ang mga nakita ko sa labas ng ospital namin. Ang mata niya, kahit pa sabihin natin na kulay pula ang nakita kong mata ng babaeng iyon, may pakiramdam akong nakita ko na ang mga mata na iyon.
“Prof!”
Hindi ko lang maalala kung saan ko nakita ang mga mata na iyon, o kung nakita ko na ba talaga ang mga mata na iyon.
“Prof! Yohoo! Naririnig niyo po ba ako?” ani Heather na ikinagulat ko.
Napalingon pa ako sa may pintuan ng Unit ko, nakasara iyon tulad nang kung paano ko isinara ang pintuan kanina nang pumasok ako. Hindi ko man lang narinig na bumukas ang pintuan ng dumating si Heather.
“Ang lalim po ng iniisip ninyo,” sabi ng dalaga.
Ibinaba na nito ang mga gamit nito at nagsusuot na ito ngayon ng lab gown na ibinigay ko sa kanya bilang uniform niya dito sa mini laboratory ko.
“Kanina ka pa dumating?” tanong ko sa kanya.
Tinignan niya ako na para bang naguluhan sa akin, “mukhang iniisip ninyo ang nangyari kahapon. Kumusta po ang sugat ninyo?” sabi na lang nito makalipas ang ilang sandali.
Nilingon ko ang braso ko kung nasaan ang sugat, wala na akong maramdaman na kahit na anong masakit sa sugat ko. “Okay na ako, parang wala na nga akong sugat. Daplis lang naman ang nangyari,” sabi ko na lang.
Nilapitan niya ako, biglang bumilis ang t***k ng puso ko nang hawakan niya ang braso ko na may sugat. Titig na titig siya sa braso ko kahit pa nakasuot rin naman ako ng lab gown at hindi naman kita ang sugat ko. Tapos ako naman titig na titig naman sa mukha niya na sobrang lapit sa mukha ko ng mga oras na ito. Nakita ko naman na nang malapitan ang mukha niya. Ilang beses ko na rin naman siyang natitigan, pero may napansin akong may iba sa kanya ngayon.
“Bakit parang biglang naging mapula ang pisnge mo? Mainit ba sa labas?” hindi ko napigilan na itanong sa kanya.
Napatingin tuloy ako sa may bintana, nagulat pa ako na makitang umuulan pala. Hindi ko naman napansin nang dahil sa dami nang mga iniisip ko kanina. Napatingin ako kay Heather, hindi naman sa mausisa akong tao. Pero napansin ko naman sa kanya na tuyong-tuyo siya na para bang hindi siya nanggaling sa labas na umuulan.
Kaya mas lalo rin akong na-curious sa kanya, iba ang glow ng mukha niya ngayon.
“Mainit kanina Prof, bigla lang umulan nang makapasok ako dito.” Sabi niya na tinanguan ko na lang.
Binitawan na niya ang braso ko at naupo na siya sa bakanteng stool na palagi niyang inuupuan sa tuwing nandito siya sa unit ko. Nagsimula na siyang magtrabaho, pero agad rin siyang tumayo at may kinuha sa loob ng back pack na lagi nitong dala.
Napansin ko na may kalakihan na box ang dala niya, at nagulat ako sa nakita ko.
“Is that a hear?” gulat pa rin na tanong ko nang mahanap ko ang dila ko.
“Yes Prof, puso ng baboy.”
Kasama ng puso na inilabas niya ay ilang vial na may lamang dugo at ang isa ay parang kulay itim na ang laman na liquid. Nilapitan ko na siya para tignan ang mga dala-dala niya ngayong araw.
“Bakit may puro ng baboy?” tanong ko na naman.
Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa batang ito. Kung ano-ano ang naiisip nito, ano naman kaya ang explanation niya ngayon sa puso ng baboy sa ginagawa naming research.
Ngumiti siya, iyong ngiti na ngayon ko lang nakita kaya nabigla na naman ako habang nakatitig sa kanya.
“Wala Prof, part po ng project namin. Eh dito po kasi may libreng microscope, pwede po ba Prof?” sabi niya na nanghihingi na payagan ko siyang makigamit ng microscope na hindi dahil sa research namin.
Hindi ko alam kung bakit para akong nahihipnotismong nakatitig sa kanya at napapatango na lang.
Tinignan ko siyang magtrabaho, tahimik at seryosong-seryoso, iba na itong nararamdaman ko.
Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa, hindi naman ako mapili. Pero hindi ko naisip ni minsan na magkakagusto ako sa isang katulad ni Heather. Hindi sa minamaliit ko siya o nilalait ko ang paraan ng pananamit ni Heather, pero kasi. Huminga na lang ako ng malalim bago itinuon ang buong atensyon ko sa ginagawa ko.
Tahimik kaming nagtrabaho, wala akong klase ngayon. Pinagpahinga ako ng dean ng college namin nang dahil sa nangyaro kahapon. Kaya wala akong hahabulin na klase ngayon. Samantalang ang alam ko naman ay last subject na ni Heather kanina kaya hindi na rin siya babalim ng University. Ako kasi ang huling prof niya para ngayon araw.
“Heather, nabalitaan mo ba ang nangyari sa mga estudyante sa university natin?” bigla Kong naalalang itanong sa kanya.
May narinig akong nabasag, kaya agad Kong nilingon si Heather na nabitawan ang vial na hawak. Kumalat ang dugo na naman noon sa sahig.
“Sorry Prof, lilinis ko na po agad.” Sabi ni Heather.
Hindi siya tumitingin sa Akin na nilagpasan ako. Para kunin ang panglampaso at pangdakot ng mga bubog sa sahig.
“Ang dulas naman kasi nito,” sabi Pa ni Heather habang hawak-hawak ang isang piraso nang nabasag na vial.
“Hayaan mo na, baka. Masugat ka Pa d’yan,” saway ko naman sa kanya.
Pero nilinis Pa rin niya ang kalat at hindi nakikinig sa Akin.
Hindi ko na lang itinuloy ang gusto ko sanang ikwento sa kanya. Hanggang sa magpaalam na itong uuwi na.
“Ihahatid na kita, gabi na. Delikado na sa daan,” pagpepresinta ko.
“Naku Prof, huwag na po. Okay lang ako, sanay na po ako sa pagbibiyahe,” anito at talaga hindi tinanggap ang offer ko na ihatid siya.
Kaya ang ginawa ko na lang ay naghanda na para pumasok naman sa ospital. Sisilip lang rin ako sa emergency room. Hindi ako sanay na hindi bumisita sa ospital, kasi pinag-off duty rin ako ngayon sa ospital. Hindi naman ang sugat ko sa braso ang dahilan, dahil lang sa halos isang buwan na akong straight na panggabi.
…………………..
PAGDATING ko sa Emergency room, nagkukumpulan na naman ang mga nurse. Wala na naman pasyente, meron man mga minor injury at ‘di kailangan na ma-confine.
“Alam mo ba, iyong isang pasyente kahapon wala pa lang puso. Hindi na dineretso dito sa emergency, sa morgue na lang dineretso.”
“Grabe kagabi, mantakin niyo mga kabataan lahat iyon. Kawawa ang mga magulang, akala nag-aaral mabuti iyon naman pala nakikipag-frat war lang ang mga anak.”
“Pero grabe talaga rin ang nangyari sa kanila. Parang ‘di mga tao ang gumawa, wakwak ang tiyan, leeg, at dibdib. Parang wild animal ang gumawa noon sa kanila.”
Ilan lang iyan sa narinig ko, na pinag-uusapan ng mga nurse pagdating ko.
“oh Doc. Dean akala ko ba hindi ka papasok ngayon?” sita sa Akin ng isang nurse nang makita ako.
“Hindi ako sanay na walang ginagawa, hindi na nga ako nakapasok sa university pati ba naman sa hospital hindi rin,” sabi ko sa kanila.
“Ay sayang makikibalita sana kami, tungkol doon sa nangyari kagabi. Mga estudyante niyo pala ang mga iyon, doc.”
Ngumiti lang ako, hindi ko rin naman alam ang isasagot ko sa kanila.
“Ang laking balita ng nangyari, may mga reporter nga na dumating dito kaninang umaga Doc,” sabi Pa ng isang nurse.
“Let’s just pray for their soul, wala naman na rin tayong magagawa. We even try to revive them kaso mukhang oras na nila,” sabi ko na lang.
Hindi ko na lang sinabi na ang grupo ng mga kabataan na iyon ang dahilan bakit may sugat din ako sa braso.
Hating gabi na nang magpasya akong umuwi. Nang palabas na ako ng ospital hindi nawala na sumagi sa isip ko na tignan ang lugar kung saan ko nakita ang babaeng may pulang mata.
Wala naman siya doon, kahit Pa nga huminto ako sa paglalakad at pinakatitigan ang lugar kung saan siya nakatayo kagabi. Wala akong nakita.
“Nahihibang ka na Dean,” sabi ko sa sarili ko.
Naisip ko, baka ang babaeng iyon na ang sagot sa sinasaliksik ko. Ayoko mang isipin, pero may hinala akong ang babaeng iyon ay isang bampira.
Sa panahon ngayon, sa libro at mga pelikula mo lang makikita ang mga vampire. Kung sasabihin ko sa mga tao ang nakita ko at ang hinala ko malamang na pagtatawanan ako.
Si Heather nga lang ang sumeryoso sa research ko tungkol sa immortality.
Nasa biyahe na ako pabalik sa condo ko, pero dahil sa kahit madaling araw na traffic Pa rin sa daraanan ko naghanap ako ng ibang daan. Napadpad ako sa lugar na halos wala nang mga tao.
“May ganitong lugar dito sa Manila?” gulat na bulalas ko habang binabagtas ko ang daan.
Ngayon lang ako na daan dito, basta lang kasi akong nagpa-ikot-ikot sa kung saan. Makaiwas lang sa heavy traffic, kung saan-saan na ako sumuot.
Papaliko na ako sa tingin Kong daan palabas ng main road nang tumunog ang alarm ng cellphone ko. Inabot ko sa dashboard ang cellphone ko kaya hindi ko napansin na may tatawid.
Mabilis na naipreno ko ang sasakyan ko, I swear wala akong nabangga. Hindi ko rin narinig na may kumalabog sa sasakyan ko.
Pero sigurado akong may tatawin kanina. Kaya bumaba ako ng sasakyan ko para siguruhin na wala akong nabangga.
Pero ganon na lang ang gulat ko nang may babaeng tumayo sa harapan ko.
“Iubit,” aniya. ‘Beloved'
Natulala ako sa mukha niya, I can’t understand what she just told me. Pero hindi na iyon ang mahalaga, ang sa Akin ay ang matitigan ko lang maganda niyang mukha ay sapat na.
Pero higit din sa lahat, ahe’s the same woman I saw from yesterday. The lady who had the red eyes.
Handa na akong magsalita at kausapin siya ng sa isang kisapmata nawala siya sa harapan ko. Sa sobrang bilis niyang nawala ni hindi ko nakita kung saan siya nagpunta.
Makalipas ang ilang sandali doon ko lang napansin na hindi na pala ako humihinga. Nang makabawi ako agad akong sumakay sa sasakyan ko at umalis sa lugar ito. Pero kahit na anong takot at gulat ko sa nakita ko ngayon ko. Tinandaan ko ang lugar na iyon. Tinandaan ko para pwede akong bumalik doon at bakasakaling makita ko siyang muli.
Nakatatak na sa utak ko ang maganda niyang mukha. At alam ko sa sarili ko na hinding-hindi ko siya makakalimutan.
…………………