Five: Close Encounter

1860 Words
Chapter 5: Close Encounter DEAN… LOOKING AT Heather makes me wonder why she choose to let other bully her. In the first place matalino ang batang ito. She know what she want and what she’s doing. Masasabi ko Pa nga na mukhang mas matalino siya sa akin. Kahit sa ibang mga professor sa University. May naririnig Pa nga ako na this is Heather will be the very first summacumlaude in the University. Na aaminin ko, maging ako iyon ang nakikita ko sa kanya. “Halla,” sigaw ni Heather habang nakasilip siya sa microscope. Napangiti ako, I find her adorable. Sa tuwing may mga bagong tukla siya para siyang bata na siyang-siya. Sa tatlong araw na nagta-trabaho siya sa Akin bilang student assistant madalas ko siyang mahuli na palaging amazed na amazed sa paligid niya. “What’s wrong Heather?” Palagay ko rin na palagay na ang loob ko sa kanya. I don’t feel like she’s a total stranger to me. In fact I feel a familiarity towards her, at palalim iyon nang palalim. Hindi ko na lang masyadong pinapansin. “The genetics of this dog is so fascinating Prof, the dog developed an antibodies that I can’t find with other…” marami Pa siyang paliwanag. Nilapitan ko na siya at tinignan ang specimen niya na kasalang sa microscope. Napatango ako habang nakatingin sa specimen niya. Hindi ko alam bakit pumasok sa isipan ni Heather na gawing specimen ang mga aso. It’s like she want to prove something from the species of canis familiaris. But it also caught my attention, though. “It’s nice, but this antibodies is commom. You just missed some pointers but it’s good that you think it was the other wise.” Paliwanag ko sa kanya. Parang hindi Pa siya convince at sumilip siya ulit sa microscope para tignan ang mga sinasabi ko. Bago nakasimangot na lumayo doon. “It was gone,” sabi Pa niya. Parang bata na nagtatampo na naupo sa stool malapit dito at nagsulat nang nagsulat sa notebook niya. I hire her to help me discovered something that I know it was rediculous to think. Nang muang marinig ito ng professor ko tinawanan lang niya ako. At sinabing ‘there’s no genes for immortal people. Even immortal people is only a myths and never do exist in this world.’ I can’t explain it by words kung paano ako nag-came up sa ganitong obsession. Kaya nga ginugugol ko ang oras ko para tuklasin ang bagay na iyon. And doing that by collecting different samples of blood from human. Na ngayon ay nahaluan na ng mga dugo ng hayop nang dahil sa assistant ko. Heather believe that the genetics of immortal people came from animals and human combine. Iyon daw ang nakikita niyang close explanation sa lahat. “Oh! No, male-late na ako Prof,” anito nang mapatingin sa may orasan. Nagmanadali na nitong sinamsam ang lahat ng gamit nito sa lamesa. Lahat isinaksak na lang basta sa malaking bag nito. Napailing ako, hindi kaya makuba ang babaeng ito sa dami nang dalang gamit sa bag pack nito. “Tulungan na kita d’yan sa bag mo. Ang dalhin mo na lang ang sleeve bag ko where my laptop and other things inside. ‘ke dalaga mong tao ang bag mo daig pa ang palaging naglalayas,” sabi ko sa kanya at inagaw ang bag niya. Napamura na lang ako sa isip ko nang mabuhat ko ang bag niya. Hindi biro ang bigat nito, parang punasan na ako ng isang kabang bigas nito. “Sumabay ka na sa Akin, may klase rin naman akong babalikan sa university.” Dagdag ko Pa. “Salamat Prof,” sagot niya at hinanap na ang pinapadala ko sa kanya. …………….. “ANG BIGAT ng bag mo, para ka talagang maglalayas sa dala-dala mo. Pwede mo namang iwanan sa locker mo ang ibang gamit mo.” Sabi ko kaya Heather nang nasa sasakyan na kami. Ang sakit ng likod sa pagbubuhat ng bag niya. Hindi ko na lang pinahalata. “Naku Prof, kung alam niyo lang. Ang buong population ng University ay ma-effort Pa sa ma-effort sa creativity. No’ng fresh man Pa lang ako wala na akong locker. Kasi sa tuwing nagkaka-locker ako it’s either it will be broken or will be stinky. Nandyan tatambakan nila ng basura, malalaking bato, mga nangangamoy na mga damit, or worst mga masangsang na mga nabubulok na bagay. Walang nahuhuli na gumagawa no’n sa locker ko. Kaya ang ending ako Pa ang napagalitan ng dean ng college kaya inalisan na ako ng locker. Kasi ang dami ko na raw nasirang locker.” Mahabang paliwanag nito. Sakto namang nag-red light ang traffic light kaya nalingon ko siya. “Why you didn’t complain? You have all the rights to complain about it. And why did the dean—” “Aware ka naman Prof na mga mayayaman ang nag-aaral sa university na ’yon. Karamihan mga anak ng mga mayayaman o mga may posisyon sa gobyerno. People here sucks but this is life, kahit ang dean takot sa mga brat na nangbu-bully sa Akin. Ayokong madamay ang Dean o kahit na sino sa sinasapit ko. Pinagpapasalamat ko na lang talaga prof na buhay Pa ako hanggang ngayon,” aniya habang nakatanaw sa labas ng bintana. Hindi ko alam na nakatitig na pala ako sa kanya. Napansin ko lang ng bumusina na ang nasa likod namin nang mag-go signal na ang traffic light. “Kaya nga Prof, dapat ‘di ka rin masyadong malapit sa Akin. Baka madamay ka sa swerte ko sa buhay,” aniya makalipas ang isang minutong pananahimik. I glance at her for a second then looking back at the road a head of us. “I don’t care, hindi ako natatakot sa kanila. If they’re going to go against my rule as a prof in that university. I think sila ang dapat na matakot, mahiya at mabahag ang buntot. I don’t have a famous surname, hindi ako ang makakaladkad sa lusak sa gagawin nila sa Akin,” sagot ko lang sa kanya habang nakatitig Pa rin sa daan. Wala nang nagsalita Pa sa amin hanggang sa makarating kami sa university. At hanggang sa maghiwalay na kami ng daan. Bukas Pa ang klase ko sa kanila kaya magkahiwalay kami ng pinuntahan. Buong oras ng klase wala akong ginawa kung hindi ang dumaldal nang dumaldal sa klase na wala namang nakikinig. Heather is right, this kids are all spoiled brats. Pumapasok lang para masabing may makukuha na degree, pero hindi talaga nag-aaral nang mabuti. Parang pinagsisisihan Kong pinagbigyan ko ang dami Kong prof na magturo dito. Nakakawalang gana na magtrabaho kung ganito lang din naman ang mga tuturuan mo. Then finally, the class hour is finished. It’s time for me to go home, sa wakas makakatulog na ako kahit kaunting oras lang bago ako pumasok sa hospital mamayang gabi. On my way out in the class, I heard a commotion outside. Sa pag-aakala Kong si Heather na naman ang tampulan ng kaguluhan mabilis akong naglakad para makarating agad sa gulo. But it was a gang war or group war or something. Mga grupo ng mga kabataan na nagsusuntukan. Nakita ko ang mga guard na paparating Pa lang. Ako lang naman ang prof na nandito kaya naki-awat na ako sa kanila. But unfortunately, I got wounded. Nang may isang estudyanteng may dalang balisong mabuti at naharang ko ang sarili ko. Kung hindi nakapatay na ang batang ito. Daplis lang naman sa braso ko ang naging sugat ko. Pero nang dahil din doon nagsipulasan na ang mga kabataan na nanggulo. Siyang dating naman ng mga guard. Napailing ako, mga kabataan talaga ngayon iba na ang takbo ng utak. Hinanap ko ang gamit ko na basta ko na lang ibinaba kanina para umawat nang mapansin ko si Heather na nakatingin sa Akin sa ‘di kalayuan. Nagtaka ako nang makita ko siyang seryosong nakatitig sa Akin. “Prof, iyong sugat niyo po.” Sabi ng isang estudyante sa tabi ko na nilingon ko naman. “I’m okay, malayo sa bituka.” Sagot ko. Nang tignan ko si Heather wala na siya sa kinatatayuan niya kanina. Nagtataka man ako, hindi ko ba lang masyadong pinagtuunan ng pansin. Bigla kasing pakiramdam ko kumirot ang sugat ko na ipinagtaka ko. Hanggang sa makauwi na lang ako na hindi ko na naalala Pa si Heather. …………………… “Naku Doc, delikado naman pala ang mga estudyante sa pinagtuturuan ninyo.” Ani ng isang nurse sa ospital kung saan ako nagpa-practise biglang general physician. “Nagkataon lang siguro,” pagtatanggol ko sa mga estudyante namin. Kasalukuyan na nililinis ng nurse ang sugat ko. Pero bago iyong hiniling ko sa isang doctor na tahiin ang sugat ko. Kasi mula kanina na masugatan ako hindi Pa naampat ang pagdurugo. Malalim daw sabi ng kasama Kong doctor na nagtahi sa sugat ko. “Iba na talaga mga kabataan ngayon. Mga wild na,” sabi Pa ng isang nurse. Nasa kalagitnaan kami nang pagkukwentuhan na dahil wala Pa namang pasyenteng dumadating sa emergency room. Nang may dumating na ambulance, sunod-sunod ang dumating kaya naging alerto kaming lahat. Nakakabigla na nakakatakot ang mga sunod na nangyari sa loob ng emergency room. Mga kabataan ang mga isinugod sa hospital, na halos lahat ay mga nag-aagaw buhay na. Hindi na namin alam kung sino ang uunahin namin sa kanilang lahat. Ang nakakabigla Pa sa lahat, ang mga pasyente namin ay mga estudyante lang naman ng university kung saan ako nagtuturo. “Tulungan mo ako prof!” sigaw ng isa sa kanila. At nang lapitan ko ang sumigaw na iyong, laking gulat ko na makitang itong batang ito ang nakasaksak sa Akin kanina. Sa dami nang nangyari, non of these patients survive. Lahat namatay nang dahil sa sobrang lala nang nangyari sa mga ito. They lost too much blood and the wounds that they got is severe. May isa Pa sa kanila na lumabas ang laman loob dala ng malaking hiwa sa tiyan nito. All of them looks like some wild animal attack them and then leave them almost lifeless. Pero pinaramdam muna ang sakit at hirap bago bawian ng buhay. Pagod na pagod akong napalabas ng emergency room. Parang nanlata ang buong katawan ko sa mga nangyari. I went to the parking lot para magpahangin at magpahinga sa tapat ng sasakyan ko. But something ia strange when I got out of the hospital building. Para may nakatingin sa Akin, iyong ang pakiramdam ko. Tumingin-tingin ako sa paligid ko. Hanggang nahagip ng paningin ko ang isang bulto di kalayuan sa Akin. It was a female, base sa hubog nang katawan nito. Nilalapitan ko na ito nang gumalaw ito at naglaho na parang bula sa paningin ko. But before she really vanished, I saw her eyes looking at me. And her eyes is red. As in bloody red. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD