Nang magpatuloy ang tutorial namin ni Ma'am Joy ay maganda iyong mood ko kaya di ko na lang binigyang pansin ang parang pagkasira ng mood nito. Hinayaan ko na rin si Kenzo na silipin iyong mga sagot ko kasi nga crush ko na siya. Dahil lage niyang tinitingnan ang mga sinasagot ko sa exam ay magkadikit na iyong mga upuan namin at iyong isang braso niya ay nakapatong na sa mismong sandalan ng upuan ko at malamang iyon ang dahilan kung bakit panay ang irap sa'kin ni Ma'am Joy tuwing di nakatingin si Kenzo. Kenzo. Normal lang bang makaramdam ako ng kilig tuwing binabanggit ko iyong pangalan niya kahit na sa isipan ko lang? "Tama ba ito?" pabulong kong tanong kay Kenzo habang pinapakita ang sagot ko . English iyong tanong kaya alam kong alam niya iyong sagot kasi magaling siya rito. "Pa