Dalawang oras na akong nagsasagot ng mga test paper na ibinigay sa'kin ni Ma'am Joy. Assessment exam daw 'to upang malaman niya kung hanggang saan ang naalala ko sa mga napag-aralan ko noon. Grabe naman 'to... iyong Math lang talaga ang madali. Matalino kasi ako sa Math, sisiw lang sa'kin basta may numero pero kapag may English na, dugo utak ko riyan! Halatang may kinikimkim na galit sa'kin itong si Ma'am Joy... puro English pinasagutan sa'kin! Habang tutok ako rito sa sinasagutan ko, pasimple namang nagpapa-cute iyong tutor ko kay Sir Kenzo na parang gwardiya sibil na nakaantabay sa gilid ko. "Birthday na ni Daddy sa weekend, pumunta kayo ni Kiro ha... tiyak matutuwa iyon." Isa pa itong boses ni Ma'am Joy eh, nakakasira ng focus! Nag-imbita ng birthday, di pa ako dinamay... para n