bc

Kikay for the Twins (SPG)

book_age18+
79.3K
FOLLOW
596.5K
READ
sex
others
maid
humorous
lighthearted
witty
city
small town
naive
passionate
like
intro-logo
Blurb

Si Kikay isang probinsyanang pumasok na katulong sa pamilya Carson.

Lumaking mahirap kaya palaban sa buhay. Sobrang kulit at napakapasaway.

Makikilala niya ang magkakambal na Kiro at Kenzo Carson, magkaparehong mukha , magkaibang ugali pero kapwa mapapasailalim sa taglay niyang kakulitan.

Kakayanin ba ni Kikay ang monster-twins? Kikay for the win na ba? Or Kikay for the twins.

chap-preview
Free preview
chapter 1
KIKAY —***— "Mga sukiiiiiii, bili na kayo ng mainit na pandesal na masarap ipares sa mainit na kape!" Bumulabog sa barangay namin at sa mga kapitbahay ko ang matinis kong boses habang bitbit ang lalagyan ng nilalakong pandesal. Araw-araw kong ginagawa itong paglalako ng pandesal na inangkat ko pa sa isang maliit na bakery sa lungsod namin. "Kikay, pabili biente," tawag sa'kin ng suki kong si Mang Tonyo. "Mang Tonyo naman, ilang ulit ko bang sabihin sa inyo na Kaye ang pangalan ko." Kausap ko dito habang binabalutan siya ng pandesal. "Pangalan mo pa rin naman iyang Kikay ah," giit nitong saad. "Ang sakit po sa tainga niyan Mang Tonyo," nakangiwi kong sagot. "Ang ganda kaya ng Kikay." Isang tabinging ngiti ang ibinigay ko sa kanya kasabay nang pag-abot ko ng pandesal sa kanya. Maganda ba ang tunog 'manyanggay'? (manananggal) "Para po sa inyo maganda iyan kasi noong kapanahunan ninyo nauso ang pangalang iyan." Nang maiabot ko sa kanya ang sukli sa singkwenta niya ay hindi ko na siya hinintay pang sumagot. Kilala ko si Mang Tonyo, tiyak aabutin kami ng susunod na linggo kung makipagdiskusyon pa ako sa kanya. "Pandesaaaal! Mainit na pandesal! Mainit pa sa relasyon ninyo ng boyfriend mo." Ipinagpatuloy ko ang paglalako. Kailangan kong makauwi agad pagkatapos nito dahil darating si Tiyang Melva at dadalhin ako sa Maynila upang ipasok sa pinagtatrabahoan niya. Balita ko ay sobrang yaman daw ng pamilyang pinagsisilbihan ni Tiyang doon. Halata nga kasi tingnan mo nga naman sa loob ng ilang taon niyang paninilbihan sa mga amo niya ay nakabili na siya ng sariling bahay at lupa. Napag-aral din niya iyong mga pinsan ko. Asensadong-asensado si Tiyang kaya nang sabihin niyang nangangailangan ng isa pang katulong iyong mga amo niya ay mabilis agad akong nagpresenta. Gusto kong mas malaki iyong naibibigay kong pera kina Nanay at Tatay. Malapit na grumadweyt sa elementarya iyong dalawa kong kapatid at malaki ang bayarin ng tatlo ko pang kapatid na nasa high school. Ayaw kong matulad sila sa akin na hindi nakatapos ng high school dahil sa hirap ng buhay. Mas mahirap lalo ngayon dahil may senior high school na. Noon kasi sa amin ay hanggang 4th year lang iyong high school, ngayon ay nagdagdag ng dalawang taon para makasabay ang Pilipinas sa standard ng ibang bansa. Mas maganda nga ganito kasi pagka-graduate mo ng senior high ay pwede ka nang makakita ng magandang trabaho. Plano ko talaga mag-DH sa Dubai pero ayaw ko namang lumayo masyado kina Nanay at Tatay kaya doon na lang ako sa pinagtatrabahuan ni Tiyang Melva dahil balita ko ay mga foreigners din ang mga amo niya. Nag-iipon na nga ako ng maraming English para sakaling kakausapin ako ng magiging mga amo ko ay magkakaintindihan kami. Ilang oras din akong naglalako bago tuluyang naubos ang tinda ko. Pagkauwi ko ng bahay namin ay bisita na namin si Tiyang Melva. Agad akong nagmano sa kanya at kay Nanay na kakwentuhan niya. "Handa ka na bang sumama sa akin?" naninigurong tanong sa akin ni Tiyang. "Aba Tiyang, noong isang araw ko pa kaya naisilid sa bag iyong mga damit na dadalhin ko." "Oh, ikaw Merna,... handa ka na bang mawalay rito sa panganay mo." Bumaling si Tiyang kay Nanay. "Ano bang magagawa ko eh buo na ang loob ng batang iyan. Basta ba, Melva, alagaan mo iyan doon." Halata ko kay Nanay na nagpipigil itong maging emosyonal. "Maasahan mo ako, Merna. O siya, kami ay aalis na nitong anak mo. Ipagpaalam mo na lang kami kay Berting pagkagaling niya sa palayan. Mapapaaga iyong byahe namin nitong si Kikay kasi tumawag iyong mga amo ko... darating iyong anak nilang babae kasama ang asawa nitong prinsipe mula sa ibang bansa." Lihim akong namamangha sa mga narinig ko kay Tiyang Melva. Ang swerte ko pala dahil personal akong makakita ng isang prinsipe, isang totoong prinsipe! Matapos magpaalam kay Nanay at maghabilin sa mga nakababata kong kapatid na magpakabait ay tuluyan na kaming lumisan ni Tiyang Melva bago pa tuluyang maging emosyonal iyong Nanay ko. Kapatid ni Nanay si Tiyang Melva kaya ipinagkatiwala niya ako rito. "Pagdating mo roon ay dapat lagi mong pakatandaan na kung anuman ang makikita mo sa loob ng bahay na iyon ay hinding-hindi mo ipagsasabi kahit na kanino." Seryoso akong pinangaralanan ni Tiyang habang nasa byahe kami. Nakikinig naman akong mabuti at pinagkatatandaan lahat ng mga sinabi niya. "Nagmula sa ibang bansa ang mga amo natin kaya iba iyong kaugalian nila kaysa sa atin pero sinisiguro ko sa'yong mababait silang lahat. Ang magiging trabaho mo lang sa bahay na iyon ay ang maglinis ng ground floor. Hindi na sakop nang lilinisan mo iyong kusina at itaas. Ituturo ko sa'yo pagdating doon kung anu-anong silid ang lilinisin mo." Panay tango lang sagot ko kay Tiyang, sobrang excited kasi akong makarating sa bahay ng magiging amo ko. First time kong bumyahe kaya nang sumakay kami ng eroplano ay humilab iyong tiyan ko at talagang nagsuka ako. Mangiyak-ngiyak ako habang panay naman ang hilot ni Tiyang sa likod ko. Nakakahiya, buti na lang ang bait-bait no'ng mga stewardess at binigyan pa talaga nila ako ng paper bag na pwedeng sukahan. Nang lumapag ang sinasakyan naming eroplano ay naisumpa ko na hinding-hindi na ako sasakay ulit dito. Magbabarko ako pauwi sa amin balang araw, bahala na kung abutin ako ng ilang araw sa laot. Nang makalabas kami ng airport ay isang magarang sasakyan ang sumundo sa amin. "Aleng Melva, ito na ba ang pamangkin mong ipapasok mong kasambahay?" Maaliwalas ang bukas ng mukha ng may edad na lalaking nagmamaneho ng sasakyang sumundo sa amin. "Oo Poloy, ito si Kikay." Aray! Binagsak pa talaga ni Tiyang ang pangalan ko. "Ang ganda naman pala nitong pamangkin mo, artistahin." "Salamat po... pero Kaye na lang ang itawag ni'yo sa'kin," nakangiti kong sagot sa papuri nito. Bahagya itong natawa habang naiiling naman si Tiyang. "Tawagin mo lang akong Kuya Poloy, hindi naman siguro nagkakalayo ang mga edad natin," pabiro nitong sabi. "Anong hindi nagkakalayo? Disiotso pa lang itong si Kikay... at kwarenta 'y otso ka na," pambabara rito ni Tiyang Melva. "Kaya nga , hindi nagkakalayo dahil pareho kaming may otso sa hulihan." Natatawa si Kuya Poloy sa pag-irap ni Tiyang Melva. "Alam mo, Kikay, magkakasundo kayo ng anak kong si Julienne. Mas matanda ka lang sa kanya ng dalawang taon. Pinapaaral nina Ma'am Kofie si Julienne kaya kung walang pasok tulad ngayon bakasyon, ay tumutulong siya sa mansion." Kikay sila nang Kikay, Kaye nga 'di ba? Ang titigas ng ulo nila! "Ang bait naman pala nina Ma'am,"humahanga kong sabi. Hindi ko na lang tinama ang kaka-Kikay nila. "Aba syempre, magtatagal ba ako ng dalawampung taon kung masama ang ugali ng mga iyon? Una talaga akong nanilbihan sa bahay mga magulang nina Sir Klaus at nang makapag-asawa sila ay dinala nila ako upang sa kanila na magtatrabaho." Panay ang kwento ni Kuya Poloy hanggang sa pumasok ang sinsakyan namin sa isang napakataas na gate. Ang lawak ng bakuran at may fountain pa akong nakikita sa pinakagitna. Halos malaglag na iyong panga ko dahil sa pagkamangha. Grabe, ganito pala ang bahay ng mga mayayaman? May nasilip din akong swimming pool pero hindi ako sigurado dahil medyo nasa likurang bahagi ito ng bahay. Ito ba iyong mansion sa personal? Grabe mas malaki at magara pa ito kaysa doon sa mga napanood ko sa TV sa bayan. Wala kasing kuryenti sa barangay namin kaya miminsan lang ako nakapanood ng mga palabas sa TV tuwing pumupunta lang ako sa bayan upang mag-sideline sa tindahan na pinagtatrabahoan ng kapitbahay naming kaibigan ko. "May sarili tayong quarters sa likod nitong mansion, halika at nang maiayos mo na doon ang mga gamit mo." Para pa rin akong tangang palinga-linga sa paligid habang nakasunod kay Tiyang papunta sa sinasabi niyang quarters. 'Di ko na nga napansin kung nasaan si Kuya Poloy dahil sa pagkamangha sa bawat nakikita ng mga mata ko. Ang sinasabing quarters sa akin ni Tiyang ay hilera ng mga naggagandahang bungalow na bahay. Grabe 'di hamak na mas maganda at malaki pa kaysa sa kahoy at pawid naming bahay itong titirhan ko rito. "Tatlo tayong nakatira rito at may kanya-kanya tayong silid, nasa mansion pa si Yolly kaya mamaya na kita ipakilala sa kanya. Mga katulong at ang pamilya nila ang nakatira sa bawat bahay na nandito kaya makikilala mo rin sila bukas. " Nakasunod pa rin ako kay Tiyang habang pumasok siya sa bahay na tutuluyan ko na rin habang nandito ako. Grabe, may sariling sala, kusina at mga silid itong tutuluyan namin. Ang swerte pala talaga ng mga katulong dito. Isang silid ang binuksan ni Tiyang at gusto kong maiyak nang makita ko kung gaano ito kaganda kumpara sa kinalakihan kong tulugan kung saan ay tabi-tabi kaming magkakapatid sa papag na kahoy na walang sapin na foam kundi banig lang talaga. Dito ay may sarili akong kama at kahit tinitingnan ko lang ang alam kong napakalambot nito. "Ito iyong magiging silid mo. Magpahinga ka na lang muna ngayon dahil bukas pa naman talaga ang simula ng trabaho mo. Kung nagugutom ka ay pumunta ka sa kusina at may mga pagkain doon... ikaw na muna ang bahala rito dahil sasaglit muna ako sa mansion." Matapos ng ilang habilin ay umalis na si Tiyang at iniwan akong mag-isa rito sa bago kong silid. Kakarating ko lang dito pero nami-miss ko na agad ang mga kapatid at magulang ko. Kahit na may cellphone si Tiyang ay hindi ko naman matawagan sina Tatay at Nanay dahil wala silang cellphone at ang kilala kong may cellphone ay si Isay na kaibigan ko pero linggohan lang kung umuwi sa barangay namin ang isang iyon dahil sa trabaho nito kaya sa susunod na araw pa ito naroon at pup'wede kong tawagan. Malungkot akong napahiga sa malambot na kama na magiging tulugan ko simula sa araw na ito. Siguradong mahihirapan akong makatulog dahil nakakapanibago sa likod ang kalambutan nito. Bahagya akong napatingin sa tinatawag na aircon ni Tiyang na nandito sa silid ko. Kakaiba ito sa karaniwang aircon na nakikita ko doon sa bayan dahil hindi ito square at hindi talaga ito mapapansin kung hindi mo titigang mabuti. Pinaandar ito ni Tiyang bago niya ako iniwan kaya ngayon ay malamig na ang buong silid. Pakiramdam ko sisipunin ako. Gusto ko itong patayin pero hindi ko naman alam at natatakot akong makasira kaya tiniis ko na lang ang panlalamig. Mamaya pagkauwi ni Tiyang ay itatanong ko sa kanya kung paano ba gamitin ang aircon. Pwede kayang makahingi ako ng electric fan? Mas gusto ko pang gamitin iyon kaysa rito sa aircon. Problema na nga itong tutulugan kong kama ay dumagdag pa ang malamig na hanging binubuga ng aircon. Bahagya kong sinipat ang matigas na sahig at isang ideya ang pumasok sa isip ko. Mas magiging komportable ako kung mahihiga ako sa matigas at para akong inaanyayahan ng matigas na sahig. Matapos kong inayos ang sahig na tutulugan ko mamaya ay napagdesisyunan kong lumabas ng silid dahil nanunuot na talaga sa kalamnan ko ang lamig. Pakiramdam ko nag-iinit ako at lalagnatin dahil sa lamig, ganito talaga siguro kapag hindi sanay sa aircon. Hindi pa ako nagugutom at di ko pa nakakalimutan ang pagsusuka ko kanina sa eroplano kaya wala akong ganang kumain. Napagpasyahan kong lumabas ng bahay at mamasyal sa paligid. Wala naman sigurong sisita sa'kin kasi wala rin akong napansing tao sa paligid. Siguro nasa loob ng mansion iyong mga taong nakatira sa ibang mga bahay na narito. Kung may sarili sana akong cellphone na may camera ay ang sarap siguro mag-selfie-selfie sa paligid. Iba talaga ang mayayaman, kahit iyong nilalakaran ko ay nakakahiyang tapakan. Sa kakatingin sa paligid ay di ko napansing napadako ako sa kinaroroonan ng natanaw kong swimming pool kanina no'ng papasok pa lang ang sinasakyan namin. Grabe, ang laking swimming pool! Kahit doon sa pangmayamang resort sa kinalakihan kong lugar ay hindi ganito kalaki ang swimming pool nila. Naengganyo akong lumapit sa malinaw na tubig at lalo akong namangha nang matanaw ko ang repleksiyon ko roon. Nagpalinga-linga ako sa paligid at nang masigurong walang ibang tao ay bahagya kong nilublob ang kamay ko sa malamig na tubig. Sa wakas, nakahawak na rin ako ng tubig sa swimming pool! Di ko napigilang mapahagikhik habang nilalaro ang tubig ng kamay ko. Pwede kaya akong maligo rito? Oo, at minsan na akong nakakita ng swimming pool noon pero sa edad na 18 ay hindi ko pa naranasang maligo rito. "Who are you?" Mabilis akong napatayo at nanlaki ang mga matang napatingin sa taong biglang nagsalita. "What are you doing here?" Nakaramdam ako nang pagkataranta dahil sa may kasungitan niyang pagtatanong ulit. "Oy, wala akong ginawa hah. Tinesting ko lang iyong tubig kung malamig ba," taranta kong paliwanag. Nagdududa itong patuloy akong tinitigan. Ano bang problema niya? "Hey, Kenzo...did you see my—whoaaa!" Biglang sulpot naman ng isa pang lalaki na kamukhang-kamukha nitong naunang nagsungit sa'kin. Mukhang nagulat din siya nang makita akong kaharap nitong kamukha niya dahil nahinto siya sa anumang sinasabi niya at maang na napatitig sa'kin. "What do we have in here?" bigla ay nakangisi niyang pahayag matapos makabawi sa pagkagulat. Pareho nga sila ng mukha nitong unang lalaking dumating pero mukhang mas mabait siya dahil hindi siya nakasimangot tulad nitong isa. Mukhang sila yata ang naikwento ni Tiyang na kambal na anak ng magiging amo ko. Hindi siguro naintindihan nitong kumausap sa'kin ang sinabi ko kanina dahil hindi English iyon. Gusto kong piktusan ang sarili ko dahil halata namang foreigner ang hitsura nila pero di ko agad napansin. Hindi ko agad napansin iyon dahil halos hindi ako makatingin sa unang dumating dahil sa ayos niya. Mabuti nga at napigilan ko ang sariling mapatili kanina no'ng isang hubad baro na lalaki ang nalingunan ko. Siguro plano nitong maligo sa swimming pool dahil may tuwalya ring nakasabit sa malapad nitong balikat. Kung hindi lang talaga siya gwapo ay kanina pa ako nagsisigaw rito. "Who are you?" muli ay mariing ulit na tanong no'ng masungit. "Hey Kenzo, take it easy... don't scare her," natatawa namang baling dito no'ng mukhang mabait. "Ahem," Tumikhim pa talaga ako upang makuha ang atensiyon nila bago itinuro ang sarili ko. "Me? I— I'm yours," proud kong dugtong dahil first time kong nakapag-English tapos foreigners pa talaga iyong kausap ko. 'Di ko alam kung bakit biglang nasamid iyong mukhang mabait dahil sa sinabi ko at bahagya namang namula iyong leeg no'ng masungit at lalong sumama ang tingin sa'kin. Mali yata iyong pagkaka-English ko. "I am maid— made for you, so I am yours ... yours maid," mas malinaw kong paliwanag sa kanilang dalawa. Napakamot ako ng ulo dahil biglang bumunghalit nang tawa iyong mabait sa kanilang dalawa. Maliban sa kapansin-pansing pagtagis ng bagang no'ng masungit ay wala akong ibang reaksiyon na nakuha mula sa kanya. "Sana mapanindigan mo iyang pinagsasabi mo," tumatawa pa ring sabi no'ng mabait na kambal. Mangha akong napatakip sa bibig ko dahil marunong itong magsalita ng Tagalog. "Marunong kang magtagalog? Ang galing.... mabuti na lang talaga kasi hirap akong mag-English," halos pumalakpak kong pahayag na mas ikinalawak nang pagkakangiti niya. "But I love to hear your kind of English... Napatameme mo si Kenzo," aliw na aliw niyang saad. Maliban sa love ay medyo hindi ko nakuha iyong una niyang sinabi dahil masyadong mabilis iyong pagsasalita niya ay malinaw ko namang naintindihan iyong huli niyang sinabi. Nahihiya akong bumaling doon sa masungit na Kenzo pala ang pangalan. Mukhang ito siguro iyong hindi makaintindi ng Tagalog dahil hindi siya nagsasalita. "I am sorry Sir, I am not good in English but I am good in any job." Sigurado akong tama iyong pagkaka-English ko dahil tinuro iyan noon sa'kin ni Isay no'ng mag-apply kami sa isang Insik sa bayan bilang mga sales lady at English iyong interview. "Huwag mo na siyang pansinin, Miss, dahil siguradong ibang job ang tumatakbo sa isip niya ngayon," agaw sa atensiyon ko no'ng kambal ni Kenzo. "Ako nga pala si Kiro, ikaw anong pangalan mo?" "Ako po si Kaye, bago ni'yo po akong maid pero bukas pa po ako magsisimula kaya namasyal po muna ako sa paligid. Pasensiya na po inyo, Sir, at napadpad ako rito." "Kung ako iyong tatanungin, okay lang na mapadpad ka rito pero... sanctuary ni Kenzo ang lugar na ito at sa kanya ka dapat humingi ng pahintulot tuwing pupunta ka rito." Talaga ngang mabait itong si Kiro kumpara rito sa tahimik na si Kenzo. Kahit maid lang ako ay nakikipag-usap pa rin siya sa akin at okay lang sa kanyang nandito ako hindi katulad nitong kakambal niyang masama yata ang loob dahil sa presensiya ko. "How old are you?" Masungit ulit na tanong sa'kin ni Kenzo. "I am 18 years old," tuwid ang English kong sagot. Gusto kong batiin ang sarili ko dahil feeling ko gumagaling na ako sa pagsasalita ng English. "D*mn! You're so young!" Salubong ang kilay nitong bulalas. "No, I'm not young... I am old na. 18 is okay to work, I can do job...you can try me." Kinakabahan man ay pilit kong paliwanag sa kanya. Baka kasi iisipin niyang di ko pa kayang gampanan ang magiging trabaho ko dahil sa edad ko. "Okay tama iyang paliwanagan na iyan," naiiling na pumagitna sa'min si Sir Kiro. "Isang beses ko pang marinig ang 'job' na iyan ay tuluyan na akong masisiraan ng ulo." Nagtataka akong napatingin kay Sir Kiro pero wala sa'kin ang pansin niya kundi ay nasa kanyang kakambal . "Don't give me that look, Kenzo, I know what you're thinking dude." Natatawa nitong tinapik ang balikat ng kakambal bago bumaling sa'kin. "Halika na, Kaye, ihahatid kita sa quarter mo... tiyak hinahanap ka na ni Manang Melva." Napasunod sa kanya nang magpatiuna siyang maglakad pabalik sa direksiyong pinanggalingan ko kanina. Bahagya akong yumukod kay Sir Kenzo bilang pamamaalam bago tuluyang humabol sa mabilis na paglalakad ni Sir Kiro . "Kilala ni'yo po si Tiyang?" tanong ko nang makaagapay ako sa paglalakad ni Sir Kiro. "Of course , wala namang ibang bagong katulong na papasok sa'min kundi ay ang pamangkin ni Manang Melva pero 'di ko inakalang ang bata mo pa pala." May pagkadismaya akong narinig sa boses ni Kiro pero ikinibitbalikat ko na lang iyon. Ang mahalaga ay mukhang mabait naman siya sa'kin kaya siguradong hindi niya ako tatanggalin sa trabaho dahil lang sa edad ko. "Nandito na tayo," anunsiyo nito nang huminto kami sa tapat ng tinutuluyan namin ni Tiyang. "Kung may iba kang kailangan ay huwag kang mahiyang lumapit sa'kin," nakangiti nitong sabi bago ginulo ang buhok ko. Habang tinatanaw ang papalayo niyang bulto ay di ko napigilang mapangiti, totoo ngang mababait ang mga magiging amo ko. Medyo napalis iyong ngiti ko nang maalala ang nakasimangot na mukha ni Sir Kenzo. Mababait nga sila maliban sa isang iyon. Pero sa laki ng mansion nila ay imposible namang lagi ko itong makikita. Ayon sa kwento ni Tiyang ay busy sa kanya-kanyamg negosyo ang kambal na anak ng mga amo namin kaya hindi sila palagiang nasa bahay.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
14.5K
bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
48.6K
bc

The Sex Web

read
151.1K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
142.0K
bc

THE BILLIONAIRE'S AMNESIA (COMPLETED)

read
95.0K
bc

NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS

read
69.8K
bc

Escaping My Mafia Boss Fiance

read
38.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook