Ngayong araw ay makikilala ko iyong magiging tutor ko kaya medyo kinakabahan ako. Mabait kaya? O baka naman masungit katulad ni Ms. Minchin doon sa isang palabas noon sa TV. Naku, hindi pa naman pambida itong mukha ko kaya tiyak aping-api ako nito. Huwag naman sana sobrang sungit. May pasok ngayon si Julienne kaya solo ko iyong kaba, wala akong mapagsabihan. Kasama ko naman si Sir Kenzo dito sa sala na naghihintay sa magiging tutor ko pero ayaw ko naman siyang kausapin dahil lang nasobrahan ako sa kape at ngayon ay ninerbyos na ako at baka English-an ako nito, dagdag alalahanin ko pa iyon. Magkaharap kaming nakaupo at nasa pagitan namin iyong maarteng mesa na hindi tumubo kaya pandak. Iyong mesang babasagin na nilalagyan ng palamuting bulaklak sa gitna at parang mesa para sa mga pi