chapter 7

2708 Words
Abot-abot ang kaba na napatitig ako sa seryosong mukha ni Sir Kenzo habang inaanalisa kung tama ba iyong narinig ko. Assumer pa naman ako baka mamaya niyan ay namaligno ako kaya kung anu-ano iyong mga nahahagip ng pandinig ko. Wala sa sariling itinuro ko iyong sarili ko habang di bumibitaw ng tingin sa kanya. "Lalagyan ni'yo rin po ako ng lotion? A-ako po?" naninigurado kong tanong. "Yes," maikli niyang sagot at marahang sinuyod ng matiim niyang titig ang katawan ko. Ako lang ba o sadyang lumalim iyong boses ni Sir Kenzo kaya ramdam ko ang panunuot ito sa balat ko katulad ng mga titig niya. Sa kabila ng lamig sa paligid dulot ng aircon sa basa kong balat na natatabingan ng basa ko ring kapiranggot na suot ay may kakaibang init na lumukob sa katawan ko. Naiinitan ako bigla at parang gusto kong paypayan iyong sarili ko. "I-iyong kamay ni'yo po ang gagamitin ni'yo?" napalunok kong tanong at muling ninakawan ng tingin ang malalaki niyang mga kamay. Di ko talaga keri 'to! Hindi naman dapat ako makaramdam ng ganito kasi hindi ko naman crush itong si Sir Kenzo pero bakit nag-dugsh- dugsh iyong heart ko? "Alangan namang paa iyong gagamitin ko." At ayon na nga, nagising ako sa reyalidad na itong kaharap ko ay ang masungit kong amo, period wala nang kasunod. "Ang weak ni'yo naman po pala, di ni'yo ba alam doon sa probinsya namin ay dila iyong gamit sa paglalagay ng lotion?" pagsisinungaling ko. Masyado kasi siyang pilosopo, nagtatanong lang naman iyong tao— "May narinig din akong ganyan, pwede nating subukan iyan." Nanlaki ang mga mata ko sa sagot niya na pumutol sa takbo ng isip ko. Seryoso ba siya? Maliban sa pagtaas ng isang sulok ng bibig niya ay wala akong ibang nakikitang indikasyon na nagbibiro lang siya. "N-narinig ni'yo na po ang gano'ng style ng paglalagay ng lotion?" puno nang pagdududa kong tanong. Gawa-gawa ko lang naman iyon, paanong may gano'n talaga? "Oo," tumango-tango niyang sagot at bahagya pa akong niyuko sa kinauupuan kong kama niya. "Pero, espesyal na uri ng lotion iyong gamit... gusto mo, subukan natin?" Teka, b-bakit palapit nang palapit sa'kin iyong mukha niya? Pasimple akong umurong palayo sa kanya pero patuloy naman siya sa pasimple ring paglapit. "Ah, hehehe...ano kasi Sir... m-may kiliti po kasi ako kaya next time na lang," nataranta kong sabi habang patuloy pa ring umuurong papunta sa gitna ng malaki niyang kama. Lalo akong nataranta nang di siya tumigil sa ginagawa niyang paglapit sa'kin sa kabila nang bawat pag-urong ko palayo at pagapang pa nga siyang umakyat sa kama upang patuloy akong masundan hanggang sa gitna. Hindi na pasimpleng pag-urong ang ginawa ko at talagang mabilisang pag-atras pero gano'n din iyong ginawa niyang paggapang kaya mabilis niya akong nasukol nang wala na akong maatrasan pa dahil nasa likod ko na iyong headboard ng kama. Mabilis na naglumikot iyong mga mata ko sa paligid upang makahanap ng maaaring maka-distract sa atensiyon niya na di ko alam kung bakit at papaanong natuon sa akin. "Ah, Sir... nabasa po yata natin ang kama mo." Sinadya kong ibahin ang usapan. Napahigpit ang kapit ko sa gilid ng headboard nang patuloy pa rin siya sa paglapit sa'kin. Wala na po akong maatrasan!Pwede ba time out muna?! Halos nakadagan na nga siya sa'kin at kumiskis na sa binti ko ang mga binti niya. Hindi naman ako makagalaw mula sa pagkakasandal sa headboard dahil nasa magkabilang gilid ko iyong malalaki niyang braso at nagsilbing bakod upang hindi ako makatakas mula sa patuloy niyang panunukol at nakakulong ako sa dalawang tuhod niyang nasa magkabilaang gilid ko. Tumigil lang siya nang halos magkadikit na iyong mga mukha namin at humahampas na sa mukha ko ang mainit at mabango niyang hininga. Paulit-ulit kong itinatak sa utak ko na huwag agad manghusga batay sa kinikilos ni Sir Kenzo dahil ilang beses na akong na wow mali. Walang kaduda-duda sa posisyon naming ito , pramis! Hindi po siya nakakubabaw sa'kin at lalong hindi po niya sinasadyang halos magdikit na ang mga mukha namin. Ganito talaga si Sir, may galawang pang-manyak. Nakakalito lang kasi ang gwapo naman niyang manyak kung gano'n. Ano nga ba iyong pwedeng ikaso sa mga among masyadong tsansing? Act of lustsibyusnis ba iyon? Attentive rape? Nalilito ako sa dapat kong ikaso, rape na lang kaya para mas madaling bigkasin? Kung ganito kagwapo iyong irereklamo , may maniniwala kaya? Wala pa naman siyang ginagawa kaya dapat ay kalma muna tayo! Wala pa eh, excited ako masyado! "S-Sir... iyong kama ni'yo po—" "Yes, I heard you... stop reminding me about the d*mn bed. I'm barely holding my waning control in here," halos pabulong niyang putol sa sasabihin ko. Heto na naman po kami sa kaka-English niya. Gusto ko lang namang ipaalala sa kanya na tuluyan na naming nabasa iyong kama niya. Akala ko ba maarte sa mga gamit niya itong si Sir Kenzo? Bakit parang wala siyang pakialam na binabasa ko na iyong kama niya? "Alam ni'yo po, kung gusto ni'yong umayos iyong usapan natin ay bawas-bawasan ni'yo po iyong pagsasalita ng English," lukot ang mukha kong sabi. Tumaas ang kilay niya at isang ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. Iyong kapit ko sa headboard ng kama ay lalong napahigpit upang mapigilan kong mapasinghap dahil sa ngiti niyang iyon. Sobrang lapit ng mga mukha namin kaya kitang-kita ko kung paano lalo siyang gumwapo dahil lang sa simpleng ngiti. Wala sa sariling naikiskis ko iyong mga binti ko sa mga binti niyang halos nakadantay na sa sarili kong binti. Iyong kulay asul niyang mga mata ay biglang umiba ang pagkakaasul, para itong mas naging dark at sa unang tingin ay masasabi mong nagkulay itim ito kasabay nang lalong pagtiim ng mga titig niya sa'kin. Nag-iba iyong paghinga niya at mas dumiin sa'kin ang bigat niya. Bahagya bumaba sa mga labi ko ang mga mata niya kaya medyo natabunan ng talukap niya ang dumidilim niyang mga mata pero hindi iyon nakabawas sa nararamdaman kong bigat mula sa mga titig niya. Kusang lumabas ang dila ko upang basain ang ibabang labi ko dahil feeling ko ay nanuyo ito mula sa mga titig ni Sir Kenzo. Sa ginawa kong iyon ay isang tunog mula sa lalamunan ni Sir ang narinig ko. Hindi ko masabi kung ungol ba iyon o ano basta ang malinaw ay pinapatayo ng tunog na iyon ang mga balahibo ko sa braso. Hindi na sapat na sa headbord lang ako kumakapit dahil parang kailangan ko ng mas matigas na kakapitan. Parang tuksong nang-aanyaya ang nakahantad na malapad na balikat ni Sir Kenzo at hindi ko alam kung paanong natagpuan ko na lamang ang may sariling isip na mga kamay ko na mahigpit na nakakapit doon. Matigas ang mga muscles niya sa ilalim ng malambot at mainit niyang balat. Parang namagnet ang mga kamay ko roon at nawalan ng kakayahang bumitaw kahit na iyon ang sinisigaw ng matinong bahagi ng utak ko. "Lalagyan na kita ng sunblock," paanas na pahayag ni Sir Kenzo na halos di na rumehistro sa inaagiw kong pag-iisip. "S-sige po," kusang lumabas ang mga katagang iyon sa bibig ko. Gusto kong takpan ang bibig ko dahil may kalandian akong narinig mula sa sarili kong boses. Bahagyang umangat mula sa mga labi ko ang matiim na titig ni Sir Kenzo papunta sa aking mga mata. Napansin niya ba? Hindi naman siguro masyadong halata iyon! "But first, subukan natin iyong sinabi mong paraan sa probinsya ni'yo." Naguluhan pa ako noong una kung ano ang tinutukoy niya pero agad na nanlaki ang mga mata ko at isang malakas na singhap ang kumawala sa mga labi ko kasabay nang pag-igtad ng katawan nang walang babalang lumapat sa nakahantad kong balikat ang mainit na labi ni Sir Kenzo. Di ba sabi ko dila? Bakit labi? Oh, di ba? Kahit nagulantang ako sa ginawa niya ay nagawa ko pa ring magreklamo sa isip ko. "Wala munang lotion... next time na lang," mahina niyang bulong malapit sa tainga ko bago ko naramdaman ang mainit niyang dila na naglandas sa balat ko sa balikat papunta sa gilid ng leeg ko. Dis is not wat I'm meaning to say!! Dila po, hindi labi! Mula sa balikat niya ay napakapit ang mga kamay ko sa kanyang buhok nang tuluyang sumubsob sa leeg ko ang kanyang buong mukha. Namaluktot ang mga daliri ko sa paa dulot ng 'di ko maipaliwanag na sensasyong bumalot sa buo kong pagkatao dahil sa ginagawa niyang kapangahasan. Ito na ba iyong time na sisigaw ako ng rape? Ba't ang serep? Habang naglalakbay sa leeg ko ang mga labi at dila niya ay ramdam ko naman ang mariing pagkabig ng mga kamay niya sa baywang at likod ko kaya lalo akong napapadikit sa katawan niya. Ilang segundo lang hindi na nagkasya lang sa posisyon nila sa baywang at likod ko iyong mga kamay niya dahil bahagya nang gumalaw ang mga ito at pumipisil sa bawat madadaanan. "S-Sir..." sisinghap-singhap kong anas dahil para akong masisiraan ng ulo dahil sa mga damdaming pinupukaw niya sa'kin. 'Di ko alam kung ano ang unang bigyang pansin, ang kiliti at sarap na dulot ng mga labi at dila niya, o ang nakakapaghinang init na dulot ng kanyang mga kamay. Parang may gusto akong abutin na di ko alam kung ano. Gusto kong maiyak dahil hindi ko mapangalanan kung ano ang bagay na hinahangad ng katawan ko. Paano kaming umabot sa ganito? Paglalagay lang ng lotion iyong usapan namin kanina pero biglang nauwi yata sa— dilaan at pagmamasahe? Kung kanina ay nag-iiba na iyong takbo ng utak ko sa kaisipang lalapat sa balat ko ang malalaking kamay ni Sir Kenzo ay ngayon tuluyan na yatang nagluwagan iyong turnilyo ko sa ulo dahil di lang iyong kamay niya ang lumapat sa balat ko kundi pati iyong mga labi at ang dila niya. "T-teka, Sir... paglalagay ng lotion lang po iyong usapan," bigla ay nataranta kong awat sa kanya nang maramdaman ko ang dalawa niyang kamay sa pang-upo ko. Hindi naman sa pagiging assumer ko pero parang iba na talaga ito!! Kanina pa dapat ako mag-react pero baka ako lang iyong mapahiya kung mahuhuli akong nagsisinungaling tungkol doon sa paraan ng paglalagay ng lotion sa probinsya namin. Tiniis ko bes, oo... di ba halatang tiniis ko iyong ginawa niya sa'kin? Di siguro masyadong halatang nagtitiis ako dahil sa higpit ng kapit ko sa buhok niya at may paigtag-igtad pa akong nalalaman tuwing pumipisil ang mga kamay niya pero bes... totoong napipilitan lang ako. Kaya ko namang tiisin talaga na 'di mapaungol dahil sa sarap at napipilitan po akong magpigil dahil pakiramdam ko ay konting haplos na lang ay tuluyan na akong mabaliw! "Alam ko, kaya nga pinapaayos na kita sa pagkakaupo." May pagkaaliw akong naririnig sa boses niya. Buti naman at may isa sa aming mukhang naaaliw dito sa nakakapanghina ng tuhod na ginagawa namin. Pinapaayos pala niya ako sa pagkakaupo? So, dapat ay nasa umbok ko sa puwet iyong dalawang kamay niya at iyong mga labi at dila niya ay pababa na sa dibdib ko iyong tinatahak na landas? Habang pinoproseso pa ng utak ko kung saang banda papasok iyong paliwanag niya ay bigla niya akong inangat paupo sa kandungan niya. Kanina pa gustong lumuwa ng mga mata ko dahil sa pabigla-bigla at nakakagulat niyang mga kilos at mabuti na lang talaga may pagka-tsinita ako. Lintik na lalaking ito kasi, pwede bang 'dehen-dehen leng'? Ganitong pagpapaupo pala iyong tinutukoy niya? Iyong pasaklang akong nakaupo sa kandungan niya at nasa magkabilaang gilid niya iyong mga binti ko. Hindi ako komportable sa kinauupuan ko kasi may naramdaman akong matigas na tumutusok sa puwet ko kaya panay ang galaw ko. "Stop moving... hindi tayo matatapos niyan kung panay ang galaw mo," paungol na utos sa'kin ni Sir Kenzo at mahigpit na kumapit sa balakang ko ang dalawa niyang kamay upang patigilin ako sa paggalaw-galaw na ginagawa. "May nanunusok," reklamo ko. Nag-angat siya ng mukha mula sa pagkasubsob malapit sa dibdib ko at diretsong tumitig sa mga mata ko. Hindi pa rin nagbabago iyong kulay ng mga mata niya at pakiramdam ko lalong sumidhi iyong kakaibang paraan ng paninitig niya. Ilang sandali nang paghihinang ng mga mata namin ay bahagyang lumamlam ang kanyang mga titig at masuyong humaplos sa gilid ng mukha ko ang isa niyang kamay. "My innocent little Kikay," malamyos ang boses niyang anas. "You make me feel like a d*mn villain because at this moment all I want to do is take that innocence from you in all possible ways." "Ho? At this moment lang iyong malinaw sa'kin Sir kasi sikat na kanta iyan pero iyong iba ay medyo magulo," napakamot kong sabi. English kasi nang English, alam niya namang medyo mahina iyong kats ap ko. "Can you feel me?" tanong niya sa halip na magkomento roon sa sinabi ko. Nangunot iyong noo ko kasi anong klaseng feel me iyong tinatanong niya. Syempre naman feel na feel ko siya kasi halos magkadikit lang kami. Bahagya siyang gumalaw sa pagkakaupo at gamit ang kamay niyang nasa balakang ko ay iniusod niya ako lalo palapit sa kanya. Bandang huli ay mas lalo kong naramdaman ang matigas na tumutusok sa puwet ko kanina na ngayon ay tumatama na mismo sa hinaharap ko. Bahagya kong niyuko kung ano ba talaga iyon at sunud-sunod akong napaubo matapos mabilaukan ng sarili kong laway nang tuluyang mapagtanto kung ano ang matigas na nanunusok na iyon. Dahil nakasuot lang ng maikli at hapit na hapit na panligo si Sir Kenzo ay kitang-kita ko ang malaking umbok mula doon na kasalukuyang nakasentro sa nakabukaka kong mga hita. Dahil sexy rin iyong suot kong swimsuit ay kitang-kita ko iyong makinis kong singit dahil sa pagkabukaka ko sa kandungan ni Sir Kenzo at tiyak nakikita rin niya iyon. Mabilis akong nag-angat ng tingin sa gitna nang pag-ubo-ubo ko para lang makitang nasa singit ko rin nakatutok ang atensiyon ni Sir Kenzo. Nataranta tuloy akong pinagdikit iyong mga hita ko at nakalimutan kong nasa magkabilang gilid niya ang mga ito kaya ang nangyari ay naipit ko lalo iyong umbok na nakatutok sa'kin pero hindi ko naman tuluyang naisara iyong pagkabukaka ko. Naramdaman ko ang lalong paglalim nang hininga ni Sir Kenzo dahil sa ginawa ko. Lumapat na iyong dibdib ko sa matigas niyang dibdib kaya ramdam ko ang malakas na kabog ng puso niya na nakipagkarerahan yata sa bilis din ng t***k ng sarili kong puso. "I don't think if you can handle me right now, so let's just stick on our first plan... lalagyan na lang kita ng sunblock." May naaninag akong bahagyang paghihirap sa boses ni Sir Kenzo pero agad iyong naglaho nang marinig ko ang huli niyang sinabi. Sa kabila nang prominenteng umbok na nararamdaman ko ay parang biglang nagliwanag ang kaisipan kong unti-unting tinutupok ng mga bagay-bagay na nabubuo ng pagiging assumer ko. "Tama kayo riyan Sir! So ano pang hinihintay mo? Lotion-an mo na ako!" Masyadong hyper iyong boses ko dahil baka biglang magbago ang isip niya at tuluyang magkatotoo iyong tinatakbo ng utak ko. Akmang aalis ako mula sa pagkakaupo sa kandungan niya pero mabilis niya akong napigilan. "Stay still... mas komportable akong maglagay ng lotion sa ganitong posisyon," paliwanag niya nang mapansin ang katanungan sa mukha ko. "Iba din! Pauupuin din kaya kita minsan sa kandungan ko kapag lalagyan kita ng sunblock," di ko napigilang bulalas. Nang kumislap ang mga mata niya dahil sa pagkaaliw ay tsaka ko lang napagtanto iyong mga nasabi ko kaya mabilis kong naitakip sa bibig ko iyong mga kamay ko. "Joke lang iyo, Sir, 'wag mong serysohin!" Mabilis kong bawi, mahirap na baka ikakapahamak ko na naman ang mga sinabi ko. Masyado pa namang patola itong si Sir, ...tinotoo kahit iyong mga gawa-gawa ko lang. "I won't mind, I always love it when I'm on top." Di ko masyadong gets pero ramdam ko ang pag-iinit ng aking buong mukha. Wala naman akong nakitang mali sa mga sinabi niya pero iyong tono ng pagkakasabi niya ay may kakaibang kahulugan at dumagdag pa iyong mapang-akit niyang mga titig. Mapang-akit????! Teka, saan ko nakuha ang salitang iyon? Jusko naman!! Umandar na naman ang pagiging assumer ko. Kailangan na niyang simulan ang paglalagay ng lotion sa'kin dahil baka mamaya niyan ay gabihin na kami pero di pa siya tapos!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD