chapter 6

2533 Words
"Groupie tayo!" Mabilis na nagsipaglapitan sa kinaroroonan ni Ma'am Kofie ang lahat nang itaas nito ang hawak na cellphone. Nasa tubig kami ni Julienne at nina Ate Ving at Aye Yolly habang nasa ibabaw naman sina Ma'am Kofie at iyong ibang mga katulong. Nakikigulo rin pati sina Tiyang Melva at Ate Julie na nanay ni Julienne pero hindi sila lumublob sa tubig sa halip ay tumabi lang sila kay Ma'am Kofie sa gilid ng swimming pool. Ako yata iyong pinakasabik sa tinatawag na groupie dahil ngayon ko lang napag-alaman ang kaibahan nito sa selfie. Sabi ni Ma'am Kofie ay ipo-post iya ito sa Ay-Ji... sabi ni Julienne ay instantgram daw iyon at parang facenote na pwede kang mag-post tapos pupusuan ng mga fellowers mo. Wala naman akong pakialam sa instantgram-instantgram na iyon, kasi ang alam ko lang ay iyong padebelaf-debelaf na uso sa probinsya namin. Iyon iyong ilalagay sa piktyur- frim ang kuhang larawan matapos idebelaf... may bala na film iyong camera tapos may kopya ja pa ng negative na pwede mo ulit ipa- debelaf. Minsan din ay inilalagay ng mga mag-jowa sa wallet nila para remembrance kumbaga pero ang ending ay maghihiwalay rin pala kaya uso roon sa'min ang kulam-kulam gamit ang piktyur. "Kiro, halika rito 'nak... ikaw nga kumuha ng picture namin... ang laki kasi ng mukha ko kung ako iyong nakahawak sa cellphone," maya-maya ay utos ni Ma'am Kofie kay Sir Kiro na tahimik lang na pinanood ang kanina pa naming pagkakagulo dahil sa groupie-groupieng ginagawa namin. "Kenzo, halika rito... ikaw iyong kumuha ng picture at nang may pakinabang ka naman maliban sa kanina mo pa pag-site seeing." Nakangising ipinasa ni Sir Kiro ang utos ng Mommy niya sa kakambal nitong nasa di kalayuan at prenteng nakahiga sa isa sa mga pahabang upuan na halatang pinasadya sa paligid ng swimming pool. Bahagyang kiniling ni Sir Kenzo iyong ulo nito at baling kay Sir Kiro bago tinanggal ang suot na maitim na sunglasses. Akala ko ay tatanggi ito sa utos ni Sir Kenzo pero nagkamali ako dahil walang pagdadalawang-isip itong tumayo mula sa pagkakahiga at naglakad palapit sa gilid ng pool na kasalukuyang kinaroonan ni Ma'am Kofie. Habang pinanood ko ang paglalakad palapit ni Sir Kiro ay parang may kung anong pumintig sa loob ng puso ko. Kumunot ang noo ko at wala sa sariling itinapat sa kaliwang dibdib ang isang kamay ko upang damhin ang kakaibang pagtibok ng puso ko. Habang papalapit si Sir Kenzo ay ramdam ko ang papabilis na t***k ng puso kong kasalukuyang dinadama ng isa kong palad. Anong nangyayari? "I'll just use my phone," seryosong pahayag ni Sir Kenzo nang makalapit ito sa pinagkukumpulan namin. Mabilis akong umayos nang tayo at pasimpleng ibinaba ang kamay na nakatapat sa'king dibdib. "Ipasa mo mamaya sa'kin iyan huh, ipopost ko pa iyan sa IG," paalala rito ni Ma'am Kofie. Isang tango lang ang sinagot ni Sir Kenzo bago tumutok sa'kin ang matiim nitong mga titig. Pasimple akong nagpahuli upang maitago ko sa malaking bulto ng katawan ni Ate Ving iyong sarili ko dahil may kung ano sa titig ni Sir Kenzo na nagdudulot ng kakaibang pakiramdam sa'kin. Nandito na naman iyong nakakailang na pakiramdam na nagpapagulo sa parang mga nagliliparang paru-paro sa loob ng tiyan ko. "Sali rin ako." Napasinghap ako nang isang pares ng matitipunong mga braso ang pumaikot sa baywang ko mula sa likuran kasabay nang pagsasalita ni Sir Kiro na di ko napansing lumublob pala sa swimming pool at ngayon ay nakalapit sa kinaroroonan ko. Mali yatang medyo nagpahuli ako upang makaiwas sa titig ni Sir Kenzo dahil sa mismong bisig ni Sir Kiro ako napunta. Di nakaligtas sa paningin ko ang bahagyang pagtaas ng kilay ni Sir Kenzo habang pinasadahan ng tingin ang posisyon namin ni Sir Kiro. Napapakamot ako ng ulo at bahagyang kumawala sa hawak ni Sir Kiro at naramdaman ko ang bahagyang paghigpit nang pagkakalingkis ng mga braso nito sa baywang ko bago nito inalis ang isang braso pero naiwan pa rin iyong isa. "Bilisan mo na, Kenzo!" parang amo pa nitong utos kay Sir Kenzo. Balewala naman sa mga kasamahan namin ang ginagawa ni Sir Kiro dahil pasimple nitong inakbay ang isang braso kay Ate Yolly habang hindi naman inaalis ang pagkakahawak ng isang kamay sa baywang ko. "Nang itaas ni Sir Kenzo ang hawak na cellphone ay kanya-kanyang posing ang lahat kaya mas lalong nabalewala kaming dalawa ni Sir Kiro na nasa hulihan. "Smile, Kikay, you look tense," pabulong na anas ni Sir Kiro sa punong-tainga ko bago naramdaman ang pagpisil ng kamay niya sa balakang ko. "Naiilang po kasi ako, Sir," mahina kong pagtatapat sa kanya. "Why?" mahina rin niyang tanong. Wala naman akong masagot dahil baka sabihin niya masyado kong binigyang kulay itong simpleng pagkakalapit namin. "Huwag kang mailang, we're family in here." Masuyo ang ngiting nakapaskil sa mga labi ni Sir Kiro na nagpanatag sa magulo kong pakiramdam. Habang nakatitig ako sa kulay asul na mga mata niya ay naisip kong masarap magpakalunod sa mga iyon. Bahagya kong pinilig ang ulo ko nang maalala kung nasaan kami at sino ang mga kasama namin. Kinakabahan kong ibinaling ang pansin sa paligid at medyo nakahinga ako nang maluwag nang mapansing wala naman sa amin ang atensiyon ng lahat dahil pinagkakaguluhan nila ang mga kuha na nasa cellphone ni Sir Kenzo na hawak na ngayon ni Ma'am Kofie. Tapos na pala kaming kunan ng mga larawan pero di ko man lang napansin dahil nasa kay Sir Kiro ang buo kong atensiyon. "Ang sexy ko sa kuhang ito," kinikilig na komento ni Ate Yolly na sinuportahan naman ng lahat. "Ang ganda nating tingnan sa isang ito!" sabat ni Ate Ving na sinang-ayunan ulit ng lahat. Gusto ko ring tingnan iyong mga kuha kaya bahagya sana akong lalapit sa kanila pero may kamay na pumigil sa kamay ko. Kumabog ulit ang dibdib ko nang malingunan si Sir Kenzo na siyang may-ari ng kamay na iyon. "S-Sir?" nautal kong tanong. "Come, may iuutos ako sa'yo," seryoso nitong sabi at pasimple akong iginiya papunta sa hagdan paahon sa swimming pool. Nag-aatubili man ay napilitan akong napasunod sa kanya dahil hawak-hawak niya ang kamay ko. Nagpasaklolo akong tumingin kay Sir Kiro pero isang ngiti lang ang sagot nito. Ngiting nagsasabing walang masamang mangyayari sa'kin. Oo nga naman, ano bang kinatakot ko? Hello, si Sir Kenzo lang ito... iyong pinagdududahan kong may crush sa'kin. Sa sobrang ukupado ng lahat sa mga larawang tinitingnan ay sigurado akong walang nakapansin sa pag-alis namin ni Sir Kenzo. Dahil nasa labas lahat ng mga katulong ay kaming dalawa lang ni Sir Kenzo ang alam kong nandito sa loob ng bahay. Sunud lang ako nang sunod sa kanya dahil hawak-hawak niya iyong kamay ko. "S-Sir... basa po ako," pigil ko sa kanya nang patuloy niya akong hinihila paakyat sa taas kung saan ay fully carpeted na iyong buong sahig. Tiyak na mababasa ko iyong carpet. Pareho naman kaming basa pero mas basa talaga ako dahil mas maraming tubig na naipon sa mahaba kong buhok habang siya ay di naman buong katawan iyong nabasa. Kumunot ang noo niya at pinasadahan ako ng tingin. "I-I'm wet, Sir." Ininglish ko pa talaga upang mas maintindihan niya iyong una kong sinabi. "F*ck," malutong niyang mura bago napahilamos ng mukha gamit ang malayang kamay na hindi nakahawak sa kamay ko. "Oy, hindi ko kasalanan na wet ako! Ikaw naman kasi... basta-basta ka na lang nanghihila papunta rito kaya hayan tuloy, nabasa ko iyong sahig," mabilis kong paliwanag dahil baka sisihin niya pa ako. Humigpit nang bahagya ang pagkakahawak niya sa kamay ko bago walang sabi-sabing binuhat ako na parang bagong kasal. "T-teka! Sir, anong ginagawa mo?" natitilihan kong tanong at mahigpit na napahawak sa hubad niyang balikat dahil baka mahulog ko nang magsimula na siyang umakyat ng hagdan habang karga-karga ako. "Ayaw mong mabasa iyong sahig dahil basa ka di ba?" nakataas ang kilay nitong tanong. "Kakargahin na lang kita para di mo mabasa iyong sahig." "P-pero Sir basa rin po kayo!" paalala ko sa kanya. "Correction, I'm hard, not wet," halos pabulong nitong sabi na di ko masyadong naintindihan. "What, Sir?" Naitikom ko na lang ang bibig ko dahil sinamaan niya ako nang tingin. Mukha yatang nabibigatan siya sa'kin masama iyong tingin eh. May pakarga-karga pa kasi! "You can let go Sir, I'll just walk because I'm, I'm— lintik oy, mabigat po ako." Tinaasan lang niya ako ng kilay habang pinagpatuloy pa rin ang paglalakad. Bakit ba ako napapa-English kapag kaharap itong si Sir Kenzo kahit alam kong nakakaintindi naman siya ng tagalog? Pinapahirapan ko lang talaga ang sarili ko! Pero, nakakahiya rin kasi siyang kausapin ng hindi English... automatic tuloy akong napapa-English. "Sir, saan ba tayo pupunta— Whoaaa!!!" Nauwi sa tili ang tanong ko dahil bigla niya akong binitiwan kaya tumalbog ako sa malambot na kama. Napakurap-kurap kong nilibot ang paningin ko sa kinaroroonan namin at napatakip ako ng bibig ko nang mapagtantong nandito kami sa isang silid at basi sa malaking portrait na nakadikit sa isang bahagi ng silid ay masasabi kong silid niya itong kinaroroonan namin. Masyado ba akong focus kanina sa mukha niya kaya di ko napansing pumasok na kami sa silid niya? Maliban sa pagiging masinop ng paligid ay kapansin-pansin ang kulay puti at itim na dumudumina sa mga kagamitang nandito sa loob. Kulay puti ang dingding , kisame at pati na rin ang carpet sa sahig habang kulay itim naman ang kinaroroonan kong kama. Kama? Mabilis akong bumalikwas mula sa pagkakahiga at akmang baba ako ng kama nang walang babalang itinukod ni Sir Kenzo ang dalawang braso sa bawat kilid ko kaya imbes na bababa ay napaurong ako sa gitna ng kama upang makalayo sa kanya. Napatili ako nang hinila niya ang isang binti ko kaya dumulas ako palapit sa kanya. "S-Sir... 'huwag po," madrama kong anas. Ito iyong linyahan ng mga babaeng ginagapang ng mga amo nila. Bakit iyong mga napanood ko sa TV ay takot na takot iyong mga biktima pero bakit iyong tono ng boses ko ay parang may mali? "Anong pinagsasabi mo?" kunot ang noong tanong niya sa'kin na para bang may mali akong nasabi. Bakit ang sexy niyang mag-Tagalog? Bibihira ko lang siya marinig magtagalog pero ang lakas ng dating. "Ah, eh... Sir, wala po ba kayong masamang gagawin sa'kin?" napakamot sa kilay kong tanong. "Why do I have this feeling that you want me to do something bad to you?" nakangisi niyang tanong. Hayan naman siya sa kaka-English niya. "Y-you want me to make you feel good Sir?" Tama ba iyon? Feel bad daw kasi siya baka gusto niya mag-feel good. "Do you understand what are you offering?" mahina niyang tanong habang tumaas ang isang kamay papunta sa gilid ng mukha ko. Sa lapit ng mga mukha namin ay nararamdaman ko ang hininga niya tuwing nagsasalita siya. "Offering? No, no Sir— I have no offer, I just want to help you feel good... because you feel bad," paliwang ko. Anong offering ang tinutukoy niya? Iyong parang katulad no'ng banker sa isang game show? May offer? Matamang tumitig sa'kin si Sir Kenzo at tuluyan na ngang humaplos sa gilid ng mukha ko ang palad niya pababasa sa leeg ko at bahagyang pumisil roon bago naiiling na umalis mula sa pagkakatukod sa kama at may kung anong kinuha sa mesang nasa gilid lang nito. Abot-abot ang kabang naramdaman ko dahil sa di maipaliwanag na dahilan kaya wala akong kakilos-kilos mula sa pinag-iwanan niya sa'kin. "Just help me with this." Isang malaking bote ng lotion ang inabot niya sa'kin. Nagtataka ko itong kinuha at pasimpleng binasa. Sunblock... para saan ito? Ito ba iyong ginagamit upang hindi magka-sunburn ang mga mayayaman? "Di ko maabot ang likod so I need your help to put that on me." Nagpalipat-lipat ako ng tingin mula sa hawak na lotion pabalik sa kanya hanggang sa tuluyan kong maintindihan ang gusto niya. "Aah, gusto ni'yo po... lagyan ko kayo nito." Tumango-tango kong pahayag. Akala ko kung ano na! Buti na lang talaga di agad ako nag-react kanina. Wow mali na naman sana ulit ako! Hindi pala lahat ng mga pinapasok sa kwarto ng mga amo nila at binabagsak sa kama ay ginagawan ng hindi maganda. Minsan pala gusto lang ng amo na magpalagay ng sunblock. Gusto kong matawa sa bagong natuklasan. Dapat talaga kapag itong si Sir Kenzo ang kaharap ko ay dapat di ako magtamang hinala dahil kahit nakakahinala talaga iyong kinikilos niya ay ang ending ay ako lang iyong assuming. "Talikod po kayo, Sir," utos ko sa kanya at medyo lumuhod sa kama upang maabot ang likod niya. "You look good in my bed," sabi nito bago sinunod iyong sinabi ko. "Ano po iyon?" Hindi ko masyadong nakuha iyong sinabi niya kaya nagtanong ako habang nilalagyan ng lotion iyong malapad niyang likod. Nag-iigtingan ang mga muscles niya sa bawat madadaanan ng palad ko. Ang kinis naman nitong likod ni Sir Kenzo, at ang tigas ng muscles. Sarap pisilin— "S-sori, Sir," mabilis kong paumanhin nang marinig ko siyang umungol. Lintik, di ko napansing napisil ko talaga! Dapat sa isip lang iyon pero pasaway iyong palad ko... pumisil talaga. Binilisan ko na lang ang ginagawa ko at nang malagyan na iyong buong likod niya ay agad kong inabot sa kanya iyong bote ng sunblock. "It's not done yet." Sa halip na tanggapin iyong inabot ko ay humarap siya sa'kin at minuwestra ang dibdib niya. "Pero Sir, abot ni'yo na naman iyan eh," agad kong kong reklamo. Iyong likod nga di ko napigilang pisilin, paano pa kaya itong matipuno niyang dibdib at iyong mga pandesal niya sa tiyan? Natakam ako bigla dahil naisip ko iyong pandesal na tinitinda ko rati. Ang sarap sigurong panggigilan nitong abs ni Sir— "Just do it." Nanlaki ang mga mata ko sa bigla niyang sinabi. "O-Okay lang po na panggigilan ko iyong abs ninyo?" gulat kong bulalas. "What are you saying? Ibig kong sabihin, lagyan mo na ng sunblock lotion iyong dibdib ko," may ngisi sa labi niyang sabi. Nag-init iyong mukha ko sa pagkapahiya. Wow mali na naman ako! Napakamot ko na lang na sinunod iyong utos niya nang di na muli pang nagkomento at baka muli akong sumimplang. Habang nilalagyan ko ng sunblock iyong dibdib niya pababa sa kanyang tiyan ay ramdam ko ang matiim niyang titig sa'kin kaya medyo nanginig iyong mga kamay ko. Halos hindi ako humihinga habang pinagpatuloy ang ginagawa at pigil-pigil ang sarili na samantalahin ang pagkakadikit ng palad ko sa matipuno niyang katawan. Gusto kong umawit ng 'tukso layuan mo ako!'. Lumuwag lang iyong paghinga ko nang matapos nang matiwasay ang ginagawa ko. "Tapos na po," masaya kong pahayag dahil sa wakas ay pwede na kaming bumalik sa baba. "No we're not." Naguguluhan akong napatitig sa mukha niya dahil sa sagot niya. Anong hindi pa? Huwag niyang sabihing pati sa binti at braso niya ay ako iyong maglalagay? Sumosobra naman yata siy— "Turn-over, lalagyan din kita," seryoso niyang pahayag. Nanlaki ang mga mata ko habang pinoproseso iyong mga sinabi niya. Lalagyan din niya ako? Ibig sabihin— Napapalunok akong napatingin sa malalaki niyang mga kamay. —lalapat sa balat ko ang mga kamay niya! Kikay, hinga nang malalim!! Jusko, wala pa nga pero naghihingalo na ako!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD