chapter 8

2819 Words
Lutang... tulala... wala sa sarili... naengkanto at parang nakahithit ng katol habang naglalaro sa ibabaw ng rainbow iyong pakiramdam ko nang tuluyan kaming bumalik ni Sir Kenzo sa kasiyahan sa baba. Hindi ko masabi kung may nakapansin ba sa biglaan naming pagkawala kanina at sa sabay rin naming pagbalik dahil abala sa pakikipaglaro sa mga pa-games ni Ma'am Kofie ang lahat nang dumating kami. Halos mapuno ng tilian at hiyawan ang buong lugar dahil sa Trip to Jerusalem na palarong kasalukuyang sinalihan nina Ate Yolly at ng ibang malulusog na mga katulong. Naghihiyawan ang mga nanood dahil tuwing uupo ang sinuman kina Ate Yolly ay nanganganib na mawasak ang mga upuan dahil sadyang bigatin sa timbang iyong mga kalahok at sinabayan pa ng halatang sinasadyang pagpapabigat pa lalo ng mga ito tuwing nauupo. Agad akong pumuwesto malayo kay Sir Kenzo dahil tiyak na bibigay iyong nanginginig ko pa ring tuhod kung muli ay magkakalapit kami. Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang mainit niyang mga palad na humaplos sa bahagi ng katawan ko na nilagyan niya ng lotion. Lotion pa more kaya ako ngayon ay lutang pa more! Sino ba kasi ang mag-aakalang buwis-buhay pala ang magpapalagay ng lotion sa katawan kasi sa buong durasyon ng ginagawa niya ay halos hindi ako humihinga. Pigil-pigil ko ang paghinga at mabuti na lang di ako hinimatay kanina dahil sa kawalan ng hangin— "Ay hangin!" malakas kong tili na nalunod lang nang mas malalakas na tili nina Julienne at Ate Ving dahil sa kakwelahan ni Ate Yolly habang naglalaro. Pero napatili ako dahil sa ibang dahilan at iyon ay dahil sa pabigla-biglang pagyapos ng matitipunong mga braso ni Sir Kiro sa baywang ko mula sa likuran. Tingnan mo nga naman, alam na alam ko ang kaibahan nina Sir Kiro at Sir Kenzo kahit na di ko pa nililingon kung sino nga ba talaga ang may-ari ng mga brasong nakayapos sa'kin. Natatakot na ako sa sarili ko! "Partner tayo mamaya sa Apple Eating Challenge na kasunod nito," mahinang bulong ni Sir Kiro sa tapat ng tainga ko. Sasali lang kami sa palaro dapat ba talaga pabulong at may payapos-yapos pa sa baywang? "Ah, Sir...hindi ko pa po nasubukang sumali sa mga gano'n," napakamot kong pahayag. Syempre di ko pwedeng sabihin iyong nasa isip ko kaya iba iyong lumabas sa bibig ko. "I'll guide you." Bakit hindi pa rin niya inaalis ang mga braso sa baywang ko at sa halip ay mas kinabig niya ako palapit sa malaki niyang katawan? Umiwas nga ako kay Sir Kenzo pero itong replika niya ay mas malupit pala ang galawan... kasi pasimpleng humihimas sa nakahantad kong tiyan ang isang kamay niya. Jusko! Hindi po ako nausog, Sir, huwag po! Umaayaw iyong isip ko pero gustong-gusto naman ng katawan ko kasi nga ang sherep-sherep kaya makulong sa mga bisig ng isang Kiro Carson. Habang busy ang lahat at walang nakapansin sa mga da moves ni Sir Kiro at sa pagiging maru- fukfok ko ay sinamantala ko na ang pagkakataon, ninamnam kong maigi ang sherep! Crush ko kaya ito si Sir Kiro kaya sige lang... push mo pa, beh! Tama na... pero himas pa more! Pati kamay ko ay pasimpleng humimas sa matigas niyang braso. Sherep, beh, sherep panggigilan ng mga muscle! "Next ay ang Apple Eating Challenge!" Napakurap ako sa malakas na anunsiyo ni Ma'am Kofie. Nasobrahan ako sa pasarap sa bisig ni Sir Kiro, hindi ko namalayang tapos na ang Trip to Jerusalem at pinagkakaguluhan na ng mga kasamahan ko si Ate Yolly na siya yatang nanalo. "Handa na ang mga apple kaya choose your partner na! Pabilisan ito at ang unang pares ba makaubos ay tatanggap ng dalawang libong piso!" Pakiramdam ko ay naghugis pera iyong mga mata ko dahil sa aking narinig. Dalawang libong piso? Tumataginting na mga barya iyong narinig ko. Perang-pera na ako, mga tsong! Kaya ba tuwang-tuwa si Ate Yolly sa panalo niya dahil may premyo pala? Bigla ay sinaniban ako ng determinasyon habang tumutok sa pinasadyang parang sampayan kung saan nakabitin ang mga apple na siyang paunahang ubusin ng mga sasali sa laro. Sa probinsya namin ay lagi kong napapanood ang ganitong palaro tuwing fiesta at batay sa obserbasyon ko ay napakadali lang naman ng gagawin. "Sali kami!" Unang nagpresenta ay si Julienne habang karay-karay si Ate Ving. "Kami rin!" Pati iyong Nanay ni Julienne ay sumali rin at ang partner niya ay si Kuya Poloy na halatang kararating lang dahil isinama ito kanina ni Sir Kian sa pupuntahan nito. Ibig bang sabihin nito ay— "Sali rin kami! Kape, partner tayo!" malakas na anunsiyo ni Sir Kevin na sumulpot mula sa loob ng bahay at kasunod sina Sir Kian at Sir Klaus na kapwa nakangiti. —dumating na nga ang mga asawa ni Ma'am Kofie! "Ako iyong namimigay ng price, paano kung ako iyong manalo? Ako rin iyong tatanggap?" napairap na himutok ni Ma'am Kofie at parang batang sinamaan ng tingin ang nakangising si Sir Kevin. Parang tuwang-tuwang pinisil lang ni Sir Kevin ang pisngi ng asawa niya bago ito ginawaran ng halik sa noo. "Ako iyong magbibigay ng price," bigla ay sabat ni Sir Kenzo. Wala sa sariling nakagat ko ang aking pang-ibabang labi. Kailan pa ako naging apektado sa boses ni Sir Kenzo? Side effect ba ito sa nangyaring lotion-an sa pagitan namin o sadyang ganito lang kabuo iyong boses ni Sir noon pa man pero ngayon ko lang napagtuunan ng pansin. "Talaga? Anong price 'pag manalo, 'nak?" Parang batang nagningning ang mga mata ni Ma'am Kofie na bumaling kay Sir Kenzo. Lalo namang binalot ng pananabik sa palaro ang mga kasamahan ko. "Three days vacation at your chosen tourist destination anywhere in the Philippines, all expenses covered plus extra pocket money and this is good for three to four people." Malakas na nagtilian sina Julienne at iyong ibang mga kasamahan namin pati na rin si Ma'am Kofie ay nakitili at inalog-alog pa ang naiiling na si Sir Kevin. "Galingan mo, Kevin, gusto ko magbakasyon!" pabirong banta ni Sir Klaus kay Sir Kevin na sinagot lang ng huli ng approve sign. At syempre pa, dahil English iyong sinabi ni Sir Kenzo ay di ko magawang makisali sa excitement ng mga nasa paligid ko dahil inaanalisa ko pang mabuti ang ibig sabihin no'n. Kung sana ay medyo binagalan niya lang ang pagsasalita at hindi siya sa'kin nakatitig habang nagsasalita ay makapag-concentrate sana ako. Ano ba naman itong si Sir Kenzo, kung makatitig sa'kin ay may dalang hagod. "Kung tayo ang mananalo ay may tatlong araw tayong pwedeng magbakasyon kahit saan mo gusto," nakangiting sabi sa'kin ni Sir Kiro nang may pagtatanong sa mga matang sumulyap ako sa kanya. Dahil sa narinig ko ay dumoble ang determinasyong nararamdaman ko! Tatlong araw na bakasyon kahit saan ko gusto?? May narinig akong pocket money sa mga sinabi ni Sir Kenzo kaya for sure may kalakip na pera ang bakasyong ito! Makakauwi ako sa'min!! "Mananalo tayo! Dapat manalo tayo!" Pinanlakihan ko ng mga mata si Sir Kiro upang seryosohin niya ang larong sasalihan namin. "Of course, mananalo tayo." Isang naniniguradong ngiti ang ibinigay niya sa'kin bago ginulo ang buhok kong kanina pa wala sa ayos kaya di bale na lang. lahat "Okay, pumwesto na ang mga sasali at iyong mga hindi kasali ay ang magiging tagabantay." Halata sa boses ni Ma'am Kofie na excited na itong sumabak sa laro. Mabilis kong hinila agad si Sir Kiro papunta sa nakabiting apple na nasa pinakamalapit sa pwesto namin. Lima kaming pares na maglalaban-laban at iyong mga hindi kasali ay siyang magbabantay sa amin. "Paunahan ito sa pag-ubos ng apple gamit lang ang bibig of course... Bawal hawakan ng kamay ang apple at kung malaglag sa lupa ang apple ninyo ay automatic kayong out sa laro. Kapag hinawakan din ninyo gamit ang kamay ay disqualified kayo." Napakurap-kurap akong napatingin sa apple na nakabitin sa mismong harapan ng mukha ko. Bigla ay namroblema akong napasulyap kay Sir Kiro dahil sobrang tangkad niya at halos hanggang dibdib niya lang iyong nakabiting apple. Paano niya aabutin ito? Yuyuko siya? Pwede... pero baka mahirapan siya at maunsyami pa iyong panalo namin. Nang sulyapan ko iyong ibang pares ay sakto lang sa tangkad nila ang nakabiting apple maliban na lang kina Sir Kevin at Ma'am Kofie na katulad din sa'min iyong problema. "Kailangan mo lang pigilin sa paggalaw iyong apple gamit ang bibig mo, ako na ang bahalang kumain." Nabuhayan ako ng dugo sa pahayag ni Sir Kiro dahil pakiramdam ko ay hindi naman niya pinoproblema ang distansiya ng apple mula sa bibig niya. Sunud-sunod akong tumango sa kanya at muli'y itinuon ang atensiyon sa nakabiting apple. Hindi naman ito kalakihan kaya tiyak madali lang itong maubos ni Sir Kiro at sana naman ay magaling sa kainan ang isang ito. "Magaling ka ba sa kainan?" di nakatiis kong tanong sa kanya. Mabuti na iyong sigurado. Mayaman pa naman ito, baka mamaya niyan ay gamitan nito ng etikit iyong pagkain ng apple. Kapag ganitong pabilisan ay kailangan lamon ang gagawin at hindi lang basta-bastang kain. Narinig ko ang mahinang tawang pinakawalan ni Sir Kiro dahil sa tanong ko. Bahagya siyang yumuko sa'kin at inilapit ang bibig sa tainga ko. "Lahat ng kinakain ko ay napapasigaw ng more kaya higit pa ako sa magaling." Nagsalubong iyong mga kilay ko sa ibinulong niya sa'kin. Nagawa niya pa talagang magbiro! Paanong sisigaw ng more itong apple mamaya? Kapag ito sisigaw ng more habang kinakain niya ay kakaripas ako ng takbo palayo, sa kanila na iyong panalo dahil ayokong mamaligno noh! Hindi ko na lang binigyang pansin ang sinabi niya at pinalampas ko na rin iyong pilyong ngising nakaguhit sa mga labi niya nang bumalik na siya sa maayos na pagkakatayo. "Okay, ako iyong magbibilang kaya humanda na kayo." Agad bumalik iyong atensiyon ko sa laro nang magsalita si Sir Kian. "Kapag sinabi ko ang go ay tsaka lang kayo nagsisimula, maliwanag? Kevin, huwag mong gamitin dito ang pagkamadaya mo... mahiya ka sa anak mong kasali rin," may pagbabantang sabi ni Sir Kian kay Sir Kevin na umani ng tawanan sa paligid. "Mayaman naman iyang si Kiro, kaya na niyang abonohan iyan," nakangising sagot ni Sir Kevin matapos kami tapunan ng makahulugang tingin. "Hindi ko pa nabudol iyang si Kenzo kaya sasamantalahin ko ngayon, mananalo kami," puno ng kompyansang sagot ni Sir Kiro sa kanyang ama. "Tingnan lang natin," parang batang hirit ni Sir Kevin. Tuwang-tuwa naman ang mga nanonood sa pabirong sagutan ng mag-ama na tinapos pa ng mga ito sa maarteng irapan. Napahiyaw pa si Sir Kevin kasi kinurot ito ni Ma'am Kofie dahil sa inakto nito kaya lalong lumakas ang tawa nina Sir Kian at Sir Klaus. "Ready, magbibilang ako at matapos ang go ay tsaka lang magsisimula! Kevin... GO huh, baka mamaya niyan, mauuna ka na naman!" "Oo na , ang dami mong sinabi ... ako iyong pinag-iinitan mo eh kung manalo ako, kasama ka naman sa bakasyon!" nayayamot na sagot ni Sir Kevin kay Sir Kian. "Kaya nga kunwari pinagsasabihan ka para di nila mahalatang may lutuang mangyayari," pabulong na sabi ni Sir Kian kay Sir Kevin pero rinig naman naming lahat kaya napuno ulit ng tawanan ang buong paligid. "Sige na humanda na kayo... In three... Two... One, go!" Unang subok kong kagatin ang apple ay naitulak ko ito palayo at mabuti na lang maagap si Sir Kiro na pigilan ito kaya nagawa kong ibaon iyong ngipin ko sa balat nito. Nang matanto ni Sir Kiro na di na gagalaw galaw ang kagat kong apple ay mabilis ang ginawa niyang pagkain. Para akong mabingi sa malakas na hiyawan sa paligid pero pinili kong ituon ang atensiyon sa laro at hindi nagpaabala sa mga hiyawan. Nakakamangha dahil magaling ngang kumain— ng apple si Sir Kiro. Madulas iyong apple at hindi mapirme sa iisang posisyon at di nagtagal ay natanggal ang pagkakabaon ng ngipin ko sa balat nito pero swerte ko dahil iyong napili kong partner ay eksperto sa kainan. Sa kabila nang pagkapuno ng kanyang bibig at sa pagitan ng pagkagat, pagnguya at paglunok ay di pa rin nababawasan ang kagwapuhan ni Sir Kiro. Dilat na dilat ang mga mata kong nakatutok sa bawat paggalaw ng panga niya. Bilang na bilang ko bawat pagbuka ng kanyang bibig at mga labi kaya pati iyong katas ng apple na tumulo sa gilid ng bibig niya ay di nakaligtas sa paningin ko. Nagising ako sa saglit kong pagkatulala nang mapansing halos ubos na iyong apple namin kaya para may pakinabang ako ay ibinuka ko nang malaki ang bibig ko upang buong isubo iyong natira. Tagumpay kong nagawa ang balak ko pero di ko napaghandaan ang binabalak ni Sir Kiro na naunahan ko kaya sa halip na apple iyong maabutan ng bibig niya ay lumapat sa mismong labi ko ang labi niya. Literal na tumigil ang paligid. Parang tambol sa lakas ang kabog ng aking dibdib. Wala akong narinig na ingay sa paligid at di ko rin magawang lumayo mula sa pagkakalapat ng mga labi namin. Di ko alam kung alin ang mas nangingibabaw, ang lasa ng apple o ang tamis ng mga labi ni Sir Kiro? Naramdaman ko ang bahagyang paggalaw ng mga labi ni Sir Kiro bago pa kami tuluyang nagkahiwalay dahil sa malakas na pagdamba ni Sir Kian sa kanya. "May nanalo na! Uwian na!" malakas na anunsiyo ni Sir Kian habang akbay-akbay si Sir Kiro na malaki iyong ngisi sa mga labi. Di ko alam kung ano ang dapat kong reaksiyon. Di ko rin masabi kung gaano katagal na naglapat ang mga labi namin o baka naman guni-guni ko lang iyon. Wala sa sariling dinilaan ko ang aking mga labi at tulad nga ng inaasahan ko ay nalasahan ko pa roon ang mga labi ni Sir Kiro. Nababaliw na nga akong tunay dahil kaya kong malasahan ang labi ni Sir! Totoo ngang nagdikit ang mga labi namin! Malakas na paghila ang nagpabalik sa'kin sa kasalukuyan at iglap lang ay pinalibutan na ako ng mga kasamahan ko. "Congratulations, Kikay!" "Grabe! Intense ng labanan!" "Parang gusto kong sumigaw ng 'PANALO'!" Sunud-sunod nila akong binati sa pangunguna ni Julienne na parang uod na binudburan ng asin. Anong nangyari sa isang ito? Natalo lang ay parang kiti-kiti na? "Kahit segundo lang na nagdikit ang inyong mga labi ay para tuloy naging bonus na lang iyong napanalunan ninyo at ang tunay na premyo ay iyong mga labi ni Sir Kiro!" kinikilig na tili ni Ate Yolly na nagpainit sa buong mukha ko. "Natakot ka ba, Kikay?" pilyang tanong ni Julienne sa'kin na ikinakunot ng noo ko. "Natakot ka bang sa galing kumain ng apple ni Kuya Kiro ay muntik na ring nakain ang mga labi mo," dugtong nito na may kasama pang tili sa dulo. Parang mga timang sila ni Ate Yolly na nagtatalon-talon habang magkahawak iyong mga kamay. "Nakakahiya kayo! Ano ba iyang pinagsasabi ninyo! Hindi ko naman napansing nangyari iyon!"mariin kong tanggi sabay iwas ng tingin sa mapanukso nilang mga mata. Aksidenteng napunta kay Sir Kiro ang tingin ko habang pinalilibutan siya ng mga Daddy niya at ng Mommy niya na masama yata ang loob dahil natalo kaya nakapamaywang sa harapan nilang mag-aama habang tuwang-tuwa sila sa pagkapanalo ni Sir Kiro. Nanalo lang sa laro ay gano'n talaga ang reaksiyon nila? Ang labo, sobrang suportib pala talaga ng parents ni Sir at kung makabati ito sa kanya ay parang naihirang siyang world champion sa Apple Eating Challenge. "Congrats, Kikay." Bigla kong nahigit ang aking hininga nang sumulpot sa tabi ko si Sir Kenzo at nagningning ang mga matang yumukod nang bahagya sa'kin upang magpantay ang mga mukha namin. "Salamat po," napalunok kong sagot. Tumaas ang sulok ng bibig nito at walang babalang inilapat ang hinlalaki sa gilid ng mga labi ko at may tinanggal mula roon. Pakiramdam ko ay tuluyan kong nakalimutan kung paano huminga dahil sa pabiglang-biglang mga kilos nito. "As much as I want to lick your lips clean ay 'di ko pwedeng gawin iyon habang maraming nakatingin kaya please... pakipunasan ang gilid ng mga labi mo habang nakapagpigil pa ako." Pakiramdam ko ay nanayo ang mga balahibo ko dahil sa mapanghibong bulong ni Sir Kenzo bago tumuwid nang tayo at tuluyan akong tinalikuran. Awang ang mga labing napasunod na lang ang tingin ko sa papalayo niyang likod na tinumbok ang direksiyon kung nasaan nagkumpulan ang pamilya niya at mukhang hindi pa tapos sa pagbati sa panalo ni Sir Kiro . "Kikay, halika na... kainan na ng tunay na pagkain!" tawag sa'kin ni Ate Yolly habang subo-subo ang hita ng manok. Kaya pala bigla silang nawala kanina sa tabi ko nang lumapit si Sir Kenzo dahil busy na pala sila sa pagkain. Bago lumapit sa mga kasamahan ko ay ninakawan ko pa ng sulyapang direksiyon nila Sir Kiro at mabilis akong nagbawi ng tingin nang ang matiim na titig ni Sir Kenzo ang unang sinalubong sa'kin. Bakit gano'n si Sir Kenzo kung makatingin? Para akong apple na gusto niyang kainin!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD