"Tapos mo na ang iniutos ni Sir Kenzo?" Salubong na tanong sa'kin ni Ate Yolly nang makabalik ako mula sa malaking bahay.
Nasa sala pa rin sila ni Tiyang at hindi pa tapos sa pimimili kung ano ang isusuot nila bukas. Excited masyado!
"May sumpong yata iyon kasi bigla na lang akong pinagsarhan ng pinto," nakanguso kong sumbong bago tumabi kay Tiyang at nakiusyuso rin sa mga swimsuit na tinitingnan niya.
"Di na nakapagtataka iyon, maliban sa pamilya niya at kay Ving ay wala namang kahit sino na pinapapasok iyon sa silid niya. Ako nga ang tagal ko na rito pero ni silip doon ay di ko pa nagawa,"kwento ni Tiyang.
Sumasang-ayong tango naman ang ginawa ni Ate Yolly.
Napaisip ako sa mga nalaman ko nang maalala ko ang pinag-usapan namin ni Sir Kiro.
"Pero Tiyang may maganda po akong balita!" excited kong sabi.
"Ano iyon? Natsansingan mo si Sir Kenzo?" mulagat na tanong ni Ate Yolly na umani nang nanaway na tingin mula kay Tiyang.
"Ito naman si Ate Melva, ayaw ni'yo niyon... malahian kayo ng isang Carson,"pilya nitong biro kay Tiyang at kinindatan pa ako na ikinabungisngis ko na lang.
"Tumigil ka nga baka may ibang makarinig sa'yo... kung ano pa ang isipin," natatawa saway uli ni Tiyang dito.
Mukhang sanay na si Tiyang sa kapilyahan ni Ate Yolly.
"Paano ko tsatsansingan iyon eh hindi ko naman iyon type," seryoso kong saad na nagpamaang sa kanilang dalawa.
"Ate Melva, ito bang pamangkin mo ay may deperensa sa mga mata o di kaya ay nahulog noong bata pa kaya medyo naalog iyong utak kaya hindi alam kung paano tumingin ng taong pwedeng pagnanasahan, pagpapantasyahan, pangangarapin at paglalawayan in short 4P's?" di maipinta ang mukhang tanong ni Ate Yolly kay Tiyang.
"Loko ka talaga, Yolly, bata pa iyang si Kikay kaya normal naman siguro na hindi katulad ni Sir Kenzo ang type niya ," pagtatanggol ni Tiyang sa'kin pero halatang di rin siya makapaniwalang 'di ko type si Sir Kenzo.
"Napaka naman! Iyon ngang mga
teenager na edad trese pataas ay tinitilian si Sir Kenzo kahit malaki agwat ng edad ni Sir sa kanila pero itong si Kikay na 7 years lang ang agwat ay di man lang type si Sir? Ano bang lalaki ang type mo? May mas gwapo ka bang kakilaka kaysa mga amo natin?" naiintrigang tanong ni Ate Yolly.
"Wala naman iyon sa hitsura Ate Yolly... at isa pa mas gusto ko iyong kagaya ni Sir Kiro."
Sabay na napaubo sina Tiyang Melva at Ate Yolly sa sinabi ko.
"Langya! Magkamukha naman ang dalawang iyon! Iyong iba nga hindi alam kung sino si Sir Kiro at sino si Sir Kenzo dahil photocopy talaga sila!" bulalas ni Ate Yolly. "Akala ko naman ay iyong mga mukhang lamang-lupa ang type mo... pangit pero mabait but deep inside mga manloloko pa kaysa naturingang gwapo," may hugot na dagdag pa nito.
"Magkamukha nga pero magkaiba naman ang ugali nila. Ang bait kaya ni Sir Kiro," giit ko.
"Tama na iyan..., Baka may makarinig nakakahiya," saway ni Tiyang Melva sa'min ni Ate Yolly. "Sabihin mo na lang ano iyong magandang balita," pag-iiba niya sa usapan.
"Pag-aaralin po ako ni Sir Kiro," masaya kong sabi.
Saglit lang na nagulat si Tiyang bago gumuhit ang isang malaking ngiti sa mga labi niya dahil alam niya na gustong-gusto ko talagang makabalik sa pag-aaral.
"Kaya pala si Sir Kiro ang type at si Sir Kiro ang mabait dahil may offer pala," nanunuksong sabi ni Ate Yolly.
"Talagang matulungin ang mga Carson kaya dapat pagbutihin mo ang pag-aaral mo," nakangiting payo sa'kin ni Tiyang.
Ramdam kong masayang-masaya siya para sa'kin.
"Iyon nga lang po Tiyang... sabi ni Sir Kiro ay roon daw ako titira sa bahay ni ni Sir Kenzo dahil mas malapit doon ang papasukan kong paaralan at sa kanila rin ako magtatrabaho."
"Ay, gano'n? So makakasama mo roon si Julienne," sabat ni Ate Yolly.
Lalong lumaki ang ngiti ko dahil sa narinig. Ngayon ko lang nalaman na doon din pala si Julienne.
"Pag-aari ng pinsan nina Sir Kian ang school na papasukan mo kasama si Julienne at mas makabubuti ngang doon ka sa bahay nina Sir Kiro dahil kaya lang lakarin iyong paaralan mula roon. Basta ba... mag-iingat ka roon. Sentro ng siyudad ang lugar na iyon kaya mas maraming mga taong 'di mapagkakatiwalaan."
"Oo naman po, Tiyang... mag-iingat po ako roon at nandoon naman si Julienne kaya siguradong magiging okay lang din ako."
Isang masuyong tapik sa pisngi ang sinagot ni Tiyang Melva.
"Masaya ako at matutupad mo na ang pangarap mo."
"Salamat po, Tiyang, kung di po dahil sa inyo ay hindi ako magkakaroon ng ganitong pagkakataon," sinsero kong pasasalamat.
"Mabait kang bata, tiyak matutuwa ang mga magulang mo sa balitang ito."
Parang may humaplos sa puso ko nang maalala ang pamilyang naiwan ko sa probinsya.
Mabibigyan na ako ng pagkakataong maiahon sila sa kahirapan.
"Huwag ka munang mag-boyfriend huh," singit ni Ate Yolly na ikinangiti naming dalawa ni Tiyang. "Pero kung isa kina Sir Kenzo at Sir Kiro ang manligaw ay ...wala nang patumpik-tumpik pa, pikutin mo na," tumatawa nitong dugtong na muling umani nang pananaway kay Tiyang Melva na kapwa ikinatawa naming tatlo.
—***—
"HELLO, GUYS!!"
Napilitan akong kumaway sa kaharap na selfon ni Julienne kung saan ay magkatabi kaming naka-video roon.
Sabi niya ay naka-live raw kami sa facenote niya. Alam ko kung ano iyong facenote pero wala ako niyon kasi wala naman akong selfon na tatskren. Kahit nga keypad ay wala ako. Naririnig ko lang naman iyang facenote sa mga kakilala ko sa probinsya at di ko alam ang tungkol sa facenote live na kasalukuyan naming ginagawa.
"Unang beses namin itong mag-barbeque at maligo sa pool nitong kasama kong si Kikay dito sa swimming pool ng pinakamabait naming mga amo!"
Hindi ko alam kung sino ang mga kausap ni Julienne kasi iyong mga mukha lang naman namin ang nakikita ko sa screen ng hawak niyang cellphone.
Ganito pala iyong live sa facenote? May mga puso² na lumalabas sa screen at may mga comment din na ayon kay Julienne ay mula raw iyon sa mga nanonood sa'min.
Di ko na lang tinanong kung sino iyong mga tinutukoy niya.
"Oy, daming viewers natin ngayon ah! Daming... nag- hi sa'yo.. .batiin mo sila," tukso sa'kin ni Julienne.
Nahihiya akong napakamot ng ulo.
"Wow, girl! Ganda mo raw!" kinikilig nitong sabi at lalong itinuon sa'kin iyong cellphone niya kaya halos iyong mukha ko na lang ang nakikita ko sa screen.
Nababasa ko iyong ibang mga comment na lumalabas. Karamihan lang naman ay nag- hi o di kaya ay bumabati at iyong iba ay mukhang kakilala ni Julienne kasi nagtatanong sila rito kung sino ba raw ako.
"Isang hello mo raw ang bubuo sa mga araw nila, bilis na mag-hello ka," udyok sa'kin ni Julienne at kulang na lang pagduldolan sa mukha ko ang cellphone niya .
"He-hell-o—"
Nabitin iyong pagbati ko dahil bigla ring nawala sa harapan ko iyong cellphone ni Julienne nang nay biglang kumuha niyon mula sa pagkakawak nito.
Sabay kaming napatingala kung sino ang kumuha ng cellphone at sabay rin kaming napasinghap nang makitang masungit na nakatunghay sa'min si Sir Kenzo.
Napasinggap ako dahil talagang nagulat ako sa presensiya nito at talaga rin namang nakakasinghap ang madilim nitong mukha pero itong katabi ko ay napasinghap yata dahil sa ibang dahilan.
Naramdaman ko kasi ang pino niyang kurot sa tagiliran ko habang halos maghugis-puso ang mga matang nakatutok sa nakahantad na—katawan ni Sir Kenzo!
Sa ikalawang pagkakataon ay napasinghap ako nang mapagtanto ko kung ano ang ayos ni Sir Kenzo.
Iyong mga mata ko ay di ko napigilang maglakbay mula sa nakahantad na malapad na balikat ni Sir, pababa sa matipuno nitong dibdib at sa mga braso nitong nagpi-flex iyong mga muscles pababa sa hulmang-hulma nitong abs at sa pinong balahibong manipis na tumutubo sa may bandang puson nito pababa hanggang sa natatakpan na bahagi ng suot nitong maikling fit na fit na pang-swimming yata ito ng mga lalaking napapanood ko sa TV.
Wala sa sariling eksaherada akong napalunok nang tumuon ang mga mata ko doon mismo sa nakaumbok na bahagi ng hinaharap ni Sir. Alam ko naman kung ano iyon dahil kahit tagabundok ako ay di naman ako isinilang kahapon.
Pero ang tanong, normal bang gano'n kalaki ang umbok niyon?
Di ko masabi kasi first time ko lang na nakakita nang ganoon sa tanang buhay ko na halos ilang inches na lang ang layo mula sa mukha ko dahil nakaupo kami ni Julienne habang nakatayo ang hubad barong si Sir Kenzo sa mismong harapan namin..
"No cellphone please... focus on enjoying yourselves with the foods and the pool." May ngiting baling ni Sir Kenzo kay Julienne.
Napaawang ang mga labi ko dahil talagang inaasahan ko na sisigawan niya kami dahil masama iyong una kong nakitang timplada ng mukha niya. Anong nangyari? Guni-guni ko lang ba iyon kanina?
Napakurap ako nang sumulyap siya sa'kin at medyo pinanliitan ako ng mga mata na para bang may nagawa na naman akong kasalanan.
"Sige po, Kuya, selfie po muna tayo," kinikilig na hirit ni Julienne nang iabot ulit ni Sir Kenzo ang cellphone na inagaw nito kani-kanina lang .
"Sure."
Nanigas ako sa kinauupuan ko nang tumabi sa gilid ko si Sir Kenzo at umakbay sa'kin upang magkasya kaming tatlo sa screen ng nakataas na cellphone ni Julienne na ready na para sa selfie.
"OK ,1..2...3, smile."
Halos di ko magawang ngumiti dahil ramdam ko ang init nang pagkakadikit ng balat ni Sir Kenzo sa balat ko.
Parang gusto ko tuloy sisihin si Ate Yolly kung bakit hinayaan ko siyang pilitin akong isuot ang isang sa sa mga two piece swimsuit niya.
Medyo naiilang ako sa kadahilanang pakiramdam ko ay naka-panty at bra lang ako. Mas konserbatibo pa nga iyong bra at panty ko kaysa rito sa suot ko ngayon. Pero nakakahiya rin namang magpalit dahil nakakagulat na halos lahat kami ay nakasuot ng swimsuit.
Magkaiba nga lang iyong style at medyo mas bulgar iyong suot ko pero dahil sa papuring natanggap mula sa kanila kanina ay nagkalakas-loob ako sa ayos ko ngayon.
Sino ba naman kasi ang mag-aakalang maraming koleksiyon ng mga sexy na swimsuit si Ate Yolly dahil inspirasyon daw niya ang mga iyon sa pagda-diet na ginagawa niya. Goal niyang pagkasyahin ang sarili sa mga binili niyang sexy na swimsuits.
"Picture-an ko kayong dalawa ni Kikay, Kuya."
Bago pa ako nakapag-react ay mabilis nang umalis sa tabi ko si Julienne at naiwan kami ni Sir Kenzo na magkatabi habang parang photographer namang pumwesto sa harapan namin si Julienne.
Inaasahan kong tatanggalin na ni Sir Kenzo ang pagkakaakbay niya sa'kin dahil hindi na naman kami nagsisiksikan para magkasya sa screen dahil si Julienne iyong inaasahan kong mag-aadjust pero ang nangyari ay lalo pa yata akong kinabig ni Sir padikit sa kanya at ipinatong niya pa sa balikat ko iyong baba niya.
"1, 2, 3...say cheese."
Ngiwi iyong ginawa ko hindi ngiti dahil naramdaman ko ang pagtama ng mainit na hininga ni Sir Kenzo sa punong-tainga ko.
"Ano ba naman iyan, Kikay, para kang timang," tumatawang komento ni Julienne habang tinitingnan iyong kuha. "Ulitin natin, ngumiti ka kasi Kikay, para kang natatae eh."
Pinagpawisan na nga ako rito! Ano bang ngiti ang gusto ng babaeng ito?
"Oy! Pasali ako!" Bigla ay singit ng bagong dating na si Sir Kiro.
Katulad din ni Sir Kenzo ang ayos nito kaya mabilis kong iniwas ang mga mata mula rito dahil baka saan na naman mapapadako ang mga ito.
Akala ko ba kami-kami lang ni Ma'am Kofie at ng mga kasambahay iyong maliligo dahil may lakad iyong kambal at iyong mga asawa ni Ma'am?
Bakit nandito itong dalawa? Di ba, ayaw ni Sir Kenzo na magseselfon?
Bakit parang gustong-gusto niya itong picture-picture naming ginagawa gamit ang selfon—
"Here, Julienne, use my phone."
Maang akong napatitig kay Sir Kenzo nang iabot niya kay Julienne iyong cellphone niya upang ito ang gagamitin sa pagkuha ng mga larawan.
Oh, tingnan ni'yo at selfon pa niya talaga iyong pinapagamit niya!
Mabilis na nakapwesto sa kabilang gilid ko si Sir Kiro at kung si Sir Kenzo ay nakaakbay sa'kin si Sir Kiro naman ay lumingkis iyong isang braso sa baywang ko.
Inaasahan ba talaga nilang makakaya ko pang ngumiti sa sitwasyong kinasasadlakan ko ngayon?
"Isa pa!"
Humirit pa talaga si Sir Kiro kaya patuloy akong nagtiis na maipit sa pagitan nilang dalawa nitong kakambal niya na wala yatang balak na umurong kahit kaunti.
Isang pilit na ngiti ang ginawa ko habang pinakiramdaman ang presensiya ni Sir Kiro at Sir Kenzo sa magkabilaang gilid ko.
Nakapatong pa rin sa balikat ko ang mukha ni Sir Kenzo habang nakaakbay siya sa'kin.
Si Sir Kiro naman ay nakapatong sa isang hita ko ang kamay niyang nakalingkis sa baywang ko. Ipinagpasalamat ko na lang na may konti pang espasyo sa pagitan naming dalawa—
Nahigit ko bigla ang hininga at nabitin sa ere ang iniisip ko dahil sa gitna nang pagbibilang ni Julienne ay pabiglang pinagdikit ni Sir Kiro ang mga pisngi namin.
"Ang ganda ng mga kuha." Excited agad na lumapit sa'min si Julienne upang ipakita ang mga kuha niya.
Halos magbubungguan ang mga ulo namin habang sabay na sinilip ang mga picture.
Grabe, sanay na sanay na ako sa sarili kong hitsura pero bakit parang nag-iiba yata iyong hitsura ko sa mga kuhang larawan habang katabi sina Sir Kenzo at Sir Kiro.
Nakakaganda pala kapag may katabing mga gwapo?!
"We look cute in here."
Impit na napatili si Julienne dahil sa biglang komento ni Sir Kenzo roon sa larawan naming dalawa.
Bigla ay nag-iinit iyong mukha ko at parang ayaw kong tumingin sa mukha ni Sir Kenzo kaya kay Sir Kiro na lang ako tumingin.
Wrong move dahil hindi ko inaasahang sobrang lapit pala ni Sir Kiro sa'kin kaya nagtama iyong mga ilong namin nang lumingon ako sa kanya.
Nanlaki ang mga mata ako at agad na iniurong palayo iyong mukha ko mula sa kanya. Isang ngiti lang ang nakuha kong tugon mula kay Sir Kiro, ngiting nagpapakabog sa dibdib ko.
Kinakabahan ba ako? Bakit?!
Buti na lang at hindi iyon napansin ni Julienne dahil kinikilig pa rin itong nakatingin sa mga larawan.
Nang sulyapan ko si Sir Kenzo ay mabilis akong nag-iwas ng tingin. Nakatitig kasi siya sa'kin at parang sinasabi ng mga mata niya na nakita niya iyong nangyari.
"Guys, come on! Let's begin this party!"
Nakahinga ako nang maluwang dahil sa biglang pagtawag ni Ma'am Kofie.
Natanaw ko siyang nakatitig sa kinaroroonan namin kaya tiyak na kami iyong tinatawag niya.
Iglap lang ay mabilis pa sa alas-kwatrong nagtatakbo si Julienne palapit kay Ma'am Kofie at tinulungan ito sa mga bitbit na pagkain.
Gusto ko mang sumunod kay Julienne ay hindi ko naman alam kung paanong alisin iyong braso ni Sir Kenzo na hindi pa rin niya inaalis mula sa balikat ko.
"Chill lang, Kenzo-monster... huwag mong takutin iyong bata," natatawang tapik ni Sir Kiro sa kakambal nito at ginulo ang buhok bago sumunod kay Julienne palapit kay Ma'am Kofie na kasalukuyang kinukumpulan na ng ibang mga kasambahay.
"Ah, Sir... ayaw ni'yo po bang kumain?" naiilang kong tanong sa naiwang si Sir Kenzo na mukhang wala yatang balak makigulo kasiyahang pinangunahan ng Mommy niya.
"I'm not hungry," pahinamad nitong sagot.
"Maligo po... baka gusto niyo—"
"Nuh, I don't want to," mabilis nitong putol.
So, ano pala ang ipinunta mo rito?
Sarap itanong pero baka bigla akong bugahan ng apoy kaya huwag na lang.
"Gusto ko kasing maligo at kumain ng mga inihanda nina Tiyang at ng Mommy mo,"nahihiya kong sabi.
Please, pakialis ng braso mo sa balikat ko...gusto ko nang tumayo.
"I don't like what you're wearing," maasim ang mukha nitong sabi.
"Okay po," mabilis kong sagot.
Letse, sasang-ayunan ko na lang siya sa lahat ng mga sasabihin niya para matapos na kami at pwede na niya akong pakawalan.
"I don't want you posting your pictures or videos on social media without my consent."
Mahaba iyon at medyo mabilis ang pagkakasabi niya kaya mabilis din agad akong tumango kahit pinoproseso pa ng utak ko iyong ibig sabihin no'n.
"I heard that you're going to continue your studies and you have to stay with Kiro and I... I don't want you to entertain suitors while you're studying."
Sunud-sunod agad akong tumango dahil pahaba nang pahaba iyong mga sinasabi niya at mas lalo namang pakonti nang pakonti iyong naiintindihan ko kasi masyadong mabilis iyong pagsasalita niya.
Processing pa nga iyong una niyang sinabi, dinagdagan pa kaya ayon... loading!
"Such an obedient little girl." Isang naaaliw na ngiti ang sumilay sa mga labi niya.
Pumalya yata ang t***k ng puso ko nang biglang hinawi ng daliri niya ang ilang hibla ng buhok ko na tumabing sa mata ko bago ito marahang humaplos sa pisngi ko.
Little girl? Tingin niya ba sa'kin bata?
"So young, yet so right for my taste. I'm so f*cking going to hell for this."
Bahagya lang nangunot iyong noo ko dahil wala akong ma-gets sa mga sinabi niya.
Una , English iyon... pangalawa bakit kasali ang f*cking? Di ba mura iyon? Minumura ba ako nito??
"Go, enjoy yourself while I'll enjoy the view."
Napakamot ako ng ulo habang naglalakad palayo kay Sir Kenzo nang tuluyan na niyang alisin ang pagkakaakbay sa akin at pinayagan na niya akong makisali sa mga nagkakatuwaan kong mga kasamahan.
Anong view ang i-enjoy niya? Maganda iyong view ng bahay nila pero 'di pa ba siya nagsasawa?
Nang bahagya ko siyang lingunin ay mabilis ko rin agad binawi ang tingin ko dahil nakita ko siyang matiim na pinanood ang paglalakad ko, ang resulta ay para ko tuloy nakalimutan kung paano maglakad nang maayos... na-cautious? -courteous? -curious? Ano nga ba sa English iyong feeling na di ka mapakali na parang naiilang ka? Iyon iyong nararamdaman ko ngayon.
Nakakalito talaga ang ugali nitong si Sir Kenzo. Noon ay laging nagsusungit sa'kin kaya akala ko ay crush niya ako pero mukhang masungit lang talaga siya period ,wala ng kasunod kaya very wrong ako sa hula ko no'ng una .
Nakakahiya naman iyong mga pinagsasabi ko sa kanya. Mabuti na lang at hindi niya iyon dinibdib dahil mukhang limot na naman niya iyong pinag-usapan namin kagabi na dahilan nang pag-walkout niya.
"Kikay! Halika na! Ligo na tayo!"
Agad nagliwanag ang mukha ko at mabilis akong lumapit sa kumakaway na si Julienne.
Kasama na niya iyong mga kasamahan naming nagtampisaw sa swimming pool.
Kahit pakiramdam ko ay nakasunod pa rin sa'kin ang mga titig ni Sir Kenzo ay 'di niyon mapipigilan ang kagustuhan kong lubus-lubusin ang first time kong pagligo sa swimming pool.
Ang saya nito!!