chapter 4

2306 Words
"Magandang gabi po, Sir Kenzo." Si Ate Yolly pa talaga ang unang bumati sa kabila nang halatang paghingal niya mula sa paggiling-giling na ginawa naming dalawa. Lintik na giling-giling iyon! "Good evening, may ipapalinis po ako sa silid ko." "Magandang gabi po Sir, pasensiya na po Sir pero wala po si Ving ngayon... paano ba iyan? Kung gusto ni'yo po ay si Yolly na lang ang gagawa." Kung di ko lang nalaman ang tungkol sa ugali ni Sir Kenzo mula kay Julienne ay tiyak magtataka ako kung bakit halatang nag-alala si Tiyang Melva. "No, Kikay can do it," malinaw na saad ni Sir Kenzo. Halatang nagulat sina Tiyang at Ate Yolly sa sinabi nito at maging ako ay nagulat din. English iyong sinabi niya pero naintindihan ko naman na gusto niya ako iyong gagawa doon iniutos niya. 'Di ba, walang ibang pwedeng pumasok sa silid niya at humawak sa mga gamit niya roon maliban kay Ate Ving? "Sigurado po kayo Sir?" naniniguradong tanong ni Tiyang Melva. Tingnan ni'yo, pati si Tiyang Melva ay napatanong bigla. Nakakaduda nga naman talaga. "Yeah, Kikay... follow me." Wala pa mang nakahuma sa aming tatlo at tumalikod na iyong masungit naming amo. Iyon na iyon? Wala man lang paliwanag kung bakit ako? I deserve an explanation, I deserve an— , wala na... hanggang doon lang iyong memorize kong linya. Bahagya kaming nagkatinginang tatlo nina Tiyang at Ate Yolly bago ako patulak na inudyukan no'ng huli na sumunod sa papalayong si Sir Kenzo. Tingnan mo iyon, 'follow me' raw pero hindi man lang ako hinintay! "Sumunod ka na roon, bilis! Masamang paghintayon ang isang iyon," pabulong na sabi ni Ate Yolly. Tumingin muna ako kay Tiyang at nang tumango ito sa'kin ay nagkumahog na agad akong sumunod sa papalayong si Sir Kenzo. Kabado at tahimik lang akong nakasunod sa kanya hanggang sa loob ng malaking bahay. Ang laki ng buong bahay pero sobrang tahimik sa kabila ng ilang mga kasambahay na natatanaw kong may ginagawa pa. First time kong umakyat sa ikalawang palapag dahil ayon kay Tiyang hindi raw ako pwedeng magpagala-gala sa bahaging ito ng mansion at maging sa ikatlong palapag kapag walang iniutos sa'kin iyong mga amo namin dahil hanggang sa unang palapag lang iyong trabahong nakatoka para sa'kin. Kung maganda iyong baba ay hindi naman pahuhuli itong itaas . Grabe, fully carpeted pati iyong hallway na dinadaanan namin. Nalibang ako sa pagtingin-tingin sa bawat bagay na nakakuha sa atensiyon ko kaya medyo nagulat pa ako nang huminto bigla si Sir Kenzo at muntik na akong bumangga sa malapad niyang likod. Mabilis akong napaatras nang lumingon siya sa'kin at salubong ang mga kilay na— sinamaan ako ng tingin? Ano na naman ang kasalanang ginawa ko? Hindi ko naman siya tuluyang nabangga kasi nakapagpreno agad ako. "Where is my towel?" bigla ay nakahalukipkip niyang tanong. "Towel?" nagtataka kong balik- tanong. Agad ko namang naalala kung ano ang tinutukoy niya. "Binigay ko po kay Ate Lucia." Lalo yatang sumama ang templa niya dahil lantaran na ang ginawa niyang pagsimangot. "Next time, don't give my things to other people. " Napakamot ako ng ulo dahil sa sinabi niya. Masyadong mabilis iyong pagkakasabi niya kaya iyong next time at people lang ang malinaw sa'kin. Mali bang kay Ate Lucia ko binigay iyong towel kaya pagalit ang tono ng pananalita niya? "Can you repeat again Sir... and... slowly~ please...." Talagang binagalan ko pa iyong pagkasabi ko ng slowly at please sa dulo upang maiparating ang ibig kong sabihin. Napasinghap ako nang bigla niya akong hinila at pinasandal sa saradong pinto na hinintuan namin. Nanlaki ang mga mata ko kasama na ang butas ng ilong ko. Oh Ginoo! Bumilis yata ang kabog ng puso ko! Ito kasing si Sir, pabara-bara ang mga da moves. Oh no, dos , tres! Pamilyar sa'kin ang ganitong eksena. Lahat ng mga nakikita kong palabas kapag ganito na iyon ay tiyak na iyong lalaki ay gustong halikan iyong babae! Lagot na! Hindi pa ako nag-toothbrush! Sino ba ang pwedeng tawagin upang mapalayo sa nakaambang kapahanakan ang mga labi kong hindi pa nalapatan ng ibang mga labi? Pipikit na ba ako? O, gagayahin ko iyong sa mga palabas na magpa-hard to get muna? Excited yata ako, este kinakabahan pala! "Ang pinakaayaw ko ay iyong pinapaulit ako sa mga sinasabi ko." Huwaaaw! Marunong naman palang mag-tagalog pinapahirapan pa ako! Tapos siya pa itong galit-galitan ang drama! Kasalanan ko bang hindi ko kayang makipagtagisan sa Englishan? Ako nga iyong dapat magalit kasi ako iyong hinila bigla at pinaasang halikan— ay mali! Hindi ako umasa dahil feel na feel ko talaga ... Papunta na roon itong ginagawa niya. Nakakaduda itong galit-galitan niya eh, parang naghahanap lang yata siya ng dalihan upang masukol ako at matsansingan na rin nang konti. Bakit konti lang? Okay naman sa'kin ang bonggang-bonggang tsansing! Napapaisip ako habang malalim habang sinipat ng tingin ang buong mukha ni Sir Kenzo . Ganito talaga iyon eh! Sa mga nabasa ko sa nobela at napanood ko sa pelikula ay ganito talaga ang ugali ng mga lalaking may gusto sa isang babae. Kunwari ay galit tapos laging nagsusungit sa babaeng gusto nila pero ang totoo ay gusto lang magpapansin. Hindi kaya—? Tama, cornfirm, cornedbeef , corncern,...p*sti ano nga iyong dapat na english doon? Tagalog nga lang— kumpirmado... crush ako ni Sir Kenzo. "Sir, may gusto po ba kayo sa'kin?" Di ko napigilang tanong. Kahit malakas iyong kutob ko ay gusto ko pa ring marinig mula sa kanya ang pag-amin. Nablangko bigla ang mukha ni Sir Kenzo at manghang napakurap-kurap habang 'di makapaniwalang napatitig sa'kin. Oh, kita ni'yo? Nagulat siya dahil nabuking ko iyong modus niya. "Sori po hah, hindi po kasi katulad ni'yo iyong tipo kong lalaki," nakanguso kong sabi. Totoo iyong sinabi ko, walang halong echos katulad doon sa mga pabebeng bida sa mga pelikula... Ayoko naman talaga sa masusungit at di marunong ngumiti na mga lalaki. Kung si Sir Kiro pa siguro ay okay na okay dahil laging nakangiti iyon at ang bait-bait at— Napahiyaw ako bigla nang malakas na humampas sa dahon ng pintong kinasasandalan ko ang kamay ni Sir Kenzo. At talagang sa gilid pa ng mukha ko tumama ang malakas na hampas ni Sir kaya talagang nagulat ako. "Sinong may sabi sa'yong type rin kita?" maangas niyang tanong sa'kin. Di raw niya ako type pero iyong mga galawang ganito, naks... alam na alam ko 'to! Don't tell a lie, huwag mag-deny!! "Hula ko po iyon, lagi kasi mainit iyong ulo ni'yo sa'kin. Ganyan din noon iyong kapitbahay naming may crush sa'kin... nagpapapansin," namimilog ang mga mata kong kwento. Malakas ang pakiramdam ko sa ganito. Ano nga tawag sa English ng ganito? Intention? "Malakas po iyong intention ko sa ganito," siguradong-sigurado kong pahayag. Ginamitan ko ng konting English para mas madali niyang maintindihan. "What the f*ck is intention? Baka ibig mong sabihin intuition? D*mn, I'm not your f*cking neighbor— don't ever compare me to anyone!"nagtagis ang bagang nitong usal sa mismong mukha ko. In fairness, mabango iyong hininga niya kaya binalewala ko na lang iyong pagtalsik ng laway niya. "Anong tuition? Hindi nga ako nakapagtapos ng pag-aaral kasi wala akong pang-tuition." Sa mga English na lumabas sa bibig niya ay iyong tuition lang ang napagtuunan ko nang pansin kasi sounds familiar. Lalo yata siyang nainis sa'kin dahil talagang namula lalo iyong buong mukha niya at parang gusto na niya akong tirisin. Mali yata iyong hula ko, for da perst taym my intention paled?- filled? - field...lintik binigo ako ng kutob ko! Oh ayan tagalog para di ako malito! Mukha kasing mas lamang ang kagustuhan ni Sir Kenzo na pilipitin ang leeg ko kaysa landiin ako nang pina-slight kaya feeling ko ulit na in-uncrush na niya ako. Nang muling magkasalubong ang mga tingin namin ni Sir Kenzo ay tsaka ko lang na-realize na sobrang lapit na pala ng mga mukha namin. Kahit pala magkamukhang-magkamukha silang dalawa ni Sir Kiro ay magkaiba pala ang kulay ng mga mata nila. Iyong kay Sir Kiro kasi ay matingkad na asul... habang kay Sir Kenzo naman ay madilim na asul lalo na tuwing nagbubuga ng apoy iyong mga mata niya tulad ngayon. Nakaharang sa magkabilaang gilid ko ang mga braso niya kaya 'di ko magawang lumayo sa kanya. Nakakulong ako sa pagitan ng mga braso niya sa bawat gilid ko habang nakalapat iyong likod ko sa saradong pinto at ramdam ko ang mainit na singaw ng katawan niyang halos nakadikit na rin sa katawan ko. Ang ginawa ko ay dumaosdos ako pababa sa kinasasandalan kong pinto at mabilis na lumusot pagapang sa espasyo sa gitna ng dalawa niyang binti. Nagpagpag ako ng mga kamay at tuhod bago tumayo at muling hinarap si Sir Kenzo na na-shock yata sa ginawa ko. Maang siyang nakatingin sa'kin na para bang tinubuan ako ng dalawang ulo. Di siguro siya makapaniwalang nalusutan ko ang ginawa niyang pag-corner sa'kin. "Ngayong malinaw na sa'ting dalawa na 'di natin type ang isa't isa... we need space," mahinahon kong paliwanag sa kanya at may pakumpas-kumpas pa ng kamay. "Ayaw kitang paasahin kaya hindi nakabubuting naglalapit ka sa'kin dahil tiyak na malaki ang posibilidad na ma-type-an mo ako. Di ako nagmamayabang pero marami na kasi kayong mga nagpapalipad hangin sa'kin... purity ko ngayon ay makatulong sa pamilya ko ," seryoso kong dagdag. Sana naman ay hindi niya mamasamain ang desisyon ko dahil para naman ito sa kabutihan niya. Kahit kasi sinasabi niyang di niya ako type ay malaki ang posibilidad na magkagusto siya sa'kin kasi nga the more you hate the more you love at kitang-kita ko ngayon kung gaano ako ka-hate ng masungit niyang mga mata. Ayokong matulad siya roon sa kapitbahay namin dati na pinagbintangan akong paasa at pa-fall. "I can't believe this!" maang niyang bulalas at natatawang napatingala sa kisame. Iyong tawa niya ay hindi naman tawa na natutuwa kundi ay parang napapantastikohan at –naiinsulto? "You really believe that... there's a chance that I will like you?" matalim niyang tanong sa'kin. Napabuntonghininga na lang ako at naiiling lumapit sa kanya upang hawakan ang palad niya. "Sori talaga Sir, pero wala po talaga kayong chance sa'kin," naaawa kong sabi sa kanya at tinapik-tapik ang likod ng palad niyang hawak ko. Kahit naman siguro amo ko siya ay hindi niya naman siguro ako pipilitin na bigyan siya ng chance dahil like niya ako 'di ba? Puno ng simpatiya ko siyang tinitigan. Iglap lang ay malakas na lagabog ng sinaradong pinto ang sinagot sa'kin ni Sir Kenzo. Medyo napakurap-kurap pa akong napatingin sa kamay kong may hawak kanina sa kamay niya. Grabe, di ko man lang napaghandaan ang bigla niyang pag-walkout at pagpasok sa silid na nasa harapan mismo namin. Ang malala, binagsakan pa ako ng pinto. Kawawang pinto, mabuti na lang matagtag iyong pagkakagawa dahil hindi natanggal sa lakas ng pagkakabagsak. Okay ka lang ba si Sir Kenzo? Gano'n niya ba ako kagusto para umakto siya na parang hindi matanggap ang rejection ko? Isang palakpak ang umagaw sa atensiyon ko mula sa pintong binagsak ni Sir Kenzo. Nangunot ang noo ko nang makita si Sir Kiro na malaki iyong pagkakangiti habang nakapalakpak na papalapit sa kinatatayuan ko. "Bravo! Bravo!" puno nang paghanga nitong pahayag habang nakapalakpak pa rin. Ano iyong bravo? Biscuit ba iyong tinutukoy niya? "Pangalawang beses na napatameme mo si Kenzo and this time ay napag-walkout mo pa talaga siya !" tuwang-tuwang sabi ni Sir Kiro. "K-kanina pa po kayo riyan?" nahihiya kong tanong. Isang tango ang sinagot niya sa'kin bago ginulo ang buhok ko. "Gusto mo bang magpatuloy sa pag-aral ?" Napasinghap akong napatitig sa asul niyang mga mata. Tama ba iyong narinig ko? Bigla ay parang tinambol iyong puso ko dahil sa antipasyon at kaba. Antipasyon dahil sa opurtunidad na bigla kong nakikita dahil sa tanong niya at kaba dahil baka mali iyong inaasahan kong kahulugan ng tanong niya. "Gusto kitang pag-aralin, payag ka ba?" Ano kaya ang dahilan kung bakit gusto niya akong pag-aralin? Nang maalala ko si Julienne ay para na ring nasagot ang tanong ko. Pinapaaral din siya ng mga Carson katulad ng ilang mga kapus-palad na pinapaaral ng sinasabi niyang foundation ni Ma'am Kofie. "P-pero... kailangan ko po pa rin ng pera para ipadala sa pamilya ko." Nalungkot ako bigla nang maalala ang rason kung bakit ako nagtrabaho rito malayo sa pamilya ko. Gusto ko mang magpatuloy sa pag-aaral ay kailangan ko pa rin ng pera para sa mga kapatid ko at magulang. "Don't worry, magtatrabaho ka pa rin kahit nag-aaral kaya may sahod ka pa ring pwede mong ipadala sa pamilya mo." Parang anghel si Sir Kiro sa paningin ko dahil sa sinabi niya. Totoo ba 'to? Mabilis akong tumango sa kanya. "Opo! Gusto ko pong mag-aral ulit! Promise po,pagbubutihin ko ang pag-aaral at pagtatrabaho." Halos gusto kong magtatalon sa sayang nararamdaman ko ngayon. Parang si Sir Kiro ang sagot sa lahat ng mga dasal ko. "Kinausap ko na si Mommy tungkol dito at iyong sagot mo na lang talaga ang gusto kong marinig... Kasi kung gusto mong mag-aral ay kailangan mong tumira kasama namin ni Kenzo dahil mas malapit sa bahay namin ang paaralang papasukan mo." "Po? P-pero paano iyong trabaho ko rito?" May sarili silang bahay ni Sir Kenzo? Grabe lang, di pa ba sapat sa kanila itong napakalaki nilang bahay at may iba pa talaga silang bahay? Iba na talaga ang mga mayayaman! "Sa amin ka na magtatrabaho. Napapansin kong hinahayaan ni Kenzo na hawakan mo ang gamit niya kaya napagdesisyunan kong ikaw iyong dadalhing katulong sa bahay namin sa halip na sila Ate Ving at Ate Lucia dahil kailangan talaga silang dalawa dito sa mansion lalo na at mukhang magtatagal dito si Ate Khaila mo." Kahit maging katulong ng masungit na si Sir Kenzo ay handa kong gawin basta makapag-aral lang ako ulit habang natutulungan pa rin iyong ng pamilya ko. Ang saya-saya ko!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD