Nasa likod ng bahay namin iyong banyo at nasa harapan ng bakuran nanggagaling ang maingay na pagtutungayaw ni Tingting kaya pumuslit ako sa likurang pintuan. Bitbit ang tuwalya at pamalit na damit ay medyo kabado kong binaybay ang ilang hakbang na pagitan ng bahay namin at banyo. Totoo kayang nasa loob na si Kiro? Simple lang iyong banyo namin, sementado iyong dingding, second hand na yero iyong bubong at tabla iyong pinto na walang pasosyal na doorknob na hawakan upang buksan kundi ay automatic tulak lang at diretsong welcome to kubeta na at paliguan na rin. Napahinto ako sa harapan ng nakapinid na pinto. Bigla kong naisip kung nalinis ba iyong banyo namin bago pumasok si Kiro o baka meron pang mga nakasabit na butas-butas na panloob sa pinausling pako na sabitan likod ng pinto. Hin