Tumatamang sinag ng araw sa mukha ko ang gumising sa'kin kinabukasan. Napakurap-kurap muna ako sa pawid naming bubong bago inilibot ang mga mata kung nasaan ako. Hindi naman siguro ako nanaginip kagabi di ba? Totoo naman siguro iyong nangyari sa amin kagabi nina Kiro at Kenzo. Pero bakit nandito na ako sa silid tulugan namin ng mga kapatid ko? Huling naalala ko ay basa sala kami at— nakatalukbong ng kumot. Nang maalala ang nakatakda naming pag-alis nang maaga ay agad akong bumalikwas nang bangon pero agad ding napahiga ulit dahil sa pagsigid ng sakit sa pagitan ng mga hita ko at sa aking balakang. "Ay, gagi... totoo ngang nasibak ako ng kambal kagabi," mahina kong usal. Nang muli akong bumangon ay painot-inot na iyong kilos ko. Di ko pa rin mapigilang mapangiwi dahil masakit talag