Bigla akong napabalikwas ng bangon. Pinagpawisan ako sa kabila ng lamig na binubuga no'ng aircon. Ang lakas ng kabog ng puso ko dahil sa napanaginipan ko. Di ko namalayang nakatulog pala ako! Mabilis kong tiningnan iyong oras sa tigdadalawa one hundred kong relo. Nagulat ako dahil alas syete na ng gabi. Gano'n ako kapagod dahil sa ginawa namin ni Sir Kiro kanina? Anong oras na oh! Maghapon akong tulog ni hindi nga ako nakakain ng tanghalian. Kung di pa ako nanaginip na ginagahasa ko raw si Sir Kenzo ay di pa ako magising mula sa mahimbing na tulog. Ano ba naman kasing panaginip iyon? Bakit sa dinami-rami ng pwede kong gahasain ay si Sir Kenzo pa na masyadong napaghalataang atat na atat at gustong-gusto iyong ginagawa ko. Ako iyong nahiya sa sarili ko sa panaginip na iyon! Ang l