Hindi kasinglaki pero kasingganda ng bahay ng mga magulang nina Sir Kiro at Sir Kenzo ang bahay na tumambad sa paningin ko nang huminto ang sinasakyan namin magiging tahanan ko sa susunod na mga araw. Kung ang bahay nina Ma'am Kofie ay wala gaanong gwardiya ay iba rito sa bahay nina Sir Kenzo at Sir Kiro dahil parang katulad sa mga palabas sa TV , daming lalaking nakabarong kahit wala namang kasal o libing tapos may bitbit na mahahabang baril na parang laruan lang. Pumuputok kaya iyon? May namataan ako kaninang tatlong bantay sa gate at meron ding mga naglilibot ngayon at lahat ng mga iyon ay sumaludo sa sasakyan ni Sir Kenzo kahit na siguradong 'di nila nakikita mula sa labas kung sinu-sino kaming mga sakay rito sa loob. "Bakit ang daming gwardiya? At totoo ba iyang mga hawak nilang ba