Mula kina Kiro at Kenzo ay bumaling ang tingin ko kay Ma'am Joy na pailalim akong tinitingnan. Hindi niya inaalis ang tingin sa mukha ko na para bang pinag-aaralan ang bawat ekspresyon na naroon. Halatang hinihintay niya ang magiging reaksiyon ko sa kanyang mga sinabi. Hindi naman ako taong bato para di masaktan sa mga narinig ko pero... di ko mapigilang madismaya dahil walang originality itong si Ma'am Joy. Napanood ko na ang ganitong mga galawan ng mga kontrabida sa mga K-drama na laging pinapanood ni Julienne. Wala na bang mas bago? Iyong di pa nagamit sa pelikula para naman lidyet iyong pagkokontrabida niya kasi totoong buhay ito! Nakakapanghinayang naman, ang ganda-gandang babae at ang yaman-yaman pero nangongopya ng eksena sa mga k-drama! Inaasahan niya bang gagaya rin ako sa