chapter 9

2251 Words
Nakakapagod ang buong maghapon na ginugol namin sa mga palaro habang naliligo sa pool at hanggang ngayon ay di pa rin humupa ang kasiyahan namin. Nagsiuwi na kami lahat ng mga kasamahan ko sa kanya-kanya naming quarters sa likod ng mansion pero bago naghiwa-hiwalay ay binabalikan namin ang mga nakakatuwang nangyari sa bawat panalo at talo sa mga sinalihan naming palaro kanina. Pagdating sa silid na nakalaan sa'kin ay mabilis akong sumalampak sa sahig kung nasaan ay maayos kong inilatag ang banig at mga unan pati kumot na siyang tinutulugan ko gabi-gabi simula nang dumating ako rito dahil hindi ako makatulog sa ibabaw ng malambot na kama. Sanay iyong likod ko sa matigas na papag kaya pakiramdam ko ay kinakain ako ng buong kama tuwing hihiga ako roon. Dahil sa pagod ay agad kong naramdaman ang pamimigat ng mga talukap ko pakahigang-pagkahiga ko. Mabuti na lang at naglinis agad ako ng katawan kanina bago sabay-sabay na naghapunan ang lahat sa malaking bahay. Ang bait talaga ng mga amo namin, ang swerte ko! Pagod man ay may ngiti sa labi kong ipinikit ang aking mga mata. Ang saya ng araw na ito! Nag-aagaw-tulog ako nang maramdaman kong bumukas iyong pinto pero wala na akong lakas pa na magmulat ng mga mata. Naramadaman kong pumasok ang taong nagbukas ng pinto palapit sa kinahihigan ko. May mainit na bagay na humahaplos sa pisngi ko na lalong dumuyan sa kamalayan ko papunta sa mundo ng masayang panaginip. ===================== Komportableng pakiramdam, iyon ang una kong napansin nang unti-unti akong nagising mula sa pagkakatulog. Ang sarap ng mainit na bagay na kinasiksikan ko habang malamig naman ang paligid ng kinaroroonan ko. Inaantok pa ako kaya mas lalo kong isiniksik ang sarili sa nagbibigay ng init sa'kin. Naalala kong 'di naman ako gumagamit ng aircon pero ang lamig talaga at mabuti na lang ay mainit itong siniksikan ko. Ang sarap ulit matulog—! Mabilis akong nagmulat ng mga mata at agad nawala ang antok ko nang biglang gumalaw ang kinasiksikan kong mainit ba bagay. Unang tumambad sa nanlalabo ko pang mga mata mula sa pagkakatulog ang makinis na hubad na dibdib bago ko naramdaman ang pares ng matitipunong braso na mas lalong kumabig sa'kin padikit sa nagmamay-ari ng hubad na dibdib. Mabilis akong nag-angat ng mukha upang mabistahan kung sino itong mahigpit na nakayakap sa'kin para lang mapasinghap nang sumalubong sa'kin ang mga mapaghanap na mga labing mabilis na umangkin sa mga labi ko. Sir Kenzo..., piping sigaw ng isipan ko nang makilala kung sino ang natatanging taong nagtataglay ng pamilyar na mabangong amoy at kayang mangahas na humalik sa'kin nang ganito sa kasidhi. Nakipag-unahan sa sabik na mga labi ni Sir Kenzo ang mga katanungan sa bagong gising kong isipan. Anong ginagawa ni Sir dito sa silid ko? Bakit niya ako hinahalikan, kay aga-aga? At bakit lalo yatang sumasarap ang bawat halik ni Sir? Halos maubusan na ako ng hangin sa baga dahil paramg wala yatang balak si Sir Kenzo na lubayan ang mga labi ko. Habang tumatagal ay naramdaman kong lalong may pagigigil ang galaw ng mga labi niya na sinabayan pa ng mga kamay niyang di ko napansing nakapasok na sa loob ng damit ko. Ano na Kikay? Di ka man lang sisigaw ng 'Sir, huwag po'? Isang ungol ang tanging lumabas sa bibig ko, isang nasasarapang ungol na lalo yatang nagpahibang kay Sir Kenzo dahil tuluyan na siyang pumatong sa'kin. Tsaka ko lang napansing nasa ibabaw kami ng kama at wala sa sahig kung saan ako laging natutulog. May pakinabang din pala ang kalambutan ng kama dahil masarap siya sa likod habang buong bigat na nakadagan sa'kin si Sir Kenzo. Wala pa rin bang malisya itong ginagawa ni Sir? Kinakain na niya ang buong bibig ko , wala pa ring malisya? "Mamay ko po!" malakas kong hiyaw nang walang babalang pumasok sa ilalim ng suot kong malaking damit ang ulo ni Sir Kenzo sabay subo at sipsip ng isa kong u***g habang minamasahe naman ng isa niyang kamay ang isa kong dibdib. Nagdadalawang-isip ako kung sasawayin ko ba si Sir upang tumigil o uungol na lang dahil sa nakakabaliw na pakiramdam? Wala po itong malisya! Pramis, hindi po ako malisyosong tao kaya pigil na pigil kong muling mapaungol nang malakas. "S-Sir ," di ko napigilang daing nang sunud-sunod ang ginawa niyang pagsipsip na para bang gutom na gutom siyang sanggol. Daing iyon at hindi ungol kaya kere lang, walang malisya ito! Hindi ba pinapadede ni Ma'am Kofie itong si Sir Kenzo noong baby pa ito kaya ganito kauhaw sa gatas? "Ah, Sir... wala pa po akong g-gatas," sisinghap-singhap kong pahayag habang salita niyang sinisipsip ang dalawa kong dibdib. "F*ck! D*mn!" malulutong niyang mura at mas lalong pinag-igihan ang ginagawa. Galit ba si Sir dahil wala siyang makuhang gatas mula sa'kin? Inaasahan niya bang kung mas pag-igihan niya ang ginagawang pagsipsip at pagmasahe sa dibdib ko ay magkakagatas ako? Ang labo naman, wala po itong malisya— mamaykupo, ang sherep ! Ilang sandali pa at mukhang napagtanto ni Sir na wala talaga siyang makukuhang gatas sa'kin kaya itinigil niya ang kanyang ginagawa at inilabas ang ulo mula sa leegan ng suot kong damit kaya para tuloy kaming nakasuot ng iisang damit. Mabuti na lang at malaki talaga itong suot kong damit at maluwang iyong leegan kaya nagkasya kaming dalawa. Iyon nga lang dahil dalawa na kami ay biglang sumikip ang mga katawan namin sa damit. Lapat na lapat ang matigas niyang dibdib sa namimigat kong dibdib at bawat pagtaas-baba ng dibdib niya ay parang minamasahe ang sensitibo kong dibdib. "Good morning," paos na bati sa'kin ni Sir Kenzo bago hinalik-halikan ang mga labi kong pakiramdam ko ay namamaga mula sa pag-angkin niya kani-kanina lang. "G-good morning po Sir— Sir!" Nauwi sa gulat na singhap ang pagbati ko dahil bigla ba naman niyang ibuka ang mga hita ko sabay puwesto sa pagitan ng mga ito. Isang maikling shorts lang ang pinares ko rito sa malaking t-shirt kong suot kaya ramdam ko ang pagkiskis ng binti at hita ni Sir Kenzo sa binti at hita ko. Nanlaki ang mga mata ko bang may iba pa akong bagay na naramdaman na kumiskis sa pang-ibabang bahagi ng katawan ko. "S-Sir... b-bakit wala k-kayong suot na d-damit?" kandautal kong tanong nang tuluyang masiguro ang kawalan niya ng suot. "I always sleep naked," pabalewala niyang sagot habang pinapak ang nakahantad kong leeg. Nikid daw, ibig sabihin hubad— parang gusto kong tingnan ang katawan niya para makumpirmang hubad nga siya. Wala pa ring malisya iyon, gusto ko lang makasiguro... huwag kayong judgemental! Gaano kaya kalaki— iyong katawan niya? Hindi ko kasi nabistahang mabuti kahapon dahil inatake ako ng nerbiyus dahil sa lotion-nang naganap. Ngayon kasi ay di na ako gaanong ninerbiyus, hinahalikan lang naman niya ako eh... hinahalikan niya ako habang hubo't hubad siyang nakapatong sa'kin! Tama, ano bang dapat kong ikanerbiyus? Una sa lahat ay kakagising ko pa lang, di pa ako nagkakape, at pangalawa... nakakakiliti ang bawat halik niya, at pangatlo— Mahigpit akong napakapit sa braso ni Sir nang mas lalo niyang idinikit sa'kin iyong ibabang bahagi ng katawan niya kaya lalong pumwesto iyong matigas na kanina pa nadumudutdot sa pagitan ng nakabuka kong mga hita. Wala pa rin bang malisya?? Kabado ako bale sengkwenta dahil dama ko kung gaano kalaki ang nakatutok na iyon sa'kin pero dapat pa rin ay don't panic dahil si Sir Kenzo lang ito! Tama, iyong amo ko na kalimitan may sumpong. "Saan mo gustong magbakasyon?" mayamaya ay narinig kong tanong niya habang naramdaman ko ang mga kamay niyang pumipisil sa pang-upo ko. Paano napunta ang mga iyon doon? At ano ang koneksiyon ng bakasyon sa ginagawa namin— este niya lang pala! Agad sumagi sa isip ko iyong napanalunan ko sa palaro kahapon, iyong bakasyon na may kasamang pocket money. Tama, baka iyon ang tinutukoy ni Sir Kenzo, siya nga pala iyong magbibigay ng premyo. Sabi ko na nga eh, walang malisya ito— Oooh! Napaigtad ako nang idiin niya ako lalo sa kama kasabay nang pagdiin din ng mga kamay niyang nasa pang-upo ko kaya nagkaumpugan ang mga hinaharap namin. Jusko! Nakalimutan ko iyong tanong! May tanong ba? "Gusto mo sa Palawan tayo? Maganda rin sa Boracay o di kaya sa Baguio." Paano ako makapag-concentration nito kung sinasadya niyang bundolin ang hinaharap ko ng hinaharap niya? Walang malisya ito, sadyang may bundolan lang na nagaganap. "Sabihin mo lang sa'kin kung saan mo gustong magpunta, dadalhin kita roon," masuyo niyang bulong sa'kin habang pinaglandas ang dila sa leeg ko. "Sa langit po—este gusto ko pong dumalaw sa'min." Narinig ko ang mahina niyang tawa bago nag-angat ng mukha mula sa leeg ko at tumitig sa mukha ko. "I will bring you to both... not now but soon, pero unahin muna natin iyong pangalawa mong gustong puntahan." May kislap ng kapilyohan ang mga mata nito habang pinagmamasdan ako. Umi-english na naman siya buti na lang ay naintindihan ko... dadalhin daw niya ako sa bangka, boat kasi sabi niya... magbabangka ba kami papunta sa probinsya? Naalala ko bigla ang karanasan ko sa unang pagsakay ko ng eroplano. "You're so d*mn beautiful," bigla ay putol niya sa naglakakbay kong isip. Beyutifol daw ako pero bakit may kasama pang mura? Ano iyong nagmumurang kagandahan? Ang labo talaga nito! Nakaramdam ako ng pagkailang sa ilalim ng mga titig niya. Sino ba ang hindi maiilang kung nakatutok sa'yo ang matiim na mga titig ng isang Kenzo Carson habang nakatutok din iyong naghihimagsik na katigasang kulang na lang ay sumuot sa suot kong shorts! Tapos, pilit mo pang isiniksik sa utak mo na 'walang malisya' po ito!! "Ah, S-sir tumayo na po tayo, umaga na po oh," naiilang kong sabi. "I wanna stay here, dito lang tayo." Napamaang ako dahil may kaakibat na lambing iyong boses niya. Oy, naintindihan ko iyong sinabi niyang English. Umaga pa kasi kaya full charge iyong utak ko, mabilis pumik-ap. "P-pero Sir,may trabaho po ako." Agad akong nag-alala nang maalala ang nakatokang trabaho sa'kin. Isa pa, paano kung nalaman ni Tiyang na nandito sa loob ng silid ko itong si Sir Kenzo—! Parang hudyat ay sunud-sunod na katok ang narinig ko mula sa labas ng silid ko. "Kikay? Kikay...gising na, mauuna ako sa'yo sa malaking bahay." Boses ni Tiyang ang narinig ko na siyang kumakatok sa labas ng pinto. Mabilis kong tinakpan ang bibig ni Sir Kenzo nang mapansin kong bubuka ito. Siya ba si Kikay at may balak siyang sumagot? "O-opo Tiyang... maliligo lang po ako!" kinakabahan kong sagot habang nagbabantang nakatingin kay Sir Kenzo. Mabilis ko ring binawi ang kamay ko dahil tinikman ba naman ng dila niya iyong palad ko. Ang hilig talaga mandila nitong si Sir, pero walang malisya iyon! "Buksan mo nga sandali itong pinto, ipapasok ko lang itong mga nilabhan kong damit mo." "Po?!" gulantang kong sigaw at mabilis na babangon— sana. Nakalimutan ko nakapatong pala sa'kin si Sir Kenzo kaya ang nangyari ay nauntog ako sa kanya. "F*ck!" Nanlaki ang mga mata ko dahil sa biglang mura ni Sir Kenzo dahil tumama iyong noo ko sa labi niya. Sa takot ko na baka marinig ni Tiyang na nasa labas lang nitong silid ko ang maaari pang lalabas na mura sa bibig ni Sir Kenzo ay mabilis ko siyang isinubsob sa dibdib ko. "Tiyang, ilagay ni'yo na lang po sa pintuan...ako na po ang magpapasok mamaya," pigil na pigil kong matarantang sabi. "O siya sige, mauna na ako." "Sige po, susunod po ako." Nakahinga ako nang maluwang nang narinig ang papalayong yabag ni Tiyang pero agad din akong napaungol at napasulyap kay Sir Kenzo na di umaalis mula sa pagkakasubsob sa dibdib ko bagkus ay sinamantala ang pagkakataong muling pinagpala ang mga iyon gamit ang mga labi at dila niya. "S-Sir, kailangan ko na po talagang maligo upang makapasok sa trabaho," padaing kong anas. Kanina pa niya ako nilalawayan kaya kailangan ko na talagang maligo . Grabe , habang tumatagal lalong sumasarap ang bawat hagod at dampi ng mga labi at dila niya sa bawat madadaanan ng mga ito kaya kahit walang malisya ito ay mapapaungol ka na lang, ungol na wala ring malisya. "Titira ka na sa'min ni Kiro mula bukas kaya pagbibigyan kita sa ngayon," makahulugan niyang pahayag bago sinubo ang isa kong u***g at mariing sinipsip iyon bago tuluyang pinakawalan kasabay nang paglabas niya mula sa damit ko. Prente siyang umalis mula sa pagkakadagan sa'kin at walang hiyang-hiyang tumayo sa harapan ko. Halos lumuwa ang mga mata ko nang tumutok ang mga ito sa partikular na bagay sa pagitan ng mga hita niya na tayong-tayo at halos umabot sa pusod niya ang haba. Ito iyong unang beses na nakakita ako ng isang hubad na lalaki at lalong ito iyong unang beses na nakakita ako ng isang— "Ahas! Isang malaking ahas!" sindak kong bulalas. Napuno nang malutong na halakhak ni Sir Kenzo ang buong silid habang di ko naman maalis-alis ang paningin sa partikular na ahas na maugat ang matabang katawan at medyo may kahabaan na nagtataglay ng mamula-mulang ulo. Sunud-sunod akong napalunok na parang hihimatayin lalo na nang maalala kong kumiskis sa'kin ang dambuhalang ahas na iyon!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD