Photograph

5965 Words
Chapter 14 One week had already passed since kumalat ang isyu tungkol sa amin ni Nathan, pero buti nalang mabilis ang panahon at mabilis din ang pag die down ng isyung iyon. Ngunit, sa isang linggo na iyon ay hindi rin ako nakapunta sa border wall. Kung tutuusin as Nia, hindi ko nakausap si Nathan ng isang linggo, pero parang ngayon lang ako nagpapasalamat na katrabaho ko siya as Ninya kaya kahit papaano, nakakalap ako ng impormasyon. Nasa classroom ako ngayon, at habang naghihintay sa aming guro, nagsisimula na akong magplano kung anong pwedeng gawin sa amnesia niya na yan. Sa pag-uusap namin nung isang araw, nalaman ko on why he likes photography. Since he mentioned that it's his way to keep memories, then that's one of the first step na dapat niyang gawin. He needed to gather as much photos as he has para may maalala siya. Nang dumating ang guro namin, lahat kami nagsiayos at sinimulan niya ang discussion. Habang nagsasalita ang guro, multi-task akong to take notes at magsulat tungkol sa mga plano para sa amnesia ng lalaking iyon. … Comes the lunch of the day kaya nag-ayos ako agad at dinala ang kailangang dalhin sa border wall. Tulad ng dati, ginawa ko ang iba kong duties as the King kaninang recess at ngayon, dadalhin ko ang iba kung sakaling wala pa si Nathan. Kahit alam kong medyo nag die down na nga ang isyu, nanigurado pa rin ako at hindi nagpahalata sa mga estudyante kung saan ako pumupunta. Tinanggal ko na nga ang eyeglasses ko on my way to the border wall to use my 360 degree vision para lang ma-double check na hindi ako sinusundan. Nakahinga ako ng maluwang nang makarating ako sa entrance ng border wall na walang sumunod sa akin. Binalik ko ang eyeglasses ko at dumiretso muna sa na-miss ko nang picnic table bago napansin… na wala pa ang hinihintay ko. Okay lang yan. I'll take this time to polish the plan I will propose to him. Ang hiling ko lang, sana pumunta siya ngayon. Those last words I told to him nung isang araw is my way to push him na makapunta rito. Akala ko kasi ako lang ang natatakot dahil sa issue na yun, pero pati pala siya. Akala ko wala lang sa kanya, pero dahil sa pag-uusap namin, na-realize ko tinatago niya lang pala ang takot niya through a mask of happiness. Mabuti nalang at nangyari ang usapang iyon. At saka ang pinaka sa lahat, kung bakit ang determinado ko ngayon na tulungan siya sa amnesia niya ay dahil pagkatapos namin mag-usap nun at bago kami maghiwalay ng landas namin… ...nagulat ako na unting luminaw ang mukha niya at nakita ko ang tangos ng ilong niya, kung gaano ito kaparehas sa ilong ng White King. Napatanggal ako ng eyeglasses ko ngayon para imasahe ang bridge ng ilong ko. That was a big revelation to me at that time. It even took a while bago maproseso sa utak ko ang nangyari. Pero kung bakit ako napapamasahe ng ilong ko ngayon ay dahil ilang minuto na ang lumipas at wala pa rin siya. Kaysa mairita, nagsimula akong mag-alala. Takot pa rin kaya siya? Hindi ba gumana yung sinabi ko nun na huwag na siyang matakot? Ngunit ang tanong na talagang nagpapabagabag sa akin ngayon… ...tuloy pa kaya ang plano para makaalala siya? Will his fuzzy face will remain a mystery to me? Bumalik lang ako sa katotohanan nang dahil wala akong suot na eyeglasses ngayon, nakita ko kung anong meron through the wall. Napatayo pa nga ako sa upuan ko ng di oras para harapin ang wall. “Ikaw ba yan Nathan?” Lumapit pa ako sa wall para manigurado. Hindi ko alam kung bakit excited ako at parang balak ko pang umakyat sa wall para lang makita siya pero, napatigil ako saglit nang ma-realize ko ang ginawa ko. Oh great. I just actually used my eyes to see through na hindi niya naman alam. Syempre magtataka siya kung bakit ko siya nakita through the wall, right? This is bad. Ang careless ko naman. Kailan ba ako naging ganito ka-excited para lang makita siya? Oh no. Nababaliw na ako. Bumalik lang ako sa katotohanan nang bigla siyang umakyat sa border wall. Sa gulat, napatitig pa ako sa medyo malabo niyang mukha at bumalik na naman sa katotohanan when, He sincerely smiled at me. “Hi Black King.”   Unang reaksyon ko pagkatapos niyang gawin yun, napabalik ako agad sa picnic table para lang suotin pabalik ang eyeglasses ko. What is happening to me really? It's great that he is here pero… Kroo… kroo… dumaan ang katahimikan sa pagitan namin. Not one really talked. The atmosphere between us was really… awkward. Wala ata sa amin ang gustong magsimulang magsalita. Bakit sa pagkakataon pa na ito na kung saan kailangan yung pagiging madaldal at makulit niya, doon pa siya hindi nagsasalita? Di bale na Nia. Ang kailangan ay may pag-usapan kami ngayon. How do we start this conversation? Speaking of the Grand Olympics, “May kasalanan ka sa akin,” sabi ko to break the ice. Hindi ko nakita ang reaksyon niya pero buti nalang sumagot siya. “Kasalanan?” “Oo,” sagot ko. “You lied to me. Sabi mo hindi ka athlete.” Nagulat ata siya sa sinabi ko. “Oh… that,” sabi niya nalang and paused for a while bago sumagot pabalik. “Akala ko kasi hindi ako maglalaro nung time na yun. Bigla akong pinasabak ng White King namin eh. Saka Black King, ikaw rin kaya nagsinungaling. Sabi mo hindi ka rin athlete.” Nagulat naman ako. “But that was the truth," sagot ko naman sabay hinarap siya. "Hindi naman talaga ako athlete.” “Eh bakit ikaw naglaro ng Archery nun?” he asked na ikinatigil ko at ikinatahimik. “Dahil kaya sa iyo natalo kami," tuloy niya. "At dahil natalo kami, grabe kaya yung White Knight namin ngayon. Lumala siya at halos lahat kaming white students mas takot sa kanya kaysa sa White King namin.” “I only played kasi ng dahil sa inyo, na-injure yung isang archer namin," sagot ko when he mentioned their White Knight. "You guys cheated at ayaw naming ma-disqualify.” Nathan paused. “Well that’s reasonable.” I looked away from him. “Kayong mga whites, ang dadaya niyo talaga. You should have played fair and square.” “Eh natalo rin naman kami sa Sepak Takraw dahil nagkasakit ako," sagot naman niya. "Kasalanan mo rin kaya iyon Black King.” “Hah? Paanong…” hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil unti-unti kong na-realize ang ibig niyang sabihin. “Napasmado kaya ako Black King dahil galing ako sa practice namin nun sa Sepak Takraw tapos nalulunod ka naman nung nakita kita sa pool.” When he explained that, hindi ko alam pero I started to blush. Siguro dahil alalang-alala ko ang nangyari nung mga oras na iyon. Just great. Nia, get your thoughts together. Hindi ngayon ang oras para isipin yan. In the first place anyways, “I never asked you to save me,” I rebutted. “Alam ko," sagot niya naman. "But I’m not cold Black King not to save you at that time. Na-miss na nga kita nung buong Grand Olympics eh paano pag nawala ka pa sa akin?” Ayan na naman siya. Bumalik ang pag-akyat ng dugo ko sa mukha ko. God he's so unexpected. Kung ano-anong lumalabas sa bibig niya. Gusto kong mairita dahil sa pagkakarinig ko, nanglalandi lang ulit ang lalaking ito pero… bakit hindi ko makuhang mairita na naman? Siguro... dahil utang ko talaga ang buhay ko sa kanya nung mga oras na iyon. Tumahimik na naman ang pagitan namin dahil doon. Dumaan din ang ilang minuto na ganun pero sa tagal din ng katahimikan, nasira rin ito nang, “I’m sorry,” sabay naming sabi. Parehas kaming nagulat. Ayan na naman tayo eh. Bakit most of the time parehas ang iniisip namin? But I won’t let this get more awkward. “I’m sorry if you think I lied to you,” tuloy ko nalang. “Hindi ako nagsinungaling nung sinabi kong hindi ako athlete. I just had experience at that time at ayaw ko talagang matalo kaya naglaro ako ng Archery.” “Then I’m sorry too,” sabi niya naman. “In behalf of those guys, truly cheating is bad and unacceptable kaya naintindihan ko that you kept a hidden talent of yours just to get back at them. Sorry din about lying as an athlete. Sabi kasi ng White King namin hindi ako maglalaro eh to focus on the journalism club pero biglaan niya akong sinabak nung natatalo na kami. Ikaw kasi Black King, ang galing-galing mo kasi eh.” At that, napatalikod na talaga ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Bumabalik na naman yung dugo ko eh, but this time, I actually felt complimented sa sinabi niya. I know I did my best at that time so I took that as a compliment. Hindi na ako nag-reply sa sinabi niya, instead, "Anyways, tama na ang tungkol diyan," sabi ko. "Tapos na ang Grand Olympics and past is past. Nandito ako ngayon para ipagpatuloy ang tungkol sa pangako kong tutulungan kitang makaalala." I gathered all the papers kung saan ko sinulat ang lahat ng kailangan sa plano. "Actually, sa isang linggo na yun, I tried my best na mag-isip ng way para makaalala ka. Sabi kasi nila, pag may amnesia ka, the best way para may ma-trigger diyan sa brain mo ay syempre alamin mo ang mga close relatives and friends mo." Hindi siya sumagot pabalik pero hinarap ko siya. "Tapos, since nalaman ko na part ka pala ng journalism club mo at ikaw ang photographer nila, na-realize ko lang na baka mahilig ka mag-picture at baka hobby mo na pala siya noon pa at may nakuha kang litrato na maaaring may memory kang nakalimutan…" Napatingin ako sa kanya na nakaupo sa taas ng border wall at kahit hindi ko pa nakikita ang mata niya, dahil sa mga labi niya na naman, ramdam mo ang pag-aalala at parang may iba siyang iniisip kaya ibig sabihin lang nito, "Hoy Nathan," tawag ko sa kanya kaya nakuha ko ang atensyon niya. "Nakikinig ka ba?" "Ah oo. Ano na ulit yun?" sagot niya naman. Wala nga talaga siya sa mundo ngayon. Nasayang lang ang laway ko. Naglabas ako ng buntong hininga at seryoso siyang hinarap while crossing my arms. "Gusto mo ba talagang tulungan kita sa amnesia mo na yan?" Hindi siya nakaimik pabalik sa tanong ko. Tumalikod ako sa kanya. "Kung hindi ka rin lang pala makikinig o wala ka talaga sa mood makinig, ano pang use di ba? Sinayang mo lang ang oras ko," sabi ko sa kanya, tumayo at nagsimula nang mag-ayos ng gamit. "Uy grabe ka naman Black King," sabi niya pabalik. "Sorry na ah. Ang dami ko lang iniisip kasi ngayon. Makikinig na talaga ako promise." Tumigil ako sa pag-aayos ko ng gamit. "Hindi yun ang tanong Nathan." I turned my face to him. "Ang tanong ay kung gusto mo pa ba akong tumulong." Hindi na naman siya nakaimik pabalik. "Kung ganun ngang madami kang iniisip, bakit hindi mo nalang atupagin muna yan at kalimutan nalang natin ang tungkol dito para konti lang ang isipin mo—" "Huwag," sagot niya naman na ikinatigil ko. "I need this Nia," dagdag niya. "I need you." Napatahimik ako sa sagot niya… pero napaupo ako ng di oras sa upuan ko. Wala naman talaga akong balak mag-quit sa planong tumulong sa kanya. Sinabi ko lang yun para makonsensya siya at makuha atensyon niya pero, hindi ko inaakala ang sagot niya. It took a while before I broke the ice. "Do I have your attention now?" tanong ko. "Yes, Black King," sagot niya naman agad. "Promise I will give my full attention to you right now at makikinig ako sa bawat detalye na sasabihin mo." Hindi ako umimik pabalik agad. That's actually good to know pero nang sabihin niya ngang ganun, parang pinagsisihan kong gamitin ang konsensya niya. I calmed myself down first bago ko siya hinarap muli at inulit ang mga sinabi ko kanina. He would reply back kung sakaling magtatanong ako. Our conversation went smoothly at madaming nadagdagan sa notes ko dahil sa mga sinabi niya. Looks like this plan will somehow work. Kriiing! Tunog ng school bell namin na kinagulat ko. "Oh great. Time na pala?! Shacks!" I started to panic while fixing my things on the table. Hindi ko napansin ang oras habang nag-uusap kami. "Basta Nathan huwag mong kalimutan na kausapin ang mommy mo okay? Kailangan, pag mag-me-meet tayo sa weekend, dapat may notes ka man lang kung anong pinag-usapan niyo. Hindi lang sa kanya, kahit sinong close relative mo, naintindihan mo?" He chuckled. "Yes Ma'am." Hindi ko na inintindi kung tumawa siya basta importante, sumagot siya ng oo. "Tapos yung mga photos mo—" "Nia," tawag niya na ikinatigil ko at napatingin sa kanya ng di oras. He gave me that same genuine smile. "Thank you, not only for this, but for everything. You don't know how I keep telling myself how lucky I am na nakilala kita." Hindi ako nakaimik at napatulala sa medyo malabo niyang mukha dahil doon. Bumalik lang ako sa katotohanan nang bumaba na siya sa border wall at nagmadali naman akong pumunta sa classroom ko. Buti nalang wala pa ang guro namin for that subject kaya humihingal akong pumunta sa upuan ko. Pero namumula ako ngayon. Hindi ko alam kung anong dahilan. Sa pagod lang ba ito… o… Iniling ko ang ulo ko. Ano ba Nia! Ngumiti lang naman siya genuinely. So what if you missed those smiles? Pagod ka lang ngayon okay? Pagod lang yan. Remember, you are only doing this dahil sa malabo niyang mukha.   ~*~ Sa bilis ng panahon, weekend na ngayon at 8 na ng umaga. Pumunta na ako agad sa mall kung saan ang meeting place namin. I am wearing as Nia today pero nag-usap kami na magsuot ng kahit anong disguise para hindi kami mapansin ng mga tao, mas lalo nang kahit sinong estudyante ng CHESS school. A mall is a public place at kahit sino pwedeng makabangga namin ng di oras. I plan to be Ninya today, pero that's a secret na ayaw ko munang malaman niya. Hindi pwedeng sabihin ko na kilala ko si Ninya tapos I asked her a favor na siya muna ang sasama sa kanya, so I thought this through by instead using a face mask. Kahit nga eyeglasses ko pinalitan ko. I'm wearing one with a black frame, hindi tulad ng pink na frame na lagi kong ginagamit. Nagsuot pa ako ng jacket ngayon na may hood in case of emergency na may maka-recognize pa sa akin. I am sitting on a bench right now, checking my notes once again. I hope this plan of helping him get back his memories ay maging rason para luminaw na rin ang mukha niya... para malaman ko kung sino siya. They say eyes are a window to our soul, and it is so true to my situation right now. Up until now, if I can't get through his eyes, I know to myself that I don't really know who is Nathan Hernandez. I am lost in my thoughts when suddenly a guy wearing a cap, a pair of sunglasses and a coat ay biglang tumabi sa akin. Iniglapan ko lang siya at binalik din ang tingin sa hawak-hawak kong papel. "Miss," tawag niya na pabulong kaya nakuha ang atensyon ko ng di oras at nilingon siya pero nakatingin lang siya sa harap niya. Ako ba tinatawag? I looked around me. Or may ibang miss na tinatawag diyan? "Uy Miss," sabi niya ulit kaya napatingin ako sa kanya. He's still looking at his front kaya nagtaka ako. Gusto ko siyang tanungin kung ako ba tinatawag niya pero he looks like a creepy guy so balak ko nalang umalis sa pwesto ko nang biglang kinuha niya kamay ko kaya napatigil ako and the next thing I knew… ...hinila niya ako para yakapin ako. Ay mali, it's more like he's trying to trap me in his arms dahil ang kanang braso niya ay nasa leeg ko. I started to panic deep inside me. This can't be happening. Hold-up ba to? "Why leaving in a hurry miss?" bulong niya pa sa kanang tainga ko that sent chills to my spine. I think he has other reasons… more like gagawin niya ang bagay na pinakaayaw kong mangyari sa akin! Hindi ako nakaimik at nagsimula akong manginig. "You're shaking. Why is that?" he asks. Hindi ko siya sinagot instead, "A-anong kailangan mo?" nanginginig kong tanong. "I just want to ask one simple question," bulong niya. Hindi ako nakaimik, napapikit ng mga mata at hinintay ang tatanungin niya. Kung pera ang kailangan niya, I can give him some amount at tatakbo ako agad paalis. Pero kung yung isang iniisip ko nga ang gagawin niya, I won't let this guy kidnap me or what para lang makuha niya ang gusto niya. I'm sure hindi niya gagawin yun in this kind of public place. Please Lord, tulungan niyo ako. "Ikaw ba si Nia?" he asked. Loading… prinoseso muna ng utak ko ang lumabas sa bibig niya… bago ako napamulagat ng di oras dahil sa gulat at realization dahil sa tanong niya. "Nathan?" tanong ko. He chuckled at linapit muli ang bibig sa kanang tainga ko. "Hehe. I caught you Black King." Tinanggal ko agad ang braso niya sa leeg ko at hinarap siya na puno ng irita ang aking mga mata. Nakangiti pa ang loko ng masaya pabalik sa akin. Sa galit ko, napadabog ako ng paa, tinalikuran siya at naglakad paalis. "Uy teka Ni—" "Don’t!" sigaw ko sa kanya sabay umikot para harapin siya. Tumigil naman siya sa harap ko. "Bobo ka ba at tatawagin mo talaga ang pangalan ko sa ganitong lugar?!" galit kong saad sa kanya. "Eh bigla kang umaalis eh," ngiti niya pang sagot. "Alangan tawagin kita nung lagi kong tawag sa iyo." Inirapan ko nalang siya at tumalikod muli at naglakad paalis. "Uy teka lang," habol niya sa akin. "Ito naman o. Hindi ka talaga mabiro." "It's not funny Na—" I was about to do the same mistake, pero buti nalang nagawa kong kontrolin ang sasabihin ko. I looked away from him and clicked my teeth out of frustration. "Looks like we didn't talk about this," sabi niya. "Dapat iba tawagan natin sa isa't isa." Naglabas ako ng buntong hininga. Yeah he's right. I turned back my angry eyes to him. "I'll call you Fuzzy Face then," seryoso kong saad at tumalikod muli sa kanya and walked away. "Fuzzy Face?" question niya sa sarili niya sabay tumakbo siya muli para habulin ako. "Bakit Fuzzy Face?" "Wala ka na duon," galit kong sagot. "Bakit hindi nalang Handsome Face? Mas bagay ko kaya yun," sabi niya pa. Hindi ko siya pinansin. Ang hangin talaga ng lalaking to. "Hmm, eh ikaw Black— I mean Ni— I mean uhm ikaw ba? Anong gusto mong tawagin ko sa iyo?" tanong niya sa akin pero hindi ko pa rin siya sinagot and kept ignoring him. "Serious Face? Hmm, bagay mo pero ayaw ko yun ang tawag ko sa iyo eh," sagot niya sa sarili niyang tanong. "4-eyed President kaya? Uy maganda yun kasi you know, King ka ng—" Hindi ko siya pinatapos sa sasabihin niya dahil nilingon ko siya and gave him my death glare. "Subukan mong ituloy," seryoso kong sabi sa kanya. Hindi siya nakaimik pagkatapos ko iyong gawin. I turned back my look to where I am going and continued walking. "Ah alam ko na tawag ko sa iyo," sabi niya in his realization. "Death Glare! O di ba Death Glare?" I rolled my eyes and ignored him once again. Nakakainis talaga siya. Simula palang ng araw, sinira na niya. Kahit paulit-ulit kong sinasabi ito, well kailangan kong ulit-ulitin eh. I need to remind myself ng paulit-ulit na kung hindi lang talaga sa Fuzzy Face niya, hindi ko kasama ang lalaking ito ngayon. Huminga muna ako ng malalim para kalmahin lang ang sarili ko. Hindi muna ako magpapadala sa galit ko ngayon. Kailangan may mangyari sa meet-up namin ngayon at ayaw ko lang masayang iyon dahil naubusan lang ako ng pasensya sa kanya. We went in the same café kung saan kinausap ko siya as Ninya and after we ordered our drinks, "So anong nangyari sa usapan niyo ng mommy mo?" seryoso kong tanong sa kanya. "Well…" simula niya. Kinuwento niya sa akin ang usapan nila. Nakikinig ako ng mabuti rito pero, nakokonsensya ako sa kwento niya dahil doon ko lang naintindihan kung bakit 'complicated' ang sagot niya nung isang araw. Wala lang sa kanya na ikwento sa akin that when he was 6 years old, his parents got separated. Yung father niya gustong tumira sa ibang bansa pero ayaw ng mama niya. Ang sabi pa ng mama niya, he has a twin brother na kinagulat ko. Wait, di ba sabi niya… "I know what you are thinking," sabi naman niya. "Since I mentioned na kamukha ko ang White—" he paused at biglang inikot ang ulo by his sides na parang ine-examine niya ang paligid niya. "I mean yung President namin, baka siya ang iniisip mong twin ko pero sabi ni Mama, patay na ang twin brother ko." Muntikan na naman akong mabilaukan sa inumin ko dahil doon. Tulad ng dati, kailangan ko muling uminom ng tubig para lang kalmahin ang sarili ko. "Patay?" gulat kong saad. "Hindi si—" I paused. "I mean how can you say na patay na yung twin mo?" May kinuha siya bigla sa loob ng coat niya at pinakita sa akin ang isang lumang dyaryo. Kinuha ko naman ito at binasa ang article na nakasulat. "Tinago yan ni Mama para patunay na wala na nga ang kambal ko," sabi niya naman habang binabasa ko ang isang article about an airplane crash. "So ibig sabihin…" lungkot kong saad pero hindi ko natapos dahil na-gets ko na eh. "Gusto niyang pumunta rito sa Pilipinas para bisitahin kami ni Mama pero sa kasawiang palad, yan ang nangyari," sabi niya rin. Napatingin ako pabalik sa article at mayamaya pabalik naman sa kanya. Ang tagal din ng katahimikan sa pagitan namin dahil sa totoo lang, hindi ko alam kung anong sasabihin ko. This is too personal pero sinabi niya pa rin sa akin. Pero ang pinaka na rason kung bakit hindi ako makaimik, hindi ko kasi alam yung nararamdaman niya eh. Namatayan siya, pero sa tono ng boses niya kanina, parang wala lang. Parang nagkwekwento lang siya dahil yun ang sabi ng mama niya. "Sa totoo lang Death Glare…" sabi niya bigla that broke the ice. "...nung kinukwento sa akin yan ni Mama, iyak siya ng iyak pero ako, wala man lang bahid ng luha sa mata ko nun. Hindi ko kasi alam eh. Hindi ko kasi alam kung ano ba dapat ang mararamdaman ko. Oo kambal ko siya pero ano bang relasyon namin dati? Close ba kami? Baka parati pala kaming nag-aaway nun. Hindi ko alam kung minahal ko ba kakambal ko or did I hate him?" Nagulat ako sa mga sinabi niya. That was… something mature of him to think like that. I never thought it that way. "Wala bang na-trigger sa iyo kahit konti about your past nung nagkwekwento Mama mo?" tanong ko sa kanya. Inangat niya ulo niya at tumambad sa akin ang itim niyang sunglasses. "Naalala ko ang tungkol sa paghiwalay ni Mama at Papa," sagot niya. "Pero any memory about sa kambal ko, wala man lang akong naalala." I paused at my place sa sagot niya. "I see," sabi ko nalang and tried to think this through. So he has a twin, pero hindi si Naite. Sabagay, last names palang nila magkaiba na. Pero kung sinasabi niya ngang kamukha niya si Naite, bakit ganun? "Sigurado ka bang hindi yung President mo ang kambal mo?" tanong ko sa kanya puno ng pagtataka. Naglabas naman siya ng buntong hininga. "Hindi ko rin alam Death Glare. I think that's what we need to find out. It's no coincidence na magkamukha kami." Tumango ako. "Nakausap mo na ba siya?" He paused… really long. Napatagal na hindi niya ako sinagot. "Does silence means yes or no?" tanong ko nalang to break the ice. "Kahit kausapin ko siya, wala siyang sasabihin," sagot niya bigla na kinagulat ko. Pinaglaruan niya ang straw ng inumin niya. "Ever since nakalimutan ko halos lahat, nung nakita ko agad mukha niya, una ko talaga siyang nilapitan at tinanong pero… wala man lang akong nakuhang sagot." Napatahimik ako dito sa lugar ko. That's strange. Bakit ayaw siyang sagutin ng White King na yun? Ganun na ba siya kasama at kamanhid na kahit man lang sagutin ang kamukha niyang tao ay hindi niya gagawin? Naglabas nalang ako ng buntong hininga. "Kung ganun, huwag nalang natin atupagin ang lalaking yun. How about any pictures? Wala ka bang any photos to present na pwedeng may ma-trigger sa alaala mo?" "Oh about that," sabay kinuha niya ang mga iyon sa kanyang coat. "May photo album kami sa bahay pero ito lang dinala ko because these are the photos na may triggers nung una ko silang nakita." Pinakita niya sa akin ang mga litrato at nagulat ako, mas lalo na ang unang picture na tumambad sa akin ay ang picture ng isang bata. Ang nakakagulat kasi, ang mukha ng bata sa picture ay… malabo. No. Don't tell me hanggang sa mga picture talaga ay hindi ko pa rin malalaman ang itsura ng lalaking to? Gusto ko siyang tanungin para lang manigurado pero, baka mahuli niya ako ng di oras. Hindi ko nalang pinahalata na ganun at patuloy tumingin sa mga litratong binigay niya. Halos lahat ng mga pictures ay nung mga bata pa siya pero halos lahat, mag-isa lang siya sa litrato at wala yung kakambal niya. Ganun yun dahil halos lahat ng mukha ng batang nakikita ko ay malabo. Tapos ang ilan naman ay mga pictures ng mga magagandang views. Nagtaka ako dahil doon at nanigurado sa mga litratong pinapakita niya kung bakit yun ang nag-tri-trigger sa kanya pero sinagot niya ako ng kibit balikat. "Hindi ko rin alam eh Death Glare," sagot niya. "Pero tinanong ko si Mama tungkol sa mga litratong yan tapos sabi niya na isa yan sa collection ng mga pictures ko. Hindi nga ako makapaniwala na bata palang ako, nakakahawak na pala ako ng camera." Napatingin agad ako sa mga litrato dahil sa sinabi niya. That's a very helpful information. Kung talaga ngang kahiligan ng lalaking ito ang camera noon pa, then something must have happened when he captured these specific places kaya may na-trigger sa kanya. And lucky for me dahil kahit malabo ang mukha niya sa mga litrato niya nung bata pa siya, ngayon, makakatulong naman ang mga mata ko dahil nalalaman ko agad kung saan nakuha ang litratong ito pagtatanggalin ko ang aking eyeglasses. "I know these places," sabi ko. "I think maganda kung puntahan natin yung mga lugar na ito na baka makaalala ka kung makatapak ka sa mga mismong lugar na ito." Bahagya siyang nagulat sabay napangiti rin. "What a brilliant idea Death Glare. Sige. Tara."   We went to every place na meron siyang litrato. At pagkarating sa lugar na yun, I watch him from behind while he's roaming around the place pero malalaman ko nalang na may maaalala siya pag tumigil siya sa isang particular na lugar and will state "I remember this place." Mostly, kwento niya sa akin na kung saan siya nakatayo will be the place kung saan siya nung pinicturan niya ang litratong yun. Sa totoo lang, doon ako nabilib how a picture can truly say a thousand words. Parati pag nakakaalala siya, ikwekwento niya agad sa akin ang nangyari nung time na yun. Minsan, konti lang maalala niya sa lugar na iyon o sadyang konti lang ang nangyari sa kanya nung mga oras na yun pero kahit ganun, naging memorable sa kanya kaya naalala niya. Pero meron ding ibang picture na pag pupunta kami roon, titigil siya sa isang lugar at kasabay nun ay tatanungin ko siya agad kung anong naalala niya tapos alam niyo ba reply niya? "I think…" he paused. "…I think I remembered that time…" Ano ba to? Bakit ba siya nambibitin? "Remember what?" tanong ko na dahil naubusan na ako ng pasensya. "I think I remember that I can't remember anything about this place," sabi niya. Alam niyo ba na napatulala muna ako dahil sa sagot niya na yun? Like hah? Ano raw? "Anong pinagsasabi mo?" pagtataka ko. "Pfft… Hahahaha," tawa niya bigla na kinagulat ko. "Ano na namang kinakatawa mo?!" irita kong saad. "Hahaha yung mukha mo kasi Death Glare hahaha," tawa niya. "Nagbibiro lang naman kasi ako. Ang sinabi ko kanina ay in short wala actually akong maalala sa lugar na ito." Sa sinabi niya, doon na ako tuluyang nagulat at bumalik ang pagkulo ng dugo ko sa kanya at tumalikod nalang. In my head, gigil na gigil ako sa kanya habang padabog akong naglakad paalis. Napaupo nalang ako sa isang bench para lang magpahinga pero kasabay nun, umupo siya sa tabi ko. Mabuti nalang at medyo mahaba ang bench kaya lumayo ako sa kanya, pero walang epekto iyon dahil mas lalo lang siyang lumapit sa akin. Sa irita ko, napatayo ako ng di oras at hinarap siya. "Pwede bang lumayo ka muna sa akin?!" galit kong hiyaw sa akin. "Eh? Bakit naman Death Glare? Date natin ngayon di ba?" mga tanong niya pa. Dahil sa porma niya, kahit umakto siyang parang bata, ang ilang taong nakapaligid sa amin ay parang kinilig pa sa mga sinabi niya. Nakakainis. Pero hindi ako apektado roon dahil nauubusan na ako ng pasensya sa taong to. "Alam mo, tingin ko mali ang planong ito. Dapat hindi nalang naituloy ito eh. How about we end this right now? Mas magandang umuwi nalang ako dahil madami pa akong kailangang gawin kaysa sumama sa iyo na hindi man lang marunong sumeryoso at makisama." I walked away from him… but the typical him ay syempre biglang kukunin ang braso ko para pigilan ako kaya hinarap ko siya. "Ano ba?! Bitawan mo nga ako!" habang pumipiglas ako sa hawak niya. "Hindi ako nagbibiro Fuzzy Face. Pasalamat ka nakikisama pa ako sa iyo—" "Sorry," singit niya.   Isang salita lang ang sinabi niya para mapatigil ako sa sasabihin ko… pero napatigil pa rin ako at hindi ko alam kung bakit?! "Hindi ko kailangan ng sorry mo—" "Promise hindi na ako magloloko," singit niya naman. "Gusto ko lang kasing ngumiti ka kahit konti, pero paano ko naman makikita yun eh naka face mask ka." Doon na talaga ako napatahimik. He said those words, genuinely. "Pwede ko namang makita yung mga ngiti mo through your eyes, pero hindi pala effective." May namagitang katahimikan sa pagitan namin pagkatapos niyang sabihin yun. Ilang beses na bang naging awkward sa pagitan namin? "You know I'm a serious person Fuzzy Face," I broke the ice. "Kung gusto mong magbiro, then I'm sorry huwag sa akin. Sa iba nalang pwede?" He faced me and smiled. "Opo Death Glare." I looked back at him bago naglabas ng buntong hininga. "Then let's get back to our business then." I looked through to the pictures para malaman ang mga lugar na hindi pa namin napupuntahan. Yeah I know ang petty ng awayan namin kaya mabilis ding naayos iyon pero kung hindi niyo lang napapansin… …this guy has a way para hindi lumala ang mga awayan namin. Oo pansin ko na ako ang short tempered sa sitwasyon ngayon kaya ako ang nagsisimula ng away pero madali naman akong kausap eh. Sorry lang okay na. Okay lang talaga. While I am browsing through the pictures, may isang picture kung saan napatigil ako. Napansin niya iyon kaya tumabi siya sa akin. "Bakit Death Glare?" tanong niya sa akin na parang wala lang ang nangyari kanina sabay nakitingin sa picture. Hindi ko na rin naisip ang tungkol doon dahil sa hawak-hawak kong litrato ngayon. It was a view of a clean small creek na madaming punong nakapaligid. It's not because of the beauty on how it was captured... "Ah yan," sabi niya bigla. "Alam mo ba Death Glare, out of all the pictures, yan ang malala? Sumakit pa ang ulo ko dahil ang daming nag-flashback sa utak ko nung nakita ko ang picture na yan. Pero sobrang bilis at ang daming nangyari kaya hindi ko nasundan kung ano bang dapat maalala ko sa lugar na yan." Napatigil ako saglit sa lugar ko at hindi nakaimik agad dahil sa sinabi niya. It took a while bago ako nakatanong. "Gusto mo bang puntahan ang lugar na ito o hindi? Baka sumakit lang ulo mo." "Okay lang naman," sagot niya. "Hindi naman na sumasakit ulo ko ngayon habang tinitignan ko siya ulit." "Good," sabi ko naman. "Because I know exactly where this place is."   Pagkarating namin sa lugar na iyon, tuloy siyang naglakad papunta sa tabi ng creek habang ako ay napatigil sa lugar ko to look at the view. I remember this place accurately because this is one of my favorite place. It brings back the memories… "Uy Death Glare, masyado bang maganda ang view para ma 'awestruck' ka?" mga sabi niya kaya bumalik ako sa katotohanan. Hindi ako umimik pabalik at pinuntahan nalang kung saan siya pero pagkarating ko sa tabi niya, he's still at his place with both his hands in the pockets of his coat, with a smile on his lips. Akala ko nagloloko siya pero hindi nakakaloko ang ngiti niya. It was something na hindi ko maipaliwanag kaya nagtataka akong nakatingin sa kanya. "Yang ngiti mo ba ay ibig sabihin may naalala ka?" tanong ko rason bumalik ata siya sa katotohanan. "Ah sorry," sabi niya naman while his fuzzy face is facing me. "Akala ko kung anong klaseng memory ang maaalala ko kasi nga nung nakita ko yung picture sumakit ulo ko…" He turned back his head straight at where he faced a while ago. "...pero nung pagkatapak ko sa mismong lugar na ito, now I realized on why this place is so memorable." Napatahimik ako sa sinabi niya at parang naudyok akong tignan din ang lugar kung saan kami nakatayo ngayon… through what he said. I know this is my favorite place kaya gandang-ganda ako sa lugar na ito, but looking closely, you can already see the difference nung dati… at ng ngayon. The creek is not as clear as it was last time. Makakakita ka rin ng mga basurang nakakalat, but despite the changes, napapangiti rin ako dahil ang lugar na ito, marami kang magagawang alaala na hindi mo makakalimutan. There was silence between the two of us, staring at different point of views pero ang katahimikan na pumagitna sa amin ay hindi tulad ng mga dati na nagiging awkward. It's a kind of silence that you needed to reflect on your own and just standing here, hearing the sound of the creek, I felt calmed and relaxed. "Siguro kaya napatulala ka kanina noh Death Glare?" tanong niya bigla na kinabasag ng katahimikan. Bahagya akong nagulat nang magsalita siya, pero hinarap ko siya at nginitian siya, through my eyes, genuinely. "Siguro nga." Hindi siya nakaimik pabalik pagkatapos. Ilang segundo ang lumipas na ang sunglasses niya ay nakatambad lang sa akin nang biglang, "You know…" sabi niya bigla and turned back his head to his front. "...there's suppose to be a story kung bakit ang daming na-trigger sa akin nung nakita ko ang picture about this place… pero pagkatapak ko dito…" He paused kaya napatingin ako sa kanya at nakaukit sa mga labi niya ang… lungkot. "Bakit? May naalala ka bang ayaw mong pag-usapan?" tanong ko naman. He smiled weakly. "Hindi sa ganun Death Glare," sagot niya. "Ang lungkot lang isipin kasi sa dami ng mga flashbacks na na-trigger sa utak ko, sa totoo lang, wala akong maalalang kwento kung bakit memorable sa akin ang lugar na ito." Bahagya akong nagulat sa sinabi niya. "Walang kwento?" tanong ko. "Oo Death Glare," "Teka," sabi ko naman. "Baka sa dami lang ata ng mga flashbacks mo, hindi mo na alam kung ano talaga yung kwento." Hindi siya umimik agad at para siyang napaisip. "Baka nga," sabi niya. "O di kaya baka madaming nangyari sa lugar na ito kaya madami akong naalala." When he said that, realization dawned on me. "Pwede!" sabi ko pa. "Baka ganun nga." I started to think this through. Kung ganun nga ang case, I think ang magandang gawin natin diyan ay… "We could list down all the scenes na naalala mo," suggest ko. "At that way, baka matagpi-tagpi natin ang mga memories mo at makabuo tayo ng isang malaking kwento about your past." After I said that, ngumiti siya sa akin. "That's great Death Glare. Ang galing mo talaga." Napatigil ako saglit sa lugar ko after he complimented me again. Pinigilan ko muna ang dugo ko na umakyat sa cheeks ko para lang hindi niya makita ang naramdaman ko sa sinabi niya. "A-anyways, maybe you can start now habang nandito pa tayo sa lugar na ito," sabi ko nalang at hinalukat ang bag ko para lang maghanap ng ballpen at papel. "Well there's actually something common about all those flashbacks," sabi niya. "Okay. Ano yun?" tanong ko preparing to write the things he will say on the notebook I am holding. "There's a little girl in each flashback, always smiling happily to me."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD