Invitations

6059 Words
Chapter 15 Pagkarating ng Lunes, sobrang busy ko sa school kaya ni recess o lunch, hindi ako nakapunta sa border wall. Pati nung sumunod na araw. Ngayon lang muli ako na-stress dahil sa mga gawain ko as a King. Nung dalawang araw nga rin na iyon, tumatawag sa akin si Ma'am Lani dahil may raket ako pero sinabi ko ang totoo na sobrang busy ako at buti nalang naintindihan niya. Nung Miyerkules, holiday kaya wala akong pasok. I grabbed that chance na ako na mismo ang nagtanong kay Ma'am ng raket at mabuti nalang meron. Kailangan kong bumawi. Pagkarating ko sa studio, agad akong nagtrabaho. Masyado akong naka-focus sa trabaho at hindi ko man lang napansin kung sino ang photographer ko ngayon. Pagkatapos ng photo shoot, dumiretso ako agad kay Ma'am Lani at kinausap siya na kung pwede ko ba rin bang kunin ang ibang modelling role para sa araw na ito. "Check ko lang," sabi ni Ma'am. While she is browsing her papers, "Are you busy?" tanong ng taong nasa likod ko kaya bahagya akong nagulat at nilingon siya. "Nathan," sabi ko naman. "Not really. Tinatanong ko lang si Ma'am kung may iba pa bang modelling role na pwede kong kunin." "Bakit?" tanong niya. Naglabas ako ng buntong hininga. "Kailangan kong bumawi dahil hindi ako nakarating nung Monday at Tuesday. Ang dami kong kailangang bayaran." "Ah," sabi niya. "Bakit nga ba hindi ka nakarating nung mga time na yun?" "Busy," simple kong sagot. "Oo nga pala noh. Scholar ka pala ng International Sanders Academy. Hirap maging scholar noh?" tanong niya. Bahagya muna akong nagulat sa sinabi niya. "A-ah oo. Scholar kasi ako," nautal kong sagot. "Well may isa pang role na pwede mong i-fill in," sabi bigla ni Ma'am Lani kaya napatingin ako sa kanya at kasabay nun, tumingin din siya sa akin. "Pasensya na pero yun lang ang merong role—" Napatigil siya bigla nang tumingin siya sa akin at nakita ang katabi ko. Nagulat pa siya at hindi ko alam kung bakit. "Oh I'm sorry. May kausap ka pala Ninya," sabi ni Ma'am. "Masyado ata akong busy sa mga papeles ko at hindi ko napansin na nandyan na pala ang gwapong photographer." Nagulat ako sa sinabi ni Ma'am. "Uh Nathan po Ma'am," sabi naman ni Nathan at nag-alok ng kamay. "And thank you rin po for the compliment." "Ah Lani. Just call me Ma'am Lani and I am Ninya's manager," sabay nakipag shake hands siya kay Nathan. "Nice to meet you po," ngiti ni Nathan. "Osya, maiwan ko muna kayo dahil may kailangan pa akong asikasuhin. Mamaya pa naman yung modelling role mo Ninya," sabi ni Ma'am sabay inayos niya ang gamit niya. "Para na rin sa… you know…" tapos bigla siyang tumingin sa akin at kinindatan ako. Nagulat ako sa ginawa ni Ma'am dahil sa tagal na naging manager ko siya, alam ko ang ibig sabihin nun. Nagsimula na namang uminit ang cheeks ko. Ito talaga si Ma'am kung ano na naman ang iniisip. Hanggang sa tuluyan siyang nakaalis, it was awkward on my part dahil ako lang ang naka-gets sa sinabi ni Ma'am. Gusto ko ngang tignan ang katabi ko kung anong reaksyon niya o baka na-gets niya rin ang ibig sabihin ni Ma'am. "So what modelling role was that?" tanong niya na kinabigla ko sabay hinarap siya. "A-ah hindi ko rin alam," kinakabahang kong sabi habang nakangiti. "Tatanungin ko lang si Ma'am." "No it's okay. You don't need to," pigil naman niya sa akin. "Mamaya nalang. Baka busy yung manager mo." After he said that, napatigil naman ako at napatango nalang to agree with him. "So, how's school? Natapos mo na ba kailangan mong gawin?" mga tanong niya. "Well so far yes. Mostly. May konti pa actually akong kailangang tapusin pero itutuloy ko nalang siya after this." "Ah I see," sagot niya habang kinakalikot niya ang camera niya. ...now this is getting more awkward. So ganun lang usapan namin ngayon? Small talk? "By the way Ninya…" sabi niya bigla kaya napatingin ako sa kanya. Nagsimula siyang magkwento sa akin sa nangyari sa kanya sa school nung dalawang araw na iyon. The events were a normal day for an Ashen West student but by the way he talk about it, minsan napapatawa ako. I thought small talk lang yun pero dahil sa pala kwento pala siya, I was enjoying our conversation and his company. We're like close friends while we are talking. Then came the time na tinawag ako ni Ma'am Lani for the photo shoot I can fill-in. "Uy sakto ako rin magiging photographer mo," sabi bigla ni Nathan. Hindi ko alam kung bakit pero napangiti ako ng di oras nang sabihin niya iyon. "That's great," sagot ko pa. The photo shoot went smoothly and both Nathan and I are doing our best at our jobs. Pagkatapos, kinausap ko ulit si Ma'am Lani at sinabing wala na talagang ibang role na pwede kong kunin. Dahil doon, nanghinayang akong pumunta sa room kung saan ko iniwan ang pampalit ko. "Cheer up Ninya," sabi naman nitong katabi kong nakikilakad sa akin. "Papagurin mo lang ang sarili mo if ever. Di ba sabi mo madami ka pang gagawin?" Naglabas muli ako ng buntong hininga. "Hindi ako tulad mo Nathan na magtratrabaho lang dito dahil gusto mo. Nababaon kami sa utang at bilang ate, I need to help my mother sa mga gastusin namin." Nakarating na kami sa harap ng kwarto at bago ako tuluyang pumasok, "Well pwede kitang pahiramin kung gusto mo," sabi ni Nathan. Napatigil ako sa pinto dahil sa narinig ko… pero agad ko din siyang liningon. "Thank you for the offer pero ayaw kong magka-utang sa iyo," ngiti kong sagot sa kanya at tuluyang pumasok ng kwarto. Pagkakuha ko ng pampalit ko, pumunta muli ako ng CR para doon muli magpalit at pagkalabas ko, "Ay palaka!" gulat kong saad. "E~h? Bakit palaka na naman tawag mo sa akin?" sabi niya. "Alam kong mukha akong prinsipe pero hindi naman ako mukhang frog prince ah." "Tumahimik ka nga Nathan. Bakit ka ba kasi laging nandyan sa harap ng CR ng babae? May hinihintay ka na naman?" "Tulad pa rin naman ng dati Ninya." He suddenly smiled at me. "Ikaw lang naman ang prinsesang hinihintay ng frog prince na ito, para sa isang matamis na halik." Nagulat ako sa mga sinabi niya at agad napaiwas ng mukha dahil doon. God those charms. I really hate those. It always have that same effect on me. "Huwag mo nga akong lokohin Nathan," irita kong sagot at naglakad paalis sa kanya. "Hahaha biro lang Ninya," sabi niya habang naglalakad siya mula sa likod ko. "Bakit mo ba ako hinihintay? Hindi ka pa ba aalis?" mga tanong ko. "Eh biglang namiss kita eh," sagot niya naman. "Ang saya kaya ng usapan natin kanina." Hindi ako nakaimik pabalik sa sinabi niya. Hindi ko nalang siya pinansin at namaalam muna kay Ma'am Lani bago ako tuluyang umalis sa studio. Balak ko sanang magpalit as Nia kasi I feel comfortable sa mga clothes na sinusuot niya, pero hassle lang kasi… saka isa pa… Napatigil ako sa lugar ko at hinarap ang lalaking nakasunod sa akin. "Bakit mo ba ako sinusundan?" pagtataka kong tanong sa kanya. "Eh wala akong ibang pupuntahan eh," sagot niya naman. "Eh di umuwi ka nalang." "Maaga pa. Gusto mo bang pumasyal muna tayo Ninya?" alok niya bigla. "Ayoko." "Eh? Saan ka pupunta ngayon?" "Sa bahay ko malamang," sagot ko. "Madami pa akong kailangang gawin." "Ay ganun. Sige samahan nalang kita hanggang sa paradahan ng jeep niyo." Tumakbo siya hanggang sa tabi ko at magrereklamo na sana ako pero hindi ko nalang ginawa kasi ano pang use? Kilala ko na ang lalaking ito sa pagiging makulit. Agad din kaming nakarating sa paradahan ng jeep ko kaya namaalam na ako sa kanya pero, "Sandali," sabi niya pa at hinawakan pa braso ko para pigilan lang ako. Naglabas naman ako ng buntong hininga sa ginawa niya at liningon siya. "O ano na naman?" tanong ko. He paused at parang umiwas pa siya ng mukha sa akin at napahawak pa sa ulo niya na ikinataka ko. "Uhm okay ka lang ba sa Saturday?" parang nahihiya niyang tanong sa akin. Tuluyan akong nagtaka. "Saturday? Bakit anong meron?" He paused again. May nakalimutan ba ako na kailangang mangyari sa Saturday? "Wala naman. Baka uhm you know, pasyal tayo," alok niya sa akin. "Hah? Bakit tayo mamamasyal sa Saturday? May kailangan ba tayong puntahan?" mga tanong ko. Hindi siya nakaimik agad pero napabulong siya na bahagya ko lang narinig. He said something like "Bakit ba ang hirap nitong sabihin sa iyo?" Ano? Anong mahirap sabihin? "Nathan diretsuhin mo nga ako," sabi ko. "Ang dami kong iniisip ngayon at kung may nakalimutan man akong usapan nating meet-up ng Saturday—" "Wala tayong usapan," singit niya naman. "Gusto lang kitang aluking mamasyal. Yun lang talaga." Okay? Nagtaka ako sa sagot niya… pero napaisip din ako at sinagot siya. "Can I think about it? Baka kasi madami pala akong kailangang gawin sa araw na yun. Sasabihin ko sa iyo when we meet sa studio." "Ah yeah. Sure. No rush," mga sagot niya. "Sige. Alis na ako," paalam ko. "Okay. Bye bye," ngiti niya sa akin. Pagkasakay ko ng jeep, I looked back at where he is at akala ko wala na siya, but he's still standing there. I looked away agad at inisip ang sinabi niya kanina. Bakit niya kaya ako inimbita mamasyal? … Pagkarating sa school, halos natapos ko na lahat ng kailangan kong gawin nung recess palang. May konti pa pero tulad nga ng ginagawa ko, tinutuloy ko siya sa lunch. At last, may time na rin akong makabalik sa lugar na iyon. Nung lunch time, agad akong dumiretso sa border wall at habang hinihintay si Fuzzy Face, ginawa ko na ang kailangan kong gawin. Oo, yun talaga tawag ko sa kanya ever since yung meet-up na iyon. Habang ginagawa ko ang mga gawain ko, dumaan sa utak ko ang tungkol sa huli niyang sinabi about that place, yung little girl na nagpapakita sa bawat flashback niya… pero hindi niya kilala. Ano kayang magandang gawin para maalala niya kung sino yung little girl na yun? Natapos na ang lahat ng gawain ko at pag-iisip ng mga plano para tulungan siya pero, nag-ring na ang bell, hindi siya dumating. Tinanggal ko pa eyeglasses ko to check through the wall pero ni anino niya, wala akong nakita. Ano kayang nangyari dun? Sa sumunod na araw, ganun din ang nangyari. Both recess and lunch time, nasa border wall ako doing the tasks I needed to finish, mag-aaral at magbabasa dahil buong oras na iyon, hindi na naman siya dumating. Nagsimula na nga akong mag-alala. May nangyari ba sa kanya? ... Nung Saturday na, syempre sa studio agad ako pumunta, pero dahil sa nangyari nung nakaraang dalawang araw, inisip ko na baka hindi pumunta ang lalaking yun sa studio ngayon. Baka may nangyari nga na hindi ko alam. Kung ganun, after this, try ko ngang hanapin ang bahay niya— Naudlot nalang ang pag-iisip ko nang makita ko siyang pumasok sa studio. Nakangiti pa ng masaya ang labi sa medyo malabo niyang mukha. Nagulat talaga ako dahil doon. Hindi ko man siya photographer sa photo shoot na ito pero pansin ko ang paglapit niya sa akin at walang mintis na sabihan niya ako tungkol sa pag-alok niya ng pagpasyal ngayong araw na ito. Oo nga pala noh. Kailangan kong sabihin kung papayag ba ako sa alok niya o hindi. After the photo shoot, papunta na ako sa room ng pampalit ko nang, "Ninya," tawag niya sa akin. Napatigil ako sa lugar ko at doon muling naalala ang tungkol sa pag-alok niya. Hinarap ko siya ng isang pilit na ngiti. "Nathan," sabi ko. "So…" he paused. "…uhm madami ka bang gagawin?" Naglabas ako ng buntong hininga. Actually… "Wala as of now," sagot ko sa tanong niya. "Oh," bahagya siyang nagulat. "Uhm so, oo ba yun?" Naglabas ako ng buntong hininga at nginitian siya. "Sige. Palit lang ako." Biglang umukit ang saya sa labi niya at hindi ko alam kung bakit.   Pagkapalit ko, dapat magugulat ako na naghihintay na naman siya sa harapan ng CR ng mga babae pero parang nasanay na ako at naglabas nalang ng buntong hininga. Palabas na kami ng studio— "Ninya," tawag sa akin kaya napalingon kaming dalawa sa tumawag. Palapit si Ma'am Lani sa akin. "Gusto lang kitang sabihan para sa mangyayari bukas." Sinabihan ako ni Ma'am ng mga gagawin ko at pagkatapos niyang magpaliwanag, doon niya lang napansin ang presensya ng katabi ko. "Oh wait. Naistorbo ko ba kayong dalawa?" biglang tanong niya sa amin. Bahagya akong nagulat. "Ah hindi Ma'am. We're not in a hurry. Nag-alok lang kasi si Nathan," mga sabi ko at sana hindi ko nalang sinabi yun dahil… "Oh gash. I should have known," sabi ni Ma'am na kinagulat ko. "I'm sorry. Dapat sinabi niyo agad na may date pala kayo e di tinext nalang sana kita Ninya. Tignan mo yan o, late na kayo sa lovey-dovey niyo. O sya sige na. Kung may questions ka pa, text mo lang ako," sabay naglakad siya paalis. Tulala ako sa lugar ko dahil sa mga sinabi ni Ma'am. Gulat na gulat ako dahil hindi ko alam kung bakit ngayon ko lang na-realize na simula nung Miyerkules… Napatingin ako sa katabi ko. ...when a guy ask out a girl, of course any normal person would think na gustong makipag-date ng lalaki sa inaalukan niyang babae. Oh great. Bakit ngayon ko lang na-realize ito?! I was stiff at my place because of that. It was awkward pero nasira lang yun nang alukin niya na ako. "So, shall we go?" imbita niya. Pwede pa kayang mag-back down? We strolled around the mall pero habang naglalakad kaming magkatabi, hindi ko maiwasang mailang. Gulong-gulo na utak ko. "Hey," malumanay niyang sabi and tapped my shoulder na bahagya ko pang kinagulat. "Uhh hah?" tanong ko. "Okay ka lang?" tanong niya. "Yeah. Yeah I'm fine," I nervously smiled at him. "Sigurado ka?" "Oo naman. It's not like this is a date right? Gusto mo lang naman mamasyal di ba?" mga kinakabahan kong tanong. He paused first at bigla siyang ngumiti. "They can think all they want about this Ninya pero oo, hindi naman ito date," he said. Nang sabihin niya yun, dun lang actually ako kumalma. "Buti naman. Mas mabuti nang maliwanag," sabi ko nalang. So we continued strolling around the mall at kung may maiisip na lugar na gustong puntahan itong kasama ko, pupunta kami, malayo man o hindi. Pero napansin ko… Napansin ko na yung bawat place na pinupuntahan namin ay yung mga lugar na pinuntahan namin as Fuzzy Face and Death Glare, meaning, the same places on the pictures he brought at that time. Nagulat nga ako… …nang dalhin niya ako muli sa creek na iyon. We stood again beside the creek at ganun na naman ang ginawa niya. You know, thinking that maybe he's looking from a distance. "You must be wondering kung bakit kita dinala rito," sabi niya bigla. Dapat sasagutin ko siya na alam ko naman kung bakit, pero buti nalang naalala ko ulit na ako si Ninya ngayon. "Bakit nga ba?" tanong ko nalang. "Well you see…" he paused. "...this place is actually special to me. It holds a lot of memories." I paused and processed the right words to ask him. "Like what kind of memories?" Alam ko naman na ang tungkol sa batang babae na nakikita niya sa creek na ito, pero tinanong ko talaga iyon dahil baka may masabi siya na pwedeng clue kung sino ang batang yun. "It's a kind of memory that can only be triggered when I'm with that someone who is a part of my past." ...hah? Napatigil ako sa sagot niya. "Anong pinagsasabi mo?" nagtataka kong tanong. He chuckled. "Haha wala. Nevermind what I said. Tara hanap tayo ng maiinom," sabay tumalikod siya. Sinubukan kong alalahanin kung anong sinabi niya because that could be a clue, pero masyadong deep yung sinabi niya kaya hindi ko maalala. What was his point at that time? Dapat ni-record ko yun eh. While we are buying our drinks, tinanong ko siya na ulitin yung sinabi niya kanina tapos alam niyo sagot niya? "Ano na ulit yun? Hindi ko na maalala ah." Hindi ko alam kung niloloko niya lang ako o sadyang ayaw niya lang talagang ulitin pero hindi ko na siya pinilit. Nagpalunod nalang ako sa isip ko at sinubukang i-analyze yung mga narinig ko sa sinabi niya. Someone who is a part of his past… What if… may ex siya? Well, knowing he’s a playboy, that could be possible. You know, like any other story na may minahal siyang babae na sobrang seryoso tapos iniwan siya kaya naging playboy siya. Eh pero sino yung batang babae sa mga flashbacks niya? Ano may kapatid pala siyang babae na hindi niya maalala kahit ng nanay niya? Hindi ah… Oh God. Paano kung yung batang babae na iyon… Napatigil ako bigla sa lugar ko at hinarap siya sa likod ko na umiinom sa kanyang buko shake. "May anak ka na ba?" seryoso ko pang tanong. Reaksyon niya… Pwufft… Cough, cough. Napiswit niya ang iniinom niya sa gulat at naubo. "Ano bang klaseng tanong yan Ninya?" tanong niya habang inuubo. "Sagutin mo nalang," sagot ko naman sa kanya. "Ang bata ko pa ah," sagot niya instead. "Bakit mo naman naisipang magkaka-anak na ako?" Naglabas ako ng buntong hininga. "Well sorry for being judgmental pero ilang beses ko nang na-witness na may nakahalikan kang babae at kahit mas matanda sa iyo, pinapatulan mo kaya hindi mo ako masisi na baka may nangyari sa iyo at may nabuntis kang babae." Nakita ko kung paano siya napatigil umubo at napatigil sa lugar niya dahil siguro sa gulat nung sinabi ko iyon. Ngunit hindi ko na pinansin iyon at tumalikod nalang sa kanya at nagpatuloy mag-isip. Kung hindi niya anak yung batang babae na iyon… "So…" sabay bigla niyang hinila ang braso ko at inikot ako para humarap sa kanya at hinawakan ang beywang ko para suportahan ako at hinila pa ako palapit sa kanya, kaya magkadikit ang katawan namin. "...you think I'm not a virgin anymore?" tuloy niyang tanong. Gulat ako sa ginawa niya. "Na-nathan…" Linapit niya ang mukha niya sa akin. "You think just because I make-out with women, may nabuntis na akong babae at nagka-anak?" seryoso niyang tanong. Napalunok ako sa kaba. "Na-nagtanong lang naman ako. So-sorry na. Sorry kung ang judgmental ko kaya ple-please…" He suddenly smiled… more like his lips is smirking. "Then let me tell you one thing I never tell anyone," he huskily said. "I only make-out with women and I don't go beyond that because I have a moral code for myself. Ask me what Ninya." Sa sitwasyon ko ngayon, hindi ko alam kung saan ko nakuhang gawin na tanungin nga siya. "Wha-what?" He's still wearing that smirk at malapit pa rin ang mukha niya sa akin. "I will only give my virginity to the woman na mangangako kasabay ko sa harap ng Diyos na mamahalin and isa’t isa 'till death do us part'." Nagulat ako sa sinabi niya. I get what he said. Pero kahit ganun, ni pulgada hindi man lang siya lumayo sa mukha ko. Gusto ko siyang itulak, pero parang nawalan ako ng lakas. Unti-unti niya pang nilapit ang mukha niya at dahil doon, parang nagkakutob ako… …na hahalikan niya ako. Pag ganito ang sitwasyon, ang lagi kong initial reaction… Gamit ng kaliwa kong kamay, dahil wala naman itong hawak, bago pa dumikit ang mga labi namin… ...napapikit ako ng mga mata at tinakpan ang labi ko. ... Walang naramdaman ang kamay ko kaya napabukas ako ng mata at nakita siyang malayo na sa akin. "Pfft hahaha," tawa niya bigla. Gulat ako sa reaksyon niya. "Hahaha tinatakpan mo talaga yung lips mo pag may hahalik sa iyo? Hahaha halata Ninya. Halata na wala ka pang first kiss ah," tawa niya. Medyo nairita ako sa reaksyon niya. "Well FYI, hindi lang ikaw ang may moral code," sagot ko. "Kung yun ang sa iyo, ako, ibibigay ko lang ang first kiss ko sa taong una kong mamahalin." Nakangiti pa rin siya kahit mukha akong galit dito. "Okay. Sabi mo eh." Agad naman napalitan ng guilt ang mukha ko. "Saka sorry. Alam ko ang judgmental ko talaga nung tanungin ko yun sa iyo." "Well hindi kita masisisi," ngiti niya namang sagot. "Ang dami mong nakita eh kaya malamang iisipin mo talaga na baka may nangyari ngang ganun." I looked at him still with guilt. "Hindi ka galit?" paninigurado ko. He chuckled. "Hindi naman. I just want to prove myself to you na hindi ako ganung tipong lalaki. And besides…" Lumapit siya sa akin. "...I actually meant to kiss you," he said na kinagulat ko. Bigla niyang kinuha ang kanang kamay ko na hawak-hawak ang inumin ko at inangat ang inumin na iyon hanggang sa sumipsip siya sa straw ko. "Ganyan nalang..." he said at inangat ang mukha sa akin. "...para indirect kiss." Tuluyan akong nagulat sa ginawa niya at naramdaman ko na ang pag-akyat ng dugo sa mukha ko. Binawi ko agad ang kamay ko sa pagkakahawak niya. "Ang landi mo talaga!" irita kong saad at naglakad paalis. Gusto ko sanang itapon ang inumin ko pero nasasayangan ako dahil may laman pa siya. Eish. Nakakainis talaga siya!   Sabay kaming naglalakad ni Nathan at kung tatanungin niyo, oo inubos ko talaga yung inumin ko at hindi ko maiwasang mailang pero hindi ko pinakita sa kanya na inubos ko. Basta pagkaubos, tinapon ko agad ang lalagyan sa pinakamalapit na basurahan. Sayang kasi guys okay? "Excuse me Ma'am, Sir," sabi bigla ng isang babae habang naglalakad kami. Napalingon naman kaming dalawa ni Nathan baka kasi kami ang tinatawag. "Baka gusto niyo pong magpahula," sabi niya sa amin. Bahagya akong nagulat sa narinig. "Magpahula?" tanong naman ng kasama ko. "Opo Sir," sagot ng matandang babae. "Maaari niyo pong malaman kahit anong gusto niyo; ang nakaraan niyo, ang hinaharap niyo at kahit ano pa." I arched my brows at what she is saying. "Sige game," sagot bigla ng katabi ko na kinagulat ko. "May bayad?" Seryoso ba siya? Magpapadala talaga siya sa mga ganitong haka-haka? "Sir 100 lang po," sagot ng matanda. "Discounted na yan since kayo ang mauuna." "Okay," sabi ni Nathan at bago niya pa makuha ang wallet niya sa bulsa niya, pinigilan ko na ang kamay niya. "Ano bang problema mo?" bulong ko sa kanya. "Magpapahula ka?" "Hindi Ninya," sagot niya naman. "Siya. Siya magpapahula." I made a face sa sagot niya. "Okay ka lang ba o nababaliw ka na talaga? Magpapadala ka talaga sa mga ganyan?" He suddenly pouted. "Bakit kasi…" Sa ginawa niya, hindi ko alam kung bakit pero parang wala akong nagawa at napalabas nalang ng buntong hininga. "Para kang bata," sabi ko nalang. Dahil wala akong ibang choice, sumama ako sa kanya na pumasok sa isang madilim na booth. Syempre may mesang tumambad sa amin na may kristal pang bola sa gitna nito. You know, tulad ng mga set-up na nakikita niyo pag ganito ang pinag-uusapan. "Magsiupo kayo," imbita ng matanda at umupo naman itong magpapahula. "Ikaw Miss," tingin niya sa akin. "Upo ka rin." "Ah hindi na po," sagot ko. "Siya lang po ang magpapahula." "Ganun ba? Akala ko may relasyon kayo?" Nagulat ako. "Hah? Hi-hindi po. Wala pong namamagitan—" "Ninya, umupo ka nalang kasi," singit niya. Hinarap ko siya. "Huwag mo akong itulad sa iyo Nathan—" "Gusto mo ituloy ko yung binabalak kong kiss kanina?" singit niya. At nang pagkatanong niya nun, hindi ko alam kung bakit napaupo ako agad ng di oras. "Okay. Magsisimula na tayo," sabi ng matandang babae. "Anong gusto niyong malaman?" "Lahat," sagot na parang bata nitong katabi ko. Nagulat rin ang matanda sa sagot niya. "Lahat?" "Opo Manang. Sabihin niyo lang po kung may dagdag bayad—" "Ah hindi na iho. Dahil sa kayo ang first customer ko, sige pagbibigyan ko kayo. Huhulaan ko ang nakaraan niyo, ang ngayon at ang hinaharap niyo." Bahagya akong nagulat sa part nung sinabi niyang nakaraan niya. She can do that? She started to shuffle some cards at nilatag din ito sa mesang kaharap niya. "Pili kayo Sir para malaman natin ang inyong nakaraan," sabay kumuha siya ng isang baraha. Binigay niya rin ito pabalik kay Manang at tinignan niya ito. "Base sa barahang iyong napili, nung bata palang kayo, magkaibigan na talaga kayo pero ang pagkakaibigan na iyon ay nagsimula nang malaman mong patay na ang iyong kambal. Tama ba ako Sir na may kambal kayo?” tanong ni Manang. Parehas kaming nagulat ni Nathan. “O-opo,” nautal na sagot ni Nathan. Nalaman niya yun? So legit na manghuhula talaga ang matanda na ito? “Lumakas ang relasyon niyo bilang magkaibigan mula pagkabata. Kahit ginagawa mo lang ito dahil sa isang kondisyon, itinuring mo pa rin siyang kaibigan mo na walang kondisyon. Nangako pa nga kayo na hindi niyo iiwanan ang isa’t isa—” “Sandali, sandali lang po,” singit ko. “Yung sinasabi niyo po ba ay tungkol sa kanya o sa aming dalawa?” “Kayong dalawa. Bakit hindi ba?” Nagulat ako. “Eh paano naman po nangyari yun eh kakakilala lang namin?" "I see. So mukhang may konting twist ang nangyari sa inyo." Hah? Ano raw? "Naghiwalay kayo dahil sa isang aksidente na nagbago sa inyong dalawa." "Sandali, aksidente? Kailan?" mga tanong ko. "Mismong oras nung aamin na siya," sabay turo sa katabi ko. "Hah? Aamin? Sandali, hindi ko maintindihan—" "Ninya, huminahon ka nga muna,” sabi bigla ng katabi ko. “Yung sinasabi niya ay tungkol sa nakaraan ko lang." "Pero sabi niya—" "Mamaya ka na mag-react,” singit niya na naman. “Hula lang ito tulad ng sabi mo kaya huwag mong seryosohin okay?" Hindi ako nakaimik pero napatango ako bilang sagot. Biglang umiba awra niya eh. Bakit ba siya masyadong affected kung sabi niyang huwag seryosohin? Tapos, kailan pa kami naging childhood friends? "So ituloy natin. Since nagkahiwalay kayo, nag-iba ang inyong mga ugali at kaysa maging magkaibigan, nawala ang nararamdaman niyo para sa isa’t isa. Yun ang nangyayari sa inyo ngayon." Walang umimik ni isa sa amin pagkatapos sabihin ni Manang iyon at sa totoo lang, nagkatinginan pa kami sa isa’t isa. "Para sa iyong hinaharap, pili kayo muli ng baraha," kaya pumili ulit si Nathan at binigay din kay Manang. Pagkakita niya sa card… nagulat siya. "O bakit po? Bakit po kayo nagulat?" tanong ko naman. "Mukhang masama ito…" sabi niya. Doon naman ako nagulat. "Isa lang mapapayo ko sa inyo, iho at iha. Huwag niyo nang ituloy ang inyong pagsasamahan." Hah? "Teka, bakit naman po?" tanong ni Nathan. "Mukhang hindi kayo para sa isa't isa." Okay? Tungkol kay Nathan pa rin ba ito o kasama ako rito? "Paano namang hindi?" tanong pa ni Nathan. "Ang sinasabi kasi rito ay para kayong puti at itim. Madalas ang dalawang kulay na ito ay hindi nagkakasundo. Kahit subukan niyo, hindi niyo mararating ang tamang balanse sa relasyon niyo. Madaming kokontra at pagsubok na daraan. Masakit mang isipin pero ang tanging solusyon lamang ay lumayo kayo sa isa't isa. Yun lang. Maraming salamat sa pakikinig." … Eto kami ngayon, naglalakad na kami papunta sa paradahan ng jeep ko pagkatapos ng lahat na iyon. Pero buong oras na iyon, ang tahimik ng kasama ko. Ito na ata ang pinaka awkward na sitwasyon ko kasama siya. Nakakapagtaka na nga eh. "Uy Nathan. Bakit ang tahimik mo?" tanong ko sa kanya. Hindi niya ako inimikan. Okay fine. Kung gusto niya ng katahimikan, bahala siya. "Ninya," sabi niya bigla that broke the ice. Buti naman. "O ano?" tanong ko. "Hindi tayo para sa isa't isa," malungkot niya pang sabi. Nagulat ako sa sinabi niya. Sandali… "So, all this time, ang tahimik mo dahil lang sa hula kanina ni Manang?" Iniwasan niya ako ng mukha bilang sagot. "Pfft hahaha," tawa ko. "O bakit ka tumatawa?" "Haha para ka kasing bata. Nagpapadala ka talaga sa mga ganung haka-haka?" "Eh kasi…" he pouted. "Ewan ko sa iyo Nathan. Bahala ka diyan," sabi ko sa kanya at tinuloy nalang maglakad. “Pero paano kung totoo ang sinasabi niya Ninya?” nag-aalalang niyang tanong na ikinatigil ko. “Paano pag hindi nga tayo para sa isa’t isa?” “Hah? Bakit mo ako sinasali diyan? Sabi mo nakaraan mo lang yun. Hindi kita childhood friend.” “Pero sabi niya, sa hinaharap, hindi raw tayo compatible. Paano pag ganun?” “Eh di gumawa ka ng paraan para hindi maging totoo ang sinabi niya," sagot ko naman sa kanya. Tinignan ko siya na parang hindi ata narinig ang sinabi ko at napatunayan ko nalang iyon nang magtanong siya ulit. "Paano pag itigil nalang kaya natin ito?" Napatahimik ako sa tanong niya. Naglalakad pa rin kami pero dumaan ang katahimikan sa pagitan namin. “So ganun-ganun lang yun?” sabi ko na kinabasag ng katahimikan. Umikot bigla ang ulo niya sa direksyon ko nang sabihin ko iyon. “Dahil lang sa may isang manghuhula na nagsabi sa iyo ng hinaharap mo, naniwala ka na agad? Bakit, accurate ba yung sinabi niyang nakaraan mo kaya naniniwala ka sa kanya?” Hindi ko alam ang reaksyon niya sa tanong ko pero hindi siya umimik agad. It took a while bago siya sumagot. “Hi-hindi naman sa ganun. Sinabi mo na nga, hindi naman tayo childhood friends so doon palang hindi na siya tama.” “O di kung ganun, bakit grabe ka kung mag-alala ka sa hinaharap mo?” He paused again habang nakatingin diretso sa daan na nilalakaran namin. “Nakakatakot kasi yung sinabi ni Manang. Para raw tayong puti at itim at hindi raw tayo compatible para sa isa’t isa,” sabi niya. “O di huwag mong hayaan na dahil lang sa isang hula, yan na ang kokontrol sa mga choices mo. May choice ka kung anong gusto mong gawin sa buhay mo.” Bahagya ata siyang nagulat pero umiwas muli ang mukha niya sa akin. "So anong gusto mong gawin natin?" tanong niya. "Eh di panindigan ang pagsasama natin," sagot ko naman.   Dumaan ang katahimikan. Mayamaya, napamulagat ako dahil doon ko lang na-realize ang sinabi ko. Oh great, nasabi ko yun?! Nakangiti pa siya pabalik! "Wa-wait. Iba ang ibig kong sabihin nang sabihin kong—" "Na-gets ko Ninya," ngiting singit niya naman. Hindi ako nakaimik. "Masyado na ata akong napadala sa sinabi ni Manang," sabi niya. At that, napabuntong hininga ako. "Buti naman." "So ano? Tayo na?" bigla niyang mga tanong na kinagulat ko talaga. "Hah? Ano ka?!" "Sabi mo panindigan natin ito." "Akala ko ba na-gets mo?!" "Kaya nga. Aminin mo na kasi Ninya na gusto mo rin naman talaga ako." "Tumigil ka nga Nathan! Nakakainis ka talaga!" sabay tumalikod na ako sa kanya at naglakad paalis. Nauuna ako sa kanyang maglakad hanggang sa makarating kami sa paradahan ko. "Dito na ako. Salamat nalang sa libre," paalam ko agad at papunta na sa sakayan nang— "Teka," nahuli niya na naman ang wrist ko. Hindi ko siya hinarap. "O bakit na naman? Bakit kasi parating may nakakalimutan kang sabihin?" "Last na talaga ito," tawa niya pa. "Gusto lang sana kitang imbitahin sa Saturday." Napabuntong hininga na naman ako. "Ano, mamamasyal tayo ulit? Kung ganun, pass muna ako—" "Hindi," sagot niya agad. "Uhm special occasion kasi siya" Bahagya akong nagulat sabay napaharap sa kanya. "Occasion?" Naglabas muna siya ng buntong hininga. "I'm inviting you on Saturday because it's my birthday. I'll be turning 18 at that time." Tuluyan akong nagulat. "Birthday?" "Yeah. Gusto kasi akong gawan ni papa ng party. Sinabi ko na kahit huwag na pero the preparations are almost done kaya I have no choice." His dad made it? Hindi ba hiwalay parents niya? Ano? Malay. But still, parang nakakahiyang pumunta. "I don't know Nathan," I said reluctantly. "Sige na Ninya," pilit niya. "Malapit lang naman yung venue. Tapos madaming pagkain promise." I made a face sa mga sinabi niya. Anong akala niya sa akin, mapipilit niya akong pumunta sa party dahil sa pagkain? "Hindi kasi ako sure baka madami na naman akong gagawin sa time na yun." "Eh di doon mo nalang gawin. Sige na kasi Ninya," pilit niya. Naglabas ako ng buntong hininga. Pagmapilit talaga ang lalaking ito, wala akong nagagawa. "Oo na. Susubukan ko," sagot ko. "Talaga?" saya niyang saad. "Final na yan ah? Wala nang bawian." "Susubukan ko nga," sagot ko. "Sige na. Umalis ka na bago pa magbago isip ko." "Okay. Sige babye," saya niyang paalam at umalis naman siya agad. Sineryoso niya ang sinabi ko. Ngunit, nung wala na siya sa paningin ko, naglabas ako ng buntong hininga. So, he's inviting me to his birthday party. Punta ba ako? ... Nung Lunes, pagkarating ko sa border wall nung lunch time, nakaupo ako ngayon sa picnic table playing with my pen habang nakalapag ang notebook ko sa table. I was thinking na yesterday lang naging panatag desisyon ko na pumunta sa birthday party niya as Ninya dahil baka maka-gather ako ng information about his memories that can cure his amnesia. "Black King." Malay natin, baka malaman ko kung sino yung batang babae sa flashback niya na yun. "Huy Black King." O di kaya baka pwedeng kausapin natin yung mommy niya at ako na ang mag-interview sa kanya. "Nia, kung hindi mo pa rin ako papansinin, bababa ako rito at hahalikan kita." ...hah? Nagulat ako ng sobra nang marinig ko iyon at napalingon agad sa lugar niya. "Sige subukan mo Fuzzy Face," I warned him. After I said that, napatingin muna kami sa isa't isa ng ilang segundo bago nasira iyon nang tumawa siya bigla. "Hahaha," tawa niya. "Fuzzy Face? Hahaha yun na talaga tawag mo sa akin? Hahaha." Hindi naman ako nakaimik sa sinabi niya. "Haha miss mo na ako noh Black King?" saya niya pang sabi. I looked away from him as my reply. Miss? Pssh kakakita nga lang namin nung Sabado. "Anyways, una sa lahat, bakit ilang araw kang hindi pumunta rito?" tanong ko. He paused bago siya sumagot. "Well, I did my own research about my amnesia Black King." Hinarap niya ang malabong mukha niya sa akin at nag-peace sign. "Sorry kung hindi kita sinama ah Nia este Death Glare pala." I paused at my place sa sinabi niya, pero agad din akong naglabas ng buntong hininga. "Okay lang. Ang importante, may nakuha ka ba?" tanong ko. "Well…" Nagsimula siyang magsabi ng mga details, mas lalo na doon sa creek part. Ang dami niyang sinabi pero ni salita ay hindi ko narinig na sinabi niya ang tungkol sa batang babae sa creek na yun. "Wala ka man lang nakuhang ideya kung sino ang batang yun?" tanong ko. "Well actually…" he paused at that, but more like napatigil sa tagal. "Actually what?" tanong ko. Naglabas siya ng buntong hininga. "Bago muna yun Black King, may gusto muna akong sabihin," sabi niya bigla. Bahagya akong nagulat dahil sa pagbago ng boses niya. "Ano yun?" tanong ko. Parang seryoso siya ah. "I want to invite you to my birthday sa Saturday," diretso niyang sabi.   ...loading. Prinoseso muna ng utak ko ang sinabi niya at itong tanong lang ang lumabas sa bunganga ko. “You are inviting me?” “Ay hindi Black King," sagot naman agad ng lalaking ito. "Yung picnic table yung kausap ko. Gusto mong pumunta sa birthday ko picnic table?" Napakunot naman ako ng noo hindi lang dahil sa sagot niya, “Bakit? Tingin mo papayag ako kung ako nga ang iniimbita mo?” Bahagya ata siyang nagulat sa pabalik kong tanong because he paused first. “Uhm oo?” alanganin niyang sagot. “Baliw ka talaga,” sagot ko nalang sabay tumalikod sa kanya. “Oh come on Black King. Bakit ayaw mo?” Naglabas ako ng buntong hininga. “Madaming rason Nathan.” “And those are?” Humarap ako muli sa kanya. “Una, hindi ko alam kung bakit mo ako iniimbita. Pangalawa, dahil sa mayaman ka, magmumukha akong dukha sa isang birthday party ng isang tulad mo. At ang pinaka sa lahat, hindi ko alam kung nagmamaang-maangan ka pero—“ “I am an Ashen West while you’re a Raven East,” pagtatapos niya. “Hayaan mo Black King. Hindi ako nag-invite ng mga taga Ashen West. Saka nagawa naman nating mag-date nun na naka disguise tayo. Suot ka lang ng face mask, okay na.” Nairita ako sa sinabi niya. “Hindi yun date.” “Naku Black King, pakipot ka pa eh. Ang sweet-sweet mo kaya nun.” Mas lalo lang akong nairita. “Ah basta. Hindi ako pupunta. Mamaya maging issue na naman tayo.” “Bakit? May issue naman talaga sa ating dalawa,” sabi ni Nathan. Tuluyan akong nagulat pero hindi na ako nagtanong kung ano dahil knowing him, alam ko na katuloy nun. "Hindi mo ako madadaan sa mga banat mo na yan Nathan," sagot ko. "Eh? Hindi ka pa nga nagtatanong ng 'Ano?'," he pouted. "Sige na tanungin mo muna ako Black King." "Basta hindi Nathan,” sagot ko nalang. "Can we just go back about sa little girl sa amnesia mo?" Hindi niya ako sinagot pagkatapos pero I ignored that. "Anyways, may sasabihin ka sa akin tungkol sa bata di ba? May ideya ka na ba kung sino yung batang yun?" Hindi pa rin siya sumagot. Dahil doon, hinarap ko siya at nakaharap siya sa akin habang nakaupo pa rin sa border wall. Naka cross arms pa siya at seryoso ang mga labi niya kaya nagtaka ako. "Anong drama mo?" tanong ko sa kanya. "Hindi kita sasagutin hangga't hindi ka magtatanong kung anong issue natin." Nairita ako sa sagot niya. "Huwag ka ngang umaktong parang bata." His face turned away from me as his answer at tuluyan akong nagalit sa ginagawa niya. "Nathan tumino ka!" Hindi niya pa rin ako pinansin. "Wala akong panahon makipaglokohan Nathan." Pero ayun, dedma pa rin. Nauubusan na talaga ako ng pasensya sa kanya. "Ano ba kasing issue yan na kailangan mong magtampo na parang bata?!" hiyaw ko sa kanya. Alam niyo ang nakakainis, ngumiti pa ang loko pabalik sa akin pagkatapos nun. "Ang issue Nia ay kahit ikaw ang Black King, ikaw ang bestfriend ko sa school na ito at isa ka sa mga importanteng tao sa buhay ko kaya kita iniimbita sa birthday ko."   Oh great. Bakit ganun? Sa mga sinabi niya, kahit gulat ako, napawi ang galit ko na parang bula at hindi ko alam kung bakit! Napatahimik pa nga ako eh. "At saka Black King…" he paused. Narinig ko ang mga sinabi niya pero hindi ako umimik. "Uy Nia may sasabihin pa ako," sabi niya dahil akala niya ata hindi ako nakikinig. "Ano nga yun?" bumalik ang irita ko. Para akong may mood swings. He chuckled first. "About the little girl in my flashbacks, I think kilala ko na kung sino siya." Tuluyan akong nagulat sa sinabi niya at napalingon sa kanya ng di oras habang nakaukit pa rin ang gulat sa mukha ko. He smiled at me. "Kailangan mong pumunta sa birthday ko because I invited her at gusto kong makilala mo siya."   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD