Chapter 13
After that competitive event, in the last day of the last week, where all about it must have come to an end, they announced the winner for the Grand Olympics 20**.
I am now walking here in the hallway of my school, at ramdam mo ang saya ng lahat. Yes… we won, finally. Our side went wild nung sinabi ang pangalan ng school namin at parang wala nang bukas kung mag-celebrate kaming mga black students. It made us so proud actually. Hindi nga maialis sa mukha ko ang saya at dala ko ito hanggang sa pag-uwi ko dahil lang doon. At last, we proved ourselves to them.
Pero kahit ganun, here comes the first day of the week kung saan balik na naman ang lahat ng estudyante sa normal. Pagkapasok ko, ramdam ko agad ang biglang pagbago ng hangin. Naglalakad ako at biglang nagtaka nang biglang napunta ang tingin ng ilang estudyante sa akin at may kung anong binubulong sa katabi nila. Ikinataka ko ang tungkol doon, hindi rin kasi siya iisang estudyante lang, halos lahat nga ng nakapaligid sa akin eh.
Kung ganito ang sitwasyon, ibig sabihin may balita akong hindi aware na kumalat na sa buong CHESS school.
“King!” bungad naman ni Zairie habang tumatakbo siya papunta sa akin.
I knew that was coming. “Ano yun Queen?” seryoso ko namang tanong pabalik.
“Kailangan ka na namin sa Student Council room,” sabi niya at bigla pang kinuha ang kamay ko para hilahin ako. “Dali King bilisan mo.”
Hindi na ako nagreklamo sa paghila niya, pero hindi rin ako nagtaka sa pagmamadali niya. Kung ganito siya, ibig sabihin sobrang importante ang kumalat na balitang ito.
Pagkarating namin sa Student Council room, sinara agad ni Zairie ang pinto at hinayaan muna nila akong makaupo sa aking upuan bago nagsimula.
“Anong meron? Anong klaseng balita ito?” mga tanong ko naman agad. Alam ko naman na ang ibig sabihin nito eh.
Walang sumagot instead, si Caren ang lumapit sa akin at may nilapag na papel sa mesa ko. Kahit hindi ko pa tignan, alam kong school paper namin iyon pero nang makita ko ang unang litratong tumambad sa akin, doon na ako tuluyang nagulat.
Parang nanigas nga ako sa lugar ko dahil doon. Hindi kasi siyang ordinaryong balita na akala ko may nangyari na hindi ko alam. Ang balita kasi…
…ay tungkol sa akin. Naalala ko ang lahat ng tungkol sa pinapakita ng litratong ito. Yung mga oras na dapat hindi ginawa ng lalaking yun ang ginawa niya. Yung oras na yinakap niya ako para lang harangan ang isang rattan na bola.
“Balita na ang tungkol diyan sa buong CHESS school King,” paliwanag ni Caren. “Hindi lang sa school paper natin, pati na rin sa social media.”
Mas nagulat ako dahil doon at napatingin kay Caren na kaharap ko lang pero si Kimbrae, ang Rook namin ang nagpakita sa akin ng kanyang phone para ipakita ang kalat na balita.
“Naging trending pa nga kayo eh King,” sabi ni Kimbrae. “Hanep yung kwento niyo ah.”
“Kimbrae,” sita ni Zairie.
“Bakit? Just sayin,” irap ni Kimbrae at bumalik sa pagkalikot ng kanyang phone.
Hindi ako makapagsalita dahil doon. Nawala sa isip ko ang tungkol doon simula nang sabihing kami ang nagwagi sa Grand Olympics. Alam ko magiging issue ito, pero hindi pala ako handa sa maaaring kalalabasan nito.
“King,” tawag ni Leander kaya bumalik ako sa katotohanan at napatingin sa kanya. “May tinatago ka na naman ba sa amin?” seryosong tanong ni Bishop na kinabigla ko.
“Leander,” sita na naman ni Zairie.
“Anong ibig mong sabihin Bishop?” tanong ko sa kanya pabalik.
He paused bago nagsalita. “I’ll be blunt to you King,” sagot ni Leander. “May relasyon ba kayo ng Ashen West student na iyan na nasa litrato?” he asked.
Napatigil ako sa tanong niya. Relasyon?
“Ano ka ba Leander,” Zairie says. “Hindi yun magagawa ni King noh. He’s from the other side and we all know na bawal yun di ba? That’s against our rules. Pwede kaya tayong ma-suspend at ayaw yun ni King, di ba King?”
Lahat napatingin sa akin nang sabihin yun ni Zairie. My head is bowed down at hindi ako umimik. Ramdam ko ang pagkabahala ng iba dahil sa ginawa ko.
“King—“
“Wala kaming relasyon,” sagot ko naman na kinabigla nila.
Inangat ko ang ulo ko para bigyan sila ng seryosong tingin. “Ni hindi ko nga kilala ang lalaking yan at kung bakit niya ako yinakap para harangin lang ang bola ng rattan. Kung alam niyo lang, gulat na gulat ako nung mga oras na iyon na ginawa yan ng lalaking iyan.”
Lahat sila napatigil sa mahaba kong sinabi, pero hindi nawala ang seryoso kong mga mata.
“O di ba? Sabi ko kasi sa inyo eh,” sabi naman ni Zairie that broke the ice. “Gumawa na naman ng kwento ang journalism club natin. Nagmukha lang kasi silang sweet kaya kinilig sila at nilagay sa school paper.”
Naglabas naman ng buntong hininga si Caren. “Dapat dumaan muna sa atin ang tungkol sa balitang ito bago siya na-publish ng school natin. Pasaway na journalism club na yan.”
“Ang totoo niyan…” sabi ni Kimbrae kaya napatingin kami sa kanya habang kinakalikot pa rin ang kanyang phone. “…sumusunod naman sa protocol ang journalism club pero dahil sa pinublish agad ng mga whites ang balitang iyan sa paper nila, sumunod naman ang journalism club natin thinking na okay lang daw.”
“Ah kaya pala,” sagot ni Leander. “Kung ganun, pupuntahan ko sila mamaya pag break para pagsabihan being the Bishop.”
“Sasama ako sa iyo,” saad ko na kinagulat nila sabay tumayo ako sa aking upuan. “Nasa balita ako kaya kakausapin ko rin sila para maliwanagan sila.”
Tumango si Leander. “Mas mabuti nga kung ganun.”
Pagkatapos ng pag-uusap na iyon, we went our separate ways at habang papunta ako sa classroom ko, hindi pa rin mawala ang pag-aalala sa mukha ko. Buti nga nagawa ko pa ring maging seryoso… kahit nagsinungaling ako sa kanila.
Alam ko na halos lahat ng sinabi ko kanina ay hindi totoo, pero nagawa kong i-deny ang lalaking yun sa kanila dahil may isang katotohanan akong sinabi sa kanila…
…at yun ay wala kaming relasyon.
~*~
Inside one of the rooms of a Campus Royalty comes a conference between the White King and a certain Ashen West student. Both are sitting in their respective seats and to start it all, the White King showed their school paper first to the student he’s talking to by throwing the paper on the table right in front of the student.
Napatingin naman ang lalaking estudyante at kita niya ang litratong bumungad sa kanya pero walang bahid ng gulat o kahit anong expression sa mukha niya kahit nakatingin siya sa papel.
“What about it White King?” ignorante niyang tanong.
“What about it?” inis na tanong pabalik ng White King. “You are part of the journalism club Nathan tapos tatanungin mo lang ako ng what about it? Nag-iisip ka ba?”
Naglabas ng buntong hininga si Nathan. “Hayst. Ang init lagi ng ulo mo White King. Kumain ka muna kaya ng ice cream para ma-cool down ka kahit papaano.”
Sa sagot ni Nathan, Naite faced him with a furious face. “Wala akong panahon sa mga ganyang bagay ngayon at hindi ako nakikipaglokohan sa iyo Nathan. You could have done something!”
“At tingin mo wala akong ginawa King?” sagot naman pabalik ni Nathan na kinatigil ni Naite.
Nathan, full of seriousness in his face said, “Kinausap ko si Aryel na huwag niyang hahayaang ikalat ang tungkol diyan, pero mukhang hindi naman nakikinig yun sa akin. Siya ang leader ng journalism eh. Hamak na member lang ako.”
Hindi nakaimik agad pabalik si Naite at naglabas muna ng buntong hininga.
“Then let’s ignore the article first at pag-usapan ang kailangang pag-usapan,” seryosong sagot ni Naite. “In the first place, why do you have to save her from that simple rattan ball?!”
Nathan looked away from Naite. “Eh kawawa yung babae eh. May dala-dala kaya siyang tray nun.”
“But she’s from the other side! Hindi man lang ba pumasok iyon sa kokote mo?!” hiyaw ni Naite.
Nathan pouted. “Ang liit na bagay pinapalaki niyo. Masama na bang maging mabait ngayon?” asal niyang parang bata.
“Don’t f*ck with me Nathan!” sagot ni Naite.
“At bakit naman naisip mong gagawin ko yan sa iyo White King?” sagot naman ni Nathan. “Hindi ako bakla.”
Mas lalo lang nainis si Naite sa pilosopong sagot ng kausap niya. Gusto na nga niyang suntukin ang kaharap niya sa galit pero kahit gawin niya iyon, wala namang papatunguhan iyon.
Bagsh! Naite’s right hand fist landed on his table para lang ilabas ang frustration niya. Kasabay nun, naglabas din siya ng isang malalim na hininga.
“Kahit maliit na bagay lang ang ginawa mo, at kahit gusto mong magpaka goody-two-shoes sa harap ng iba, may I remind you na nandito ka ngayon sa CHESS school, specifically the Ashen West Academy, the whites of this school, the role model kaya ang makipagsalamuha sa mga estudyante ng Raven East High School, ang mga blacks, our counterpart, is really a big deal. Alamin mo ang lugar mo ngayon Nathan.”
Hindi na nakaimik si Nathan sa sinabi ni Naite pero nakaiwas pa rin siya ng tingin sa kanya.
“And also, sana hindi mo nakakalimutan ang tungkol sa usapan natin. We had a deal, right?”
Doon na tuluyang nagulat si Nathan at parang napatigil siya sa kanyang lugar dahil sa narinig niya.
~*~
NINYA
I am now on my way sa studio kung saan may raket ako ngayon. Pumayag ako agad sa offer ni Ma’am Lani kanina nang tawagan niya ako dahil kailangan kong bumawi sa ilang araw ding wala akong raket dahil lang sa Grand Olympics.
Habang nagpapalit ako sa CR, speaking of that, actually kanina sa school, kaming mga Student Council are expecting na magpapatawag ng meeting ang mga Campus Royalties regarding about the issue. Sa totoo lang, naghanda pa ako ng pwede kong sabihin sa meeting na iyon para lang idepensa ang sarili ko at hindi madulas ng di oras… pero natapos na ang school hours at wala kaming nakuha ni isang balita.
Papunta na ako sa photo shoot habang nagtataka dahil lang doon. Bakit kaya hindi sila nagpatawag ng meeting? Wala lang ba sa kanila ang issue? Knowing the White King, malaking issue ang nangyari sa amin nun ni Nathan. He can even use that to my weakness as the Black King. Or maybe this time, siguro gusto nila kami ang tumawag ng meeting regarding about that?
Napabuntong hininga nalang ako. You see, kung sino kasi ang nagpatawag ng meeting, sila ang humihingi ng gulo. Tulad nalang nung nangyari sa ilang Raven East students namin na nakitingin lang sa isang chess board ng isang store na pagmamay-ari ng isang Ashen West student. Di ba ang babaw ng rason? Ganyan pag magkaribal eh. Pero kaming mga Student Council, alam namin na hangga’t maaari, ayaw namin ng gulo. Lalaban kami kung humihingi talaga ng away ang mga Ashen West pero ayaw naming magpasimuno ng laban.
“Ninya,” tawag sa akin kaya napatingin ako sa kanya at nakita si Ma’am Lani na lumalapit sa akin.
Nginitian ko siya at binate. “Hi Ma’am. It’s been a long time po.”
“Oo nga eh,” sagot niya. “O kamusta naman yang sports fest na sinasabi mo? Nanalo na ba kayo?”
Masaya akong ngumiti sa kanya. “Opo Ma’am.”
Nagulat siya sa sinagot ko. “Weh? Di nga?”
“Ma’am naman,” sagot ko. “Ganyan na ba kababa ang tingin mo sa amin?”
“Hindi sa ganun Ninya,” ngiti niya naman. “Nakakagulat lang talaga. Di ba matagal na kayong hindi nanalo?”
“Oo nga po eh kaya sobrang saya po naming lahat na nanalo kami this time,” sagot ko. “At saka Ma’am, huwag na nating pag-usapan ang tungkol diyan dito. Mamaya may makarinig pa.”
“Ay oo nga pala. Sorry,” peace sign ni Ma’am.
I went to my seat para sa make-up ko for this photo shoot, but while the make-up artist is doing her job, nakita ko sa peripheral vision ko ang pagpasok ng lalaking yun. Ang nag-iisang lalaking yun. Napaikot pa nga ang mukha ko para sundan lang siya ng tingin.
“Uhm Ninya, harap tayo rito,” pakiusap ng make-up artist ko.
“Ah sorry po,” paumanhin ko at binalik ang ulo ko sa harap ng mirror.
Kahit nilalagyan ng make-up ang mukha ko, bakas ang pag-aalala sa mukha ko. Dahil sa issue kanina lang, hindi ako minsang tumapak sa border wall sa araw na ito. Nung nasa school pa ako, napapalingon ako sa direksyon papunta doon pero pag naalala ko ang tungkol sa issue, umiiwas agad ako papunta sa lugar na iyon.
“Uy andyan na yung gwapong chinitong photographer,” sabi ni Ma’am Lani habang nasa likod ko lang siya. “Too bad Ninya. Hindi siya ang photographer mo ngayon sa photo shoot na ito.”
Bahagya akong nagulat sa huling sinabi ni Ma’am kaya napatingin ako kung saan siya nakapwesto.
I know I made that promise to him at gusto ko na nga siyang kausapin para makapagplano na kami, pero nagsimula na akong matakot na bumalik sa lugar na iyon. Pakiramdam ko kasi na pinapanuod na ng buong Raven East ang bawat galaw ko at mahuli kami ng lalaking yun ng di oras.
Pero kumunot ang noo ko habang pinapanuod ko siya. Oo malabo pa rin ang mukha niya pero dahil sa mga ngiti ng labi niya habang nakikipag-usap sa ibang tao, doon ako nainis. Parang base kasi sa ngiti niya na ang saya-saya niya ah. Parang walang epekto ang issue na nangyari sa school namin sa kanya. Pero knowing him…
Unti-unting nawala ang kunot sa noo ko. Paano nga kung wala lang yun sa kanya? Ako nag-aalala rito sa kung anong pwedeng mangyari sa akin dahil lang sa issue na iyon pero siya, nagawa niyang tumawa sa harapan ng ibang tao. Teka, Ashen West student siya di ba? Paano pag ginawa niya talagang protektahan ako sa harap ng buong CHESS school dahil… parte yun sa plano?
Bumalik na naman ang kunot sa noo ko dahil sa iniisip kong iyon. For the whole photo shoot, buti nagawa ko ang trabaho ko dahil ang gusto ng photographer ngayon ay maging fierce ako. Dahil sa galit ko sa lalaking yun sa kaloob-looban ko, madali sa aking gawin ang mga poses at facial expressions of being fierce.
Nakakainis naman kung ganun. All this time I know I’m letting my guard down right in front of him at dahil doon, alam kong hindi talaga papasok sa isipan ko ang mga tungkol dito. Kung bakit biglaan kong naisipang ganun ang intensyon niya, una, dahil nagsinungaling siya sa akin about being an athlete in their school. Varsity pa siya hah. At pangalawa, Ashen West student siya. Oo simula palang, alam na nating lahat yan pero madalas, nakakalimutan ko ang aspetong yan pag nakakasama ko siya. If there’s one thing I know most of them, especially the Campus Royalties, their main goal is always to bring down the other side, us Raven East students. Kaya kung paraan niya pala yun para matumba ako, especially that I’m the Black King, nagkakamali talaga ang lalaking yun.
Tapos na ang photo shoot ko for this night at naglalakad na ako pabalik sa kwarto kung saan iniwan ko ang pampalit ko. Kung hindi lang talaga sa pagmumukha ng lalaking yun, matagal ko na siyang hindi pinansin. Baka nga ngayon, hindi ako aware sa pangalan at presence niya.
Pagkarating ko, the door was half open at papasok na sana ako pero may narinig akong nag-uusap sa loob.
“We’re all alone now babe,” halata ang pang-aakit sa boses ng babae. “Where do you want me to start?”
Napaiglap ako dahil doon, pero pinagsisihan ko na ginawa ko iyon. Nang makita ko ang nangyayari sa loob, napasandal ako agad sa pader katabi ng pintuan para lang magtago. Hindi ko kilala ang babaeng yun pero ang lalaking inaakit niya… kainis namang malabong mukha yan.
Isa rin ito sa mga rason kaya ayaw kong lumapit sa lalaking yun, mas lalo na pag ganitong nasa trabaho kami. Lumalabas talaga ang pagkalandi niya eh. Kailan ba na hindi ko siya nakitang may kahalikang babae? Kahit mas matanda pa sa kanya, talagang pinapatulan niya eh. Mamaya na nga tayo bumalik dito pag wala nang nagaganap diyan sa loob, mas lalo na pag wala ang lalaking yan diyan.
“Sorry babe. I’m not in the mood tonight,” rinig kong sagot niya. Paalis na ako eh, pero bakit ako napatigil sa lugar ko nang marinig ko iyon?
“Why? Did something happen little one?” tuloy na landi ng babae sa kanya.
It took actually a while bago ko narinig sumagot si Nathan.
“When I say I’m not in the mood woman, it simply means that you have to get the f*cking out already.”
Nagulat ako nang marinig ko iyon sa mga bunganga niya. Narinig ko nalang ang paglakad ng babae palabas ng room na iyon at hindi siya dumaan sa daan kung saan ako nakatayo kaya hindi niya ako napansin. Parang nanigas ako sa lugar ko dahil doon. Napatingin ako sa pintong katabi ko lang at hindi ko alam kung papasok ba ako o hindi.
Pero dahil nanaig sa isipan ko na kailangan ko nang magpalit para makauwi na ako, naglakad ako sa pinto at hinawakan ang door knob. Nagawa ko pa ngang huminga muna ng malalim at nilabas din ito bago binuksan ang pinto.
“Knock, knock,” sabi ko pa at nang mapatingin ako kung saan siya nakatayo habang nakasandal ang baywang niya sa isang mesa, nakita ko kung paano siya nagulat sabay inikot ang ulo sa pinto.
“Ninya,” sabi niya.
“Uhm…” napalunok muna ako at hindi ko alam kung bakit. “Okay lang bang pumasok?” I sincerely asked. “Kukunin ko lang sana gamit ko.”
He chuckled na kinagulat ko. “Bakit naman hindi? It’s not like I own this room,” ngiti niya pa.
I paused at my place dahil doon. “Ah okay,” sabi ko nalang sabay pumasok ako and proceeded to get the paper bag kung saan ang pampalit ko.
Ang weirdo naman ng lalaking to. Kanina lang galit siya tapos ngayon nagawa niya nang tumawa? Ano yun, mood swings? Parang mas daig niya pa ang babaeng dinadalaw. Pero siguro nagawa niya ngang tumawa dahil hindi siya aware na narinig ko ang nangyari kanina.
Napaiglap ako kung nasaan siya at kita ko ang pagbago ng expression ng labi niya. Napaharap pa nga ako dahil doon. Kanina galit, tapos nung pumasok ako ngumiti, pero ngayon naman, ramdam ko ang lungkot sa mga labi niya. Mukhang may iniisip siya eh saka inaalala.
May pinagdadaanan ba ang lalaking to? Teka...
“Okay ka lang?” tanong ko na kinabigla niya by how he raised his head to turn to me… pero nagulat din ako. Did I just say that out loud?
“You can tell that I’m not?” tanong niya na this time, ikinabigla ko naman, at mayamaya, ikinataka ko. Wait what? Was that a trick question?
Nang tanungin ko yun sa sarili ko, parang na-realize ko na oo. Oh great. Dapat hindi ko tinanong yun. He’s thinking that I’m invading his privacy.
Bigla nga siyang tumayo ng matuwid. “Ah sorry kung ano…” bahagya akong napatigil nang bigla siyang unti-unting lumapit sa akin kaya napaatras ako ng di oras hanggang sa nabangga ang likod ko sa isang pader and he pinned me on the wall.
Oh great. He’s doing it again. I started to panic sa ginagawa niya. What did I even do? Ang nakakainis nilapit pa ng loko ang mukha niya sa mukha ko kaya napaiwas ako at napapikit ng mata. Sana hindi ko nalang tinanong yun!
“Finally...” bulong niya. “...someone at least care.”
Napamulagat ako ng mata sa gulat dahil sa narinig ko.
“No wonder I respect you,” dagdag niya pa.
Napaharap ang mukha ko sa kanya dahil doon. Kahit ilang pulgada lang ang layo ng mukha niya sa akin, hindi ko napansin ang distansya dahil sa gulat. He was smilling back at me. What do he mean by that?
No one talked after that, pero siya ang unang lumayo sa mukha ko at binulsa ang dalawa niyang kamay habang nakangiti pa rin sa akin.
“You respect me?” nagtataka at gulat kong tanong. Hindi pa rin ako nakaka-recover.
“Yeah,” sagot niya naman and turned his head at a different direction. “Hindi ko alam kung napansin mo pero out of all the models that come here in this studio…” he paused and turned back his blurry face to me. “...ikaw lang ang model na hindi ko pa hinahalikan.”
Tuluyan akong nagulat sa sinabi niya at hindi nakaimik. Did he just bluntly said that to me?
“I don’t know why…” dagdag niya sabay nilagay niya ang dalawang kamay sa likod ng kanyang ulo. “...but there’s something about you kaya hindi kita kayang lapitan para makipaghalikan, even though you have that seductive, kissable lips.”
Nagulat na naman ako dahil sa sinabi niya. What is this guy even talking about?
“Maybe because I prefer older women to make-out,” dagdag niya pa. “I know you’re a student like me and knowing na part-time job mo pala ito to help out your family, I respect that.”
Nang sabihin niya iyon, doon na ako bumalik sa katotohanan at naalala ang tungkol sa hawak-hawak kong paper bag kung nasaan ang pampalit ko.
“Uhm anyways,” sabi ko nalang para tumigil na siya sa pagsasalita. “It’s nice to know that pero kailangan ko na talagang magpalit para makauwi na ako,” pagmamadali ko at naglakad papunta sa pinto…
...pero nang dumaan sa isipan ko ang unang usapan namin kanina, napatigil muna ako sa pintuan.
“Saka nga pala,” sabi ko at liningon siya, para balikan ng ngiti. “Kung may pinagdadaanan ka, andito lang ako kung gusto mo ng kausap.”
Hindi ko na pinansin ang reaksyon niya at nagmadaling pumunta sa CR. Pagkarating, damit lang ang dala ko kaya damit lang ang pinalit ko. Teka, dapat dinala ko nalang sana ang make-up kit ko para mabura ko ang make-up ko at bumalik sa pagiging Nia para hindi na hassle. Naglabas nalang ako ng buntong hininga. Hayaan mo na. Doon nalang sa isang tagong CR para sigurado.
Habang nakaharap ako sa isang mirror, tinatanong ko ang sarili ko. Hindi ba dapat inis ako sa lalaking yun? Bakit nagawa kong ngumiti sa kanya kanina at sabihan siyang pwede niya akong kausapin?
Yung mga labi niya kasi. Dahil sa hindi ko nakikita ang mga mata niya, parang natututo akong basahin ang emosyon niya sa mga labi niya. Ang lungkot niya kasi eh. Para talaga siyang may pinagdadaanan.
Pagkalabas ko ng CR,
“Ay palaka!” gulat kong saad dahil may tao sa harap ko pagkabukas ko ng pinto. Mabuti nalang at hindi pa ako nakapagpalit as Nia.
“Ang gwapo ko namang palaka,” ngiti niya pang sagot. Kung hindi niyo pa na-gets kung sino ang taong tinutukoy ko, tip: malabo ang mukha niya.
“Ano bang ginagawa mo diyan?” tanong ko sa kanya.
“Hinihintay ka,” sagot niya.
Nagulat ako. “Hah? Ba-bakit?”
He paused first na ikinataka ko. “About what you said earlier…” sabi niya at napahawak pa sa kanyang batok.
Nagtaka muna ako sa ibig niyang sabihin at prinoseso ang utak ko. What I said earlier? Alin doon? Ang dami ko kayang sinabi.
“May mall diyan sa tabi,” sabi niya. “Pwedeng doon tayo mag-usap.”
Sa sinabi niya saka ko lang na-gets kung alin sa mga sinabi ko. Ah, that sentence.
“Look Nathan,” simula ko. “Totoo yung sinabi ko kanina pero not now. Kailangan ko na kasing umuwi sa amin eh.”
“Oh that’s fine,” sagot niya naman agad. “Alam ko namang nagmamadali ka. Tomorrow then?”
Nginitian ko siya. “Sure. Sakto wala akong raket bukas.”
~*~
Remind me guys na dapat I look like Ninya pag kakausapin ko ang Ashen West student na iyon. Baka bigla ko kasi siyang lapitan as Nia tapos magugulat siya at maibunyag ang sikreto ko ng di oras. Ngayon, sinabi ko rin sa sarili ko na hindi muna ako ulit pupunta sa border wall. Takot pa rin ako pero I’m thankful na nagawa ko siyang sabihan na pwede niya akong kausapin as Ninya because I’ll take this as an advantage para malaman ang pinagdadaanan niya. Gusto ko rin kasing malaman ang intensyon niya sa akin being the Black King.
Pagkarating namin sa mall, we met in front of a café at doon na rin kami nag-stay para mag-usap. Pagkatapos namin mag-order ng drinks,
“So while waiting…” simula ko to break the ice. “...you can start if you’re ready.”
He paused at his place first at kahit unti-unting nagiging awkward sa pagitan namin, hinayaan ko siya. I understand it clearly anyways. First time lang namin mag-usap at kung sakali ngang malalim ang pinagdadaanan niya, I know he’s thinking the right words to tell to me first. I know he don’t trust me fully yet.
“Ninya,” sabi niya bigla kaya bumalik ako sa katotohanan. “Saan ka nag-aaral?”
Nagulat ako sa unang sentence na lumabas sa bibig niya, pero parang napatahimik ako sa tanong niya. Maiirita nga ako sa una dahil yun talaga ang sasabihin niya to start this conversation, pero na-realize ko ang sitwasyon ko ngayon at kung bakit may bigat ang tanong na iyon.
Nilunok ko muna ang kaba ko bago sumagot, “Ah diyan lang sa ano…” I paused to think an answer. “Diyan sa International Sanders Academy.”
He also paused bago nagtanong muli, “Sanders?”
“Oo,” sagot ko naman. “Hindi mo ba alam yung school na yun?”
“Alam ko,” sagot niya. “Pero ang pagkakaalam ko na pang mayaman ang school na yan.”
Napapikit ako ng mata. Bakit hindi ko naisip yun? He knows that I work as a part-time model so clearly mapapatanong ka talaga pag ganun.
“Scholar,” sabi ko. “Isa akong scholar ng school na yun.”
“Ah. Kaya pala,” sabi niya naman. Buti nalang nabenta sa kanya.
“Anyways, why are you asking me about this suddenly?” tanong ko naman hoping to change the topic.
Naglabas muna siya ng buntong hininga. “Yung problema ko kasi, it has something to do with where I am studying,” sagot niya.
Nagulat ako. “Alam mo yung CHESS school?” tanong niya.
Hindi ako nakaimik agad pero agad din akong bumalik sa katotohanan para sagutin siya.
“Ah yung CHE-CHESS school. Yes. I-I am aware of that school,” sabi ko. “Famous nga yan eh, especially the Ashen West Academy.”
“Yeah,” sabi niya. “That’s where I am studying.”
“Ah,” sabi ko nalang na walang bahid ng gulat. “Pangmayamang school din yan ah.”
“Oo nga eh. But I’m not really rich. My dad is,” sabi niya naman.
“Oh. E di kung ganun, why are you working as a part-time photographer?” tanong ko.
Naglabas na naman siya ng buntong hininga. “Let’s say first, it’s complicated,” sabi niya. “And secondly, I love to take pictures. It’s one way to keep my memories.”
Nagulat ako sa mga sagot niya. If he says it’s complicated, I know he is reffering to his family. At yung pangalawang sinabi niya, well that’s something good to know. Because if he is indeed using photos as a way to keep memories… and he says he has amnesia… I can use that as a way to help him recover his memories.
“Uhm so, what specifically is the problem you have in school?” tanong ko nalang. “Baka mamaya school project o assignment lang yan na hindi mo kayang tapusin.”
“Well I have some na dala ko ngayon. Gusto mo ba akong tulungan na tapusin ito?” sagot niya naman na kinabigla ko.
He really has a way na paikutin ang topic.
“As much as I want to, ang pagkakaalam ko, hindi yun ang pinunta ko rito,” ngiti kong sagot. “Besides, I also have to deal my own school works mamaya pagkatapos nito.”
“Right,” sagot niya naman. “Ikaw naman eh. Hindi ka mabiro.”
Yup, that’s the usual Nathan. Pero naglabas na naman siya ng buntong hininga.
“Sorry if I’m beating around the bush. Ang hirap lang kasing uhm pag-usapan.”
Hindi ako nakaimik agad when he said that. Sakto, dumating ang in-order naming drinks and I sipped at my strawberry shake first bago nagsalita.
“I completely understand,” sabi ko nalang.
Bahagya siyang nagulat sa sinabi ko at ngumiti pagkatapos na ikinataka ko sa una.
“Ganito kasi yan Ninya…” sabi niya bigla at hindi ko alam na yun na pala ang simula ng kwento ng problema niya.
Kinukwento niya sa akin bawat detalye tungkol sa rivalry between the two schools, Ashen West and Raven East. I know to myself that I know those facts by heart since I am studying there pero laging kong sinasabihan ang sarili ko na I’m Ninya now so I have to act that I don’t know any of these things.
“And I want you to keep this one thing na sasabihin ko sa iyo only between you and me, okay?” paninigurado niya.
Tumango ako at seryoso ang mukha ko. “Okay.”
Naglabas na naman siya ng buntong hininga. “I’m actually meeting someone from the Raven East secretly inside our campus.”
Nang sabihin niya iyon, muntikan na akong mabilaukan sa inumin ko sa gulat. Humingi pa kami ng tubig para lang kumalma ako. Yes, I’m acting like I don’t know about that pero nagulat ako the fact na sinabi niya talaga iyon to someone like me?
“Yeah I know it’s shocking,” sabi niya pa. “Wala pang nakakaalam sa school namin ang tungkol doon kasi kung nalaman nila, I’ll be suspended by now at pati na rin siya and we both don’t want that to happen.”
Hindi ako makaimik sa mga sinabi niya. Hindi ko nga alam kung anong tatanungin ko. I am not ignorant to know na ako ang babaeng tinutukoy niya kaya I don’t know if I need to keep acting ignorant.
“So you better keep your word na wala kang pagsasabihan na iba tungkol dito,” paninigurado niya.
“Oo promise. Secret lang talaga yun,” sagot ko naman. Like hell I will even spill about that.
Tumahimik siya pagkatapos na ikinataka ko. Alam kong hindi pa tapos ang kwento niya pero… yun na yun? Wala na siyang idadagdag? Kung tutuusin, kung kunwari wala nga talaga akong alam tungkol dito, what he said is indeed a problem especially for him if he’s studying at such school. He shouldn’t meet with any Raven East, but if that’s the case, the good question here is…
“Bakit ka pa nakikipagkita sa kanya if you know that it’s against the rules?” tanong ko sa kanya. Good job Ninya. You’re actually getting a hang of this.
Ayan na naman ang buntong hininga niya. “I always ask myself about that same question. Kung tutuusin, she actually ignored me the first time we met dahil ayaw niya ngang lumabag sa rule. But she always keep going back at that place. Hindi ko alam kung may rason ba siya o ano pero kahit naman wala ako roon, doon pa rin siya tumatambay.”
“Maybe because she really loves that place,” sabi ko naman. I’m saying this to inform him at sana ma-gets niya.
“Siguro nga,” sagot niya. “At tingin ko ako rin. I’m starting to love that place too… ever since we started talking with each other.”
At that, hindi na talaga ako nakaimik pabalik. Nakakatameme yung sinabi niya, especially ngayong hindi niya alam kung sinong kausap niya ngayon.
“But the real problem here is…” sabi niya habang may kinukuha siyang bagay sa bag niya. “...this.”
Nang ilapag niya ang bagay na iyon sa mesa namin, napamulagat ako sa nakita ko.
“That is our school paper and that news is being read by all students, hindi lang sa Ashen West, but also sa Raven East na-publish ang article na yan.”
Mas lalo lang akong natameme at napatingin lang sa litratong nakabandara sa harap ko.
“Ever since nalagay yan sa school paper, hindi na ako nakakabalik sa secret place namin,” lungkot niyang sabi. “Hindi ko alam kung pumupunta pa rin siya roon pero…”
Hindi niya tinapos ang sasabihin niya. Parang nahawa ang mukha ko sa malungkot niyang labi dahil nalungkot din ako.
“Ito ba ang prinoproblema mo kahapon?” tanong ko.
Tinignan niya ako at tumango lang bilang sagot. Binalikan ko siya ng tingin.
“Bakit hindi ka makabalik sa secret place niyo?” tanong ko sa kanya.
His head turned away from me. “Duwag man kung isipin pero, natatakot kasi ako.”
Bahagya akong nagulat sa sagot niya. “Hindi ako makabalik dahil simula nun, parang halos lahat ng mata ng students ng Ashen West ay pinapanuod ang galaw ko. Ayaw kong mahuli.”
Napatingin muli ako sa school paper nila. We actually have the same reasons. Kung alam niya lang, hindi pa rin ako nakakabalik sa lugar na iyon.
Pero sa tagal kong nakatingin sa litratong iyon, napakunot bigla ang noo ko dahil dumaan sa utak ko ang matagal ko nang gustong itanong sa kanya tungkol sa pangyayaring iyon.
Tinignan ko siya pabalik. “In the first place, bakit mo kasi ginawa yun?” sabi ko sa kanya. “Malamang sa lahat ng mga nakakita, they might think something else. Ang sweet niyo kayang tignan sa picture na ito.”
“But she’s in danger at that time,” sagot niya naman.
“Eh rattan na bola lang naman. How dangerous is that,” sagot ko naman. Huwag kayong magulat kahit sabihin ko yun dahil nakasabi sa article ng news na ito kung ano talaga ang nangyari kaya aware ako.
Hindi siya umimik pabalik but faced away from me again.
“Sana naisipan mo man lang na taga Ashen West ka at taga Raven East siya bago mo ginawa yun. You’re actually putting both your school life in danger,” sita ko.
Hindi na naman siya umimik pero, naramdaman ko ang galit niya. Nakita ko kasi ang kamay niyang nakapatong sa mesa namin na naging kamao nang sabihin ko iyon. Pero hindi ko na inintindi yun. Umaakto lang siya parang bata na ayaw pagsabihan.
Naglabas nalang ako ng buntong hininga. “How important is she to you anyways na kailangan mo talagang gawin yun sa harap ng madaming tao?”
He turned back his face to me and answered me very seriously, “Very important.”
Nagulat ako sa sagot niya, pero dahil seryoso niyang sinabi iyon, napatanong ako sa kanya ng di oras.
"Very important as a friend..." I paused. "...or something… more?"
Hindi siya nakaimik sa tanong ko. Truth be told, ako rin gulat ako sa tanong ko pero, hindi ko pinagsisihan na tanungin yun dahil… gusto ko rin manigurado.
"What you think that I li-like her?" he started to stutter. "Well ye-yes I like her bu-but…" his face turned away from me again. "...but only as a friend."
Nang marinig ko ang mga salitang iyon, parang nakahinga ako ng maluwang. Hindi ko na pinakialamanan ang tono ng boses niya at kung paano niya iyon sinabi basta alam ko kung anong tingin niya sa akin as Nia.
Buti nga rin at malabo pa rin ang mata niya, para hindi ko malalaman kung nagsisinungaling ba siya o hindi.
"Kung ganun naman pala, eh ano pang kinakatakot mo?" sabi ko sa kanya. "If you value your friendship with her very much, then treasure it. I'm sure she feels the same way too."
His face suddenly turned back to me. "You think so?"
Nginitian ko siya, genuinely.
"Oo naman. And I'm pretty sure hinihintay ka na niya rin sa secret place niyo."